Gumamela/Hibiscus
"red hibiscus is a symbol of love and passion. Hibiscus is a good luck flower. It will bring you for positive energy, stability and joy of life."
Leyanna Pov
Every Sabado at Linggo ako naga-upload ng cover songs naming mag-ina. Dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagtuturo saknya sa pag-aaral. Although magaling naman Ito at madaling matuto. Minsan siya na din nagko-correct sa pag pronounce ko ng mga words mapatagalog man o english. Lalo na kapag maling grammar kahit sa tagalog.
Pareho lang sila ng ama nito metikuloso sa lahat. Kailangan tama ang grammar tama ang pagbigkas at pananalita. Baka pati sa kaartehan sa pagkain namana ng anak ko. Sana pala ang Papa na lang nito ang kamukha. Para sakin na lang magmana sa mga hilig ko sa pagkain. Favorite ko ang pritong Manok pero dahil may allergy sa Manok ang Anak ko hindi na ako nakakaulam ng manok.
"Mama, goodmorning po. Gusto ko po banana pancakes po. Thank you po." sabay yakap sakin.
"Morning too Anak. Mamaya kana mag thank you baka hindi kita malutuan ng banana pancakes eh."
"Ay bakit po Mama? May binili kaya tayong banana kahapon. Kinain mo po lahat?" sabay tingin sakin.
"Anong akala mo sakin anak unggoy? Mas maganda pa ako sa unggoy ha." napabungisngis naman ang anak ko.
Umupo na Ito sa maliit naming lamesa. Ang aga naming nagigising na dalawa. Nasanay na kami simula noong nag aangkat ako ng mga gulay para itinda lang namin ng Anak ko kapag linggo.
"Ano po niluto mo Mama?" tanong ng anak ko.
"Sopas." sagot ko.
"Hinintay mo sana ako Mama para masabi ko ang gusto ko na breakfast."
"Ako naman ang masusunod ngayon Anak."
"Ayoko ng sopas ngayon eh. Gusto ko yung banana pancakes po." ungot nito.
"Ako ang Nanay dito. Ako dapat ang masusunod Anak." sagot ko naman.
"Ako ang kakain Mama, ako dapat ang masunod. Ako ang Anak eh." ayaw patalo na sabi ng anak ko.
"Kakain din ako Anak."
"Kahit na Mama. Luto ka din sana ng gusto ko na food ah."
"Sino ba ang Nanay sating dalawa?"
"Ikaw po."
"Sino ba ang nagluluto Anak?" tanong ko ulit.
"Ikaw po Mama."
"Kaya dapat ako ang masusunod Anak." sabi ko naman.
"Mali dapat tayong dalawa Mama, Anak mo ako eh. Masunod din dapat ang gusto ko Mama na pagkain. Yun lang naman eh. Pagkain lang naman po yung gusto ko masunod." simangot nito.
"Eh, bakit ang haba na ang sinabi mo Anak." puna ko naman.
"Kulang kasi Mama ng isang salita lang po. Kaya Mama please po gusto ko ng banana pancakes po. I'm hungry na po."
"Bakit may pa english ka pang nalalaman Anak?"
"Mama naman kasi. Dami mo po puna-puna eh." maktol nito sabay kamot sa tungki ng ilong nito.
Mahina naman akong natawa at nilapitan ito na mukhang antok pa. Hinalikan ko sa pisngi nito ng may tunog sabay karga sa kanya.
"Excited ka na bang pumasok sa school Anak?" tanong ko.
"Opo Mama ko. Para marami ako kalaro na mga bata."
"Okay lang ba na hindi kita mabantayan anak?"
"Bakit po Mama?"
"May work na din kasi si Mama. Malapit lang naman sa school niyo. Sunduin kita kapag uwian niyo na at isama kita sa trabaho ko. Okay ba sayo Anak?" malumanay kong tanong.
"Bago lang ako sa school Mama. Takot po ako eh. Baka aaway nila ako." hito na nga ang sinasabi ko. Sa dating daycare centre na pinasukan ng Anak ko na-bully siya doon.
"Basta promise mo na magbehave ka sa school Anak ha. Kakausapin ko si teacher para wala mambully sayo."
"Hindi ko na nga lang gagalingan sa school Mama. Sisimangot mga Nanay ng mga klasmate ko eh. Magkunting galing na lang ako Mama." sagot ng anak ko.
"Hindi pwede iyon Anak. Dapat galingan mo parin para pag-uwi natin sa bahay ng mga Lolo at Lola mo magiging proud sila sayo Anak. Pero wag mo pilitin kapag hindi kaya Anak ha. Ang importante may matutunan ka anak. Magpaturo ka kay teacher kapag may hindi ka maintindihan okay ha." bilin ko naman.
"Dali-dali lang naman Mama eh. Galing mo kaya magturo Mama. The best Mama ka po." kiss niya sakin sa labi ko. Napahagikhik naman ako.
"Oo na anak gusto mo lang ng banana pancakes eh. Sipsip nito." biro ko sabay kiliti sa bewang nito. Humalakhak naman Ito sa ginawa ko.
Pinaupo ko na ulit sa upuan nito. At nagsandok na ako ng sopas at nilagay na sa harapan ng anak ko. Kumuha pa ako ng tag Isa kaming mangkok na sakto lang ang laki. Nakita ko itong sumimangot. Kaya nilabas ko na ang banana pancakes na request ng Anak ko. Ayon at nagliwanag na ang mukha ng anak ko. Malawak na napangiti sabay tingin sakin.
"Masaya na yan." ngiti ko.
"Thank you po Mama ko. I love you po." masayang sabi ng anak ko.
"Welcome Anak ko na sipsip." bungisngis ko.
Ganito kaming dalawa parang magkapatid lang. Naglulukuhan, nag-aasaran minsan nakakapikonan pa nga. Ako na mapang-asar at ang anak na madaling mapikon. Minsan walang may gusto matalo gusto lagi ang manalo. Ganito na ang buhay naming dalawa ng anak ko sa nakalipas na mga taon.
Kapag talaga nakaipon ako uuwi akong Tarlac. Sana matanggap parin nila ako. Sobrang nangungulila na ako sa kanila. Sobrang namimiss ko na sila. Gagawa ako ng paraan para magkaroon parin kami ng communication sa pamilya ko.
Pwede ko naman siguro idaan sa YouTube channel ko. Hmm Tama.
****
New work
Flower shop na malapit sa palengke din. Sa cellphone ako in-interview thru video call. Marunong naman ako sa arrangement ng mga bulaklak. Iyon ang hilig ko ang gumawa ng mga bulaklak. Pangarap ko na maging isang magaling na taga ayos ng mga bulaklak.
Hinatid ko na muna ang Anak ko sa school. Kinausap ko ang teacher nito bago ako umalis para sa bagong trabaho na tatahakin ko. Kailangan kong kumita ng pera para sa renta ng inuupahan naming kwarto. Tubig, kuryente at pagkain namin ng Anak ko.
Pagkarating ko sa flower shop ay malawak din pala iyon. Akala ko saktong laki lang na flower shop. May mga kasama din pala ako akala ko ako lang mag-isa. Pero ang gagawin ko lang ay magtinda ng mga bulaklak at mag arrange. Iyon ang usapan namin ng nag-interview sakin noong nakaraan linggo.
"Hello ako yung bagong hire po dito sa flower shop. Magandang umaga ma'am." bati ko.
"Yanna Buendiola?" tanong nito.
"Yes po ma'am. Ako nga po." magalang kong sagot.
"Sigurado ka ba na marunong ka sa mga bulaklak?" nagdududang tanong pa nito sakin. Mukhang hindi naman Ito ang may-ari ng flower shop. Sabi ko pa sa sarili ko. Hindi kasi Ito ang nag-interview sakin.
"Yes po ma'am. Marunong po ako sa mga pangalan ng bulaklak. Ang pag arrange po sa mga bulaklak at magtinda na din ma'am." sagot ko naman.
Mukhang hindi Ito ang amo dito. Dahil pakiramdam ko napaka judgemental naman niya na makatingin sakin mula ulo hanggang paa wagas. Mas maganda naman kasi ako saknya.
"Good morning ma'am Freda." sabay-sabay nilang bati sa dumating na babae sa flower shop. Namumukhaan ko ito dahil siya ang nag-interview sakin noong nakaraan linggo. Ito siguro ang may-ari ng flower shop.
"Good morning ladies." bati din nito sabay tingin sakin. Ngumiti naman ako at bumati ulit.
"You are Yanna Buendiola right?" tanong pa nito.
"Yes ma'am." agad kong sagot.
"Great. Okay lang ba sayo na ngayon na mag-uumpisa sa trabaho?" tanong pa nito sakin.
"Yes ma'am okay lang po. Pero ma'am pwede ko bang isama dito sa trabaho ang Anak ko?" tanong ko. I'm hoping na papayag siya.
"Ilang taon na ba ang Anak mo Yanna?"
"Limang taon na po ma'am. Malapit lang dito ang paaralan na pinapasukan niya po." sagot ko. "Hanggang eleven po kasi ang klase niya po. Baka lang po pwede siya dito. Mabait naman po ang anak ko." pangkukumbinsi ko pa. Para pumayag Ito na isama ko dito ang Anak ko.
"Kabago bago mo palang ang dami mo ng demand." sabi ng babae na unang nakausap ko dito kanina.
"Shhh... sure Yanna. Just make sure na magampanan mo ang trabaho mo dito ha. Sa flower shop ka ma-assign dalawa kayo doon ni Miss Josie." nakahinga ako ng maayos ng hindi ang sumingit na babae ang kasama ko sa flower shop.
"Yes ma'am, thank you. Magsisipag po ako sa trabaho ma'am." masaya ko agad na sabi. Hindi ko na pinansin ang mga mapanuring mga mata ng katrabaho ko.
Tinawag na ako ng nag ngangalang Josie at iginiya niya ako sa area ng flower shop. Hindi pala dito ang main flower shop. Sa kabila pa pala. Sa loob-loob ko. Pumasok na din sa opisina nito ang boss namin.
"Ito na muna ang gagawin natin dito ang maglagay ng plastic water tube sa mga bulaklak. Actually hindi natin sana ito trabaho. Kaya lang alam mo naman ang mga tao kapag nauna silang nagtatrabaho dito. Bibigyan ka ng napakaraming trabaho. Wag kang mag-alala dahil andito naman ako na kasama mo. Wag ka pupunta sa imbakan ng mga bulaklak dahil marami silang utos doon kapag nakita ka nila."
"Ayos lang naman siguro kapag hindi mabigat ang iuutos nila." sabi ko naman.
"Hindi pwede iyon. Mamimihasa sila. Kaya hanggat andito tayo panatilihin natin ang sarili na busy sa trabaho dito. Para hindi nila tayo storbubin. Hindi naman mabigat ang trabaho nila doon. Feeling siga lang sila na dapat sila ang masusunod. Tsk. Trabaho na nga tayo." sabi pa nito.
"Mukhang hindi maganda ang unang experience mo dito ha?" tanong ko naman.
"Oo talagang hindi maganda. Buti nga nakatagal ako. Sana kayanin mo din ang trabaho dito. I mean ang mga katrabaho natin hindi ang trabaho. Dahil kapag trabaho lang naman aba'y kadali lang naman. Mga katrabaho natin ang mahirap pakisamahan." tumango tango na lang ako.
Busy na kami sa ginagawa namin. Nag-ayos na din ako ng mga bulaklak na display sa harapan. Iyon kasi ang utos ng kasama ko. Mabait naman Ito marami siyang sinasabi pero tinutulungan parin naman niya ako.
Nagpaalam na ako ng malapit na ang uwian ng Anak ko. Tumawag na din ako sa amo namin. Sa kabila ako pinadaan ng kasama ko para hindi daw ako makita ng ibang katrabaho namin. Tumalima na lang ako para masundo ko na ang Anak ko.