Roses
"For the heartfelt 'im sorry' consider blending red and white roses in a bouquet. The combination of passionate red and pure white signifies the acknowledgement of past mistakes and the desires for a fresh start."
Radeon Pov
Kararating lang namin ng asawa ko dito sa hacienda. Nagpapahinga sa kwarto ko ang Asawa ko. Lumabas ako para kumustahin ang mga tao dito sa bahay. Lalo na si Nanay Corazon, ang Ina ni Leyanna. Isa ito sa masayang masaya ng malaman nitong ikakasal na ako.
I feel guilty dahil nasaktan ko ang anak niya. Sana hindi magbabago ang pakikitungo nito sakin kapag nalaman nito ang nangyari samin ng Anak niyang si Leyanna. Papalapit palang ako sa kusina ng napatigil ako dahil narinig ko ang pangalan ni Leyanna.
"Oo, nandito ang anak kong si Lele dalawang linggo na siya dito. Pero ang alam ko babalik parin iyon sa Manila. May offer daw sakanya ang kaibigan na trabaho. Dahil matured at malaki naman na siya sino ba naman kami ng Papang niya para pigilan siya." malumanay na kwento ni Nanay Corazon.
Pero ramdam ko sa boses nito na may kakaiba parang malungkot o pag aalala na hindi ko mawari. May koneksyon ba sa pag-alis nito dito sa Tarlac years ago?
"Anong ginagawa niya ngayon sa bahay niyo Manang? Babalik ba siya sa flower farm, namimiss na siya ng mga katrabaho niya doon. Lalo na si Manang Dalen at Si Manang Lety. Masipag ang anak mong iyon Manang Cora." tanong ng isang kasambahay namin.
"Sa bahay lang talaga luto ng pagkain ng Papang niya. At siya na ang naiiwan sa bahay kapag nasa bukid at paaralan ang mga Bata. Sinusulit ang mga taon na wala siya sa amin. Dahil aalis siya ulit pabalik ng Manila. Saludo ako sa katapangan niya at lakas ng loob niya na makipagsapalaran sa manila. Marami daw siyang natutunan sa buhay. Ang nakakatuwa pa nagba-vlog siya."
"Talaga anong pangalan ng YouTube o f*******: niya Manang Cora? Nang makita at pananood din namin siya. Kwela siya at palaban din sa mga chismosa sa flower farm. Ang kulit din niya." natatawang sambit pa ng mas Bata sa kanila dito.
"Hindi ko alam. Nakalimutan ko na yung pangalan niya sa YouTube. Wala daw siya f*******: eh gagawa palang daw para may communication kami sa bahay." sagot ni Nanay Corazon.
Nanghinayang siya na hindi nito alam ang pangalan ni Leyanna sa YouTube. Para sana makita ko din kung anong klaseng vlog ang ginagawa nito. I suddenly miss her. Pero I'm already committed to someone else . Sana talaga pinakinggan ko ang mga best friend ko.
I think I'm doomed!
Naiinis ako sa napakaarte kong Asawa. Pati ang Mama nito pakialamera na ikina-stress ng Mommy ko. My mga gusto na itong design ng bahay na gusto niya para samin ng Anak nila. Mga kagamitan, kulay ng bahay, damit ng baby, mga klase ng display, pagkain, etc.. Bigla akong nastress ng sobra.
Wala sa sariling pumasok ako sa loob ng kusina. Bigla akong nauhaw sa stress. Mabuti at wala ang parents nito nasa ibang bansa kaya hindi sila nakasama dito sa hacienda. Kapag nandito sila siguradong stress na naman kaming lahat dahil sa pakikialam ng Mama ng Asawa ko.
Kaya tama lang ang advice sakin ng Isa kong kaibigan. Sana pala talaga hindi na lang ako pumayag sa pakiusap nila. Ngayon nasira na ang tahimik kong buhay pati tahimik kong love life nasira din. Dahil ako din naman ang sumira. Nakasakit pa ako ng damdamin ng isang babae at iyon ay ang girlfriend kong si Leyanna.
"Senyorito Dart, Magandang hapon." sabay pa nilang bati sakin na mukhang nagulat pa sila sa pagpasok ko sa kusina.
"Bakit mukha kayong nakakita ng multo?" natatawa kong tanong.
"Nagulat lang kami Hijo." ngiti ni Nanay Corazon.
"Mabuti hindi niyo po kasama ang mga magulang ng Asawa niyo senyorito." sabi naman ng isang kasambahay.
Natawa naman ako. Alam ko naman ang dahilan.
"Pero kasama naman ni senyorito ang Asawa niya. Kunting stress na lang tayo ngayon."
"Nako.. senyorito napakaselosa po ng Asawa niyo. Bawal ka daw namin tignan. Bawal kausapin at ngitian kapag kasama ka niya. Baka daw masesante kami dito." sumbong ng Isa naman.
"Pasensiya na senyorito ha. Sinasabi lang namin ang sinabi ng Asawa mo po. Inaway pa nga niya ang Isa sa kasambahay dito. Dahil lang sa pagbanggit sa pangalan niyo po."
"Kailangan daw nakayuko kami lahat kapag nakikita na namin siya. Magbigay pugay daw kami. Aba, senyorito, Princesa po ba siya at mas mayaman pa sila sainyo? Kayo nga po napaka down to earth eh. Tapos si ma'am Celine, umasta parang kamag-anak po siya ni Queen Elizabeth po." bulalas pa ng Isa.
Natawa naman ako na naiiling na lang sa mga sumbong nila.
"Pagpasenyahan niyo na lang po ang Asawa ko. Mukhang naglilihi na eh. Sabihin niyo na lang po sakin kapag sinaktan kayo ha. Don't worry may mga cctv naman po. Alam niyo naman po na hindi namin tino-tolerate ang mga may sala o gumawa ng mali dito sa loob ng mansion. Double pasensiya na lang po ha." nakakaunawa ko namang sabi sa kanila.
"Iyon po ang ginagawa namin senyorito. Ayaw din naman namin na magalit ka samin kapag nasagot namin ang Asawa mo po. Kaya double pasensiya po talaga kami senyorito."
"Excited ka naman kasi mag-asawa senyorito. Inunahan mo pa ang mga Kuya. Lalo na ang panganay mong Kuya Art, nawala na sa kalendaryo."
"Sabi naman ni senyorito Art, di bale daw nasa bingo pa naman ang edad niya. Nasa letrang N na yun diba?" tanong pa nila sa akin.
Humalakhak naman ako. Ang panganay namin na ayaw pa mag-asawa dahil sa sobrang busy nito sa business namin sa Manila. Nakalimutan ko tuloy ang pakay ko na uminom ng tubig.
Bukas na ang party dito. Nakaset na ang lahat. Uuwi din dito ang mga kapatid ko at sila grandparents ko na parents ni Mommy.
"Dito na ba kayo titira ng Asawa mo hijo?" tanong ni Nanay Corazon.
"Ah. Hindi po Nay. Bakasyon lang po kami dito ng isang buwan. Ayaw ng Asawa ko dito at ayaw ko din na dito kami titira if ever na gusto niya dito. Mas marami akong business sa Manila po. Baka uuwi na lang kami dito kada linggo o depende po. Malakas pa naman si Daddy. Kaya pa niyang pamahalaan ang hacienda. May mga tauhan naman siyang mapagkakatiwalaan at yung kapatid niya po." sagot ko.
"Tatapusin niyo po ang fiesta dito sa atin senyorito?" tanong pa nila.
"Yes. May pa-contest yata ng kanta para sa mga bata na edad 5 to 10 years old daw. Baka may mga apo kayo na pwede isali?" tanong ko pa.
"Ipapanalo mo ba senyorito?" natatawang tanong ng Isa.
Tumawa na lang ako.
"Kung magaling kumanta ipapanalo talaga Ate." natatawang sabi ko.
"Pwede ang apo ko diyan. Magaling yun kumanta." natutuwang sabi ni Nanay Corazon.
"Sige po pasalihin mo po Nay. Kayo mga apo o Anak niyo meron ba?" tanong ko pa.
Malalaki na daw sila at hindi pang singer daw ang boses ng mga apo at Anak. Tumango tango na lang ako. Lumapit na ako sa fridge na lagayan ng mga mineral water. Kumuha ako ng Isa at lumabas na sa kusina. Sa patio ako nagtambay. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung masaya ba ako. Masaya ba ako sa naging disisyon ko.
Inaaamin kong hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa buhay ko ngayon. Hindi ako sasaya hangga't alam kong may nasaktan akong Tao. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko ng makita ko sa mismong kasal ko si Leyanna. Kada pikit ko ng aking mga mata parang lagi akong nababangungot. Lumilitaw sa isipan ko ang expression ng mukha nito.
Ang hirap e-explain at burahin sa isipan ko kung gaano ito nasaktan sa nasaksihan. Kung gaano ito sobrang nabigo at nanlumo sa nasaksihan. Hindi kayang ipinta ng kahit na sinong pintor ang sakit na gumuhit sa mga mata nito. Lalo na sa mukha nito. Nilalamon ako ng konsensya ko na halos nagkasakit na ako dahil sa nangyari. Nadepress ako ng sobra.
Bumuntong hininga ako ng malalim.
*****
Party
Maraming mga bisita galing manila na kamag-anak namin at mga kaibigan ng pamilya at mga kaibigan namin ng asawa ko.
Imbetado lahat ng mga trabahador dito sa hacienda. Kaya naisipan kong pumunta sa flower farm. Alam kong walang tao doon ngayon. Dahil uwian na ng mga trabahador at ang iba ay nasa bulwagan na. Nagkakasiyahan na ang lahat.
Hindi na ako nagpaalam pa. Busy ang Asawa ko sa pag aasikaso sa mga kaibigan nito. Kaya hindi na ako nagpaalam pa. Mag-iinarte lang na naman ito.
Dito lang sana ako sa mga bulaklak maglakad-lakad. Pero parang may sarili isip ang mga paa ko. Pinunta ako sa lugar na kung saan ang daming mga magagandang ala-ala na sinira ko. Pati ang mga pangako ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sinira ko at sinaktan ko. Sinira ko ang lahat ng pangako namin sa isa't Isa.
"Ano itong ginawa ko sa inosenteng babae God? Binigay sakin ang lahat-lahat pati ang sarili sakin. Pero ako na gago sinira ko lang ang tiwala't pagmamahal nito sakin. Sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala kita, Leyanna. Patawarin mo sana ako my moo." mahina ko pang bulong.
Lalapit na sana ako sa may acacia ng may mamataan akong babae na nakaupo sa di kalayuan sa acacia. Pinabakuran ko kasi ang banda dito sa may acacia. Ayokong may pumupunta diyan dahil sagrado Ito para samin ni Leyanna. Mananatiling private ang lugar na Ito hangga't hindi ko nakakausap at naayos ang ginawa kong gulo.
Gusto kong tumawa sa mga sinasabi nito kaso pati pagtawa hindi ko magawa. Iba kasi ang tuno ng boses nito. Kita ko pang nagpahid ng luha saknyang mga mata. Rinig ko pang sabi niya na never na daw itong aapak pa dito. Bakas sa boses nito ang lungkot at sakit. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit kaso baka magagalit lang Ito lalo sakin.
Bahagyan pa akong nagulat ng lumingon Ito sa gawi ko. Nakatutuk sakin ang cellphone nito. Nagkatitigan kami pero hindi ko sure kung nakatingin siya sakin dahil nakatutok ang paningin nito sa screen ng cellphone nito.
Gusto ko itong makausap magpaliwanag sa lahat kaso ayaw na niya akong kausapin pa. Nasaktan ko ito alam ko. Ako ang may gawa ng ganitong pagbabago nito ng ugali. Kung hindi lang niya ako nakita sa simbahan na ikinakasal, baka may pagkakataon pang makausap ko siya ng maayos ngayon.
Gusto kong sisihin ang pinsan nito kaso nangyari na. Nakita na niya akong ikinasal. I hurt her real hard. I fvcking hurt her. Ngayon masasaktan ako sa pambabaliwa nito sakin. Papasok na sana ako sa loob ng bakod ng marinig ko ang boses ni Celine.
Sa kabila ako dumaan para hindi nila ako makita. Nakikinig lang ako sa palitan nila ng maaanghang na salita. Palaban din talaga itong si Yanna. Totoo naman manlalait siya kapag ginantihan magagalit. Kamuntik pa siyang sampalin sana ni Celine, kaso maagap Ito. Kaya inis na lang na sumigaw si Celine dahil talo siya.
Sinundan ko si Yanna. Pero napatigil ako ng makita ko si Noven pumunta din dito sa flower farm. Nakikinig ulit ako sa usapan nila. Muntik na akong sumigaw ng makita kong magkadikit ang katawan nila. Magkakilala ba sila? Kelan pa? Kelan pa sila naging close sa isa't Isa. Galit, selos at inis ang nararamdaman ko sa mga oras na Ito.
Alam kong sinasadya ni Noven na lakasan ang boses. Gago! Selos na selos na nga ako sinasadya mo pa! Pero sino ba ako para magselos. Iniwan ko siya at nagpakasal ako sa iba. Tapos magseselos ako sa mga lalaking lalapit sakanya? Wala na dapat akong pakialam pero tangina nagseselos ako ng sobra.
Naikuyom ko ng mahigpit ang mga kamao ko. Lumayo na ako doon baka ano pa ang magawa ko.
"Nandito ka lang pala hon!" simangot ni Celine.
"What are you doing here?"
"Ikaw bakit ka nandito? Bakit wala sa party. May balak ka bang makipagkita sa ex-girlfriend mong Chaka, dito ha?"
Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi nito. Minsan nakakasakal na Ito eh. Sobrang paranoid at kung ano-anong mga ibenibentang sakin. Dapat pala hindi ako nagkwento sa kaniya na may girlfriend ako dito. At hindi ko pinakita ang picture at hindi ko dapat sinabi ang pangalan. Mabuti na lang din hindi ko nasabi na si Nanay Corazon ang Ina ni Leyanna. Baka ibunton nito kay nanay Corazon ang inis niya kay Leyanna. Baka bastusin niya ito o pagsungitan.
Pero alam ko maarte lang Ito at may hiya din naman at paggalang kahit papano.
"Ano ha bakit hindi ka makasagot? Magkikita ba kayo ng babaeng iyon dito?" inis na nitong sigaw.
"Hindi porke pumunta ako dito sa flower farm ay may kakatagpuin na ako dito. Remember this hacienda is ours my family own this hacienda. Pumunta ako dito dahil gusto kong bisitahin ang mga bulaklak ng walang nang-iistorbo sakin. Because all the workers is in the party! Tapos paghihinalaan mo ako? Wala ba akong karapatan na dalawin ang mga bulaklak dito ha? Alam mong ito ang isa sa business ko sa Manila! Wala ba akong karapatan na pumunta dito?" sigaw ko na sa inis.
"So ipagtatanggol mo ang babaeng Chaka na Yun?"
"Tangina! Nakikinig ka ba?" mura ko na.
"So minumura mo na din ako gan'on ha?" inis niyang sambit.
"Hindi ka marunong makinig. Hindi ko naman na kailangan mag explain sayo. Pero wala kang tiwala sakin kung ano anong mga binibintang mo!" gigil kong inis dito.
"Dapat ang atensyon mo ay sakin lahat wala ng iba pa. Kahit pa ang mga bulaklak na Ito!" galit ng sabi nito.
Nainis ako ng sirain nito ang mga bulaklak na nasa tabi nito. Mga imported pa naman ang mga iyon. Kaya bago pa niya masira lahat ay pinigilan ko na Ito.
"Stop it! I said stop it Celine! Stop!" malakas kong sigaw na ikinatigil nito. Gulat pa na hindi makapaniwala. "Mas Mahal pa ang mga bulaklak na sinira mo kisa sa binili kong ticket ng mga magulang mong nagtravel abroad! Do it again and I cancel all the plan we had right now. Try me! You don't know how much expensive all the flowers you destroy. Para ka na lang din nagsayang ng milyon. Kung hindi lang kita Asawa kanina pa sana kita itinapon sa ilog. Akala mo tag peso lang ang bili namin diyan sa mga bulaklak. Later umuwi ka na ng manila." galit kong sabi at iniwan ko na Ito doon.
Pero sumunod parin naman Ito sakin ng hindi na umiimik. Gosh nakakastress ang ganitong ugali ng mga babae. Ganito din kaarte ang girlfriend ng kaibigan ko. And now it's my turn na ma-stress kaibahan lang girlfriend palang nito iyon. Ako Asawa ko na. One day lang kami nag kita accidentally sa abroad may nangyari samin due to alcohol. Tapos kasal na agad.
Whoah! And now magsisisi ka! Magdusa ka!