The Dicentra
"is shaped like a heart, with a pointed bottom and a rounded top, making them look like little dangling tears. Dicentra symbolises heartbreak and the loss of a loved one. The name broken heart is derived from the heart-shaped flowers resembling a broken heart."
Leyanna Pov
Kinabukasan din ay hindi na ako pumasok sa trabaho. Tumawag na lang ako kay ma'am Freda na hindi na ako papasok sa trabaho. Hindi Ito nagtanong at alam ko ang dahilan. In-accept niya agad ang pagre-resign ko.
Pagkahatid ko sa anak ko ay nagtungo ako sa police station sa antipolo din. Sinabihan ko yung teacher na kapag wala pa ako ay doon na lang muna ang Anak ko saknya. Pinabantayan ko na muna teacher niya. Hindi pwede na gan'on ang laging ginagawa ng mga trabahador doon. Lagi silang nanlalamang ng kapwa nila trabahador.
Umaasa ako na sana mabigyan ng hustisya ang ginawa nila sakin. At sa mga dating nagtatrabaho na din doon dati na na-bully at binawasan ang sahod ng walang pahintulot. Okay lang na manlibre pero wag nila ipilit kung hipit ang tao. Pwede naman sa ibang sahuran na lang basta nakakaluwag eh. Napakagahaman nila buset sila!
Nandito na ako sa police station. Bukas naman na ang opisina nila. Kaya pumasok na agad ako sa loob.
"Good morning po Sir." bati ko agad sa Pulis na nakita ko sa reception area.
"Yes ma'am good morning. Ano pong maitutulong namin sayo ma'am?"
"Baka lang po pwedeng magpatulong. Saan po ba dito ang pwede kong makausap para ireklamo ang mga katrabaho ko." sabi ko.
"Wala pa si Sir, ma'am mamayang hapon pa ang dating nito dito sa police station."
"Kung gan'on hindi niyo po ba ako matutulongan sa irereklamo kong mga katrabaho ko?" tanong ko.
Iginiya niya ako sa loob ng opisina nila. Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa nito.
Nakikinig lang ako sa sinasabi nito. Ang dami naman kailangan para makapag file ako ng reklamo laban sa mga katrabaho ko. Kailangan makompleto ko lahat ng Ito. Diyos ko pati pagrereklamo pahirapan pa.
"Sir ekcuse me. Hindi ba pwedeng pakinggan niyo na lang po ang irereklamo ko. Total nandito naman na ako bakit kailangan ko pang kumuha ng mga ganyan kung andito na ako nagrereklamo Sir." sabat ko agad.
"Kapag nilakad ko pa ang mga ganyan na requirements masasayang lang ang pera ko. Pati na din ang oras ko. My time Sir is very gold. Useless lang din pala ang pagpunta ko dito. Hindi niyo din pala pakikinggan ang reklamo ko Sir."
Nagtanong Ito about sa ireklamo ko. Ano ang dahilan kung bakit ko irereklamo ang mga katrabaho ko. Kaya agad ko naman kweninto ang lahat nakikinig lang din ito. Natawa pa Ito sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon. Hindi na ako nakapagtimpi sinagot ko na ang Pulis na gagong 'to.
"Anong nakakatawa Sir? May nakakatawa ba sa kinuha nilang sahod ko para ipang kain sa lahat? Kung pare-pareho naman kaming may mga sahod. Ganito na ba ang Mundo na kung mahirap ka pagtatawanan ka lang ng mga taong mas mataas na may katungkulan sa trabaho. Yung may sulosyon naman sana pero pahihirapan pa ang nagrereklamo. Ang malala pa pakukuhanan ng kung ano-anong mga requirements na yan. Imbes na makatipid mas lalo niyo namang pinapahirapan ang mga mahihirap. Sa mayayaman na lang ba kayo umaaksyon at sa mahihirap pagtatawanan niyo? And the worst is dedma ang reklamo dahil wala kayong mapapala. Sayang lang ang ipinamasahe ko dito. Dapat ipinambili ko na lang ng pagkain ng Anak ko." galit kong sikmat sa pulis na parang nagulat pa sa mga sinasabi ko.
"Madam, wag kasi mag-anak kung wala ka naman palang ipapakain sa Anak mo."
"Aba'y Gago ka din pala Sir ano. Kayong mga lalaki ang may kasalanan kung bakit may mga nabubuntis na babae. Tapos iiwan at pupunta sa kabilang kama para magpakasarap sa ibang babae. Hindi niyo alam ang responsibiladad niyong mga lalaki sa unang na binuntis niyo. Puro lang kayo pasarap. Tapos isisi niyo samin na mga babae kung bakit kami nagka-anak ng walang ama. Putulin ko kaya ang oten niyo para hindi kayo makabuntis. Pigilan ang kakatihan kapag may nanlalandi sainyo! Pinapa-highblood mo po ako Sir kay aga-aga. Bye na salamat sa pakikinig Sir." padabog na akong tumayo.
"Ipapatulfo na lang kaya kita Sir?!" inis kong sambit sabay labas na sa opisina na yon. Napatulala na naman ito sa mga sinabi ko. Hmp! Useless kayo mga walang kwenta.
Pero sa paglabas ko may nakasalubong akong pamilyar na mukha sakin. Nilapitan ko Ito baka sakaling matulungan niya ako. Sa apat na buwan na yun naging close ko na ang alaga nitong si Serenity. Kapag bumibili kasi ito ng bulaklak noon hinahanap niya ako.
"K-kuya." tawag ko iniisip ko yung pangalan niya. "Natatandaan mo pa ba ako?" tanong ko pa. Tumitig naman Ito sakin. Inaalala din siguro nito kung saan niya ako nakita.
"In the flower shop? The Osmeler flower shop right?" tumango ako. "How are you?" ngumiti ito sakin. Naalala ko yung kasama nilang babae lagi nitong kabangayan noon.
"Maayos po kaninang pagpasok ko dito sa police station. Ngayong paglabas ko sa opisina na high blood na po ako Kuya." simangot ko. Tumawa naman Ito.
"I already remember your name. Yanna right?"
"Opo." napalingon ako sa bumukas na pintuan at lumabas ang gagong pulis. Bumati ito kay Kuya.
"Bakit nandito ka pa? Iistorbuhin mo na naman ba ang ibang pulis dito?" seryosong tanong nito sakin.
"Yes Sir dahil wala ka naman pong naitulong at gusto mo pa ako gumastos ng mga affidavit na yan. Kaya nga nandito na ako personal ng dumulog sainyo para tipid gastos. At Isa pa saan ako kukuha ng Pera eh hindi nga binigay ang sahod ko diba. Simple lang naman ang hiling ko pinagtawanan mo pa Sir. Nakakasakit na kayo ng pride ko."
"What happen Yanna?" singit ni Kuya. Ah si kuya Gardo nga Ito.
"Kilala mo siya Sir?"
"Yes why?"
"Baka gusto mo akong tulungan Kuya Gardo. Baka may silbi ka naman siguro kisa sa mga pulis dito ano." parinig ko pa. Natawa ulit ito sakin.
"Yes of course, para sa kaibigan ni Serenity gagawin ko ang makakaya ko. Hintayin mo ako dito. May kakausapin lang ako saglit." sabi nito.
"Dalian mo Kuya naghihintay na ang anak ko." tumango naman Ito.
"Kilala mo ba si Sir Bustamante?" usisa ng Pulis na kausap ko kanina.
"Opo bakit parang may duda kayo Sir?"
"Nagtatanong lang. Mukhang close na close kasi kayo kung makademand ka. Mataas ang posisyon ni Sir Bustamante dito. Makapangyarihan na pamilya ang pamilya nito." sabi pa nito sakin.
"Yun naman pala Sir. Tatanungin ko kaya kay Kuya Gardo, kung pwede ka niyang ibaba sa pwesto. Hindi mo inaayos ang trabaho mo Sir. O, kaya ay tanggalin ka sa trabaho." biro ko lang naman iyon. Nainis kasi ako saknya kanina sa pagtawa nito.
"Kakapromote ko lang tapos ipapababa mo ako sa pwesto. Grabe ka naman ma'am. Pasensiya na sa inasta ko kanina. Wag mo naman sana akong isumbong kay Sir Gardo. Kawawa naman ang pamilya ko kapag mawalan ako ng trabaho." nag-aalala pa na sabi nito.
"Wag mo na lang akong kausapin Sir. Na-stress ako eh." sabi ko na lang. Lumayo naman na Ito agad.
Paglabas ni Kuya Gardo ay agad niya akong iginiya sa sasakyan nito. Nag-usisa na ito sa buhay ko. Nag-asawa na daw ba ako? Bakit may Anak na ako.
"Nasaan ang ama ng Anak mo Yanna?" usisa pa nito.
"Hindi ko na po alam Kuya. Nawala bigla ang communication namin noong dalawang taon palang ang Anak namin. Hindi ko din sinabi saknya na may Anak na kami dahil ang gusto ko makapagtapos siya ng pag-aaral. Kaso bigla na lang siyang nawala." heto na naman yung puso ko na parang binibiyak. Sumasakit na naman ng walang dahilan. Bigla na lang kasi niya akong hindi tinatawagan at ang masama pa nawala ang koneksyon ko saknya.
"Saan kayo nakatira ngayon ng Anak mo?"
"Sa Barangay inarawan po. Malapit po kami sa seminaryo simbahan Kuya. Doon po kami nangupahan mag-isang taon na po kami ng Anak ko doon. Palipat lipat din kasi kami ng tirahan ng Anak ko." sagot ko naman.
"Saan ka nagtatrabaho ngayon?"
"Sa flower shop po kaya lang isang buwan ko lang umalis na ako. Dahil hindi ko kaya ang mga katrabaho ko. Kaya nga pumunta ako sa police station para idulog ang reklamo ko. Yung sahod ko kasi Kuya hindi nila binigay ng buo. Pinambili nila ng pagkain ng walang pasabi sakin. Gan'on daw kapag bagong trabahador ka doon traditional daw nila. Kailangan magpakain ako sa unang sahod ko. Aba, mabuti sana kung hindi ko iyon kailangan. Nakipag away talaga ako nagsumbong ako sa amo namin. Useless lang din kasi wala naman siyang aksyon. Aba sayang din naman yung pera na iyon. Pinaghirapan ko po yun para may pangkain ang Anak ko. Tapos gagastusin lang nila. Sayang kaya yung four thousand five hundred. Lintik sila eh." mahaba kong ngawa kay Kuya Gardo.
"Saang flower shop iyan?"
Sinabi ko naman agad ang flower shop.
"Ako na ang bahala. Hindi pwede yung mga ganyan na mapagsamantala na katrabaho. Saan kita ihahatid ngayon para hindi sayang ang pamasahe mo."
Lumingon ako ng makita ko na ng malapit na ako sa paaralan ng Anak ko.
"Diyan na lang sa tabi Kuya. Susunduin ko pa kasi ang Anak ko. Baka naghihintay na siya sakin."
Tinigil naman nito sa tabi ng paaralan.
"Here take this. Tumawag ka kung may kailangan ka, Yanna. Wag ka ng mahiya magsabi okay. Para maibigay ko kay Serenity ang number mo. Siguradong matutuwa iyon. Lagi ka kasi niyang tinatanong noon kapag nasa flower shop kami."
"Salamat sa paghatid Kuya. Tatawag po ako sayo kuya. Bye po." bumaba na sana siya ng may inabot itong Pera sakin.
"Para saan yan Kuya?"
"Para sa Anak mo hindi para sayo." ngiti nito.."Kunin mo na wag ka ng mahiya."
"Sige kahit po nakakahiya bawal tanggihan ang grasya. Maraming salamat talaga Kuya dito."
"No problem. Bye mag-iingat kayong mag-ina okay."
"Opo. Ingat din po kayo." sabi ko sabay baba na sa sasakyan nito.
Pagpasok ko sa paaralan ay kita ko na ang Anak ko nasa pintuan ng classroom nila. Sumaya ang mukha ng makita niya ako. Ngumiti naman agad ako saknya.
"Sorry baby ko. Nagugutom na ba ang Anak ko?" lambing kong tanong sabay kiss sa pisngi nito.
"Binigyan po ako ni teacher ng biscuit. Hindi po masarap pero kinain ko parin po." napangiwi ako sa sinabi nito.
"Ikaw talaga anak, masyadong maarte sa pagkain. Nagpasalamat ka ba sa teacher mo?"
"Opo." sagot nito agad.
"Salamat po ma'am. Mauna na po kami." sabi ko.
"Ba-bye teacher see you tomorrow po." kaway pa nito sa teacher. Kumaway naman ang teacher nito.
****
"Mama kain tayo Jollibee po ah?" masayang sabi nito.
"Anong gusto mong kainin sa Jollibee Anak?" tanong ko naman.
"Spaghetti po Mama, tapos yung kinain natin na mango pie po iyon di ba Mama?"
"Ayaw mo ng burger steak yung may rice?" tanong ko pa.
"Ayoko ng rice Mama."
"Gusto ko ng kanin Anak."
"Eh. Kain ka ng kanin Mama, ako kain ako spaghetti at mango pie. Tapos hingi ako steak mo Mama." sagot naman nito na ngumiti pa sakin.
Kaya sumakay na kami ng jeep patungong Cogeo. May Jollibee kasi doon mediyo malayo kunti sa bahay namin okay lang minsan lang naman Ito. Para makapasyal na din ang Anak ko.
Pagkababa namin sa jeep ay sa Jollibee na agad kami nagtungo. Naghanap kami ng mauupuan naming dalawa ng Anak ko. Pinaupo ko na muna Ito at sinabihan na umupo lang siya at wag umalis sa upuan nito.
Patingin tingin ako sa gawi ng anak ko baka biglang tatayo ito at biglang lumabas. Ganito kasi noon kapag may makita siyang gusto na isang bagay. At least ngayon nasasabihan na di kagaya dati. Sobrang likot at tigas ng ulo ayaw makinig. Kapag nilabas ko na ang pamalo ko. Iiyak na agad ayaw daw niya mapalo masakit daw. May isang beses kasi napalo ko ito. Napalakas yata ang pagpalo ko noon dahil ayaw makinig at matigas ang ulo. Nagsisi naman ako sa ginawa ko at least natuto itong makinig na at hindi na gaano matigas ang ulo.
Hinding hindi ko na iyon inulit pa. Nagkatrauma pa yata ang Anak ko sa pamamalo ko noon. Kaya pinapaunawa ko saknya kong bakit ko siya napalo. Lagi ko din sinasabi na Mahal na Mahal ko siya. Para hindi lumayo ang loob sakin at makinig palagi. Pero dahil Bata nga ay hindi maiwasan ang kakulitan. Dinagdagan ko na lang ang pasensiya ko sa Anak ko.
Lumapit na ako ng naka-order na ako ng food namin.
"Ayos ka lang Anak ko?" tanong ko.
"Opo. Naiisip ko lang din po kung bakit wala ako Papa. Ganyan din po sana tayo Mama oh." sabay turo sa buong pamilya na masayang kumakain.
"Mabubuo din tayo anak. Sa ngayon tayong dalawa na muna. Balawang araw magkakaroon ka din ng papa. Pero wag na muna ngayon Anak ha. Ang mahalaga naman ngayon ay kasama mo ako na Mama mo." nasasaktan na naman ang puso ko.
Pakiramdam ko naheart broken ako. Bigla kasing parang may pumiga sa puso ko ng napakahigpit at sumakit bigla. Kung sana lang meron kaming communication na dalawa ni Rad. Dapat nga nakauwi na siya ng Pilipinas eh. Ang sabi niya dati 3years lang siya sa abroad. Pero bakit 5years na wala parin akong balita saknya. Sinungaling siya eh. Nasasaktan na naman ako na bigla na lang Ito nawala na parang bula.
"Wag kana umiyak Mama. Sorry po." sabay yakap sakin.
"Hindi umiiyak ang Mama, Anak." sabay punas sa luhang biglang naglandas sa pisngi ko.
"Teka lang Anak tinatawag na ang number natin. Kunin ko lang ang pagkain natin ha." sabi ko at kumalas na ako sa pagkakayakap nito sakin.
Ngumiti na akong papalapit sa lamesa namin ng anak ko.
"Nandito na ang food natin Anak." ngiti ko.
"Wow may ice cream pa. Thank you po Mama." malawak na ngiti ng Anak ko.
"Welcome Anak. Kain na at mamalengke tayo ng kailangan sa bahay natin mamaya." ngiti ko.
Chicken with spaghetti ang binili ko na may kasamang burger steak, mango pie at drinks namin ng anak ko.
Paminsan-minsan sinusubuan ko ito ng steak with rice. Hindi siya makareklamo dahil nandito kami sa labas kumakain. Kapag sa bahay tatakbo ito sabay tutop sa bunganga niya. Ayaw niya talaga ng kanin. Ang mahal naman ang Brown rice per kilo. Kinakaya ko na lang basta kumain lang Ito ng kanin.