Tinignan ko ang sarili at inayos ang gown. Hinanda ko rin ang singsing na may nakalagay na powder. Para sakanya 'to.
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ang lalaki. I thought sikat siya? Bakit mag-isa lang siyang nakatayo?
"Hey..."
Tinignan ako ng lalaki saglit. Tapos ay mabilis na ding umiwas ng titig.
"I notice that you're alone..."
"Obviously," his baritone voice echo. Medyo kinilig ako sa boses nito.
Tinignan ko ang katawan ni George Anderson. He is taller than me, may malalapad na balikat at saktong muscles sa katawan.
I looked on his serious eyes. Kahit naka-maskara, alam kong super pogi niya! Dedma kahit hindi pogi! Fafa naman ang katawan.
Sayang naman at hindi pwede jowain ang bino-bogus namin. Kainis, sugar daddy material 'to oh!
"Pwede bang samahan kita dito?" I asked him.
Tinignan ako nito at inirapan. Wow. Akala ko ba ay playboy ang isang 'to? Dapat madaling kumagat 'to! Duh! Ang sexy kaya ng suot ko ngayon!
"Hindi ko kailangan ng kasama," he said.
"But I need one," pinaarte ko pa ang boses ko. I acted cute.
Pa-hard to get ba siya? Nakakainis naman. Akala ko normal na fvckboy lang ang George na 'to?
Inayos ko ang aking postura. I am five-six tall, very slim and has a sexy boob. Iniluwa ko 'yon—just to give emphasis of my curves.
Sige na... Huwag ka ng pabebe.
"Maraming sumusunod sa'yo kanina... Bakit hindi iyon ang kausapin mo?"
Tumaas ang kilay ko at tumawa. Sinadya kong sumandal sa braso nito at tinignan siya ng malalim.
"Kanina mo pa ako tinitignan huh?"
Naningkit ang mata nito at tinignan ako bago mabilis umiwas ng tingin. Hindi na lang siya nagsalita.
Nakakairita ha! Ang hirap naman landiin ng isang 'to! Mukhang hindi naman totoo ang sinasabi nila na palapatol ang lalaki kahit konting kalabit lang!
"Nakilala mo ako kahit may maskara, huh?" Sabi nito. I couldn't really tell his expression—pero parang nang-aakit talaga ang baritono nitong boses.
Baka mamaya ako pa ang maakit nito!
"You're changing the topic... Kanina mo pa ako tinitignan?" Balik ko sa topic namin.
Malamang kilala ko siya. Planado ang lahat ng 'to.
"Who wouldn't notice you? Every bachelor is looking at you," kaswal na tugon nito. Parang wala lang.
Napangiti naman ako. That's right, talk. Sa paglapit ko sakanya ay naramdaman ko ang matapang nitong pabango.
Shocks, ang bango niya. Inilapit ko pa ang sarili—wala lang, I like the feeling.
"Why are you alone anyway?" Kumapit ako sa braso nito at pinisil iyon. Hala, ang tigas!
Ano kayang itsura nito ni George? Sa picture kasi mukha lang siyang typical na the boy next door ang itsura. Maputi at gwapo.
Pero hindi ko inaasahan na sa personal, maala-sugar daddy pala ang katawan nito! What a bulky man!
Nanindig ang balahibo nito ng hawakan niya ang likod ko. Backless kasi ang dress ko kaya tumama ang hawak niya sa balat ko.
He leaned on my ears and whispered something.
"Because they are all scared of me. Ikaw? Hindi ka ba natatakot?" He lightly growl on me. Parang nang-aakit ang tinig nito.
I couldn't concentrate because of his fingers circling around my bare back. Oh my gosh, focus Magnolia!
Umayos na ito ng tayo at muling tumingin sa stage. Nakikinig sa nagsasalita. Habang ako naman ay na-estatwa. I don't know what to do anymore!
"Hey baby..." He called me. "I would like to take you but... I am a very busy man. Nice try though..."
Bigla akong nagising. Teka? Aalis na siya? Hindi ko pa nakukuha ang heirloom ring na inutos sa'kin!
Hinawakan ko ang hita nito para pigilan siya tumayo. He looked at me darkly.
"But I would like to play with you," I told him. "Ayaw mo bang makipag-laro sa'kin? Hmm?"
"What a nice offer..." He chuckled. Pagkatapos noon ay hinawakan niya rin ang hita ko. "But I am not interested..."
Oh no! I need to make him stay!
"Fine. But at least can I get you a drink?" I asked him. Kailangan ko na gawin ang plano ko.
"A drink? Lalasunin mo ba ako? Don't bother—"
"That's messy... Here? Lalasunin kita? Baka makulong pa ako," tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Don't leave please? Just stay!"
"Okay then.. But if something goes wrong, my bodyguard won't hesitate to..." hinila nito ang kamay ko para mapayuko sakanya. "Bang... you."
Napalunok naman ako. I need to be careful of putting the drug on his drink!
"That's not going to happen, Daddy." I chuckled. Trying to hide my nervous.
Mabilis akong naglakad papunta sa comfort room para mag-ayos ng sarili.
"Magnolia, get a hold of yourself!" Imbes siya pa ang tangayin ko—mukhang ako pa ang nawawala sa wisyo!
What did he even do? Hinawakan lang naman niya ako! Nakakainis! Inayos ko na ang pina-plano ko at kinokondisyon ang sarili sa gagawin.
Pagkalabas ko ay may nabangga akong lalaki. Wearing a navy blue suit without his mask. Pulang-pula na ang mukha nito.
Natigilan ako. What the fvck? Is this...George Anderson?
"Sorry, Miss..."
Maliit na lalaki... at pangit na boses. Hinawakan ko ang leeg nito at inilapit sa'kin.
"Woah, M-Miss! Don't be so aggressive—"
"Who are you?"
Tumawa ito.
"Hindi mo ba ako kilala? I am George Anderson—the heir of Anderson Enterprise!"
Nanlamig naman ang katawan ko sa sinabi nito. He is really George Anderson!
Tinignan ko ang kamay nito at hinanap ang heirloom ring na suot niya. Iisa lang naman ang singsing na suot niya kaya ng makita iyon, mabilis kong hinugot sakanya at umalis.
My heart thump. I actually forgot to look on his hand the heirloom ring!
Hindi ko na rin kailangan painumin si George ng sleeping pills. He is already wasted to remember anything!
Nang makalabas sa hotel ay mabilis akong napailing. Then who the f**k I seduced there? Dapat ay mas naging matalino ako sa pag-obserba!
Iba... pa ang taong inakit ko! Sino kaya 'yon? Hays! Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga—tapos na ang misyon ko dito! Dire-diretso ang labas ko ng venue at pumara na ng taxi. I thought everything will be okay pero nagulat ako ng may humila sa beywang ko. My eyes widened when I smell a familiar scent... That guy!
"I thought you're going to give me a drink?" Mahinang tanong nito. Parang nanlalambing.
Oh no...