Kabanata 1

1066 Words
Umagang-umaga ay nakita ko si Gio sa pintuan. Bitbit ang isang lugaw sa kamay niya. Ngumisi sa'kin ang lalaki. Napangiwi naman ako sa outfit niya. "Anong suot 'yan? Ang sakit mo sa mata," komento ko sa suot niya. Tinanggal ni Gio ang sunglasses niya. "Good morning baby girl!" Ngisi nito. Sinamaan ko ito ng tingin. "Mukha kang tanga. Umagang-umaga!" Kusa siyang pumasok sa bahay namin. Ang kapal talaga! "Hindi pa kita pinapapasok," I told him. Umupo pa ang gago at ngumisi lang. "Sabi mo mag-uusap tayo? Anong nangyari?" "Umagang-umaga, nandito ka Gio?" Si Papa at lumabas sa kwarto. Kinuha ko ang dalang lugaw ni Gio at hinandaan si Papa noon at mga gamot niya. "Bakit ka na naman nandito?" Usisa ni Papa. "Alam niyo na, Tito! Trabaho para sa magaling niyong anak!" Inihain ko kay Papa ang lugaw. "Pa kain na, iinom ka pa ng gamot." "Anong klaseng role 'yan?" Tanong sa'kin ni Papa. Sinamaan ko ng tingin si Gio. Dito pa talaga siya magpa-paalam ha! Alam naman niyang todo kontra si Papa sa ganito! "CEO," sagot ko. Kumunot ang noo ng aking ama. Habang si Gio naman ay hinihintay ang reaksyon ng Papa ko. Mukhang si Papa pa ang pipilitin ng lalaking 'to! "Alam mong hindi tumatanggap ng ganyan kalaking role si Magnolia," si Papa. "Malaki ang kikitain dito!" Si Gio na ang sumagot. "Napilit ko ang nag-hire sa'tin na taasan ang presyo hanggang fifty. Sa'yo ang kwarenta, MM. Ano?" "Aba, sampung libo sa'yo?" Simangot ko. "Ano ka ba? Isang gabi lang 'yon!" Kumbinsi sa'kin ni Gio. "Isang gabi lang ang drama. Kayang-kaya mo 'yon!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Isang gabi lang? Akala ko buong araw? Parang meeting ganon? "Anong klase bang drama ang ia-acting ko?" Ngumisi si Gio. "Masquerade party." Sa ganitong paraan ako lumaki kasama ang ama ko. My father is also a con artist. Humahanga pa ako sakanya dahil sa galing niya um-acting sa tuwing may tinatanggap siyang drama. Ang 'drama' para sa'ming con artist ay literal na palabas. Anong klaseng pagpapanggap namin. Saan at ano kami. Parang plot. Anong kwento. Sino ang tao sa paligid. Ang 'role' naman ay kung sino at anong ganap namin. Isa ba kaming nanay, tatay, girlfriend, kabit or secretary. Aaralin din namin ang buhay noon. Kung sino ang iba pang karakter sa buhay ng taong 'yon... at sino ang lolokohin namin. Binabayaran kami para magpanggap o gumawa ng karakter. This one pays big. Hindi ako iyong tipo ng con artist na nanloloko at kukunin ang pera nila basta. We have a service. You can say, ako'y binabayaran para magpanggap na ibang tao. Noong bata ako, nangarap lang ako maging isang teacher. But look what life made me do. Nang magkasakit si Papa—ako na ang pumalit sa pwesto niya. Gusto niya pa ako mag-college... but that's just impossible. Sabi rin naman nila Gio at iba pang con artist—natural daw ako sa larangan na 'to. Like I was born to be a con artist. My face and height is my power. "Ano? Isang gabi lang," si Gio. Tinignan ko si Papa. "Ano Pa? Sa tingin mo?" It's not a bad offer. Isang gabi ko lang kailangan um-acting at tapos na! Mukha namang hindi din delikado doon! A masquerade party huh? Hindi ko pa nararanasan magpanggap na CEO. "Binigay sa'kin 'tong twenty thousand para ibili mo ng damit," iyon ang sinagot ni Gio sa'kin. "At maskara daw. Hindi ko alam kung para saan ang maskara—" "Tanga, masquerade nga 'eh!" I shouted. "What's the story?" Umupo na ako. Twenty thousand just for a dress? I guess para na rin sa jewelry. Shopping na naman! Gusto ko na tuloy tanggapin! I want to go shopping! "Kailangan mo hanapin si George Anderson," ibinigay nito sa'kin ang litrato ng isang lalaki. Tumaas ang kilay ko. "Ite-text na lang daw nila yung outfit nitong lalaki sa'tin. Hahanapin mo siya at kukunin iyong heirloom ring na suot niya." "May nanakawin ako?" That sucks! Bawal bang magpanggap na lang? "Oo," ngisi niya. "Kayang-kaya mo 'yan MM. May maskara pala 'eh!" "Anong plano? Aakitin ko ba?" I asked. Naubo si Papa at sinamaan ako ng tingin. Tumawa lang ako. Si Papa, parang hindi sanay! "Alam kong sasapukin ako ni Tito pag pinagawa ko sa'yo 'yan. Meron kang ilalagay sa inumin niya para hindi ka matandaan o ano." "Sure ka bang hindi nakakamatay yung drug?" "Alam naman ang ginagawa natin diyan," he said. Sabagay. Gio will take the medicine. Mahirap na at baka may mapatay kami. Bago ang lolokohin namin, pag kailangan may ipainom—kami muna ang iinom ng gamot. Manloloko lang kami, pero hindi kami mamamatay tao. "Ano? Tatanggapin mo ba ang drama?" Ngumuso ako at tinignan ang ama. Tumaas lang ang kilay ni Papa at tinignan ako. "Ano gusto mo ba?" Tanong ni Papa. Tumango ako. "Mukhang madali lang naman 'yong role." Sanay na ako sa ganong role—lalo na pag may inaakit. Sino kaya ang kliyente namin? All for this—just for a heirloom ring? Mayayaman talaga. Kakaiba. "Mag-iingat ka, anak." Si Papa. Sanay na ako sa ganitong trabaho. My father also wanted to stop me—but he likes it when he see me do this work. He is proud. Alam ko—pero gusto rin niya akong tumigil sa larangan na ganito. He said he wanted my life to be less chaotic. A world where I can trust. Pero sa tingin ko, huli na ang lahat para sa ganon. "Moiselle Herrera," a man in suit called my 'name.' Wearing an elegant white dress with gold lining, I entered the grand venue. The spotlight is on me—ganon naman talaga. But everyone is looking on me. Aba dapat lang, ang hirap maglihod at magpa-spa! Napakamahal ng bayarin! I made sure that my mask is on tact. Hindi ito pwedeng matanggal. The venue is nice—lahat ng tao dito ayon kay Gio ay mga business tycoon. Mga bilyonaryo. Pwede kaya ako humanap ng mapipikot dito? This party is just for gathering. Weirdos. Nagsayang sila ng pera para lang magkita-kita? I tried some food—and a lot of man attempt to talk with me. Pero hindi ako pumayag. Tumaas ang kilay ko ng makita ang matangkad na lalaki. A navy suit with necktie. Tinignan ko ang litrato. Ito ba iyong pinapahanap sa'kin ni Gio? Ito ang nasa litrato. I found him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD