Sir, bakit ang pogi mo?
Halos mabingi si Anya sa lakas ng t***k ng puso nya. First time nyang marasanasan ang ganitong sensasyon. Para siyang hindi makahinga dahil sa napakabilis ng pulso nya, daig pa nya ang nakipagpaligsahan sa track and field. “ Alessandro, si Anya yung sinabi ng mommy mo na magiging kasama mo dito sa condo mo” pakilala ni Yaya Ising. “Hello Anya, pleased to meet you.” Nginig ang kamay na inabot ni Anya ang kamay na inilahad ni Alessandro. “ Hello din po Sir Alessandro.” Halos ayaw ni Anya pakawalan ang kamay na daig pa ang babae sa lambot. “ Yaya Ising, kayo na po bahala magturo Kay Anya ng room nya. At pati orientation ng duties nya dito. I have to go pick up Bianca.” “ Sige na anak, ako na bahala dito. Baka matraffic ka pa kundi ka pa ka umalis.” “ Bye Yaya. Tell mom later that I’ll be visiting her next weekend.” Walang man Lang tingin Kay Anya na umalis ang binata. Parang nabato balaning sinundan ng tingin ni Anya ang bagong amo hanggang maisara nitro ang pinto. Di sumagi sa isip nya na bata pa pala ang magiging amo nya at sobrang gwapo. Daig pa ang mga artista at model na nakikita nya sa mga magazines at TV. “ Anak, halika na muna sa magiging kwarto mo bago ko ituro sa yo ang mga gawain mo dito. Pagkatapos ko ituro sa yo aalis na rin ako at ng makapahinga ka pa.” Sinundan ni Anya si Yaya Ising pero Hindi pa rin bumabagal ang t***k ng puso nya. Nakakintal sa isipan ng dalaga ang Napakagwapong Mukha ng Sir Alessandro nya. Mukhang mababawasan yata ang lungkot nya na naiwanan ang dalawang kapatid dahil ang makakasama nya sa bahay ay ang lalaking pinakagwapo na yatang nilalang na nakita nya. Hayz.