CHAPTER 9: THE HEIRESS

3112 Words
"Andrew." I called his name when I recognized who's with dad. "Hi! It's been a long time." He smiled at me genuinely as if he didn't shocked to see me. "W-wait. What are you doing here?" I asked him still very confused and turned my gaze on my father for being puzzled in everything. "Seems liked you know each other very well, huh? Buti at hindi ka naman pala mahihirapan sa pagtuturo sa kanya." My father suddenly spoke while I'm still confused kung hindi lamang niya binanggit ang salitang pagtuturo ay hindi ko magegets kung ano ang nangyayari. Ngayon ko lang nalaman na businessman din pala si Andrew. Pasensya na kasi wala sa itsura niya iyon. "P-paanong..." my sentence did not finished when I saw him playfully smirked. "Oops... I can sense na wala kang tiwala sa akin. Tama ba?" "H-hindi naman sa ganun pero kasi..." "Sweetie, he's a very good business consultant in case you don't know. Hindi lang halata sa mukha niya. At kahit hindi pa niya lubusang tinatanggap ang ang posisyon na nakalaan sa kanya ay may mga investments naman siya sa ilang kumpanya at kasama na doon ang pag-iinvest sa kumpanya natin." Mahabang paliwanag ni Daddy na tila ba proud na proud ito sa mga achievements ni Andrew. "Tito, hindi mo na dapat sinabi yun kay Sherly." Napapakamot sa batok si Andrew dahil sa mukhang hindi ito sanay na pinag-uusapan ang mga patungkol sa kanya. "You shouldn't ashame on that. Well, I need to go now. I have to take some calls. Ikaw na muna ang bahala kay Andrew. And Alex..." umangat ang mukha ni Kuya Alex ng marinig niya ang pangalan niya. "Yes, Tito." agad na sagot ni Kuya Alex kay Daddy. "We need to talk. May kailangan akong i-discuss sayo na importante. Sumunod ka sa akin sa library." Magaan na sabi ni Daddy kay Kuya Alex. "Sige po." Tumayo na si Kuya at linigpit na ang kinainan nito. Maya-maya pa ay sumunod na ito kay daddy patungong library. "So, ready ka na ba para bukas?" Tanong sa akin ni Andrew. "Maybe?!" Nagkibit balikat ako sa tanong niyang iyon. Sa totoo lang hindi ko alam kung kakayanin ko ba. "You should be. Besides magkakakilala naman na tayo at alam ko na madali mo lang matutunan ang lahat." Pagpapagaan nito sa kalooban ko. "Sana nga. Ayyy Oo nga pala. Gusto mo magmiryenda?" "Hindi naman ako gutom. Pero kung ikaw ang nagluto ay sige... kakain ako hanggang sa mabondat ang tiyan ko." Pagbibiro pa nito sa akin. "Naku, ehhh kung ako ang naluto baka hindi mo iyon malunok. Hahaha. But don't worry si mommy ang nagluto kaya siguradong mapaparami ang kain mo." Balik kong biro rito sabay bawi... Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi pa. Linagyan ko na lang siya ng lasagna sa platito at inilagay sa tapat niya. Matapos ang kaunting kwentuhan ay nagpaalam na si Andrew dahil may kameeting pa daw ito. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong dumiretso ng banyo para makaligo. Masama ang pakiramdam ko marahil ay dahil sa sobrang pagod at sa mga nangyari kanina. Pagkatapos ko mag shower ay nagtuwalya ako at lumabas ng banyo. Nagsuot ako ng pantulog at saka nag blow dryer ng buhok ko. Tinitingnan ko ang mga pinamili kong damit sa mall nang may kumatok sa aking kwarto. Binuksan ko ito at inalam kung sino. "Señorita, kakain na daw po kayo sabi ng mommy nyo." Mabining bungad sa akin ni Elita. "Ahh sige susunod na lang ako." Tatalikod na sana si Elita ng tawagan ko ulit ito. "Sandali lang, Elita." "Po?" Napangiwi ako ng marinig ko ang 'po' sa kanya. "Naku, pwede ba wag mo na akong ipo po. Hindi naman nalalayo edad natin." Binuntutan ko ito ng maikling tawa para hindi siya mag-alangan. "Eh senorita, nakakahiya po." Nakayuko niyang sabi sa akin. "Isa pa yan, please, wag mo na akong tawagin na senorita, Sherly na lang, ok?" I gave her a genuine smile to tell her that I'm serious on that. She take a deep breath as a sign of her defeated. "Kayo pong bahala este sige, S-Sherly" mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig kong tinawag niya ako sa first name ko. Napangiti rin ito dahil dito. "Ayan dapat wag kang masyadong mag-alangan pagdating sa akin. Here, para sayo." Inabot ko sa kanya ang dalawang paper bag na binili ko kanina. "Naku, H-hindi ko matatanggap ito." "No, I insists para sayo talaga iyan. Take this as my gifts on your graduation. Medyo napaaga lang." Ako na mismo ang naglagay sa kamay niya ng mga paper bags. "S-salamat." Tanging nasabi na lamang nito at ngumiti ng matamis. "Tara sabay na tayong bumaba. Baka naghihintay na sila Mommy." Isinarado ko ang pinto at saka kami bumaba ng kusina. Pagdating namin sa kusina at naroon na sila Mommy at Daddy. "Asan si Kuya Alex?" Tiningnan ko sila Mommy at Daddy ng makaupo na ako. "He is going to Cebu. May kailangan kasi siyang asikasuhin negosyo doon." Seryosong sabi ni Daddy. "Ok lang ba siya doon, honey?", tanong agad ni Mommy dahil sa pag-aalala. "Malaki na si Alex and I think it's about time to let him live in his own way. Para din naman sa kanya iyon." Malumanay na sabi ni Daddy kay Mommy para mapakalma ito. "Tatawagan ko na lang siya mamaya bago matulog." Sabi ko na lang kay Mommy para mapanatag din ito. Nasanay na ako na ganun si Mommy kay Kuya Alex. Pangarap kasi ni Mommy na magkaroon ng anak na lalaki pero dahil sa nagkaroon siya ng problema sa matres after she gave birth on me ay hindi na nila natupad iyon. Pero nang mapunta sa amin si Kuya Alex ay nagkaroon na siya ng kaunting kasiyahan na maranasan ang pagkakaroon ng anak na lalaki. Nakakaselos sa umpisa pero sa nakikita ko sa kalagayan ni Kuya at Mommy na parang natagpuan nila sa isa't-isa ang kung anong kulang sa pagkatao nila ay hinayaan ko na lang. At mas pinili ko na maging masaya para sa kanilang dalawa. "Oh siya kain na nga lang tayo." Biglang sabi ni Mommy. "Ano po ba ang ulam ngayon?" Pagtingin ko sa lamesa ay mayroong kaldereta at kare kare sa hapag. Biglang kumalam ang sikmura ko sa nakita ko. Agad na akong sumandok ng kare-kare at kumain. "Hmmm. Sarap nito Mommy." Tiningnan lang ako ni Mommy ng nagtatakang tingin pati na rin si Daddy. "Ayos ka lang anak?" Tanong ni Mommy sa akin. "Hmmm?!.... Yes Mommy at ang sarap nito." Patuloy lang akong subo hindi alintana ang kung ano ang iniisip nila. "Sweetie, di ba ayaw mo ng bagoong at saka peanut butter? Eh, Bakit iyan ang kinakain mo ngayon?" Tanong pa rin ni Mommy. Bigla akong napatigil sa pagkain ko at ako na rin ay nagtataka na rin sa sarili ko. "Hayaan mo na Elizabeth baka nagbago lang siya ng panlasa ng mamuhay siya ng malayo sa poder natin." Sabi na lang ni Daddy kay Mommy. "Well, anyway kain lang ng kain. Linuto ko pa naman ang kaldereta para sayo, anak." Inilapit sa akin ni Mommy ang kaldereta. Biglang parang gustong bumaliktad ng sikmura ko dahil sa naamoy ko. Dito pala nanggagaling ang kanina ko pa naamoy na di kanais-nais. Agad akong tumayo sa upuan ko at tinungo ang dirty kitchen. Pagdating sa lababo ay suka ako ng suka. Halos mapatid na ang hininga ko kakasuka at nailabas ko na ang lahat ng kinain ko. Dinaluhan naman agad ako ni mommy at hinagis ang likod. "Ayos ka lang ba, anak? May nararamdaman ka bang masama?" Nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. "H-hindi ko alam Mommy biglang sumakit ang ulo ko at medyo nahihilo." Hinalamusan ko ang aking mukha at nagmumog. "Mabuti pa magpahinga ka na lang muna. Papadalhan na lang kita ng pagkain mamaya kung sakali na gutumin ka." Mahina akong tumango kay Mommy at dahan dahan na naglakad. Pagdating sa kwarto ko ay agad akong pumunta ng banyo upang magsipilyo. Ni hindi ko na rin nagawa pang tawagan si Kuya Alex dahil sa sobrang hilo ko ay nakatulog agad ako ng lumapit ang likod ko sa malambot kong kama. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kahit papaano ay hindi na ako masyado nahihilo. Naligo ako kaagad at nagbihis ng damit. I'm just wearing pencil skirt and a marroon long sleeve polo blouse and paired with black 3-inches high heels. Hindi na kasi kasya sa akin ang mga dati kong skirt kaya kinailangan ko pang bumili ng bago. I put a light make-up and I set my hair in a messy bun and ready to go. Pagkababa ko ng hagdan ay nasa sala na sila mommy at daddy. "Oh sweetie, ayos na ba ang pakiramdam ko?" Tanong agad ni Mommy ng makita akong pababa ng hagdan. "Yes, Mommy ok na po ako. At ready na po ako sa bagong buhay ko na kakaharapin ko." Nakangiti kong sabi kay Mommy pati ba rin kay Daddy. "Good to hear that, sweetie. Nag-aalala talaga si Mommy mo kagabi pa." Sabi naman ni Daddy habang nagbabasa ng diyaryo. Napansin kong nakabihis din ito at mukhang may lakad ganun din si Mommy. "Oh siya mabuti pa magbreakfast ka na doon, anak. Para makaalis na tayo." Sabi ni Mommy. "Sasama kayo sa office, Mommy?" Takang tanong ko rito. Hindi kasi ito pumupunta doon maliban na lang kung kinakailangan. "Oo, babantayan niya daw kasi ako." Umirap si Mommy sa sagot na yun ni Daddy. "Gusto ko lang makasiguro na talagang hindi ka magtatrabaho dun." Mariin na sabi ni Mommy kay Daddy. "Oo na, wala na akong nasabi pa." Suko ni Daddy sabay halik sa labi ni Mommy. "Daddy!!! Ewww!!!" Nagkunwari akong naiiskandalo sa kasweetan nila. Kahit na may edad na sila ay hindi sila nahihiya na ipakita sa akin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Napahampas na lang si Mommy kay Daddy sa braso nito. "Why I'm just kissing your, mom?" Namumula na si Mommy sa kahihiyan na parang wala naman kay Daddy. "Konting respeto naman, Daddy. Single pa ako." Natawa na lamang ito sa biro na inirapan ko lamang kunyari. "Well you are in the right age to have your own family. Besides tumatanda na kami ni Mommy mo at mukhang maganda kung may aalagaan na kaming mga apo na galing sayo." Mahabang paliwanag ni Daddy na sinang-ayunan naman ni Mommy. "Oo nga naman, anak. Dapat magkapamilya ka na rin para magkaroon na kami ng apo." Muntik na akong mabilaukan sa mga pinagsasabi nila Mommy. "Mom, Dad, eh boyfriend nga wala ako. Pag-aasawa pa kaya. At saka ineenjoy ko lang ang buhay ko. Sa ngayon, wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyan." "Hindi ka naman namin sa minamadali pero mas magiging masaya ang bahay na ito kung merong mga batang naglalaro at nag-iingay. Di ba, hon?" Pagpupumilit ni Mommy. Heto na naman kami kung makahingi ng isang bagay kala mo ay isang kendi lang at napaka simpleng ibigay ito. "Yeah, pero hayaan na muna natin siya sa kung ano gusto niya. Tayo na lang muna ang maglaro." Biglang namula si Mommy sa sinabing iyon ni Daddy at hindi na nakaimik pa. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Pagpasok namin sa lobby ay sinalubong kami ng mga empleyado ni Daddy at binati. Naroroon na rin si Andrew na naghihintay sa pagdating namin at linapitan kami. "Good morning, tito, tita!" Bumalik siya kay Mommy bilang paggalang at yumukod naman kay Daddy. Tinapik lamang ito ni daddy sa balikat bilang ganti. "Good morning, Sherly." Lumingon ito sa akin at nginitian din ako. "Good morning." Bati ko rin dito. "Good morning, everyone. I would like to announce that I'm so happy that finally my only daughter, Sherly Maine Delos Reyes, is going to take my position as a CEO. And with the help of my friend's son, Andrew Dela Cerna, I know she can do the best things that could make our company bigger and continue striving in business world here and outside our country. So I hope you guys were cooperating with my daughter and give her your best. Again this not only for us but most especially for all of you. So let's help each others." Lahat ay nagpalapakan sa sinabing iyon ni Daddy. Matapos na ipakilala ako bilang kahalili niya. Ngumiti ako sa harap ng mga empleyado ng may diterminasyon sa katawan kahit pa kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayari kapag ako na ang namamahala nito. "Thank you for your warm welcome to me as your new CEO. Hindi ako mangangako ng kahit ano pero gagawin ko ang lahat para magpatuloy tayo." I said it with full confidence and strength. My Dad was a former writer in some prestigious publishing company. Simpleng empleyado pero may angking talino. Kaya naman kinilala siya bilang batikang manunulat noong kapanahunan niya. Si Mommy naman ay anak mayaman pero mas pinili ang pagmomodelo at mamuhay ng simpleng tao na pilit na itinago sa publiko. Isa si Mommy sa mga naging projects ni Daddy para alamin ang tunay na buhay niya. Hanggang sa nagkakilala silang mabuti at nagka-ibigan. Sa umpisa ay gumawa lang si Daddy ng magazine upang subukan ang pagpa-publishing hanggang sa mapagtagumpayan niya iyon at maging kilala sa buong mundo. Dugo at pawis ang ipinuhunan ni Daddy dito kaya naman dapat lang na mapagtagumpayan ko rin ito at mapalago pa. Iginiya kami ni Daddy sa opisina niya na ngayon ay magiging opisina ko na rin. White, gold and brown ang makikita mo na kulay ng loob ng opisina which very fine with me. Hindi siya masakit sa mata dahil nasa tamang lugar ang mga gamit at maluwag sa loob. Sa tingin ko ay hindi ko na mapapabago pa ang kung ano ang pagkakaayos nito. "What do you think, sweetie?" Biglang tanong ni Daddy sa akin habang tinuturo ang paligid ng opisina. "Looks fine, Dad. And I think I'm ok with your office." Ngumiti ako kay Daddy upang iparating dito na ok ang lahat. "Good. So I guess we can go now. Si Andrew na bahala sayo and I know na matutulungan ka niya at madali mo rin itong matutunan. Tama ba ako hijo?" "Yes, tito. For sure Sherly can catch up things that easily. Subok na namin ang kakayahan niya." Magtatanong pa sana si Daddy tungkol sa sinabi ni Andrew ng sumingit ako at halos ipagtabuyan sila. "Ahm. Mommy I think you should go now with dad para naman makapagpahinga na siya. Di ba, Mommy?" I was trying to ask help for my Mommy para mailayo na ni Mommy si Daddy at hindi na mag-usisa pa. "Oo nga. Tayo na at nang makapagpahinga ka na ulit sa bahay. Bawal sayo ang mapagod. So, let's go." Wala ng nagawa pa si Daddy kung hindi nagpahila na lang kay Mommy. "You take care, Mom Dad." Humalik ako sa pisngi ni Mommy at yumakap kay Daddy. "Oh siya sige aalis na kami ni Mommy mo at maglalaro pa kami." Sabay tawa nito ng malakas at pati rin si Andrew nakitawa kay Daddy kahit hindi naman niya naintindihan ito. "Dad!!!" napailing na lang kami ni Mommy sa kapilyuhan ni Daddy. Makalipas ang dalawang linggo na tila hirap akong kumilos dahil sa palagian akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Gayunpaman ay natutunan ko pa rin ang dapat kong matutunan sa aming kumpanya. Salamat na lang kay Andrew at matiyaga niya akong tinuruan sa kung paano magpatakbo ng isang publishing company. Kahit papaano ay nakatulong din sa akin ang pagiging secretary ng GGC. Kaya naman hindi ako nahirapan pagdating sa mga paperwork. Hindi rin ako nahirapan sa mga empleyado ni daddy dahil lahat sila ay magagaling at determinado sa trabaho. Tulad na lang ng secretary ni Daddy noon na secretary ko na ngayon. Ginabayan din niya ako sa mga trabaho na pinasa sa akin ni Daddy. At matiyaga niya rin akong inalalayan. Halos magkasing-edad lang kami kaya madali kaming nagkasundo sa lahat ng bagay. Isa pa nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung panahon na secretary pa ako ni Darren Guevara. Bigla na naman akong napatulala ng maalala ko ang dati kong boss. Tatlong katok ang narinig ko habang busy ako sa pagbabasa ng mga articles na ipa publish namin this month. "Come in." Malumanay na sabi ko sa kung sino man ang kumakatok. "Naririto na ang mga lists ng mga most eligible bachelor na kailangan nating maiinterview for the La Bachelorette. magazine." Dire-diretsong sabi ni Abigail ng pumasok siya ng opisina. "Thank you, Abby. Ilagay mo na lang muna diyan at mamaya ko na titingnan." Sabi ko na lang dito ng hindi na nag-abala pa na tingnan ito. "Tumawag din po si sir Andrew para kumpirmahin ang meeting niyo today with the new investor." Napalingon ako sa kanya ng marinig ko iyon. "Ngayon na ba iyon?" Ibinaba ko ang binabasa ko. "Oo noh, nakalimutan mo ba?!" Balik tanong nito sa akin. "I almost forgot it. Anong oras ba? Masyado akong nalibang sa pagbabasa nito." Naiiling na tiningnan ko ang ilang articles na hindi ko pa natatapos. "Mamaya 6PM sa Bon Appetit." Tiningnan ko ang relo sa table ko at halos mapamura ako ng makitang pasado alas kwatro na ng hapon. Dali dali kong inaayos ang mga papel at inilagay iyon sa isang leather bag. Sa bahay ko na lamang ito ipagpapatuloy. "Sige, I just fix myself at baka mahuli pa ako sa meeting. Umuwi la na lang din para makapagpahinga ka ng maayos." Sabi ko kay Abby habang inaayos ang nagsuot kong damit. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka kasi." "Huh?!" Tumingin ako sa salamin na nasa wall at napangiwi sa nakita ko. Maputla nga ako at halos walang kabuhay-buhay. "Y-yeah. Ok lang ako. Sige na huwag mo na akong alalahanin pa. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Ngumiti ako sa kanya para maibsan ang pag-aalala nito sakin. Kahit papaano ay magaan ang loob ko sa kanya at itunuring isang kaibigan at hindi bilang isang secretary lamang. "Sige, basta kung kailangan mo tulong ko, tawag ka lang kaagad." Tumango ako sa kanya at yumakap. "Salamat, Abby" "Asus, nagdrama ka pa." Binuntutan nito ng maikling tawa saka tinapik ang likod ko. "Oh siya sige na, aalis na ako. Pero pakiusap mag-ayos ka muna para maakit mo ang bagong investor natin at hindi na magdalawang isip pa." Sabay tawa nito ng malaki. Napailing ako sa kapilyuhan nito habang palabas ng opisina. Inaayos ko na ang sarili ko at ng makuntento ay saka ako lumabas ng opisina bitbit ang mga gamit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD