Lilacs
"The Lilac is a flower rich in symbolism and meaning. Generally, it's represent the joy of youth, the innocence of love, and the purity of emotion. Therefore, a bouquet with Lilac is a popular choice for those wishing to evoke feelings of young love and innocence."
Leyanna Pov
Fiesta dito sa amin at ayokong makinood sa liga ng basketball or kahit na anong palaro sa Barangay. Nandito lang ako sa bahay pero ang Anak ko kasama ni Ate Wilma, sila na daw bahala sa Anak ko. Minsan sumasama Ito manood ng basketball. Excited na itong sumama ulit dahil maglalaro daw kasi sila ng bingo mamaya. Sabi ni Ate malaki daw ang mapapanalunan ngayon.
May TV, Refrigerator, Brand new Cellphone, isang sako ng bigas, groceries at cash na 20 thousand, 15 thousand at 10 thousand. Blackout bingo ang premyo ay 50 Thousand. Sponsor lahat iyon ng Osmeler family. Pwede lang dalawa na card ang bilhin bawat isang Tao. Isang beses lang din pwede sumali sa bingo. Iba't ibang price din ang mga bingo card. Pinakamura na bingo card ay sa bigas at groceries lang and cellphone.
Gusto ko din naman ang pumunta kaso baka makita ko ang mag Asawa doon. Ayoko baka masira ang araw ko at malasin sila Ate. Sisihin pa nila ako. Samahan ko na lang si Mamang dito sa bahay.
Pumunta din sila Papang kahit ano daw ang makuha importante may mapanalunan. Yung Anak ko gusto daw niya yung refrigerator. Kasi malamig daw ang loob pwede pa daw siya matulog doon kapag mainit. Nakakatawang bata. Kaya yun ang Isa na sasalihan nila Papang. Wala kasi kaming refrigerator mahal kahit yung maliit Mahal parin.
Halos lahat ng kalapit Barangay dumayo pa sila para lang sa bingo. Siguradong aabot na naman ng gabi ang palaro sa bingo. Kasama ko naman dito si Mamang sa bahay kaya ayos lang. Nirayuma na naman kaya hindi nakasama sa Barangay.
****
Third Pov
"Lolo, ako na pipili ng bingo card po. Dapat po manalo tayo ng refrigerator at TV." masayang sambit ng Bata.
"Sige na apo kuha kana ng card. Dalawa kunin mo. Bigay mo na yung bayad mo apo." utos naman ng Lolo nito.
"Salamat po." ngiti pa ng Bata.
"Sa groceries na muna tayo Papang mamaya pa ang laro sa refrigerator at TV." sabi ni Eman.
"Nagbili ka din po Tito ng card mo?" tanong ni Rale.
"Oo. Halika tabi ka dito samin nila Papang. Baka ikaw ang swerte namin sa taon na Ito." sabi pa ni Eman.
"Yes mananalo tayo." nagkatawanan naman sila.
Kay Papang at Rale ang isang card at kay Eman naman ang Isa. Seryoso silang nakikinig sa bawat binabanggit nilang numero.
"Lolo, tingin mo okay na di ba po?" tanong ng Bata.
"Eman tignan mo nga bingo na ba tayo?"
"Bingo!" sigaw agad ni Eman.
"May nanalo na!" Sigaw din ng announcer. "Icheck natin kapag tama lahat ang numero."
Pinapakinggan nila ang mga Numero na ibinabasa ng announcer. Ng sinabing bingo na ay napasigaw na sila sa tuwa.
"Galing natin Lolo." nakipag aper pa ang bata sa lolo nito at Kay Eman. Tuwang tuwa naman ang kasama nila.
May apat pa na round at hindi na sila kasali dahil nanalo na sila sa first round. Gan'on din sa bigas limang round iyon. Kaya naisipan nilang magbarbecue muna sila para hindi gutumin sa paghihintay ng panibagong bingo mamaya.
Cheese hotdog ang pinabili ni Rale, gan'on din ang mga pinsan niya. Sa barbecue naman ang iba pang kasama nila. Sa tabi na muna sila pumwesto at kumain ng binili nilang pagkain.
Alas singko na ng magsimula ang bingo para sa refrigerator at TV. Kaya nagtungo na sila sa binguhan.
"Papa Jesus, gusto ko po ng refrigerator. Para may malamig kami na tubig. Para hindi na kami lagi bili po ng ice sa kapitbahay po. Sayang pera." panalangin pa ng Bata na ikinatawa ng kasama nito.
"Galingan ulit natin Lolo." dagdag pa nito. "Tito Denis, pili ko po itong card. Sana mananalo tayo." daldal ng Bata.
"Sigurado yan. Ikaw pumili ng card eh. Ang swerte mo kaya." nangingiti naman na sabi ng Tito Denis nito.
Nagsimula na ang bingo at tahimik na kaming lahat.
"Lapit na tayo manalo Isa na lang po. Labas mo na po ang number 8 birthday number ko po yon!" malakas na sabi ni Rale. Tumawa naman ang Lolo nito.
"Wag maingay apo baka magalit sila." sabi naman ng Lolo nito.
"Sila din naman po Lolo iingay nila eh." sagot naman ng Bata.
"Heto na! Baka may magbingo na at maswerteng maiuwi ang Panasonic 2-door refrigerator. Ngayon palang binabati na kita ng congratulations. Heto na Letrang B----"
"8?" sigaw ng Bata gumaya na din Ito sa mga nag sisigaw ng number.
"Number 8!" sigaw ng announcer. "May namuro na ba? Ayon may bumingo na! Wow! Hello handsome little boy." bati pa ng bakla.
"Sure po ako panalo kami. Iuuwi na namin ang ref." masayang sambit ng Bata. Natawa naman ang announcers.
"Tignan natin kung tama ang lahat ng number handsome little boy."
"Kinakabahan ako sana tama Lolo yung sinulatan natin na number." sabi pa ng Bata.
"Finish na may nanalo na congratulations to Mr.... Anong pangalan mo Sir?"
"Lolo William ko po siya Kuya."
"Ay maka-Kuya ka naman baby." angal agad ng announcer na bakla. Tumawa lang ang Bata.
"Congratulations to Mr. William. Nako napaka swerte naman ang maglolo na Ito. Sainyo na ang refrigerator. Again congratulations."
"Yes!" sigaw pa nilang maglolo. Masayang masaya sila sa refrigerator na napanalunan nila. Nagyakapan pa silang maglolo.
"Ang swerte talaga ang aming Rale na yan." puri din ni Eman. Nag-aper at nagyakapan din sila gan'on din sa Tito Denis nito.
Free delivery iyon kaya nauna ng umuwi ang maglolo kasama ang Tito Eman nito at ilan sa mga batang kasama nila. Nakisakay na sila sa isang truck lulan ang refrigerator. Nagpaiwan pa ang Tita at Tito nilang iba dahil maglalaro pa sila ng bingo. Sa cash naman sila.
"Mama ko! Nanalo kami ni Lolo ng ref?" malakas na sigaw ng Bata.
Nagtulong tulong naman silang binuhat ang refrigerator papasok sa loob ng bahay.
"Omg! Talaga napanalunan niyo Ito? Wow ang galing naman. Congratulations!" bulalas din ni Leyanna.
"Lola may refrigerator na tayo. Hindi na magrereklamo si Ate Wendy kapag utusan magbili ice." sambit ng Bata. Nagkatawanan naman silang lahat.
"Swerte namin ang bibong Bata na Ito Ate. Nanalo din kami ng groceries. Card na hawak niya ulit ang tumama. Napakaswerte natin ngayong fiesta na 'to. First time naming manalo Ate. Bongga dahil refrigerator pa talaga ang naipanalo ng card namin. Ang galing." masayang bulalas ni Eman.
"Ang Apo ko ang pumili ng bingo card namin kanina. Nanalangin pa nga siya kanina gusto daw niya ng refrigerator para hindi na bumili ng ice sa kapitbahay. Sayang pera." tumawa naman sila sa sinabi ng Lolo nito.
"Ayan po panalo na tayo." palakpak pa nito. Napangiti naman ako at niyakap Ito ng mahigpit. Gumanti naman ng yakap at halik sa labi. Sabay pa kaming napahagikhik.
Pinaghain na muna sila ni Leyanna dahil hindi pa sila kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain ay excited nilang binuksan ang refrigerator. Ang ganda at ang bongga ng kulay Gray na refrigerator. May gagamitin na silang ref dito sa bahay. Binabalak pa naman namin na bumili kahit maliit lang.
Heto na may refrigerator na kami.
*****
Singing competition na.
Ayaw ko sana payagan ang Anak ko. Kaso excited itong sumali gusto daw niya kumanta sa maraming Tao. Okay lang daw kung matalo siya basta daw nakakanta siya sa maraming tao.
Nagpraktis Ito ng isang linggo at ang suggest ng mga kapatid ko ay yung kanta na solo niya. Yung 'A million dreams'. Kering keri nito ang kanta. May views na itong 2 Million sa YouTube. Itong kanta ang suggest nila dahil madami daw siya views.
Kamalas malas naman dahil masama ang pakiramdam ko. May ubo at lagnat ako kaya hindi ako makakapunta. Pero pipilitin kong pumunta mamaya para mapanood ko ang anak ko sa una nitong sabak sa contest.
Nagtext ako kay Ate kung nagsimula na ang singing contest nagsisimula palang daw. Si ate at Denis ang naga-assist sa Anak ko. Hindi daw Ito kinakabahan excited nga daw itong kumanta. Napangiti ako sa determination nitong ipakita ang talent nito sa pagkanta. Kaya pipilitin kong pumunta sa Barangay hall para mapanood ko ang Anak ko. Si Ate Nelda naman ang magvideo mamaya.
Nagsimula na akong naglakad kahit mediyo nahihilo ako ay kailangan kong mapanood ang Anak ko. Hindi ko pwedeng palampasin Ito. Alas singko mag sisimula ang pa-contest. Tamang tama ang dating ko. Nasa likod lang ako nakatago.
Sampo pala lahat ang sumali. Kaya mo yan Anak. Pangche-cheer ko pa sa isipan ko.
Napatingin ako sa harapan. Napanganga ako ng makita ko ang dalawang magkapatid na Osmeler naglalakad patungong harapan. Isa ba sila sa mga judgemental I mean judge?
Oh sh!t makikita na niya ang Anak ko. Kamalabog na ng mabilis ang dibdib ko. Gusto kong tawagan ang ate ko na mag backout na lang ang Anak ko. Kaso katatawag lang niya kanina sa cellphone. Masayang masaya at excited na daw kumanta. Para sakin daw ang pagkanta ng Anak ko. Ayoko naman na sirain ang excitement nito.
Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Nanalangin na lang ako ng paulit-ulit na sana galingan ng anak ko ang pagsagot. At sana wag niya mabanggit ang pangalan ko. Hindi sana mapansin ng magpakapatid ang resemblance nila ni Rad. Habang lumalaki kasi ang Anak ko napapansin kong may pagkakahawig din pala sila ng Ama nito. Lalo na sa ilong at labi.
Napansin din ng kapatid ko ang balat ng Anak ko sa balikat na parang hugis bulaklak ang ganda. Parang sinadyang lagyan pero balat talaga iyon. Kumakapal yung kulay habang lumalaki ang anak ko. Buti hindi din lumalaki ang balat sa balikat nito.
Wala namang ganung balat ang ama nito. Wala naman siyang sinasabing birthmark nito na symbolo ng kapanangakan niya. Yung iba kasi sa may birthmark malalaman kung anak ka ng isang Ina o ama. Lalo na ang mga nawalay kanila ng matagal na panahon. Minsan hinahanapan ng birthmark o nunal na palatandaan kung anak ba siya talaga o hindi.
Nilabas na niya agad ang cellphone ng Anak ko na ang kakanta. 'A million dreams' ang kakantahin ng Anak ko. Kaya niyang kantahan iyon dahil bagay ang boses nito sa kanta. In-interview pa nila saglit.
"Hey man. Anong pangalan mo?" kuya ni Rad ang kumausap.
"Rale po."
"Sinong kasama mong pumunta dito Rale?"
"Sila Lolo at Lola ko po. Mga pinsan ko, mga Tita at mga Tito ko pa po." sagot ng Anak ko.
"Asan ang Mama at Papa mo?"
"May lagnat si Mama kaya hindi makakanood po dito. At.. ahmmm.. busy po si p-papa." mahina nitong bigkas. Nanikip na naman ang dibdib ko. Kaharap mo na ang Papa mo Anak. Sigaw ng isipan ko.
"Alright! Anong kakantahin mo Rale?" si Rad na ang nagtanong.
"A million dreams po. Para po Ito kay Mama ko. Marami po kasi kaming dreams na dalawa po."
"Okay. Good luck!"
Matamis naman na ngumiti ang Anak ko.
Pumalakpak na ang mga Tao sa audience. Ako naman sunod-sunod ang paglabas ng luha saking mga mata. I'm so proud of you Anak ko. Pinindot ko na ang button ng tapos na itong kumanta. Nagpalakpakan ang mga tao. Tuwang tuwa sila sa performance ng Anak ko. Magaling na talaga itong kumanta.
"Wow ang galing na Bata."
"Galing."
"Ang ganda ng boses ng Bata."
"Panalo na siya."
"Wow na wow!"
"Ang galing naman."
Mga ilan lang sa mga naririnig kong sigaw ng mga nanonood. Nakakataba ng puso ang mga sinasabi nila sa Anak ko. Kaya napangiti na lang ako.
May fourth, third, second at first awarding tapos ang champion na. Lahat naman daw may matatanggap na prize. Sigawan ang mga tao ang pangalan at number ng Anak ko ang isinisigaw nila. Anak ko talaga ang stand out sa lahat ng contestant. Natatangi ang galing niya sa pagkanta. Malinaw at sakto ang pag pronounce niya sa mga lyrics ng kanta at magaling talaga ang Anak ko. Anak ko Yan eh. Pagmamayabang ko sa isipan ko.
At siya nga ang nanalo. Tuwang tuwa si Mamang nagtatalon pa sa saya. Nagpapalakpak na masayang masaya habang kumakaway sa Anak ko. Masayang masaya naman na kumaway ang Anak ko sa kanila. Panay naman ang palakpak ni Papang na proud pang nakangiti habang nakatingin din sa harapan sa Anak ko.
Salamat Anak at napasaya mo ang mga Lolo at Lola mo. Kaming lahat napasaya mo. We really proud of you Anak.
"Dahil napakagaling ang nanalong contestant na si Rale. Gusto mo daw ba maka-duet ang sikat na si Sir Dart?" tanong ng emcee.
"Wow talaga po?" masayang bulalas ng Anak ko.
"Sir Dart, nakapagpraktis ka ba ng kanta? Hinahamon ka ng Bata sa stage." biro ng emcee. Nagkatawanan naman ang mga tao.
"Nakita ko po kasi siya sa YouTube kumakanta po. Alam ko din po kantahin yung kinanta niya. Baka po kasing galing lang naming dalawa na kumanta po." pagmamayabang ng Anak ko.
Kita kong tumayo si Rad at natatawang lumapit sa Anak ko sa stage. Hiyawan ang mga Tao. Napakakisig naman kasi talaga ang lalaking Ito. Nag mature na siya at pati katawan pang model na ng mga brief. Yay napapikit ako bigla sa sinabi ko. Basta perfect ang katawan nito yun lang. Naka-black t-shirt at maong na pants.
"Hey man! Congratulations ang galing mo!" puri niya sa Anak ko nagkamayan pa silang dalawa.
"Salamat po." sagot naman ni Rale. Nakatingala Ito kay Radeon, at nagngitian silang dalawa. Yung puso ko masaya at nasasaktan. Dahil kahit hindi nila kilala ang isa't Isa sa wakas nagkita na silang mag ama. Hindi ko na naman mapigilan na maiyak sa eksena sa harapan. Feeling close na ang Anak ko agad sa lalaki.
"Ikaw po ba yung kumanta sa YouTube po?" tanong ng anak ko.
"Oh, yes it's me." ngiting sagot ni Rad.
"It's You' din po yung kinanta mo po diba?"
"Gusto mong kantahin natin iyon?" agad na tumango ang Anak ko.
"Palakpak naman kayo diyan!" sigaw ng emcee.
Palakpakan ang mga Tao ng magsimula na ang dalawa na kumanta. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam ko. Masayang masaya na sobrang nalulungkot at nasasaktan para sa Anak ko. Kumikirot ang dibdib ko na may Asawa ng iba ang ama nito. Hindi ko na siya mabibigyan ng buong pamilya.
Hindi ko na halos makita ang mga Ito sa harapan dahil tinakpan na ng mga luha ang mga mata ko. Nanlalabo na ang paningin ko. Nang tapos na silang kumanta ay tumalikod na ako at nagmadali ng umalis doon.
Hindi ko na kaya ang sakit. Ayoko ng makita ang mag-ama sa stage. Kung sana wala ka pang asawa ipapakilala sana kita sa Anak ko. Kaya lang iniwan mo na lang ako basta sa ere. Mabilis ang mga hakbang kong naglalakad pauwi sa bahay. Gusto kong umiyak ng umiyak yung walang makakakita o makakahalata sa akin na umiyak ako. Gusto kong mapag-isa gusto kong maglupasay ng iyak.
Pero sa totoo lang nakakapagod ang umiyak. Kaya tama na ang palaging pag iyak. Masyado ko ng kinakawawa ang sarili ko. Makakahanap din ako ng lalaking tanggap ako at Mahal kami ng Anak ko.