8 Petunia

2086 Words
Petunias "symbolize anger and resentment especially when they are presented by someone whom you have recently had a hated disagreement. They can also symbolize your desire to spend time with someone because you find their company soothing and peaceful." Leyanna Pov Mag one month na ako sa trabaho at marami akong pagsubok na ginawa ng mga katrabaho ko dito. Sinasadya nilang sirain ang mga naayos ko ng mga bulaklak na display sa flower shop. Kahit ang mga orders na bulaklak ay ko-kuntyabain pa nila ang mga suki na nila dito. Para lang iparepeat na i-arrange ang mga order nilang bulaklak. Pati ang kasama ko nadadamay na din sa mga kalukuhan nila. One time nag sumbong ako sa amo namin. Wala naman itong pakialam sa mga sumbong ko. Kung nagrereklamo daw ako sa trabaho ko pwede na akong umalis sa trabaho. Akala ko pa naman mabait ang amo naming Ito. Tino-tolerate niya ang mga kawalang hiyaan ng mga empleyado nito. Galit na galit ang nararamdaman ko. Kaya ang ginawa ko naging tahimik at hindi na sumasagot sa kanila. Ang nasa isip ko magsumbong ako sa mga pulis. Pero alam kong pagtatawanan lang ako ng mga pulis kapag magsumbong ako sa simpling bagay lang. Ang ikinatagal ko lang dito ay hindi nila dinadamay ang Anak ko. Kami lang talaga ng kasama ko dito sa flower shop ang binubully nila. Kaya sinabihan ko ang Anak ko na 'wag siya gaano nakikipag-usap sa mga katrabaho ko. Tinanong ko ang amo namin kung pwede akong mag-vlog dito sa flower shop nito. Pwede daw para more exposure sa flower shop nito. Good idea pa nga daw ang gagawin kong pag-vlog dito. Nasiyahan naman ako sa sinabi nito. Kaya iyon ang gagawin namin mamaya ng Anak ko at ang kasama ko dito. Kasi kapag hapon na ay hindi pumupunta dito ang mga katrabaho naming iba. Mas maaga mga yun na uuwi kisa samin dito sa flower shop. Kaya peaceful kami sa hapon kisa sa umaga. "Yanna, malapit na ang sahuran natin. Dahil sa bagong sahod ka magpapakain ka daw dito sabi ng supervisor natin." sabi ni Ate Josie sakin kabubukas palang namin ng flower shop. "Ha. Anong ipanglilibre ko sa katrabaho natin. Hindi ba't sabay-sabay naman tayong magsasahod. Kailangan ko ng pera dahil marami akong bayaran din." sagot ko. "Ganito dito kahit noong unang sahod ko. Hindi nila binigay na buo ang sahod ko. Alam mo bang umiyak pa ako noon dahil hindi buo ang sahod na binigay nila. Nagreklamo ako sa amo natin. Pero wala naman siyang aksyon na ginawa. Dahil Isa din siya na nakikikain sa pagkain na order nila gamit ang sahod ko. Traditional na daw kasi nila iyon. Pero dapat wag naman nila ipilit kung hindi naman kaya ng katrabaho na magpakain. Manlibre lang sana sa kaya ng budget. Hindi yung sila mismo babawas sa sahod." mahaba nitong sabi sakin. "Ay hindi pwede iyon sakin. May panggagamitan ako sa Pera ko. Kaya nga ako nagtatrabaho para may pangkain kami ng anak ko. Lalo na sa pambayad sa renta at kuryente. Tapos dahil sa letseng traditional na yan babawasan ang sahod ko. Aba sobra na sila sa ginagawa nila. Buti sana kung libre pagkain at malaki sahod. Eh, sakto lang naman yung sahod natin pang araw-araw na gastusin sa bahay natin. Lalo na't Mahal na lahat ang bilihin." "May reklamo ka?" gulat akong napatingin sa may likuran ko. Ang mukhang mangkukulam na supervisor namin ang nasa pintuan at nakikinig sa usapan namin ni Ate Josie. "Natural na magrereklamo ako. Nakabudget na ang sasahurin ko ngayong katapusan sa mga bayarin ko sa bahay. Nagrerenta lang kami ng anak ko. Overdue na ang bayad sa renta ng inuupahan naming kwarto ng Anak ko. Ang tubig at kuryente pa namin. Tapos kukunin niyo ang sahod ko para ipangkain dito. Hindi po pwede iyon ma'am." sabi ko. "Tradisyon kasi dito sa flower shop na manlilibre ka sa unang sahod mo. At hindi ka pwedeng tumanggi dahil nakakamalas iyon sa negosyo ni ma'am Freda." irap nito sakin bago Ito umalis sa flower shop. "Wala sa usapan namin ni ma'am Freda na magpapakain ako kapag unang sahod ko. Walang gan'on!" sumbat