Dahil sa sobrang kalasingan, napilitan si Ben na ihatid si Sandro sa bahay nito. Hindi safe na hayaan nila mag drive ang kaibigan or mag grab. “Josh, I’ll drop off this fool now. See you next time buddy.” “Alright dude. Pag uwi sa bahay nyan, bigyan mo ng malamig na malamig na shower ng matauhan!”Giniya na ni Ben si Sandro papunta sa sasakyan. Sarap mo nga paliguan, naisip ni Ben. Paulit ulit na pinindot ni Ben ang doorbell, hopefully magising si Anya para buksan sila ng pinto. “Damn man, bakit kasi nagpakalasing ka dahil Lang sa Bianca na yun eh. Kundi lang kita kaibigan, I’ll beat you up para matauhan ka. “ gigil na naiiling na Sabi ni Ben sa wala na sa wisyo na kaibigan. “s**t, sorry Anya, I hope di pa malalalim ang tulog mo.” Pinindot nya ulit ng ilang beses ang doorbell. Dahil wasted na si Sandro, Hindi nito masabi ang password ng lock Kaya kahit ayaw man, napilitan siya mag doorbell ng paulit ulit. Napabalikwas si Anya sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell. Tiningnan nya ang cell phone at nakita na 2:30 am pa Lang. Inalog pa nya ang ulo para magising. Bakit naman ganitong oras eh me nangbubulahaw, napaka aga. Impossible na ang Sir Alessandro pogi nya yun, password ang gamit nito sa pinto. Ding dong ding dong. “Naman, andyan na!” Dali Dali sya nag punta sa sala para tingnan kung sino ang umiistorbo ng ganitong oras. Pagpindot nya sa alarm system, kita nya ang kanyang amo na suportado ng kaibigan nitong gwapo na si Ben. “Aysus!” Mabilis nya binuksan ang pinto. “ Naku Sir Ben, ano nangyari dyan Kay Sir Sandro?!” “Sorry Anya, I didn’t want to wake you up, alam ko tulog ka na. Pero ito kasi si Sandro sa Sobra kalasingan, di masabi kung ano password.” Nahihiyang Sabi ni Ben. Naglakad na sya patungo sa Kuwarto ng kaibigan. Masakit na ang shoulder nya dahil sa bigat ng kaibigan. Sumunod si Anya pa punta sa Kuwarto ng amo. “And please Anya, don’t call me sir, parang ang tanda ko naman masyado. Ben na Lang itawag mo sa akin.” Nakangiting Sabi ni Ben habang inihiga na si Alessandro. Napayuko si Anya “Sorry po pala Ben, di kasi ako sanay.” “Tinawag mo nga ako by my name, Meron naman po.” Napangiwi pa si Ben. “Sorry, sorry talaga! Di ko naman sinasabi na matanda ka pero siempre respeto dahil kaibigan ka ng amo ko.” Paliwanag ni Anya sa nakangiting binata. “Excuse me Anya, di ako katulad ni Sandro na super serious sa buhay. Ewan ko nga ba at napagtyatyagaan ko ang ugali nito eh. Tingnan mo, naging personal assistant pa ako dahil Hindi ma handle ang alcohol!” “Bakit ba sobrang lasing si sir Sandro ha? Tsaka hindi sya Mukha happy na lasing eh, tingnan mo Mukha, nakasimangot at Mukha problemado kahit tulog na tulog na.” Tiningnan ni Ben ang kaibigan at natawa sya sa nakita. Tama nga ang Sabi ni Anya, kitang kita sa itsura nito kahit na tulog na aburido. “ Hahaha. Ikaw talaga Anya, Buti tulog na itong masungit na boss mo kundi pag narinig ka nyan lalo ka matatarayan. Hahaha.” Hala! Sana hindi naririnig ni Sir pogi ang sinabi nya kahit na totoo naman. “ Sir Ben…”. “ Ayan ka na naman Anya, please call me by my name, Pwede ba?” Nakangiting pinindot ni Ben ang pisngi ng dalaga na namula na ng husto. “Sorry pala Ben. Masasanay din Siguro ako.” “ I hope soon Anya. Nakakahiya naman na ang isang babae na kasing cute mo ay ilang sa akin. Promise Anya, di ako nangangagat!” Napahagikgik si Anya sa pagiging mabola ng poging binata. Sarap pala sa pakiramdam na tratuhin ng isang halos perpektong lalaki na maayos. “ Ben sana all katulad mo. Mabait na, pogi na, mayaman pa.” “Sana all din like you Anya. Pretty, cute, Inosente, at masarap magluto ng sinigang.” Biglang naalala ni Anya na minsan na nga pala nakatikim si Ben ng kanyang sinigang minsan pumunta ito dito. Tumaba ang puso Niya sa narinig na papuri nito. “ Gusto mo pala ng sinigang. Hayaan mo sa susunod na magluto ako, magtitira ako para sa iyo.” “ Thank you Anya! I can’t wait na matikman ulit luto mo. Mahilig talaga ako sa mga traditional Filipino food lalo na me mga sabaw.” “Ganon ba Ben? Nakakatuwa naman, akala ko kasi mga mayayaman na tulad nyo nila Sir Sandro puro pasta, steak at salad Lang ang gusto kainin eh.” “ No. I grew up na traditional na pagkain ang nasa dining table namin. Kita mo naman sa katawan ko na mahilig sa unli rice di ba?” Hinimas pa ni Ben ang abs nito na kahit me takip ay sigurado si Anya na daig pa ang mga artista, nababasa nga nya na ang tawag ay washboard abs. “ aysus! Para naman me naniniwala sa iyo nyan eh. Abs pa Lang sigurado ako pang ulam na!” “ hahaha. Would you like to find out Anya?” “ ha??!!!!” “ Hahaha. Like I’ve said, Sana all kasing inosente mo Anya. Binibiro Lang Kita. Hahaha”. “ Akala ko kasi totoo Ben kasi Hindi ako tatanggi makita eh.” Biro ni Anya. “ ha???!!!!” Si Ben naman ang napantastikuhan sa sinabi ni Anya. “ Biro Lang yun uy!” “Hahaha” Sabay na natawa si Ben at Anya. Naputol ang tawanan nila ng marinig si Sandro na umungol at nagsalita. “ Damn you Bianca.” Nagkatinginan ang dalawa. Dahil sa sarap ng biruan nila, nakalimutan nila pareho na Meron nga pala lasing na Kelangan nila pagtuunan ng pansin. “ Ben, paano nga pala si Sir? “. “ Anya, do you mind magdala ng isang glass ng ice water at wet wash cloth? Ako na mag aalis ng shoes nito.” “ sige Ben.” Tumalikod na si Anya para pumunta sa kusina para manguha ng tubig. Umupo sa floor si Ben para tanggalan ng sapatos ang kaibigan. Damn fool, naisip ni Ben.