Lotus Flower
"is a powerful symbol of growth, renewal, and triumph over adversity. It's journey from the depths to the surface mirrors the humans experience of overcoming challenges and emerging victorious."
Leyanna Pov
Ilang araw na ang nakakalipas ng manalo ang anak ko sa singing contest. Hanggang ngayon hindi parin makaget over ang Anak ko. Panay kwento parin niya na naka-duet niya yung napanood niya sa YouTube na singer.
"Mama ko."
"Hmm."
"Gusto ko siya maging Papa."
"Sino Anak?"
"Si Tito Dart po."
"What?" napabangon pa ako sa sinabi nito.
"Matulog kana Anak gabi na. Ako ang maghahatid sayo bukas sa paaralan niyo." iwas ko.
"Ayaw mo ba Mama?"
"Si Kuya Noven mo ayaw mo sa kaniya?" tanong ko.
"Gusto po. Kuya ko na kasi si Kuya Noven. Pero mas gusto ko po si Tito Dart Mama."
Paano ko ba sasabihin na may Asawa na ang gusto nitong maging Papa ng hindi masasaktan ang Anak ko. Lalo na't magkaka-anak na sila ng Asawa nito. Anong nakain nito at siya na ang naghahanap ng magiging Papa niya.
"Kaya ba ayaw mo akong mag boyfriend kasi ikaw ang pipili ng magiging Papa mo Anak?"
"Opo gan'on na nga po iyon Mama."
"Pero Anak hindi gan'on iyon kadali na kapag may gusto kang Papa ay pwede mo na agad maging Papa ang isang Tao na gusto mo. Walang gan'on Anak. At Isa pa may Asawa na yung Dart na iyon. At sigurado ka ba na magugustuhan ako ng lalaking iyon Anak?" gusto kong mainis sa Anak ko eh.
"Kahit na Mama."
"Matulog kana Anak. Pikit na ang mga mata at tama na ang dreaming okay."
Kinumutan ko na Ito. Hinahaplos haplos ko na ang ulo nito para makatulog na.
"Good night po Mama ko. Love you palagi." sabay yakap na nito sakin at pumikit ulit.
Hinalikan ko naman ang noo nito sabay yakap pabalik. Hanggang kelan ba ako makakaramdam ng ganitong sakit. Nakakasawa na. Pagod na pagod na akong masaktan at umiyak. Nakakapanghina na kahit pilitin kong maging lakas sa bawat oras. Nandito parin sa dibdib ko ang sakit at galit. Lalo na ang awa para sa anak ko.
Kahit gaano pa ako katatag basta ang Anak ko na ang pag uusapan nanlalambot ako. Lalo na kapag nababanggit niya minsan na gusto din niya ang may Papa. Tapos ngayon siya na ang namili ng gusto niyang papa. Totoo kaya yung kasabihan na lukso ng dugo. Sana hindi iyon maramdaman ni Radeon dahil wala na siyang karapatan pa sa Anak ko.
Pakiramdam ko naghihinala na din si Mamang sakin. Pero never akong aamin sa kanila. Okay na ang lahat tanggap na nila kaming mag-ina. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan. Ayoko ng pagusapan pa kung sino ang ama ng anak ko.
Na-stress na naman ako. Kaya winaksi ko na ang lahat ng sakit, lungkot, inis at agam-agam sa puso ko. Gusto ko na ng magbago at panibagong pagsubok na naman ang tatahakin namin ng Anak ko. Maraming pagsubok pero alam kong malalagpasan ko din ang lahat.
Pumikit na ako at natulog na din.
*****
School
May mga kakilala din ako na naging klasmate ko noong high school. Kunting kumusta lang dahil ako na ang dumistansya. Friends kasi nila ang mga taga samin na mga chismosa.
Sa tabi lang ako nagse-cellphone. Inaayos ko yung vlog namin ng Anak ko kaninang umaga. Sinabi ko kay Mamang na wag niyang sasabihin sa mga katrabaho nito sa mansion ang pangalan ng YouTube channel namin ng Anak ko. Baka magkaroon pa kami ng maraming bashers.
May mga ilan din naman kaming mga bashers sa vlog namin ng Anak ko. Hindi naman iyon maiiwasan kahit gaano mo pa galingan sa pagkanta at maging mabuti sa kapwa. Meron at meron parin talagang walang magawa sa buhay O trip lang talaga nila magjudge ng isang Tao. Nature na ng ibang Tao ang manlait at pumuna sa kahit napakaliit na kamalian.
"Mama, Tita!" sabay pa na sigaw ng dalawang Bata. Kakaisip ko sa kung ano-anong bagay hindi ko na malayan uwian na pala ng mga bata.
"Hello mga kids. Kumusta sa loob ng classroom nagpakabait ba kayo ha? Nakinig ba kayo kay teacher?" tanong ko agad.
"Opo Mama very good kami kanina ni John." sagot agad ng Anak ko.
"Yanna, ikaw pala ang may Anak sa batang yan?" singit ng Isang chismosa na taga samin. Hindi siguro Ito nakatiis. Nangangati na naman ang gilagid nito. Hindi nila alam na anak ko si Rale dahil malayo naman kami sa kabahayan.
"Opo. Bakit?"
"Kaya ba nawala ka ng ilang taon dahil tinago mo ang pinagbubuntis mo sa lugar natin?" usisa pa ng Isa.
"Kaya din siguro nanalo ang Anak niya kasi apo siya ni Manang Corazon na malakas sa mga Osmeler. Mga sipsip." dagdag pa ng Isa. Talo kasi ang anak.
Ito yung nagpaparinig ng sipsip kaya nanalo sa singing contest. Binaliwala ko iyon dahil tapos naman na ang Fiesta at nanalo na ang Anak ko.
"Alam mo ba ang nangyari at ganyan ka makahusga sakin?"
"Kaya pala ang kapal ng Anak mong sabihin kay Sir Dart kung pwede siyang maging Papa nito. Dahil wala naman pala siyang ama! Pati bata tinuturuan mo ng hindi maganda para makabingwet ng mayaman. Hindi na kayo nahiyang mag-ina. Ambisyosa at bastardo!" galit at gigil na sabi nito sakin.
Dahil sa sinabi nito ay nagpanting ang tinga ko. Sinugod ko Ito agad ng suntok sa mukha. Ayon tumba agad. Napasigaw lang ako ng may sumabunot sakin bigla. Nagkagulo na ang mga taong nasa paligid namin.
"Walang aawat!" sigaw ng sumabunot sakin. Punyeta lang ang walang ganti. Sabi ko sa isipan ko. Tinadyakan ko siya sa tiyan kaya nabitawan nito ang buhok ko.
Nang makawala ako sa pananabunot ng Isa pang kapitbahay namin. Agad ko naman itong sinampal at suntok. Dahil sa gigil at galit ko. Pinagsasabunot ko din ang buhok nito. Akmang susugurin ako ng nasuntok ko kanina ay mabilis akong nakailag. Habang hila ko ang buhok ng isa. Kamalas nito dahil mahaba ang buhok at hindi nakatali. Panay sigaw ng mga nanonood. Takot silang umawat baka madamay pa sila.
Nakipagrambulan na ako. Wala akong pakialam kung dalawa pa sila. Hindi ko din alam kong saan galing ang lakas ko. Siguro dahil sa galit ko sa sinabi nito. Hindi ko iyon mapapalampas. Hila ko na ng mahigpit ang mga buhok nila at patulak ko silang binitawan.
Walang may gustong tumulong dahil alam nila madadamay lang sila sa away na Ito. Kadarating lang din ng security guard. Mabuti at wala Ito kanina. Huli na siya para umawat.
"Pwede ko lang kayong idemanda sa paninirang puri niyo samin ng Anak ko. Wala kayong karapatan na hamakin kaming mag-ina. Dahil simula't sapol wala kayong narinig samin kahit gaano pa kabaho, kadumi, at katabil ang lumalabas sa mga bunganga niyo! Pero ang sabihan niyo ako ng ganyan ng hindi niyo naman alam ang totoong ganap sa buhay ko. Dito tayo magkakatalo. Kahit magsampahan pa tayo ng kaso hindi ko kayo uurungan!" galit kong sabi sa kanila.
Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulong-bulungan sa tabi. Agree sila sa sinabi ko and deserve daw nila ang masabunutan. Pero meron din nagsabi na wag idaan sa dahas ang galit.
"Galit na galit ka dahil totoo naman!" sigaw ng isa. Dumugo pa yata ang labi nito.
"Galit ako dahil sa mga imbento niyong sinasabi. Respeto sa kapwa ang kailangan ko. Hindi ang pang hahamak sa pagkatao ko na akala niyo napakalinis niyo. Umasta kayo kala niyo wala kayong baho na tinatago. Umasta kayo akala niyo nakapaperpekto niyong tao. Pati Anak ko dinadamay niyo sa kawalang hiyaan niyo. Bata pa lang yang Anak ko. Respeto naman po para respetuhin ko din kayo!" seryoso kong sambit.
"Ang dami mong sinasabi eh, totoo naman. Hindi ka magagalit kung hindi totoo ang mga sinabi namin. Masyado ka lang sensitive dahil totoo naman na nagtago ka. Para itago mo ang pinagbubuntis mo."
"Kung gan'on nga ang ginawa ko. So anong pakialam niyo? Anong pakialam niyo sa buhay ko. Kayo ba ang gumagastos sa ipinapakain ko sa Anak ko araw-araw? Anong pakialam niyo sa buhay namin ng Anak ko. Hindi ko nga pinapakialaman ang mga buhay niyo. Buhay niyo ang atupagin niyo wag ang buhay ko. Dahil masaya ako dahil wala akong inaapakan na tao! Kaya hintayin niyo ang karma sainyo!" sigaw ko.
Susugurin sana nila ako ng umawat agad ang security guard.
"M-mama." napatigil ako ng marinig ko ang boses ng Anak ko.
Agad akong napalingon sa gawi nila ng pinsan niya. Umiiyak na silang dalawa. Doon lang ako nahimasmasan. Nakalimutan kong kasama ko pala sila. Mabilis kong tinalikuran ang dalawang mga lampa.
"Pasensiya na kayo ha. Okay lang ba kayo?" sabay yakap ko silang dalawa. Yumakap din agad sila sakin.
Inakay ko na ang dalawang bata palabas ng paaralan. Hindi ko alam kung saan dumapo ang mga kalmot ko sa kanila. Kawawa naman ang mga buhok nilang kare-rebound lang mga pilingera kasi sila.
Tahimik lang ang dalawang Bata sa loob ng tricycle. Hinaplos haplos ko ang mga ulo nila sabay pa silang tumingin sakin. Kaya tipid akong ngumiti sa kanila.
"Natakot ko ba kayo ha?" malumanay kong tanong. Marahan naman silang tumango na dalawa. Napabuntong hininga ako.
"Sorry okay. Ayos lang naman si Mama. Masama kasi ang sinabi nila sakin kaya nagalit si Mama. Wag niyo tutularan ang nakita niyong eksena kanina ha, Anak, John?"
"Opo." sabay nilang sambit.
Hindi na ako umimik pa. Nakayakap naman sakin ang dalawang bata. Ngayon ko lang naramdaman ang malalakas na t***k ng puso nilang dalawa. Natakot ko nga yata talaga ang dalawang bata. Hindi ko naman naisip kanina na kasama ko pala ang mga Ito. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang tabil ng bunganga nila. Kay sarap pasakan ng nagliliyab na apoy ang mga madudumi nilang bunganga. Letse sila!
*****
"Loloooo!" sigaw na ng dalawang bata. Pagkababa namin sa tricycle. Nauna na silang lumabas at tumakbo patungo sa likod bahay.
"Bakit anong nangyari?" bungad din ni Ate Wilma.
"Si Mama po nakipag away sa paaralan po." sumbong ng Anak ko. Napatingin sakin si Papang at Ate.
Sumimangot ako at andito parin sa dibdib ko ang galit at inis.
"Tingin niyo Lolo may kalmot siya sa mga kamay niya po. Gulo pa buhok ni Tita. Kawawa naman po siya Lolo." sabi pa ng pamangkin ko na bunsong Anak ni Kuya.
"Bakit ka nakipag-away Lele? Sa harapan pa talaga ng mga Bata." sita sakin ni Ate.
"Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila eh. Hindi ko yun pwedeng palampasin. Sumusubra na sila! Hindi porke binabaliwala lang ang mga chinichismis nila eh, lalagpas na sila sa personal na buhay ko. Nagiging below the belt na ang panghuhusga nila sakin. Nagiging bastos na sila. Kaya dapat lang na bigyan sila ng leksyon minsan ng tumigil na sila sa kaka-chismis ng wala namang kabuluhan. Pati ang Anak ko dinadamay nila! Lintik sila!" gigil kong sabi sa inis.
"Sino ang mga iyon, Anak? Taga dito din ba sa baryo natin?" tanong ni Papang. Tumango naman ako.
"Yan din ang dahilan kung bakit ako umalis na lang sa hacienda magtrabaho. Nakakapikon ang mga bunganga ng mga babaeng chismosa sa gulayan. Kung hindi lang sila babae baka pinatulan ko na sila. Nakakasakit ng puso at isipan, sila pa yata ang dahilan kaya tumaas ang high blood pressure ko." kwento din ni Papang.
Naawa naman ako sa kanya. Nararamdaman ko na ang pakiramdam ng sinasabihan ng hindi maganda ang Anak. Double ang sakit na halos gusto mo silang gantihan sa masasakit nilang sinasabi. Ganito ka-insensitive ang mga taong walang magawa sa buhay. Nakakasakit na sila minsan na akala nila tama ang pinagsasabi nila. Makahusga sila akala mo napaka-perfect nila.
"Yung Anak po ni Ante Marlyn at yung kapitbahay po nila yata yun. Hindi ko po kabisado ang pangalan. Yung Anak niya sumali din sa singing contest at pangalawa siya sa nanalo. Pinaparinig sakin na sipsip kaya nanalo sa singing contest. Alam kong sakin niya iyon sinasabi pero binaliwala ko. Pero ang sabihin nilang inutusan ko ang Anak ko. Para makabingwit ng mayaman dahil lang sa pagsabi ng Anak ko na gusto niya maging Papa si Sir Dart, ibang usapan na po yun!" nanginginig ako sa galit at gusto ko silang pagsasampalin hanggang masira ang kamay ko at pisngi nila.
Hindi ko ginusto na maging bayolente ako. Pero sobra-sobra na ang chismis na pinapakalat at pinagsasabi nila. May mga salita na pwedeng palampasin at hindi pwedeng palampasin. They cross the line and I'm fed up. Sila ang dahilan kung bakit nagiging bayolente ang ibang Tao, dahil sa mga pinapakalat nilang mga chismis dito sa lugar namin. Kaya nag aaway away ang mga chinichismis nilang mga Tao.
"Lolo, sinuntok ni Mama yung dalawang ante. Sinabunutan din niya ang dalawa dahil sinabunutan nila si Mama ko." sumbong naman ni Rale.
"Ha sinuntok mo sila?" hindi makapaniwala na tanong ni Ate sakin.
"Para mas maramdaman nila ang galit ko Ate. Mga gan'on paratang at pambabastos saming mag-ina ay hindi pwede ang sampal lang. Sumubra sila sa limitasyon ng pangchichismis nila sa kapwa nila. Masyado nilang ibinababa ang pagkatao ko." inis na inis parin ako.
"Wag kana po makipag away Mama para hindi ka masaktan po. Ayaw po kita makita nakikipag-away eh. Pati po ikaw nasaktan din po."
"I'm sorry baby." haplos ko sa ulo nito.
"Siguradong magagalit na naman sila dahil sa ginawa mo Lele. Baka maghiganti sila alam mo naman kung gaano kabarumbado ang asawa ng mga iyon. Kaya malalakas ang loob magchismis." nag-aalala na sabi ni Ate sakin.
"Wag lang nila sasaktan ang Anak ko. Okay na sakin iyon. Pero kung manggugulo sila dito at madamay kayo. Wag kayong mag-alala magpapatulong ako sa kaibigan kong Pulis. Pwede ko silang sampahan ng kaso kapag nanggulo sila dito." sabi ko naman.
"Panigurado iyon. Sila ang mga warfreak dito sa Barangay natin. Kaya mag-iingat tayo dahil sigurado na lahat tayo idadamay nila. Mag-message ka sa mga kapatid mo na mag double ingat sila sa pag-uwi mamaya. Pati ang Mamang mo, magpapahatid na lang siya sa driver ng mga amo niya. Wag siya maglakad pauwi ng bahay mamaya. Mas okay na yung safe tayong lahat." nag-aalalang sabi ni Papang.
"Ginawa ba nila Ito sainyo dati pa Papang?" tanong ko. Mukhang alam na alam kasi nito ang likaw ng bituka ng mga taong iyon.
"Oo, noong nakipag-away si Carlo sa kapatid ng Asawa ng nakaaway mo. Ginulo nila kami dito sa bahay nanira ng mga gamit natin lalo na ang mga ginagamit namin sa bukid. Ang sasama nila."
"Wala bang nasaktan sainyo?" tanong ko.
"Napalo nila si Carlo, mabuti sa katawan natama hindi sa ulo. Baka patay na siya sa lakas ba naman ng palo nila. Bakal pa ang ginamit. May mga pulis nag-areglo wala naman sila ginawa para makulong sila. Binigyan pa nila ng isang pagkakataon na magbago. Pero ang sinira nilang mga gamit namin ay pinabayaran ko. Kalahati lang ang binayad nila at hanggang ngayon hindi pa nila nabayaran yung kalahati. Kaya hinayaan ko na lang pinagpasa diyos ko na lang ang lahat."
"Inggit kasi ang dahilan kaya ganito nila tayo itrato. Napuno lang din naman si Carlo kaya nakipag-away." sabi naman ni Ate Wilma.
"Ang kakapal ng mukha nila na kinakaya na lang nila tayo. Porke ba hindi tayo lumalaban at hinayaan lang na pagchismisan ang pamilya natin. Lalo na at alam nilang wala tayong kamag-anak dito na makakatulong satin. Napakawalang modo naman nila."
"Naiisip ko na ngang ibenta ang lupain natin sa mga Osmeler at bumalik na tayo sa lugar ng Mamang niyo sa Pampanga. Baka mas safe tayo doon kesa dito. Para matigil na din sa pagtatrabaho ang Mamang niyo sa mansion ng mga Osmeler. May lupang binibenta ang kapatid ng Mamang niyo sa Pampanga. Malapit lang din iyon sa lugar nila. Kaso Mahal ang benta dahil malapit na yun sa lahat at malapit sa bayan. Nagpapahanap nga ako ng ibang lugar yung hindi nababaha. At malapit sa paaralan at palengke. Para sa mga apo ko." malumanay na sabi ni Papang.
"May ganyan na pala kayong plano Papang, bakit hindi niyo sinasabi samin?" Tanong din ni Ate.
"Nasabi ko kay Carlo at sa Asawa mo Wilma. Noong nasa bukid kaming tatlo. Kahit sila ayaw na din nila dito tumira. Walang peace of mind dito kahit mediyo malayo tayo sa kabahayan. May mga Tao parin na gusto ay masira ang kabuhayan natin. Dalawang kambing na ang nanakaw. Pati mga tanim na gulay sa bukid nawala mga bunga ng Ilan sa mga tanim namin. Ang iba ay naputol at binungkal ang mga ugat. Nagpablotter kami sa mga pulis pero hanggang ngayon wala namang balita. Kaya ingat na ingat kami sa baka at kalabaw namin dito. Kaya nagpabakod na din kami para safe ang mga alagang hayop natin dito. Sobra yung stress at galit na binibigay nila sa pamilya natin. Nakakaya ko pa naman magtimpi dahil hindi naman kami sinasaktan." masama ang mukha ni Papang habang nagkukwento sakin. Ramdam ko ang galit sa boses nito.
May mga ganito palang eksena na nangyari dito sa bahay noong wala pa ako dito. Ang sasama naman pala talaga ang mga taong mapanlamang sa kapwa. Lalo na ang mga walang magawa sa buhay kundi manira ng mga pananim na pinaghirapan ng iba. Kawawa naman pala sila Papang. Kutang kuta na sila sa sakit ng loob at dibdib. Nagtatanim sila na hindi din mapapakinabangan dahil sinisira ng mga bwesit na mga tao. May kalalagyan din kayo. Ang panginoon na ang bahala sainyo.
Magpapatulong ako kay Kuya Gardo at kay Sir Noven. Alam kong matutulungan nila ako.