CHAPTER 11: NIGHT OUT

2032 Words
Nagpumilit si Abby na sumama ako sa night out nila ng mga kaibigan niya. Nangako naman ito na hindi siya pababayaan dahil sa buntis nga siya. At kahit wala sa mood ay napapayag na rin niya ako bandang huli. Ika niya ay kailangan ko ang magliwaliw para kahit papaano ay makalimutan ko ang mga hindi magagandang nangyari sa akin. Pinayagan naman ako nila Daddy dahil may tiwala sila kay Abby kaya naman naririto ako ngayon sa harap ng salamin at sinisipat ko ang aking sarili. Nakapagbihis na ako at nakapag make-up na rin. I am wearing a black knitted dress and paired with silver jewelry and black 2-inches stiletto. At gaya ng dati light make-up lang ang linagay ko sa mukha. Medyo maumbok na rin ang aking tiyan. Napangiti ako sa aking nakita. "Lalabas muna si mommy, huh? But don't worry iingatan kita." Lumabas ako ng silid matapos makapag-ayos ng srili. Nasa hagdan pa lamang ako ng salubungin ako ni Elita. "Ahmm, nasa labas na ang kaibigan mo... hinihintay ka." pinigilan ko ang mapangiti sa harap ni Elita. Alam ko na sinusubukan niyang maging casual sa harap ko dahil iyon ang gusto ko. Labag man sa nakasanayan niya ay wala naman siyang magawa para tutulan ito. Isa pa, gusto ko lang talaga na maging palagay siya sa akin. "Bakit hindi muna siya pumasok?" Bumaba na ako ng hagdan at lumapit sa kanya. "Doon na lang daw siya maghihintay." nagkibit-balikat na lamang ako sa sinabi niyang iyon. "Ok, mauna na ako at pakisabi na lang kila mama na umalis na ako kung sakali man na magtanong." "Sige po, mag-ingat po kayo." yumukod ito ng kaunti ng makalabas ako ng gate. Napailing na lang ako sa inakto niya at hindi na sinita pa. Agad akong pumasok sa sasakyan ni Abby. Napagkasunduan namin na iisang kotse lang gagamitin since nasa malapit lang naman ang bahay nito sa mansyon. "Mukhang blooming ang buntis, ahhh?" Natawa ako sa tinuran ni Abby ng makaupo ako sa passenger seat. "Matagal na, ngayon mo lang ba napansin?" pakikisakay ko sa kanya. "Sana all, kahit buntis ay gumaganda lang lalo. I can't wait to see you carrying with a baby bump. Sa tingin ko ay bagay sayo at seksi ka pa rin tingnan." patuloy ang pambibilog nito sa akin kahit pa busy ito sa pagdadrive. Natawa na lang ako sa mga litanya niya. Kahit kailan talaga ay madali akong mapasaya ng babaeng ito kahit sa mga simpleng bagay lang. Pagdating namin sa S Club dito sa Pasay, ay sumalubong sa amin ang grupo ng mga kababaihan na sa tantiya ko ay mga kaibigan niya. Apat silang naggagandahang babae at may kanya-kanyang aking alindog. "Oh, andito na pala ang reyna ng mga loka-loka." nagtawanan ang iba pang kasama nito sa sinabi ng isang babae. Maputi siya at halos kasing tangkad ko. She has a doll eyes na bumagay sa hugis puso nitong mukha. Sa unang tingin ay may pagkahawig ito sa artistang si Isabel Granada. "So, ano kayo mga alipores ko?" nakataas pa ang kaliwang kilay ni Abby na siyang lalong naging dahilan para magkatawanan ng malakas ang mga kaibigan nito. "Ay naku, hindi ka na nasanay kay Marielle. Alam mo naman yan walang preno ang bibig." sabi naman ng isang babae. May pagka-chinita ito at may features ng Korean. Marahil ay may lahi ito dahil kahit saang angulo mo tingnan ay litaw na litaw ang korean look na siyang kinababaliwan ng mga kabataan ngayon. "Ipakilala mo naman kami sa kasama mo, bruha." sabi naman ng isa pa. Morena ito at maamo ang mukha. Sa katunayan, kanina ko pa siya napapansin kasi nagagandahan ako sa itsura niya. Napaka-angelic nito at talaga naman hindi nakakasawa na titigan. "Ayy, oo nga pala. Si Sherly, ang boss ko." pakilala ni Abby sa akin sa mga kasama niya. "Hi! Nice to meet you girls. Hope you don't mind if I join you here." I give them my most genuine smile as I approached to them. "Ayyy, bongga! nandito ang CEO pinakasikat na publishing sa buong bansa. I'm Sheena Andrada, model at ako ang pinakamaganda at sexy sa aming magkakaibigan." I like the way her smile. She has a perfect set of teeth with a small dimple on the left side. Although may pagkakalog ito na siyang di mo aakalain sa unang tingin. "Wow huh! nahiya naman sayo ang beauty queen natin dito." singit ng isa sabay turo kay Marielle. Medyo bilugan pero makurba ang katawan nito at sexy sa suot niyang fitted dress. "...anyway I'm Kathryn Umali, part-time model and photographer." inabot ko ang nakalahad niyang kamay ng nakangiti. "Eh bakit totoo naman sinasabi ko, huh?" depensa naman ni Sheena rito. Hanggang sa tuluyan na silang nagtalo na hindi ko na nasundan yung mga pinagsasabi nila. Simple ko na lang kinamot ang kilay ko dahil sa pagtatalo nila. "Pagpasensyahan mo na yang dalawa na yan mga aso't pusa kasi. I'm Marielle Salcedo, fashion designer s***h wedding coordinator." nakipagkamay siya sa akin na tinanggap ko kaagad. Siya yung may pagkahawig kay Isabel Granada. "Nice to meet you. Ahmm you really looked familiar, I think I have seen you somewhere...." medyo nanantya kong tanong sa kanya. Tumawa siya ng bahagya sa sinabi. "Maybe because I'm a former beauty queen. Ms. International 2018?" medyo nahihiya pa siya sa pagkakasabi nun sakin. I was shocked when I heard her saying those words. I mean, it was my first time to have conversations with people like her. Gosh! isa pa lang beauty queen kausap ko at nakakasalamuha ngayon. Nabaling ang tingin ko kay Abby para kumpirmahin ang nalaman ko na tinanguan naman niya. "Ako naman si Ashley Esteban, magkasosyo kami sa business ni Marielle. Actually lahat kami wedding coordinator mas focus lang talaga kami ni Marielle sa business na ito. Unlike si Abby at Sheena ay may mga nauna nang trabaho na hindi nila mabitaw-bitawan." Ito naman un sinasabi ko na kanina ko pa tinitingnan. Morena ang skin niya at mala anghel ang mukha niya. Feeling ko nga pinaglilihian ko siya. Lihim akong natuwa sa pagkakatitig sa mukha niya. "I love my job that's the reason why. Isa pa kaya ko naman isend through emails ang portfolio ko. Besides I know na kaya nyo nang tatlo yung pamamalakad ng business natin, di ba?" Mataman ko tiningnan si Abby sa sinabi niyang iyon. Nagkibit balikat lamang ito matapos niyang sabihin iyon. "Hindi ko alam na may talent ka pala sa ganun?" May paghangang sabi ko sa kanya. "Asus, enough with that thing. Andito tayo para maglibang at magsaya, so girls..... let's get party!!!! hiyaw bigla ni Sheena na siyang nagpabuhay sa mga dugo namin. Napagpasyahan nilang uminom ng hard drinks. Pero dahil buntis ako at iniisip nila ang kapakanan ko ay juice lang ang pinainom nila sa akin. The night gone wild at halos lahat ng naandun ay lasing na. Karamihan ay nasa dance floor at nagsisipagsawayan na tila walang bukas pa. Napansin ko na malakas na ang tama ni Sheena kasi sobrang kulit na nito at kung anu-ano na ang sinasabi nito na halos na hindi na maintindihan. "Girls, from now on... noh boysh allowed sa grupo natin... hik.... mga manlolokoh lang ang mga yan..." Sheena said. Muntik pa itong matumba paupo sa upuan nito. "Lasing na ka bruha." inalalayan siya ni Marielle para di siya tuluyang matumba. "No, I'm ok, tip..sy lang ako p.pero hindi pa ako la...sing. Pero seryoso ko sa si...nabi ko.... No boys at all." iwinagayway pa ni Sheena ang dalawang kamay nito. "Huwag kang ganyan. You know how much I love Glenn." Protesta naman ni Ashley kay Sheena. "Loka-loka at nagpapaloko ka naman. Sige nga sabihin mo sa akin kelan ka balak ipakilala ni Glenn sa family niya, huh?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong nito kay Ashley. "I-i don't know, but he promised me na ipapakilala niya rin ako sa family niya soon." nag-iwas ng tingin si Ashley dahil kitang-kita ko na kahit siya ay hindi rin sigurdo sa sagot niya. "See?! You don't have a concrete answer. So, ano aantayin pa niya, na lumabas ang baby bago ka pa niya ipakilala sa family niya? My God, 5 years na kayong magkasintahan pero kayong dalawa lang ang nakakaalam maliban sa amin. Aba, daig mo pa ang kabit kung itago ka. " Madiin nitong sabi na inilingan lang iba niyang kaibigan. Si Ashley naman ay natameme na lang sa mga sinabi sa kanya ni Sheena. "Huwag ka naman ganyan kay Ashley. Alam mo naman na hindi niya kagustuhan ang nangyayari sa kanila ni Glenn. Para ka namang hindi kaibigan?" pagtatanggol naman ni Marielle kay Ashley. Kaunti na lang at mukhang maluluha na ang isa. "Huh!! Yun na nga kaibigan ko siya, natin. Concern lang ako sa kapakanan niya. At hindi ko hahayaan na ganun ang gagawin nila sa kahit sino sa inyo." Mataman niyang sabi sa mga kaibigan niya. Hindi ko akalain na sa likod ng pagiging bubbly niya ay nakatago ang amazona na handang makipaglaban para sa mga kaibigan niya. "Iinom na lang natin yan. Andito tayo para magsaya at kalimutan ang mga lahi ni Adan." sabi ni Abby na binututan ng tawa. "Cheers!!!!" sabay-sabay naming hiyaw dahil masyado ng maingay ang tugtog sa loob ng club. Nagpatuloy ang inuman nila ng alak habang ako naman ay nakuntento na lamang sa ice tea. Iinumin ko na sana ang nasa baso ko ng biglang may umagaw nito. "Pati ba naman ang bata ay hindi mo na inisip. Ganyan ka ba talaga kapabaya at walang pakialam sa pligid mo?" Sunud-sunod na sita ng kung sinong Poncio Pilato sa akin. Paglingon ko sa kanya ay medyo nagulat pa ako. Ngunit hindi ko pinahalata sa kanya. Bagkus tinaasan ko siya ng kaliwang kilay dahil sa ginawa niyang paninita. "Excuse me?! As far as I know, we're not related to each other. So, bakit mo ako pinapakialaman?" matapang kong sagot kay Darren. "Huh! Oo nga naman wala na akong pakialam. Kasi bakit nga ba ako makikialam sa'yo eh hindi nga naman kita naging girlfriend not even before." nakatiim-bagang nitong turan na halatang nagpipigil lang ng galit. "Yun naman pala. Kaya ano pa ginagawa mo dito, tsupi. alis." pagtataboy ko rito dahil naiirita na ako. Pupulutin ko na sana ang isa pang baso ko ng kinuha niya ulit iyo. "Hey, what are your doing? Hindi ka ba nakakaintindi?" susuntukin ko sana siya ng bigla niya nahagip ang wrist ko at hinapit sa katawan niya palapit sa kanya. Bigla akong naalarma ng magkadikit ang mga katawan namin. Pilit hinahanap ng mga mata ko ang mga kasama ko kanina ng mapansin kong busy na silang lahat sa pagsasayaw sa dance floor. "Siguro nga wala na dapat akong ipakialam sa gagawin mo sa sarili. Pero hindi sa sanggol na dinadala mo." Mariing sabi nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayapos niya sakin nang sinubukan kong makakawala sa kanya. "Bitiwan mo ako.... ano ba?!! Nasasaktan ako!" pagpupumiglas ko sa kanya at pilit na tinatangal ang braso niya. Ngunit sadyang malakas ito at nanghihina lang ako sa aking ginagawa. Tinanggal niya ang braso niya sa bewang ko pero mabilis lang niya na inilipat ang kamay niya sa siko ko. Dali-dali niya akong hinila palabas ng club at tinungo niya ang kanyang sasakyan sa di kalayuan. Agad kong piniksi ang kamay nya para makakawala dito. 'Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" inis kong baling kay Darren. Ano bang problema nito at bigla-bigla na lang nanghihila? Ano kala niya sa akin kaladkarin? He open the passsnger seat and drag me inside his car. Napamura ako ng di-oras ng muntik ng tumama ang mukha ko sa may pintuan ng kotse nya. Ghad, not my face. Sa inis ko ay pinukol ko siya ng masamang tingin. Umikot siya sa driver seat at agad na pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. "Saan mo ba ako dadalhin, huh?" histerical na sabi ko at hinampas siya sa braao para lang magsisi dahil mas ako ang nasaktan sa ginawa ko. Jusko bato talaga ang isang ito. "Shut up!!! Will you?!" inis na lingon nito sa akin at mabilis na ibinalik ang paningin sa kalsada. Bigla akong kinabahan sa reaksyon niya at pinili na lang na manahimik. Mukhang hindi papadaig ang gag*.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD