“ Sir ito na po coffee nyo.” “ Ok.” Di man lang inalis ng binata ang tingin sa laptop. Kiming nakatayo sa Gilid si Anya habang inaantay Kung me ipag uutos pa ang amo sa kanya. Pinagsawa nya ang mata tingan ang bawat Bahagi ng Mukha nito, mula sa mahaba at Kulot na pilik mata, sa matangos na ilong, at Labing kulay makopa. Ano kaya ang pakiramdam mahalikan ni Sir? Naisip nya. Sa edad nya na 20 ay Hindi pa nya man Lang naranasan mahalikan o di Kaya magkaboyfriend man Lang. Di rin sya nakaranas na mag ka crush man Lang kahit me Ilan din namang lalaki na nanligaw sa kanya sa probinsya. Kayanin nya Kaya kapag ang Sir Alessandro ang naging unang halik nya? Nag iinit ang pisngi ni Anya habang naiimagine nya ang mga labi ng amo na nakalapat sa kanyang labi. Ang sarap Siguro ng pakiramdam. Napahawak si Anya sa labi at lalong bumilis ang t***k ng puso. Hindi alam ni Anya Kung gaano katagal nya tinititigan ang amo, bigla syang nagulat ng lumingon ito na walang ngiti sa kanya, kunot ang noo. “ Anya, I don’t need anything further from you. You can go do the other things you need to do.” Pulang pula ang Mukha ni Anya at di makatingin sa mata ni Alessandro. “ Sige po Sir. Tawagin nyo na Lang po ako pag me Kelangan kayo.” Hawak ang dibdib na mabilis na tumalikod si Anya papunta sa banyo para linisin na ito. Nakakahiya! Siguradong inis na naman sa kanya ang gwapo pero masungit nyang amo. Kung bakit naman kasi di nya mapigilan ang sarili na kiligin tuwing makikita nya ito. Mababaw din pala ako tulad ng best friend ko, mahilig sa gwapo! Yun ang naisip ni Anya. Sa mahigit dalawang buwan nya na nagtratrabaho para dito, ni minsan ay Hindi man lamang ito nag aksaya ng panahon na kausapin at kilalanin sya. Ang Ilap nito sa kanya at parang laging ipinaparamdam sa kanya na sya ay maid lamang nito at Hindi nila Kelangan kilalanin ng husto ang isa’t isa. Pero makulit ang puso nya, kahit ilang ulit yata syang pagsungitan nito, Hindi pa rin maaalis ang paghahangad na Sana kahit minsan, Yayain naman sya nito na makipag kape dito. Hayz.