Lilies
"lilies are the most well-known "Flower of sadness". Cyclamens are great. These poisonous plants not only symbolize sorrow, but also goodbyes, separation and resignation."
Leyanna Pov
5 years later
Dito na ako ngayon sa antipolo nakatira ngayon. Malapit sa simbahan sa Seminaryo, na tinatawag nila. Dito na din mag-aaral ang Anak ko. Malapit sa lahat ang naupahan kong kwarto, malapit sa simbahan, palengke, hospital, clinic at paaralan. Isang taon na kaming nangungupahan ng anak ko dito. Kahit papano safe naman ang lugar na 'to.
Noong pinalayas ako sa bahay nagpatulong ako sa driver ng truck na taga deliver ng mga bulaklak sa manila. Pero bago ko ginawa iyon ay nagtanong na muna ako kung kailangan pa ba nila ng trabahador sa flower shop ng Osmeler. Kung may available pa. Sinabi ko kasi na need ko ng trabaho.
Mabait Ito na trabahador nila Rad, matagal ng driver nila Ito ng mga bulaklak. Dalawa ang driver salitan sila kapag inantok ang isa. Natutulog naman ang Isa para safe sila makarating sa Manila.
Dahil kilala nito ang manager ng main flower shop na pinagdi-deliver'an nila. Walang alinlangan na tinulungan naman nila ako. Sinabi kong pinalayas nila ako sa bahay. Sana wag na lang ipagsabi sa iba dahil nakakahiya. Nakakaunawa naman sila sa sinabi ko. Kakayanin kong makipagsapalaran sa manila. Panginoon gabayan mo po sana kami ng anak ko. Dalangin ko pa.
Pero apat na buwan ko lang doon na nagtrabaho. Dahil umalis ako ng malaman ng pamilya ni Rad na nagtatrabaho ako dito sa flower shop nila. Isa pa ayokong makita nila na lulubo ang tiyan ko baka ichismis nila ako sa hacienda Osmeler.
Nagalit Ito sakin dahil sinasayang ko daw ang scholarship na binigay nila sakin. Pumunta pa dito sa manila para lang pagalitan ako. Nalaman na din siguro ng mga magulang ko na dito ako nagtatrabaho sa manila. May kontak ako kay Ate Wilma at Ate Nelda ang Asawa ni Kuya. Nag-aalala sila sakin pero sinabi kong ayos lang ako.
Nakitira ako sa apartment ng pinsan ko ng apat na buwan din. Dito din siya sa flower shop nagtatrabaho sa warehouse nga lang ito naka-assign. Assistant secretary siya doon. Pero ng malaman kong may sulat saknya si Rad ay sobrang nagselos ako. Dahil sa inis ko sinabi kong boyfriend ko si Radeon na ikinatawa nito.
"Ayos lang na mangarap ka Leyanna, libre naman iyan. Hindi lang naman ikaw ang nagsasabi niyan na boyfriend mo si Radeon. Marami pa sila sa hacienda nila madam Reina, ang mga malalanding babae na naghahangad na makabingwit kahit Isa man sa mga Osmeler brothers. Kaya please lang Leyanna, wag mong ibaba ang sarili mo at gumaya sa kanila. Kahit gaano ka pa kaganda hinding hindi ka papatulan ng mga Osmeler brothers. At least ako may pinag-aralan kaya I'm sure totoo itong sinabi ni Radeon sakin sa sulat." sabi pa nito sakin. Hindi na lang ako umimik pa.
Mabait naman Ito at siya ang tumulong sakin na makapasok dito. Dumiretso kasi sa warehouse ang truck kaya nakita niya ako. Kaya ipinasok niya ako sa flower shop. Na-appreciate ko na pinatira niya ako dati sa apartment nito. Kaya hindi na lang ako komuntra pa. Hinayaan ko na lang din ito na mangarap gaya ng mga kababaihan sa hacienda Osmeler.
Naging kaibigan ko din ang suki ng flower shop na si Serenity at ang driver nitong si Kuya Gardo. Inaasar nito ang amo nito dahil crush din pala nito si Rad. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa noon.
"Mama, bakit tulala ka na naman. Malungkot ka na naman ba ha? Nandito naman ako kasama mo. Wag na malungkot okay." lambing sakin ng limang taong gulang kong anak na lalaki.
Kamukhang kamukha ko ang Anak ko. Kaya masayang masaya ako na ako ang kamukha niya. Habang pinagbubuntis ko Ito lagi din kaming nag aaway ni Rad. Nilihim ko sa kaniya na buntis ako. Na may Anak na kami. Ayoko kasing sirain ang mga pangarap niya. Mas baling makamit niya ang pangarap niya kisa sakin. At least Isa man sa amin dalawa ay may magtagumpay. Kaya pinili ko nalang na ilihim ang lahat.
Dahil siguro sa sobrang busy ko sa Anak namin. At busy din Ito sa pag-aaral sa ibang bansa biglang nawala ang communication namin. Bigla na lang hindi ko siya matawagan noon. Huling tawag ko saknya noon ay babae ang nakasagot sa tawag ko. Sobrang selos ko noon pero wala naman akong magagawa kapag inaway ko si Rad. Ako parin naman ang masama. Ang palaaway at nag-iisip ng hindi maganda. Lahat sakin ang sisi kahit siya naman ang nambababae.
Tapos sasabihin niyang kaya ako umalis sa Tarlac dahil may lalaki ako. Wala naman siya pruweba. Sabi-sabi lang naman tapos naniniwala naman siya agad. Tsk!
Sobrang dami kong iniisip na problema. Patong-patong na. Namimiss ko pa ng sobra ang pamilya ko sa Tarlac. Parang sabay-sabay pa na nawala ang communication nila sakin. Hindi ko na matawagan ang cellphone number ng Ate Wilma ko at ang hipag ko. Gan'on din ang messenger ni Rad. Naka f*******: user na ito.
Yung ako na nga ang nagpapakumbaba palagi. Siya pa ang may ganang magtampo at magdeactivate ng messenger niya. Kaya kahit masakit at mahirap tinanggap ko na lang na busy Ito sa study abroad niya. Pero ang sabi niya sakin 3 years lang siya sa America. Pero bakit biglang nawala ang communication namin na dalawa. Nagsawa na ba siya sakin?
Ako nga kahit ang dami na niyang kasalanan sakin iniintindi ko parin siya. Ang pambababae niya pinagsawalang bahala ko. Dahil ang nasa isip at puso ko sakin din naman siya babagsak. Pero bakit parang ako yata ang bumagsak ng dahil sa kaniya.
Itong Anak ko na lang talaga ang lakas ko ngayon. Dahil kailangan namin ng pera ng Anak ko. Gumawa ako ng YouTube channel ko. Kahit anong content ginagawa namin ng anak ko. Pero hindi ko pinapakita ang mukha naming mag-ina. Minsan ang pagtitinda ng gulay sa gilid ng kalsada sa tabi ng simbahan kami nagtitinda ng Anak ko. Ginagawa naming content iyon.
Kada linggo lang kami nagtitinda doon. Sa labas naman ng inuupahan naming bahay ay nagtitinda kami ng anak ko ng mga fishball at barbecue. Sa awa ng diyos nakakatinda naman kami at nauubos ang paninda namin. Tuwang tuwa kaming dalawa ng Anak ko kapag nauubos agad paninda namin.
"Namimiss ko lang Anak ang Lolo at Lola mo. Pati na din ang mga Tita at Titos mo. Kaya mag-iipon tayo para makauwi na tayo doon sa bahay namin. Diba gusto mong makilala ang pamilya ko." malumanay kong sabi.
"Yes Mama. Kaya tara na po, magkanta na tayo para may mapost ulit tayo sa you tube." sabay senyas sakin na you at ng tube ay sa katawan niya demonstrate 'yung damit na tube. Napahagikhik ako.
"Let's go. Anong kakantahin natin Anak? Oh, wait wala tayong bagong maskara." sabi ko sa Anak ko.
"Pili na lang tayo Mama sa mga ginagamit nating maskara okay lang 'yon. Ang mahalaga matakpan mukha natin." sabi naman nito.
"Tama ka Anak ang mahalaga maganda ang boses natin sa pagkanta." ngiti ko at nag aper pa kami.
Cellphone lang ang gamit naming pang record sa pagkakanta naming mag-ina. Noong unang sahod namin sa YouTube ay bumili kami ng mumurahin na Isa pang cellphone. Para hindi kami mahirap sa pagkanta kong hindi namin kabisado ang lyrics.
Ganito lang ang bondingan namin ng anak ko kapag wala kaming ginagawa na dalawa. Madalas sa pagkanta na lang kami nagba-vlog. Hindi na gaano sa mga content namin sa inihaw at sa pagtitinda namin ng gulay. Pukos na kami sa pagkakanta. Dahil kasi sa boses ng Anak ko dumami ang followers namin at viewers. Kaya ang saya-saya naming dalawa ng Anak ko.
Magaling Ito kumanta nadiskobre ko ang boses nito noong kumakanta ako habang nagluluto. Tatlong taong gulang siya noon. Tapos sabi niya 'mama runong din ako kanta. Kanta tayo dalawa ah.' Kaya kapag may oras kami ng anak ko noon nagbi-video kami ng duet naming kanta tapos edit ko Ito at i-upload sa YouTube channel naming dalawa ng Anak ko.
"Yay, tignan mo anak ang YouTube channel natin one hundred thousand subscribers na tayo anak." masaya kong pagbabalita.
"Wow!" bulalas ng Anak ko ng lumapit sakin.
Makatanggap kami panigurado ng YouTube plaque, nakaabot na kasi kami ng one hundred thousand subscribers. Yung solo cover na kanta ng Anak ko ang nagparami ng viewers at subscribers namin. Siguradong malaki ang sasahurin namin sa dami na ng viewers namin.
Ang ginagawa ko para hindi nila i-skip yung ads nagka-caption ako ng 'Please don't skip the video ads. Tulong niyo na po saming mag-ina na namumuhay na kaming dalawa na lang. Kahit Ito man lang ang maitulong niyo malaking bagay na samin ng Anak ko. Maraming salamat.' Ganyan ang caption ko. With the hashtag pa.
"Kapag may sahod na tayo anak anong gusto mong kainin na masarap?" masaya kong tanong sa Anak ko.
"Masarap naman lahat ang kinakain natin Mama. Pero gusto ko po 'yong lettuce tomato and cucumber salad na may mayo at avocado din po. Tapos cheese sandwich." bulalas pa nito.
Ang sosyal ang mga pagkain na gusto ng Anak ko. Pihikan Ito sa pagkain bawal ang Manok saknya. Once a day lang ang itlog kapag masobrahan din sa kain magkaka-rushes siya. Ang malala pa ayaw niya ng kanin. Ang hirap ko siyang pakainin dati. Buti na lang gusto niya ang mga sinigang na isda. Sinigang na hipon at gulay na sinabawan. Pero hindi lahat ng gulay gusto niya. Pili lang din. Kaya stress ako minsan.
Nagtry ako na bumili ng brown rice katakot takot na panalangin na sana magustuhan nito ang brown rice. Good thing masarap daw sa panlasa niya. Hindi rin lahat ng gulay gusto niya. Hindi ko siya pinapakain ng fried food. Kaya mostly sabaw ang hilig ng Anak ko. Tapos mga vegetables na pang salad ang gusto. Oatmeal or cereal with milk ang umagahan niya. Kahit namamahalan ako sa mga gusto niyang pagkain kinakaya kong bilhin para sa Anak ko.
Sa haba ng panahon na wala akong katuwang sa buhay naging matatag ako. Kinaya ko ang lahat ng pagsubok. Laging tumatawag sakin si ate Wilma at ang hipag ko. Para kumustahin ako sa buhay ko dito sa Manila, dati. Ngayon wala na bigla silang tawag sakin.
Sobrang hirap lalo na noong buntis ako na hindi ko makain ang gusto kong kainin dahil nagtitipid ako. Wala akong kasama habang naglilihi ako at kapag magsuka ako walang aalalay sakin. Tapos kapag kausap ko pa dati ang boyfriend ko lagi siyang galit at inaaway ako ng walang dahilan. Kaya salamat sa panginoon at nakasurvive ako na mag-isa. Kinaya ko mag-isa.
Hinila ko ang anak ko at niyakap ko Ito ng mahigpit. Wala naman angal Ito bagkus ay yumakap din Ito sakin ng mahigpit.
"Yakapin mo lang ako Mama kapag nalulungkot ka ha. Ako na muna ang taga pag-aliw sayo para hindi ka malungkot Mama. Mahal po kita kahit dalawa lang tayo. Kung nasaan man si Papa, sana maisip ka po niya Mama. Pero okay lang din kapag tayong dalawa lang Mama. Masaya parin naman tayo pero mas sasaya tayo kung kasama natin sana si Papa. Pero dahil hindi natin alam kung nasaan siya, tayo na lang muna Mama ang magkasama." yakap nito sakin ng mahigpit. Nanubig na naman ang mga mata ko.
"Ang sweet naman ng anak ko. Salamat Anak ko. Mahal na Mahal ka din ng Mama. Lahat gagawin ko para sayo makakain ka lang ng mga peborit mong pagkain." ngiti ko sabay halik sa pisngi nito. Pero siya hinalikan niya ako sa labi. Napahagikhik pa kaming dalawa. Nawala tuloy ang pag iimot ko.
"Okay lang Mama importante po may pagkain tayo. Kahit sopas lang gusto ko naman iyon Mama." ngiti nito sakin.
"Super bait talaga ang anak ko. Maarte na nga sa pagkain sosyal pa ang gusto. Wow bongga ang Anak ko. Amazingness." natatawa kong sabi. Tumawa na din ito dahil sa pag-english ko.
"Anong amazingness Mama?"
"Yung parang gulat na gulat ako sa kaartehan mo Anak." biro ko at humalakhak pero sumimangot lang Ito.
"Annoyingness mo Mama." simangot nito. Pero humalakhak na naman ako. Nagagaya na talaga ng Anak ko ang mga walang kwenta kong pag-english.
"Tapos simangotness ka din."
"Mama eh." maktol na nito.
Natatawa naman akong niyakap ulit Ito.
"Magpraktis na tayo ng kakantahin natin bago tayo magluto ng hapunan natin Anak. Ano nga ulit yung kakantahin natin Anak?" tanong ko pa.
"A whole new words ba Mama?" hindi sigurado na balik tanong din niya sakin.
"A whole new world Anak." pagtatama ko.
"Okay po Mama. Gagalingan ko para sayo." matamis pa itong ngumiti sakin.
"Ay aba dapat lang na galingan mo anak. Dahil ginagalingan ko din naman para sayo. Para sa audience natin." humagikhik naman kaming dalawa. Ganito kami kapag nagpapalitan ng salita. Nagbabalikan.
Pumwesto na kami sa maliit naming sala para makapag simula na kaming magpraktis kumunta.
Na-amaze talaga ako sa boses ng Anak ko. Ang ganda at maliwanag bawat bigkas niya sa english words na kanta. Kaya nakangiti ako habang kumakanta Ito.