5 Zinnia

1961 Words
Zinnia "has different meanings, it is usually associated with friendship, endurance, daily remembrance, goodness, and lasting affection. Zinnias are one tough bloom!" Leyanna Pov Nasa ibang bansa na si Rad, at nahihirapan ako sa oras naming dalawa. Napupuyat ako at busy din ito kapag araw dito. Gabi naman doon oras ng pahinga niya at busy naman ako sa study ko. Kaya naiiyak nalang ako dahil wala naman na akong magagawa doon. Ayoko naman na sabihin na ako ang i-priority niya dahil girlfriend niya ako. Sobrang demanding ko naman na kapag gan'on. Alam ko naman na pangatlo lang ako or apat sa priority niya sa buhay. Girlfriend pa lang naman niya ako. Pero appreciate ko 'yong mga efforts niya sakin. Lagi siya nagse-send ng picture niya sakin. May nakabuhad pa at nakaboxer lang siya na pinasa sakin. Ang yummy naman pala talaga nito. Hindi kasi kami hubo't hubad noong nag-ano kami. Pakiramdam ko ang swerte ko sa part na Mahal ako ng boyfriend ko. Kahit ganito lang katayuan ng buhay namin simple lang. Tinutulungan niya ako sa allowance ko para makapasok lang ako araw-araw sa paaralan. Para may pangkain at pamasahe na din ako. Yung binibigay nila mamang iniipon ko at yung binibigay ni Rad ang ginagastos ko. Masinop ako sa pera hindi ako gagastos kapag hindi importante. Kaya marami na akong ipon sa alkansya ko. Tatlong buwan na simula ngayon ng makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Kaya pumunta ako sa bahay ng ate ko. Diyan lang sa kabilang bahay tabi ng bahay namin. Nagtanong ako sa kaniya ng kung ano-ano. Napansin ko na kasing hindi na ako nagregla ng ilang buwan na. Natatakot ako na baka may sakit na ako. Wag naman sana panginoon ko. Lagi din masama pakiramdam ko at nahihilo. Nagsuka na din ako ilang beses na. "Ate Wilma, ano pong gagawin ko? Natatakot ako na baka may malubha na akong sakit. Hindi na kasi ako nireregla dalawang buwan na magtatlo na ngayong buwan na Ito." mahina kong sabi sa ate ko. Nangunot ang noo nitong tumingin sakin. Naparang hindi makapaniwala sa sinabi ko. At mukhang may takot at pangamba ito yun ang nararamdaman ko. "Gaga ka! Magsabi ka sakin ng totoo?!" seryosong tumingin Ito sakin. "May... gumaya ka ba sakin ha?" "Gumaya saan?" taka kong tanong. "May... may nakatalik ka bang lalaki?" hirap pa nitong bigkasin ang mga katagang iyon. Napanganga na ako. Ibig sabihin... ibig sabihin b-buntis... b-buntis kaya ako? Gulat akong napatingin sa Ate ko. Hindi ako nakaimik sa tanong ng Ate ko. "Tinatanong kita Lele!" gigil na inis na tanong sakin ni Ate. Marahan akong tumango. Nagulat ako ng sabunutan niya ako. Hindi naman ako nagreklamo sa pananabunot nito sa akin. Hindi ko naman naisip na mabubuntis ako. Isang beses lang naman kasi iyon. At alam ko talaga hindi niya ako bubuntisin dahil marami pa kaming mga pangarap sa buhay. Lalo na ako ang dami kong pangarap sa buhay. Mga pangako ko sa mga magulang ko na magtatapos ako ng pag-aaral para sa kanila. Paano na kaya Ito? "Hindi ba't sabi ko na sayong wag kang gagaya sakin ha! Tignan mo ang buhay ko ngayon. Mahirap ang mag Asawa na wala sa plano. Mahirap ang buhay ng may Asawa, lalo na't wala kami pareho magandang trabaho. Dahil hindi kami pareho nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kalibugan namin. Tignan mo heto kami ngayon hindi parin nakaahon sa kahirapan dahil sa maaga akong nag Asawa. Walang magandang trabaho ang mapapasukan ko dahil hanggang high school lang naman ang natapos ko. Kaya hanggang sa bukid na lang kami nagtatrabaho para kumita ng pera pambili ng pagkain namin. Ayokong magaya ka sakin Lele. Bakit hindi ka nakikinig ha. Sinayang mo ang scholarship na binigay sayo. Dapat... dapat hindi ka muna nagpagalaw. Nakinig ka sana muna sakin at sa mga magulang natin." mahabang sermon sakin ni Ate. Umiiyak na ako dahil sa katangahan ko. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi at nasaktan dahil ako ang panganay pero sinuway ko ang mga magulang natin. Nasaktan ko sila, nasaktan ko ang mga damdamin nila. Umaasa silang makapagtapos ako ng pag aaral. Pero mas pinili kong buhayin ang batang nasa sinapupunan ko noon, kisa ang tapusin ang pag aaral ko sa kolehiyo. Sobrang na-dissappointed ko sila. Tapos heto ka gumaya kana samin ng Kuya mo. God!" sabay hawak sa mukha nito na problemadong problemado ang itsura. "Patawad Ate. Hindi ako nag-iisip ng tama. Kung sakaling buntis nga ako ayokong ipalaglag Ito ate. Mas masasaktan lang din ako at araw-araw akong makokonsensya na may pinatay akong inosenteng Bata. Baka ikabaliw ko pa Ito. Patawad hindi ko alam." umiiyak ko ng sabi sa ate ko. "Kailangan mong sabihin iyan sa mga magulang natin. Wag mo ng patagalin pa. Tanggapin mo kung anong consequences ang ibibigay sayo para magtanda ka. Wag kang mag-alala dahil gagabayan naman kita. Kahit nakakainis ka at nakakadisppointed ang ginawa mo. Hindi ko parin kayang pabayaan ka ng ganyan. Kapatid kita at Mahal kita alam mo yan. Iwas na lang tayo sa mga chismosa dito." alo niya sakin. "Natatakot ako sa anomang mangyari Ate." natatakot kong sabi sa ate ko. "Kaya mo yan. Mas malakas ka sakin. Mas matatag ka, mas matibay at mas matigas ang ulo. Mas matapang at mas palasagot sa mga chismosa. Alam ko kaya mo yan Lele. Remember na nandito lang ako sa likod mo." Wala na akong nagawa kundi ang umamin na sa mga magulang ko. Pag-uwi ko kinakabahan ako ng makita ko si papang. Naaawa ako na naghihirap sila sa bukid maitaguyod lang niya ang mga Anak niya. Pero ganito lang ang iginanti namin saknya sama ng loob at disappointment. 'Paumahin papang.' bulong ng isipan ko. Lumungkot bigla yung mukha ko at ngayon palang nasasaktan na ako sa magiging reaksyon ng mga magulang ko. Masyado akong naging kampante at pabaya. Makasarili ako na hindi ko naisip ang sakripisyo ng mga magulang ko samin na magkakapatid. Naluluha na ako ng sobra. Hindi kaya ng loob ko yung ganitong sitwasyon ko. Hindi kaya ng loob ko na masasaktan ko ang mga magulang ko. Lahat ng mga pangarap ko at ipinangako ko sa pamilya ko sinira ko. Sinira ko ang opportunity na binigay nila sakin. Nasasaktan na naman ako ng sobra. Masakit sa dibdib. Hindi ako mapakali. Gabi na at tapos na din kaming kumain ng dumating sa bahay si Ate Wilma. Bumulong siya sakin ng puntahan niya ako dito sa kusina naglilinis. Umiling lang ako. Bumuntong hininga ito. "So kelan mo balak sabihin kapag halata na yang tiyan mo?" "Hindi ko kayang saktan ang mga magulang natin ate. Mas sobrang nasasaktan ako. Alam ko naging pabaya ako. Hindi ako nag-iisip pero anong gagawin ko, Ate? May nabubuhay ng Bata dito sa loob ng tiyan ko." naluluha na ako't natatakot. "Tama ba ang narinig ko Lele? B-buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Mamang. Nandito na pala siya. Kararating lang ba niya? Bakit hindi namin narinig ang tunog ng sasakyan na naghatid saknya dito sa bahay. Hindi kami nakaimik ni Ate. Nagyuko kaming dalawa ng ulo. Para kaming nahuli sa akto at wala ng paraan para makatanggi pa. "S-sorry po." ito ang lumabas sa labi ko. Agad akong nakatanggap ng sampal mula kay Mamang. Hindi ako gumalaw o tumingin kay Mamang basta lang nakayuko ako. Inawat agad kami ni Ate. Ng akmang sasampalin ako ulit ni mamang. "Hindi mo alam kong gaano ako nagsasakripisyo para mapag-aral ko lang kayong lahat. Tapos Ito pa ang igaganti niyo samin ng Papang niyo. Hindi naman kami naging masamang mga magulang sainyo. Pinipilit naman naming ibigay ang mga pangangailangan niyo. Tapos kaming mga magulang niyo hindi niyo man lang ba masuklian ng kabutihan. Puro sakit na lang sa damdamin ang binibigay niyo samin ng Papang niyo." umiiyak ng sabi ni Mamang. Pati kami ni Ate Wilma, umiiyak na din. Alam ko sobrang nasaktan ko ang aking Ina. Sa ka-inosentihan ko hindi ko naisip na baka mabuntis ako. Pwede naman ako tumanggi sana kaso first time ng katawan ko ang makaramdam ng ganong kakaibang pakiramdam nakalimot ako. "Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Papang. "Iyang magaling mong anak gumaya din sa Ate at Kuya niya. Nagpabuntis ng wala sa oras. Sinayang niya ang scholarship na binigay ng amo natin sa kanila." may inis at galit sa boses ng Mamang ko. Agad naman napatingin sakin si papang. Natatakot ako sa pag-iiba ng mukha nito. Akala ko sasaktan din niya ako na katulad kay Mamang. "Sinong ama ng pinagbubuntis mo?!" natakot ako sa boses ni Papang. Pero hindi ako umimik. Ayokong sabihin kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko. Ayokong isipin ng Mama ni Rad, na nagpabuntis ako sa Anak niya dahil sa yaman nila. Mabait naman ang ginang kaso nga lang may pagka-judgemental nito. "Kinakausap ka namin Lele!" galit na sabi ng Papang ko. Umiling lang ako. Nakatanggap na naman ako ng Isa pang sampal sa pisngi ko. Kahit masakit ay tinanggap ko lahat ng pananakit nila sakin. Deserve ko naman dahil sa kapabayaan ko sa sarili ko. "Buntis ka tapos hindi mo alam kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo?!" galit na sabi ni Papang. "Wa...w-wala na po d-dito. B-bu...b-bumalik na po siya sa M-manila." pagsisinungaling ko. "Napakagaga mong talagang bata ka!" sabay hampas sakin ng Mamang ko sa balikat. "Saan kami nagkulang sa pagbibigay ng mga payo sainyo. Mga paalala na mag-aral ng mabuti. Mga pag-gabay at paalala na mahirap ang walang pinag-aralan dahil walang tatanggap sainyo na magandang trabahong gusto niyo. Lagi kong sinasabi na mag-aral kayo ng mabuti dahil ayokong matulad kayo samin ng Mamang niyo. Ayokong sa ganito lang kayo habang buhay. Ayokong sa bukid lang kayo nagtatrabaho. Kaya ginagawa namin ng lahat ng makakaya namin ng Mamang niyo para makapagtapos kayo ng pag-aaral tapos ganito ang igaganti niyo samin ng Mamang niyo. Napakawalang utang na loob niyo. Hindi niyo naiisip ang nararamdaman namin ng Mamang niyo. Yung mga sakripisyo namin sainyo mabigyan lang ng magandang kinabukasan. Tapos ganito lang kayo binabaliwala niyo lahat ang mga payo namin." masakit na masakit iyon para kay Papang. Ramdam ko sa boses nito na sobrang nadismaya siya sakin. Kaya wala akong ginawa kundi umiyak lang ng umiyak. Kahit umiyak pa ako ng todo hindi maalis na Isa na akong Walang kwentang anak. Dahil nasaktan ko ang kalooban ng mga magulang ko. "S-sorry po!" mahina kong sambit. "Alam namin na may mga pagkukulang kami bilang isang magulang sa inyong mga anak namin. Pero hindi kami nagkulang sa pagmamahal, pagpapaalala, paggabay, at pagsuporta sainyong lahat. Lalong na ang ibigay ang mga pangangailangan niyo para makapagtapos lang ng pag-aaral. Iyon lang ang hiling namin ng Papang niyo. Bakit hindi niyo man lang maibigay samin iyon. Masakit na masakit sa dibdib na pakiramdam namin nagkulang kami sa mga pagpapalaki sainyo." umiiyak parin na sabi ni Mamang. Pati si kuya nandito din sa bahay. Magkakakapitbahay lang naman kami. Tatlong bahay lang ang nandito banda. Ang lupang Ito ay mana pa ni Papang sa mga magulang niya. Ang kagandahan pa ay sarili naming lupa ang sinasaka nila ni kuya. Mais at palay karaniwan nilang tinatanim at dahil masipag si kuya at Ate ang Asawa niya ay marami din silang tanim na gulay. Tilalako ng hipag ko sa palengke. Isa lang ang Anak nila. Si ate Wilma Isa lang din. Lahat kami nasa sala at senisermunan ng mga magulang namin. Sinabihan pa ang dalawa naming kapatid na nakakabata na mag-aral ng mabuti. Wag gumaya samin na mga ate at Kuya nila na nagbibigay ng sama ng loob sa magulang namin. Baka daw ikakamatay na nila iyon ng maaga. Si Ate at Kuya ang tumulong sakin ng palayasin ako ng mga magulang ko sa bahay. Tinanggap ko nalang dahil sa wala naman na akong kwentang anak at pabaya. Deserve ko naman Ito dahil nasaktan ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD