Maayos ang naging meeting with the new investors. Sa katunayan ay agad silang pumirma sa kontrata kahit pa man hindi pa nababasa ang kabuuan nito.
Nasa parking lot na kami ni Andrew ng makita kong lumabas si Darren ng kotse at may kasama itong magandang babae. Napakaelegante nito sa suot na dress at napakaganda nito.
Pakiramdam ko ay para akong sinasak sa dibdib dahil sa nakikita ko. Hindi ko kilala ang babae. Pero sa pagkakakapit nito sa braso ni Darren ay mahihinuha mo na malapit sila sa isa't-isa.
Lalong sumama ang pakiramdam ko sa nakikita ko.
"After nito saan ba ang punta mo." Pukaw sa akin ni Andrew nandito pa pala siya.
"Huh?!.... u-uwi na" sapo ko ang aking ulo dahil parang binibiyak na ito sa sakit.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin.
"M-medyo masama lang pakiramdam ko." Hindi ko sigurado kung narinig ba niya ng maayos ang sinabi ko.
Basta nararamdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa mga braso niya. Then everything went black out.
Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Simula sa kisame hanggang sa mga nakapalibot sa loob ng kwarto.
"Sweetie, are you ok?! Kamusta pakiramdam mo?" Maaliwalas na mukha ni Mommy ang nabungaran ok.
Sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako kaagad ni Mommy.
"Wag ka munang kumilos at baka makasama sa iyo." Pigil sa akin ni Mommy.
"Ok lang ako, Mommy. Ano pong nangyari? Asan ako?"
"Nasa hospital tayo, anak. Sinugod ka rito ni Andrew dahil bigla ka daw nahimatay sa may parking lot after ng meeting niyo. Buti andun pa si Andrew nang mangyari iyon." Kwento sa akin ni Mommy.
Biglang pumasok si Alfred sa loob ng kwarto. Kasunod nito si Daddy na seryoso lang ang tingin sa amin.
"Kamusta na pakiramdam mo, Sherly?" Mahinahong tanong sa akin ni Alfred.
"I'm fine maayos naman na ang pakiramdam ko." Diretsong sagot ko sa kanya.
"Ano ba nangyari sa anak namin hijo? May sakit ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Mommy kay doc Alfred.
Ngumiti muna ito ng matamis sa akin bago ito sumagot.
"No, wala po siyang sakit, tita Eli. Normal lang po sa pagbubuntis nya ang nangyari sa kanya. I recommend you to go to Dra. Salinas magaling siyang ob-gyne tiyak na matutulungan ka niya sa pagbubuntis mo." A silence awkward filled the room.
Hindi kaagad nakaimik si Mommy sa sinabi ni doc Alfred. Si Daddy naman ay hindi nagbago ang reaksiyon malamang ay sinabi na ito sa kanya ng doktor sa labas pa lamang ng silid na iyon.
Bigla akong kinabahan sa reaksiyon nila dahil sa pagkakaalam nila ay wala akong boyfriend pero heto at buntis ako.
"Ahh. S-salamat doc." Basag ko sa katahimikan.
"Sige, kung ok na pakiramdam mo. Maari ka nang umuwi anytime. Mauna na ako may bibisitahin pa po akong mga pasyente." Paalam sa amin ni doc Alfred.
"Salamat, hijo." Sabi ni Mommy bago ito tuluyang makaalis.
"Daddy, Mommy." Alanganing tawag ko sa mga magulang ko.
"Hindi mo naman sinabi sa amin na may boyfriend ka na pala?" Seryosong tanong ni Daddy.
"Daddy, hin..."
"I want to meet that guy. Soon." Bigla akong kinabahan sa sinabing iyon ni Daddy dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Tiyak na magagalit ito kapag nalaman na wala naman kaming relasyon ng dati kong boss.
"Honey, hayaan muna natin makapagpahinga ang anak natin. Makakasama sa baby ang mastress." Pigil ni Mommy kay Daddy.
"Walang masama sa sinabi ko gusto ko lang makilala ang nakabuntis sa anak natin." Diretso ang tingin sa akin ni Daddy pero hindi ko alam kung galit ba ito o hindi.
"Tiyak ko naman na ipapakilala sa atin yun ni Sherly kaya pwede bang hayaan na natin siya? Di ba, sweetie?!" Matamis na ngiti ang binaling sa akin ni Mommy.
Pero hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon ni Daddy.
Tumango na lang ako sa kawalan para matapos na ang pag-uusap na ito.
__
Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Naandito ako ngayon sa tapat ng opisina ng dati kong boss.
Hindi naman ako nahirapan makapasok ng building dahil kilala ako ng lahat ng naririto.
Pero nagtataka lang ako kung bakit wala siyang secretary hanggang ngayon.
Huminga ako ng malalim bago ako kumatok.
"Come in." Narinig kong sabi nito mula sa loob.
Maingat kong pinihit ang seradura at tuluyang pumasok sa private office niya.
"Good morning." Mahinang sabi ko ng matapat ako sa pwesto niya na busy sa pagpirma ng mga papeles sa table niya.
Biglang angat ng tingin nito ng marinig niya ang boses ko.
"Ms. Delos Reyes, what makes you here?" Casual lang ang pagkakasabi nito at walang mababakasang kahit na anong emosyon.
Sobrang lakas ng kaba ko sa muli naming paghaharap na ito. Hindi ko sigurado kung ano ang kahihinatnan pero at least sinubukan kong gawin kesa sa wala akong ginawa.
"Can I have a sit first?" Sinenyas lang niya ang direksiyon ng upuan na nasa tapat ng mesa niya.
Kinailangan kong umupo upang mapagkunan ko ng lakas dahil kanina pa nanginginig ang tuhod ko sa kaba dagdagan pa nang kalagayan ko ngayon.
Tumitig ito ng mariin sa akin at sumandal sa swivel chair niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong nito ulit sa akin.
"Buntis ako." Biglang tumahimik ang buong silid kahit dalawa lang naman kami. Nakayuko ako dahil hindi ko kaya makipagtitigan sa kanya.
Isang mahinang tawa ang nakapukaw sa akin hanggang sa lumabas ito na parang nakakainsulto.
Tumayo siya sa swivel chair niya at lumapit sa akin.
"Congrats. Nandito ka ba para alukin akong maging nitong?" Tuloy pa rin ang tawa nito.
"Ikaw ang ama kaya hindi ka pwedeng maging ninong." Kunot-noong sabi ko sa kanya.
Ang tawa niya kanina ay mas lalo pang lumakas pagkakasabi ko nun.
I held my hands so tight because of what he did just to control myself.
"What make you think that I will believe in you? Eh sa pagkakaalam ko may boyfriend ka. But then nung umalis ang boyfriend mo eh ang pinsan ko naman kinakalantari mo. Ganun ka ba hindi makatiis, huh?"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko na siyang ikanagulat nito. He clenched his jaw tightly because of my sudden action.
"How dare you to talk to me like that? Ikaw lang ang nakagalaw sa akin at wala ng iba pa." Tinaliman ko rin siya ng tingin dahil sa mga paratang niya sa akin.
"Ano akala mo sa akin... tanga na madali mo lang mapapaikot, huh?" Mariing sabi nito. Inilapit nito ang mukha sa akin na halos magkadikit na kami.
Ibinuhos ko ang lakas ko para itulak siya palayo sa akin.
"Hindi kita pinapaikot. Pero kung ayaw mong maniwala sa akin, wala na akong magagawa pa." Inaayos ko ang shoulder bag ko mabilis na umalis sa opisina nito.
Dire-diretso akong lumabas ng building sa kabila ng mga luha na bumubuhos sa aking mukha.
Ni isa ay wala akong pinansin sa mga nagtangkang nagtanong kung bakit ako nagkakaganun.
Pagkasakay ko ng kotse ay agad ko itong pinasibat papuntang opisina ko.
Kung inaakala niya na maghahabol ako sa kanya ay pwes nagkakamali siya.
Bahala siya sa buhay niya. Pero sinusumpa ko hindi niya makikilala ang anak niya. Tutal ganun din naman ito sa pinagbubuntis niya.
Lalo siyang napaiyak sa isiping iyon.
"Sorry baby, hindi ka pa man nakikita ng Daddy mo eh, tinatakwil ka na niya." Pakausap ko sa baby ko na hindi pa halata sa loob ng tiyan ko.
Marahas kong pinahid ang luha ko at matapang na hinarap ang katotohanan.
Hindi na bali, kaya ko naman siyang palakihin ng kahit na walang ama.
Buo na ang aking desisyon at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Pagdating sa office ay sinalubong ako ng ilang mga empleyado ko at binati.
Nginitiin ko lamang sila at dire-diretso pinuntahan ang aking opisina.
"Anong nangyari at ganyan ang mukha mo?" salubong sa akin ni Abby. Sumunod ito hanggang sa loob ng opisina.
Hinamig ko muna ang aking sarili bago ko siya hinarap.
"He doesn't believed on me." Walang buhay kong sagot sa kanya.
Napakunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Sino? at saan? Liwanagin mo nga medyo di ko magets sinasbi mo."
Huminga ako ng malalim at ikinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari. Hanggang sa kagustuhan ni Daddy na makilala si Darren pero hindi naman ito naniwala sa akin.
Pinaparatangan pa ako ng kung anu-ano na kahit kailan ay hindi ko naman ginawa.
"Ehhh, siraulo pala yang dati mong boss. Kung ako yun di lang sampal ang matitikman niya. Babasagin ko rin pati itlog niya. Naku... talaga naman pare-pareho talaga ang mga lalaki na yan." dire-diretsong litanya nito matapos kong ikwento sa kanya ang lahat.
"So, anong plano mo ngayon?" doon ako napatitig sa tanong niya.
"Life must go on, kahit hindi niya ako panagutan. Kaya kong palakihin ang anak ko kahit wala siya." matapang kong sabi sa kanya.
"Hayaan mo andito lang ako. Kung kailangan mo ng makakatulong sa pag-aalaga sa bata tutulungan kita. Basta isa ako sa ninang, huh?" napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Kahit nung bago ko lang siyang nakilala bilang secretary ko ay magaan agad ang loob ko dito.
Maghapon kaming naging abala ni Abby sa opisina. Ni hindi ko na rin namalayan na mag-aalas singko na pala ng hapon. Kaya naman sinimulan ko nang ligpitin ang gamit ko at inihanda ng sarili para sa pag-uwi.
Pagdating ko sa bahay ay nasa hapag na sina Mommy at Daddy.
"Oh mabuti at nandito ka na, anak. Tamang-tama at nakahain na tayo." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.
Humalik ako kay Mommy at ganun din kay Daddy.
"How's your work? Hindi ka ba nahirapan?" tanong bigla ni Daddy ng makaupo na ako sa upuan ko.
"Ok lang po, Daddy. Malapit na po namin matapos ang pag imprenta ng La Fashion ng monthly edition nito para sa susunod na buwan." Paliwanag ko kay daddy habang nagsasandok ng pagkain ko. Buti walang kaldereta ngayon.
"Well that's good. I know na madali mo lang matutunan ang pagpapatakbo ng negosyo natin." napangiti lang ako sa sinabi ni daddy.
"Oh siya tama na yan at kumain na tayo." putol ni Mommy sa usapan namin ni Daddy.
Good thing na hindi na nagtanong pa si Daddy at tahimik na kaming kumain.
Matapos ang dinner ay umakyat na ako sa kwarto ko upang makapagpahinga na.
Sobra akong napagod sa maghapon na nangyari sa akin. Dagdag pa ang pagiging buntis ko.
I took a hot shower para naman marelax ang mga ugat ko.
Hindi ko maiwasan na maalala na naman ang nangyari kanina sa opisina ni Darren.
Akala ko matatanggap niya ang nasa sinapupunan ko. Akala ko matutuwa siya sa ibabalita ko.
Umasa lang pala ako sa mali. Na inakala ko na madali lang ang lahat. Pero hindi pala.
Hindi ko alam paano ako natapos ang pagsashower. Lutang ako at wala sa sarili habang inaayos ang sarili upang matulog.
Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko nang makahiga ako sa aking kama. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
Huli na ito, pangako magiging matatag ako at hindi na luluha pa.
Sana lang kayanin ko ito mag-isa. Kahit wala ka. Kahit ayaw mo na kilalanin ang anak natin.
Napahawak ako sa impis ko pang tiyan. 'Mahal na mahal kita, baby. Andito lang si Mama kahit anong mangyari.'