ko sa kaniya. Pero hindi na niya ako pinansin pa. "Hindi parin ako papayag sa gusto nila. Namimihasa na sila sa pambubully satin dito. Tapos may pa ganyan-ganyan pa silang nalalaman. Bwesit sila!" gigil kong inis. "Hayaan mo na mabuti nga hindi nila binawasan yung sahod mo sa kinsenas. Ngayon katapusan lang naman na sahod mo iyon babawasan. Kesa mawalan ka ng trabaho mas mahirap iyon." alo nito sakin. "Kahit na! Makabully sila satin wagas tapos may gana pa silang bawasan ang sahod ko. Kung naging mabait sana sila satin okay lang sana. Kaso hindi eh." umirap ako sa hangin. Magsusumbong na talaga ako sa pulis kapag hindi nila binigay na buo ang sahod ko. Letse nila! Ngitngit ng kalooban ko. Naging busy na kami sa trabaho namin. May pumasok na dalawang babae. May katandaan na ang Isa. "Magandang tanghali po mga ma'am." bati ko. Pero hindi sila namansin sakin umirap pa nga ang mas matanda. Siguro Isa na naman ang mga Ito sa patibong ng mga bwesit na katrabaho namin dito. Lumapit ako kay Ate Josie pero nagulat ako ng magsalita ang customer namin. "Kinakausap kita, wag kang bastos na basta mo na lang akong tatalikuran." gulat kaming nagtinginan ng kasama ko. "Ma'am sino po ang kausap niyo?" taka kong tanong. Tsaka hindi naman Ito nagsasalita kanina. Baliw ba Ito? "Gaga kaba? Syempre ikaw! Inutil!" pagsusungit nito sakin. "Ako pala ang kausap mo ma'am. Akala ko ayaw niyo pastorbo dahil dedma kayo sakin kanina." mahinahon kong sabi. "Mga wala kayong silbi na tindera ng bulaklak." padaskol na sabi nito sakin. "Sure ma'am!" sagot ko na lang. Iyon na lang ang nasabi ko. Wala din naman akong mapapala dito. Alam kong kakilala nito Isa sa katrabaho namin. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko malalaman na isa lang itong patibong samin ng kasama ko dito. "Ma'am kung bibili kayo ng bulaklak at gusto niyong ipa-arrange dito ng paulit-ulit po. Mas magaling po ang mga nasa kabilang flower shop. Tindera lang po kami dito nag-aarrange na-aayon lang sa alam namin na style. Pero kung titingin lang kayo. Feeling free to looking all the flowers here mga ma'am. No touching the flower po just see and looking lang." magalang ko parin na sabi. "Leave us alone here. Ang bantot mo mag-english hindi kana nahiya!" sagot ng isa yung mas bata. "There is nothing false to talk in english ma'am." sagot ko naman. Pero humalakhak sila sa sinagot kong english sa kanila. "At least tumawa kayo. I leaving you there na." sagot ko at lumapit na kay Ate Josie na tumatawa din. Alam kasi nito na gan'on ako mag english. "Trying hard mag english hindi na nahiya." nagkatawanan pa ang dalawang costumers namin. I don't mind. Nakahinga kami ng umalis na din sila sa wakas. Hindi naman sila bumili nagtingin lang talaga sila. Mabuti wala silang sinira na bulaklak. "Bagay ang bulaklak na Ito sa mga warfreak na mga iyon. Petunias flowers is a symbolize anger and resentment lalo na kapag hindi kayo nag agree sa isang bagay." sabi ni Ate Josie. "Di dapat namitas ako ng isang bulaklak niyan at ibinato sa mga iyon para mawala ang malas dito." sabi ko naman. Naghagikhikan kaming dalawa. Kada may bibili ng bulaklak at ipapa-arrange dito sa flower shop. Tinatanong ko kung may balak ba silang ipaulit ulit yung style ng bulaklak. Natawa naman ang ilang sa tanong ko. Tapos magkukwento na ako sa mga customers namin. ***** Sahuran na Linggo at excited akong magsahod. Ang dami na naming gustong bilhin ng Anak ko. Dahil half-day lang kapag linggo ay mamamasyal kami ng anak ko sa mall. Tapos sa hapon magsisimba kami malapit lang naman ang simbahan sa inuupahan naming bahay. Pero nagulat na lang ako ng may mga delivery ng mga pagkain. May pansit, lumpia, puto, club sandwich at Biko. Plus may mga coke at Sprite pa na tag tatlo piraso. Halla kanino kaya ang mga ito. "Ate Josie, may mga order na pagkain dito. Kanino po ito?" tanong ko. "Sa atin yan lunch natin dito." sagot naman ng isang katrabaho ko. Isa din Ito na sipsip. Agad nitong binuhat ang dalawang nakalagay sa bilao na pansit at Biko. Napatingin na lang si Ate Josie sakin. Binuhat na nito ang iba pa pero ako hindi pinansin ang mga pagkain. "Mama, gusto ko yung tinapay at puto. Gugutom na ako Mama eh." ungot sakin ng Anak ko. "Ate Josie, pwedeng kuhanan mo na lang po ng club sandwich at puto ang Anak ko?" sabi ko kay Ate Josie ng bumalik ulit dito para buhatin pa ang ilan. Tumango naman Ito. "Iyon lang ba?" tanong naman nito sakin. "Iyon lang ba anak ang gusto mo?" "Pansit po Mama." sagot naman ng anak ko. "Pansit daw Ate Josie." "Sige wait lang ha." "Salamat ate." tumango naman Ito. Apat na puto, at lima na club sandwich, anim na lumpia plus pansit ang binigay ni Ate Josie sakin. Meron na din itong dala na para sa kaniya. "Pinagbalot kita ng Biko. Hindi pwedeng sila lang ang pwedeng kumain ng delivery food dito. Ang sisiba pa naman nila." simangot ni Ate Josie. "Sino daw ang nagpadeliver?" "Sabi ni Angel si ma'am Freda daw nag order ng mga pagkain." sagot naman nito. Hindi na lang ako umimik. Pero ang kutob ko parang may mali. Kuripot ang boss namin alam kong hindi siya ang nagpa-order ng pagkain na mga Ito. Malakas ang pakiramdam ko na baka pera na sasahurin ko ngayon ang pinambayad nila. Ngayon palang nagagalit na ang kalooban ko. "Nakuha ko na rin pala ang sahod natin. Ito oh." sabay abot sakin ng sobre na puti. Ganito daw sila magpasahod dito. Kada kinsinas katapusan ang pasahod dito. Noong kinsinas ay buo ang nasahod ko. Sana ganun din ang katapusan dahil ipambayad ko iyon sa renirentahan ko na kwarto. Nakapagbigay naman na ako sa bayad ng tubig at kuryente. Renta na lang ang hindi pa. Binuksan ko ang sobre at binilang ang Pera na nasa loob. Nangunot na ang noo ko. Kulang Ito ah. Dapat seven thousand five hundred ang sahod ko. Bakit three thousand lang ang andito. Gan'on ba kamahal ang binayad nila sa mga pagkain na yan? Para bawasan nila ng four thousand five hundred na sahod ko. "Ibalot na natin Ito Anak sa bahay na lang tayo kakain." sabi ko agad. Pinahawakan ko lang siya ng puto. "Bakit Yanna uuwi na kayo?" takang tanong sakin ni Ate Josie. "Mamaya pa. Pakibantayan lang Ate ang Anak ko ha." sabi ko sabay labas ng flower shop. Nagtungo ako sa mini warehouse ng mga bulaklak dito lang din sa tabi ng flower shop. Nagulat pa sila sa pagpasok ko dito. Tuwang tuwa sila sa nascam nilang pera. Bwesit sila. "Bakit Three thousand lang ang sahod ko? Akala ko ba kay ma'am Freda ang order na mga pagkain na yan? Gaano ba kamahal ang mga pagkain na yan at three thousand lang ang sahod ko ngayong katapusan." galit kong tanong sa supervisor namin. "Kumakain ka din naman ah. Bakit ka pa nagrereklamo." sikmat nito sakin. "Dahil ang sabi niyo si ma'am Freda ang nag-order ng mga pagkain. Pero sahod ko pala ang pinambayad niyo ng wala man lang kayo pasabi sakin. Alam niyo ba kung gaano ko pinaghirapan ang sahod ko na yan na nilustay niyo lang. Pare-pareho tayong may sahod at may kanya-kanya tayong paggagastusan! Pero bakit sobra naman yata ang panglalamang niyo sa kapwa niyo. Alam niyo na ngang nagtatrabaho ako para sa Anak ko. Tapos babawasan niyo lang ng napakalaki ang sahod ko. Mabuti sana kung naging mabuti kayo sakin, samin ng kasama ko sa flower shop. Pero sobrang pagpapahirap ang ginawa niyo samin! Tapos ang kakapal pa ng mukha niyong bawasan ang sahod ko. Letseng tradisyon na yan. Letse kayo!" galit kong sabi sabay alis na sa loob. May binato sila pero mabuti na lang nailagan ko. Hindi na ako lumingon pa. Kakarmahin din kayo lintik lang. Isusumbong ko na talaga kayo sa mga pulis. Mga gahaman sa Pera at mga mapagsamantala na Tao. Pagpasok ko sa flower shop ay inayos ko na ang mga gamit ko. Pati pagkain na binalot ni Ate Josie para sakin kinuha ko. Agad ko ng hinila palabas ng flower shop ang Anak ko. Sa kabila kami dumaan hindi ko na sila pinansin pa. Wait lang kayo ng may kalalagyan din kayo. Inis na sabi ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD