10 Yellow Hyacinth

2270 Words
Yellow Hyacinth "hyacinth are flowers that come with a unique scent and flower meanings specific to their colors. Yellow Hyacinth represent intense jealousy." Radeon Pov Pagkatapos ng graduation ko dito sa America, hindi na ako umuwi ng Pilipinas. Para saan pa na uuwi ako doon. Wala naman na kami ng babaeng pinakamamahal ko. I mean it's my fault. I suddenly fall out love. Lagi ko itong inaaway ng walang dahilan. Mas lalo na ng malaman kong umalis Ito sa Tarlac at nagtrabaho sa flower shop namin sa manila. I'm so disappointed na hindi niya pinahalagahan ang pag-aaral nito. Para din naman iyon sa sarili niya sa future niya. Anong dahilan niya bakit Ito umalis ng Tarlac? At nagtungo sa Manila para magtrabaho. Hindi pa ba sapat ang pera na binibigay ko sakanya. Kaya sobrang nainis ako saknya. Nawala bigla yung pagmamahal ko sakanya. Dahil pakiramdam ko nagsisinungaling Ito sakin. Wag ko lang malaman laman na may iba na siyang lalaki, dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanilang dalawa. "Nagseselos ka pero ilang beses ka na niyang nahuling nambababae. Ikaw nga nagsisinungaling din sa girlfriend mo diba. Kay dali mo lang siyang palitan. Binura mo na nga diba ang messenger na siyang communication niyong dalawa. Kasalanan mo yan Gago!" sita ng isipan ko. "Yeah right!" inis ko din na pagsang-ayon. Two years anniversary namin ng makaramdam ako ng pagkabagot sa relasyon namin ni Leyanna. Sinasabi pa nga ng mga kaibigan ko na baka infatuation lang or puppy love, ang nararamdaman namin ng girlfriend kong si Leyanna. Mostly daw kapag first love hindi nagkakatuluyan. Naniwala naman ako agad dahil nga nawala yung feeling ko. Nawala yung pagmamahal ko sa girlfriend ko. Sinusubukan ko naman pero galit at inis lang ang nangyayari kapag tumatawag ako sakanya. Ako din ang may kasalanan. Hindi ko siya iniintindi. Here I am pauwi na ng Pilipinas after 5 years. I meet Celine my colleague here in America. May nangyari samin and the spark is so intense. We plan immediately to get married. Kaya uuwi kaming Pilipinas para ipaalam sa aming pamilya na ikakasal na kami. My best friend Noven and Jupiter was never agree sa madaliang pagpapakasal naming dalawa ni Celine. "Gago ano iyon nagkita kayo accidentally sa America. Tapos nagtalik kayo at dahil nasarapan kayong dalawa. Nagplano agad kayong magpakasal. Tapos iiwan mo sa ere ang sinasabi mong kasintahan mo. Sinasabi ko na sayong makakarma ka sa ginagawa mo." inis na sabi ni Noven. Nastress ako bigla. Pero ano magagawa ko. Gusto na namin magpakasal eh. Hindi ko naman hinihingi saknya ang perang gagastusin namin sa kasal naming dalawa ni Celine. "Home sweet Home." bulalas ko pagkalabas ko na ng airplane. Ang girlfriend kong si Celine ang magsusundo sakin. I already so her, she's standing near to exit area. Ang sexy at sophisticated talaga nito. Matamis akong ngumiti ng makita na niya ako. Nagmamadali naman itong lumapit sakin. Hindi na nahiya ng sunggaban niya ako ng mapusok na halik sa labi. Niyakap ko naman Ito ng mahigpit sabay tugon sa halik nito sakin. Pinigilan ko na siya ng marealise kong nasa airport pa pala kami. "We can do it later." natatawa kong sabi. Sabay halik sa ulo nito. Inakbayan ko na siyang palabas ng airport. "I'm just miss you hon." lambing nito sakin. "I miss you too." sagot ko agad. Binalita ko na agad sa bahay na engaged na ako. Kaya magpapa-party daw sila pagkadating namin sa hacienda. Sinabihan pa ako ni Mommy na i-invite ko ang parents ng fiancee ko. Nag-agree naman agad ang fiancee ko para daw makapasyal ang parents niya sa lugar namin. Kaya lulan kami ng helicopter namin pauwing Tarlac with her parents. ***** Leyanna Pov Ilang buwan na din ang nakalipas ng umalis ako sa trabaho ko. May nakita ako sa YouTube na mga madaling lutuan na pangtinda. Nagtry akong magluto ng macapuno at banana suman. Itenda ko iyon sa school ng Anak ko habang hinihintay ko siya hanggang matapos ang klase nito. Para hindi masayang ang oras ko at least kumikita parin ako. Binigyan ko yung may-ari ng nirentahan naming kwarto. Mabait Ito at binibigyan din ng pagkain ang Anak ko. Lalo na kapag prutas. At ang dalawa kong ka-close dito sa tabing kwarto lang sila nakarenta. Sabi ko pa sa kanila na wag kayong plastic sabihin niyo ang totoong lasa ng niluto ko with explanation ha. Tumawa na lang sila sakin. "Nay, tikman niyo po yung gawa kong banana suman at macapuno balls. Itry kong ibenta dagdag income na din namin ng Anak ko." ngiti ko sa matanda. "Nako, siguradong masarap ito. Masarap din yung binigay mo sakin na banana pancakes. Nagustuhan ng apo ko Salamat Hija." ngiti din nito sakin. "Walang anoman po Nay." sabi ko at nagpaalam na agad dahil papasok na ang Anak ko sa paaralan. "Tapos na ba kumain ang Anak ko?" bungad kong tanong sa kaniya. "Hindi pa Mama." "Bakit ayaw mo ba sa pagkain mo. Remember ikaw nagrequest niyan ha." pero pagkalapit ko sa lamesa ay wala na palang laman ang Plato niya. Tumingin agad ako sa Anak ko. Nagbibiro lang pala Ito. "Natunaw na agad sa loob ng tiyan ko Mama yung food." hagikhik nito. Natawa naman ako bigla sa sinabi nito. "Loko ka." natatawang sabi ko. "Mama, gusto ko yan luto mo po. Kain ako isa lang Mama. Kumuha din ako Isa kanina sa sweet Mama masarap din. Gusto ko din po." pacute pang hingi ng Anak ko. "Tinirhan talaga kita Anak. Kaya tama na wag kana magpacute anak. Ako lang dapat ang cute dito." sabay pa kaming tumawa. Inayos ko na ang mga dala ko. Nakita kong binuhat na din ng Anak ko ang bag niya. Masipag Ito at kaya na niyang magdamit at magsapatos mag-isa para sa sarili niya. Hindi ko na siya tinutulungan pa kaya na daw niya ang sarili. Inaayos ko lang kapag tabingi ang paglalagay niya sa mediyas o damit niya. Habang nasa tricycle kami ay kumakain parin siya ng macapuno. Nakakain na kami ng ganito dati. Kaya safe sa tyan ng Anak ko ang matamis na macapunong ginawa ko. Nakipagkaibigan ako sa ibang mga Nanay na nandito din nagbabantay sa mga anak nila. Hindi ako nahiya dahil may ilan din na single mother dito hindi lang ako. Kaya nag-alok na ako ng tinda ko na Suman na saging. "Masarap ba yan Yanna?" tanong ng isang Nanay. "Ay opo kung bibili po kayo at titikman. Para majudgemental niyo po ang luto ko." nagkatawanan naman sila sa sagot ko. "Judgemental agad? Hindi ba pwedeng nagtanong lang ako." simangot nito. "Ang sabi ko po para malaman niyo po kung masarap ba o hindi ang suman na saging. Hindi ko po sinabi na judgemental ka po. Kumbaga ijudge mo ang niluto ko. Sorry naman sinama ko pa kasi ang mental." sabay peace sign ko. Natawa naman sila sa pagpapaliwanag ko. "Hindi ka pa nasanay sa paraan ng pag-english ni Yanna. May sarili siyang dictionary kaya hindi niya sinabi na judgemental ka. Kumbaga i-judgemental mo ang luto niya kung kalait-lait ba ang lasa o kasarap-sarap." pang ku-korek naman ng kasama namin dito sa may tambayan ng mga Nanay. Nagkatawanan na naman kaming lahat. "Tama po siya Ate. Kaya bili na kayo sa tinda ko. Tulong niyo na sa Amin ng Anak ko. Ito na lang kasi ang hanapbuhay ko sa ngayon. Mahal ang renta sa bahay at kuryente may tubig pa. Ang pangangailangan namin ng anak ko sa pang araw-araw. Ang priority ko ay ang pagbabayad ng renta at pagkain ng Anak ko. Mahirap mapalayas ng wala sa oras kapag hindi ako nakabayad ng renta. Kaya nag-iipon ako para sa renta ng inuupahan ko." mahaba kong paliwanag sa kanila. Pero yung iba wala din pera sakto lang din ang Pera nila. Naiintindihan ko naman. Pero very supportive sila sakin. Sila na ang kumuha sa paninda ko at ibeninta sa nagbabantay na guard at tambay sa labas kasama na ang mga tricycle driver. Nakakatuwa at masaya sa pakiramdam na kahit ganitong paraan lang ay nakakatulong din sila. Nagulat ako sa pagtili ng isang Nanay sa pinapanood niya sa YouTube na America's Got Talent. "Ang gwapo talaga nitong si Dart. Tinignan niyo ang gwapo niya di ba? Sayang lang dahil nag back out siya sa semi-final. Sabi niya sa interview pinilit lang daw siya ng mga kaibigan niya na mag- audition sa America's Got Talent. Kung talaga daw bang magaling itong kumanta at kung mai-impress nito ang mga judges. Pakinggan niyo ang boses niya. Grabe ang boses napakalambing parang dinuduyan ka sa sarap at lamyos ng boses nito." kinikilig pa nitong kwento sabay pakita sa Amin ang cellphone niya. "Heto pa ang kwela din niya ha. Pero ang sad reality ay hanggang paghanga na lang ako at may girlfriend na Ito. Yung kanta na kinanta niya ay dedicated daw sa girlfriend niyang si Celine. Maganda din yung babae siya ang nasa back stage." kwento ng isang Nanay na mas matanda Ito sakin ng tatlong taon. Dahil nacurious ako nakinood na din ako. "It's You (I've been looking for)" Tinignan ko kung saan siya nanonood at isearch ko na lang mamaya. Pag-uwi namin ng Anak ko sa bahay. Ngayon palang sobrang nasasaktan na ako. Sobra akong nagseselos sa babaeng pinag-alayan nito ng kanta. Itong kanta din na Ito dati ang kinakanta niya sakin noon kapag nasa acasia kami. Kinakantahan pa niya ako kapag tumatawag sakin. Minsan pinipilit ko pa na kantahan niya ako. Ayaw niya kasi pangit daw boses niya sa pagkanta. Pahumble ang Gago. "Hindi naman gaano maganda ang boses niya. Parang boses ng lasing sa kanto siya kumanta." wala sa sariling sabi ko. Sabay-sabay pa silang tumingin sakin. Pero kunwari nag-scroll ako sa YouTube channel para hindi halata. "Sinong sinasabihan mo ng parang boses lasing ang kumakanta ha?" tanong ng Isang Nanay. Sakto naman na naka-earpiece pala ako. Kunwari na lang hindi ko narinig ang tanong nila. "Ha?" taka kong sabi sabay tanggal sa earpiece sa tinga ko. "Hindi mo naman pala tinitignan ang sinasabi kong magaling kumanta." sabi nito. "Isearch ko na lang maya sa YouTube para majudge ko kung maganda ang boses o hindi. Oh, labasan na ng mga Bata." sabi ko pa. Nagpasalamat na muna ako sa dalawang kasama namin na nagbenta sa paninda ko sa labas. Ang dalawang Ito din ang maingay at palabiro dito sa tambayan namin. Kaya na-appreciate ko talaga ang kabaitan nila. Bumili na lang kami ng ulam namin ng Anak ko. Dahil nakaluto naman na ako kanina ng kanin. Habang kumakain ang anak ko nag-search naman ako sa YouTube. Tinignan ko ang video ni Rad na kumanta sa America's Got Talent. Napasimangot ako. Kaya naman pala iniwan na niya ako sa ere may nagpapasaya na pala saknyang iba. Nandito na naman yung selos, kirot at sakit na nararamdaman ng puso ko. "Hello!" bati ng isang hurado. "Hello! "What is your name?" "I'm Dart." "Hi Dart. What do you do?" "Just done my studying here in America----" "Blah, blah, blah." irap ko sa hangin sabay fast forward ko sa video. Nag stop sa sinabi nitong I dedicate this song to my girlfriend her name is Celine. Pinakita sa back stage yung babae. Maganda nga ito at sexy. Mas lalo na naman akong nanliliit sa sarili ko. Nagseselos at naiinggit na naman ako sa babae. Pinapakinggan ko na ang boses nito habang kumakanta. Maganda naman talaga ang boses niya. Pero ang puso ko nasasaktan sa bawat katagang binibigkas nito sa kanta. Dati sakin niya yan kinakanta tapos ngayon idedicate niya sa iba. Intention ba niya na kantahan ang kanta at idedicate sa iba para saktan ako just in case na makita ko ang video nito. For what para saktan niya ako? Ano bang nagawa kong kasalanan saknya para ganituhin niya ako? Sobrang selos ko at sakit sa dibdib ang nararamdaman ko habang pinapakinggan ko ang boses nito. Nagulat pa ako ng may yumakap sakin. "M-mama." mahinang tawag sakin ng anak ko. Hindi ko na malayan na umiiyak na naman pala ako. "Sabi ko po kapag nalulungkot ka yakapin mo lang ako diba? Tahan na po. Wag mo na po pakinggan ang kanta na yan Mama. Pinapaiyak ka ng kanta na yan eh. Wag na po umiyak Mama. Nalulungkot din kasi ako kapag umiiyak ka. Lagi-lagi ka nalang umiiyak eh." malungkot ang boses na sabi ng Anak ko. "Pasensiya na Anak ko. Hindi naman lagi-lagi umiiyak ang Mama eh. Ngayon lang ulit." sabi ko naman sabay punas sa luha ko. "E' di minsan-minsan na lang Mama. Kain na po Mama." sabay tingin sakin at hinaplos ang pisngi ko. Pinahid pa ang luhang naglandas ulit sa pisngi ko sabay ngiti sakin. "Mag good boy na ako palagi Mama para sayo. Hindi na ako magpapasaway po. Mag-aaral din ako ng mabuti gusto ko number ako para sayo Mama ko. Love na love na love na love na love, love, love, po kita ng madaming-madaming love kita Mama ko." sabay yakap ulit sakin ng mahigpit. "Salamat Anak ko sa pagpapalakas mo kay Mama palagi. Promise ko na maging matatag din ako para sayo. Magtinda at mag-vlog tayo para may pambili tayo pagkain. I love you so much Anak ko." madamdamin ko ding sabi sa Anak ko. Pagkatapos ng kadramahan naming mag-ina pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nagkwentuhan na lang kami at nagtanong ako kung kumusta siya sa paaralan. Kung wala bang nambully saknya. Kung nagpakabait ba siya. Masigla naman itong sumagot sa mga tanong ko. Hindi parin namin maiwasan ang magbangayan na mag-ina. Kaya natatawa ako kapag napipikon ito. Sasabihin lang niya. So noisyness and annoyingness. Kaya tawang tawa ako sa Anak ko. Kapag naiinis Ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD