Purple Hyacinth
"carry a message of deep regret and sorrow, asking for forgiveness. They're often give as a sign of longing or to express a sense of sorry."
Leyanna Pov
Dalawang linggo na namin dito ng anak ko. At gustong gusto niya dito madami daw siya kalaro. Lalo na ang una daw niya naririnig ay ang tunog ng Manok sa umaga. Tawang tawa kami dahil ginagaya ng Anak ko ang pagtilaok ng mga Manok sa umaga. Alas singko palang nagigising na rin ito. Sumasabay sa mga tilaok ng Manok. Pati kalabaw ni Kuya at baka, ginagaya din nito ang tunog. Tuwang tuwa si Papang at Mamang.
Pinatanong ko kay Ate Nelda kung pwede na ipasok ang Anak ko sa kinder. Same age pala sila ng bunso nilang anak. Mas nauna lang Ito nanganak sakin. Bininta pala nila noon ang gamit nilang cellphone dahil kulang sila sa pera na gagamitin sa panganganak nito. Yung cellphone naman ni Ate Wilma nasira daw. Hindi niya nasave yung number ko na Ito lang ang paraan para may communication parin sana kami. Nawala din.
Pumayag naman daw yung teacher. Dahil hindi naman daw marami ang student nito. Kaya pinapasama ko na siya kay Ate Nelda. Noong una nahiya pa daw ang anak ko. Pero bibo din naman daw sumagot sa teacher. Panalangin ko lang na sana wag siya i-bully ng ibang kabataan. Kahit hindi naman iyon maiiwasan talaga. Basta wag lang nila saktan okay na sakin.
Nasa mansion ng Osmeler si Mamang. May party daw na magaganap mamaya. Kaya busy silang lahat sa mansion. Baka late na naman umuwi si Mamang. Dapat talaga wag na siya magtrabaho doon. Sipagin ko na lang ang mag-vlog at magtinda tinda dito para sa kanila.
Nag-try akong nagluto ng mga kakanin dahil may malagkit na bigas naman sila Papang. Yung iba isinama ko sa kanila Ate sa palengke para itinda. Yung iba meryenda namin dito sa bahay. Swerte naman daw kasi kahit mahal ang benta ni Ate Nelda binibili parin daw nila. Yung iba naghingi ng tawad kaya okay lang. Ayon sold out.
Sabado at Linggo lang naman sila nagtitinda. Kaya ako na ang taga luto kapag wala silang lahat sa bahay. Isinama ko na din ang pagkain ng pamilya ni Kuya at Ate ko. Sa may Malaking puno ng mangga sa likod bahay kami lahat kumakain. Masaya sa pakiramdam na nakakasalo ko na ulit silang lahat sa hapagkainan. Kahit papano nawala ang lungkot ko. Pero yung sakit sa puso ko hindi iyon nawawala.
Sa hapon na iyon nagpaalam ako kay Ate na bibisita lang saglit sa flower farm ng mga Osmeler. Hindi naman iyon bawal basta magpaalam lang ako sa nagbabantay doon. Sinabi ko na lang na namiss ko ang lugar lalo na ang mga bulaklak. Nakikipaglaro naman ang Anak ko sa mga pinsan at Tito nito. Kaya agad na akong umalis sa bahay.
Alam kong busy na ang mga tao sa mansion sa mga oras na Ito. Pauwi na din ang mga trabahador dito kapag ganitong oras. Malaking handaan yata ang magaganap para sa newly wed daw. Sa isip ko si Rad iyong may party ngayon sila lang naman ng Asawa na niya ngayon ang newly wed eh.
Sumakit na naman ang dibdib ko. Kumikirot na naman na halos hindi na kaya ng puso ko ang bigat, ang sakit at pighati. Mas tanggap ko pa kung nakipaghiwalay na lang siya eh. Hindi yung umaasa pala ako sa wala. Pinaasa lang niya ako. Pinahid ko na agad ang luhang naglandas sa pisngi ko.
Mabilis ang lakad ko patungong flower farm. May short cut iyon kaya madali lang ako nakarating doon banda sa may favorite kong lugar dati. Mananatiling peborit ko parin naman ang lugar na Ito. Maraming memory na magaganda dito. Inaaamin kong Mahal na Mahal ko parin si Rad. Hindi na siya mawawala sa puso ko.
Pero hindi ibig sabihin no'n na ipapaalam ko pa. Hindi na tamang makita ko pa Ito at malaman pa nito ang totoong nararamdaman ko. Hindi pwedeng siya lang ang masaya habang ako nalulungkot at nasasaktan ng dahil sa kanya. Soon makakahanap din ako ng lalaking magmamahal sakin ng totoo. At sana tanggap nito ang Anak ko. Kung hindi ay wag na lang mag Asawa baka mag boyfriend na lang kung sakali.
Napailing ako. Pukos na lang ako sa Anak ko. Mas better pa.
Kausapin ko na muna ang Anak ko kung pwede na ako magboyfriend. Napangiti ako ng maalala ko ang Anak ko.
Paupo akong nakatingin sa acacia na nasa di kalayuan dito sa kinauupuan ko ngayon. May bakod na kasi Ito at bawal magtresspassing. Sumakit na naman ang dibdib ko. Pati ba naman ang lugar na gusto kong puntahan bawal na din lapitan. Nakakasama naman ng loob.
"Dito ba siya magpapatayo ng sariling bahay? At dito niya ibabahay ang babaeng napangasawa niya?" mahina kong sambit.
Subrang torture naman yata ang ginagawa ng lalaking iyon sakin. Pero ano nga pala ang pakialam ko eh, lupa naman pala nila Ito. Hindi ko pala pagma-mayari ang lupang Ito. Kaya wala akong karapatan magalit.
Nakaupo akong nakatingin sa kawalan. Hindi ko mapigilan na mapaluha na naman. Gusto kong umiyak ng umiyak ngayon dahil lahat ng Ito may hangganan din. Hindi pwedeng ganito na lang ako palagi.
Bumabalik sa balintataw ko ang mga masasayang araw naming dalawa dito ni Rad. Mga kulitan, asaran, lambingan, lalo na ang mga pangako namin sa isa't Isa. Hindi ko alam na hanggang doon lang pala magtatapos ang lahat ng mga pangakong iyon. Pangakong napako na ng panahon. Kailangan ko na din umasad pasulong para sa ikakabuti ng buhay ko.
Tama pala yung kasabihan na people change. Nagbabago ang mga tao dahil na din sa kagustuhan nilang sumubok sa bagong buhay. Explore, explored, and exploring, siya sa abroad. Tapos naging explode, exploded and exploring sa ibang babae. Nagpapasabog ng kakatihan sa ibang babae kung pwede naman sakin niya gawin iyon. Boyset siya.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa dahil gusto niyang magvideo sa paligid. Last na tapak ko na dito sa flower farm and never, never, never, and never na akong tatapak pa dito kahit na kailan. I promise to you acacia. Sana hindi ka nila puputulin dahil ikaw ang saksi ng kakatihan ko noong panahong Bata pa ako. Alam mo kung paano ako nabaliw sa maling Tao.
"Hello place, kukuhanin ko lang kayo ng video. Dahil surely na mamimiss ko ang lugar na Ito. Lalo kana acacia ikaw ang Isa sa pinakapeborit ko dito. Ang ganda kasi ng mga bulaklak mo. Kaya lang madami din mga makakating uod na sumasabit sa mga sanga mo. Naglalambitinan silang lahat. Ang cute din naman ang mga uod kaya lang makakati sila. Pati ako dinamay niyo naging makati na din ako minsan. Nang dahil siguro sayo acacia." bahagyan pa akong natawa.
Umikot pa ako para i-video ang kapaligiran. Napatigil ako bigla at nagulat ng makita ko sa video na may nakatayong lalaki sa di kalayuan sa pwesto ko. Naitutok ko saknya ang cellphone ko. Titig na titig ako sa screen ng cellphone ko at siya ang tinitignan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung i-off ang cellphone o tatakbo akong paalis dito.
Pero hindi ako makagalaw nakatitig lang ako sa cellphone ko na nakatutok kay Rad, ang video camera ko. Tumutulo na ang luha ko sa pisngi napahikbi na rin ako. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Kaya lang naalala ko may Asawa na pala Ito. Hindi ko na ito pwedeng yakapin pa. In-off ko na agad ang cellphone ko.
"Y-yanna." sambit nito sa pangalan ko. Umiling lang ako sabay punas sa luhang naglandas sa pisngi ko. Nagsimula na akong umalis doon.
"Wait lang Yanna. Can we talk?" habol nito sakin.
Talk? For what? No wala ng dahilan para mag-usap pa kami. Hindi na dapat siya nakikipag-usap pa sakin. Tama na ang binigay nitong sakit. Wag na niyang dagdagan pa.
"Ayoko. Hindi naman po kita kilala Sir. Si Rad, ang kilala ko po hindi ikaw, para makipag-usap ako sayo. Pasensiya na kong pumasok ako dito sa flower farm niyo ng walang pahintulot. Sige po!" mabilis na akong naglakad papalayo saknya.
"I'm sorry. Please forgive me. Mag-usap tayo ng malaman mo ang dahilan ko." pakiusap nito. Umiling iling ako at patakbo ng palayo saknya.
Nagulat pa ako ng sa pagliko ko nakasalubong ko ang asawa nito. Ano bang ginagawa nila dito sa flower farm. May party sila sa mansion diba? Dapat ando'n sila nakikiparty hindi yung pupunta sila dito.
Hinarangan niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din Ito sakin. Nagkatitigan kami pero galit ang nararamdaman ko. Hindi mo ako makukuha sa matalim mong tingin sakin. Sabi ko pa sa sarili. Pakiramdam ko kilala niya ako. Pero hindi ko naman Ito kilala na makaasta siya parang may kasalanan ako saknya.
"What are you doing here?" masungit nitong tanong.
"Why you ask?" tanong ko naman.
"Sinusundan mo ba ang Asawa ko?"
"Hindi ko alam kung sino ang Asawa mo po." sagot ko.
"Sinungaling!" sikmat nito sakin.
"Madam, hindi po kita kilala para akusahan mo akong sinusundan ko ang Asawa mo dito. Wala akong nakitang mga tao dito." pagsisinungaling ko. Masama itong tumingin sakin.
"Kaya pala iniwan ka ng boyfriend mo dahil mukha ka naman palang mutsatsa. Akala ko pa naman maganda ka sa personal. Mukha ka palang Chaka!" pang lalait nito sakin.
Nag-init ang ulo ko. Makalait wagas mukha naman siyang avatar at hindi maayos ang ilong.
"Nakabihis ka lang po akala mo napakaganda mo na dito sa universe! For your information with digital technology madam. Ikaw na po ang maganda madam. Maganda na parang galing sa basahan na nilabhan na basahan. Makasabi ka ng mutsatsa ikaw nga basahan eh. Nilait ba kita?" matapang kong sagot.
Akmang sasampalin niya ako ng nasangga ko ang kamay nito.
"Ikaw ang nauna tapos mapipikon ka. Never ever touch my face with your basahan na kamay. Madudumihan mo lang ang Chaka kong mukha." sabay padabog na binitawan ang kamay niya. Mabilis na akong umalis doon.
"Argggg!" rinig kong inis nasigaw nito. Tsee!
Pero hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Sir Noven papalapit sa akin. Ngingiti ngiti itong kumaway sakin na as if close kami. Sumimangot ako. Isa din Ito anong ginagawa niya dito?
"Hello Yanna! How are you?" malakas nitong tanong sakin.
"Why you there and here?" tanong ko. Pinagdikit ko ng mariin ang mga labi ko ng humalakhak Ito. Syempre ando'n siya tapos papalapit sakin tama naman yung there and here ah. Inirapan ko Ito.
"Bakit kilala mo pa ba ako Sir Noven?" tanong ko pa. Nonsense na tanong dahil tinawag na niya ako sa pangalan ko kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sakin.
"Ikaw bakit nandito ka?" balik tanong ko naman.
"Best friend ko si Radeon. Invited ako sa party kaya nandito ako." ngiti nitong sagot sakin. Bahagyan naman akong nagulat. Best friend nito si Rad?
"Wala po dito ang party sa mansion po iyon. Kaya bakit po andito ka?"
"I just want to roaming around here in the flower farm. Maganda naman pala talaga dito." sagot nito.
Pero mapanuring ko itong tinignan. Hindi ako naniniwala sa sinabi nito. Best friend niya si Rad possible naman na hindi pa Ito nakakapasyal dito sa hacienda Osmeler. Inismiran ko Ito na ikinatawa nito.
"Wag ako ang lukuhin mo!" irap ko.
"Kumusta na kayo ng a---" mabilis akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang bunganga nito. Dahil matangkad Ito ay bahagyan akong napayakap sa braso nito.
"Wag na wag mo pong babanggitin ang Anak ko. Please lang Sir Noven." mahina kong sabi. "Pwedeng secret lang at wag mo ipagsabi sa iba kahit pa sa best friend mo ha?" pakiusap ko pa.
Natatawa naman Ito ng binitawan ko na ang bunganga nito. Ginulo naman nito ang buhok ko na parang ang Bata ko sa gesture nito.
"Don't worry my baby secret lang natin iyon." kindat pa nito sakin.
"Hoy! Wag kang magpacute sakin dahil baby palang ako ikaw matanda na." humalakhak na naman Ito.
Pakiramdam ko sinasadya nitong tumawa eh. Alam siguro nito na andito ang mag asawa. Pakiramdam lang naman. Hindi naman siguro alam ni Sir Noven na may namamagitan samin dati ni Radeon. Pero kahit pa hindi niya alam sana talaga hindi niya masabi na may Anak na ako. Baka maghinala pa ang gagong 'yon.
"Pwede ko na ba ngayong paunlakan ang pag anyaya sakin ng Mamang mo na kumain sa bahay niyo?" tanong nito.
"Ay sorry, expired na po iyon. Wala ng next time at wala kaming ipapakain sayo. Sa mansion ng mga Osmeler ka kumain may party doon diba? Walang party sa bahay. Mukhang sosyal ka pa naman hindi ka pwede sa Kubo namin."
"Boyscout 'to. Bayad mo na sana iyon sa paghatid ko sayo sa bahay niyo." malakas pa nitong sambit. Mukhang sinasadya nitong lakasan ang boses eh. Kaya hindi ko napigilan na hampasin Ito.
"Ay aba! Naniningil ka na ha?! Isusumbong kaya kita kay Kuya Gardo ng matanggal ka sa trabaho mo!" simangot ko. Nagsimula na akong maglakad dahil pakiramdam ko may matalim na mga matang nakatingin sa akin. Sumunod naman ang loko-lokong lalaking Ito.
"Hindi na mabiro. Masyado ka naman seryoso. Yung offer ko sayo sa tinatanong mong trabaho nakapag decide kana ba?" mahina nitong tanong sakin. Parang ayaw niyang iparinig sa iba. Alam ko na alam nitong andito ang mag Asawa.
"Mag-message na lang po ako sayo. Nag-eenjoy pa kasi kami dito. Sulitin pa namin ang mga araw na kasama namin sila Mamang at Papang. Pero sana sure na yung sinasabi mong trabaho ko. At yung libreng paaralan na pwedeng pasukan ng Anak ko." sabi ko naman.
"Oo sure na iyon kapag okay na ang lahat sabihin mo lang at susunduin ko kayo dito." sabi pa nito.
"Baka maniningil ka na naman ha?"
Tumawa naman Ito. Pakiramdam ko may binabalak itong hindi maganda. Pero mukhang nagmamagandang loob lang naman siguro ito. Isusumbong ko talaga kay Kuya Gardo kung may gagawin itong hindi maganda.
"You can trust me baby."
"I'm Yanna not Baby. You should knowing it. At saka hindi tayo close na makababy ka akala mo Anak mo ako!" sagot ko.
Humalakhak na naman Ito.
"I really like you Yanna." nakangiting sabi nito sakin. "And Sir Gardo offer it to you. And I'm the one who find the job that suit you. Nasabi kasi ni Sir Gardo, na sa flower shop ka nagtatrabaho dati kaya sa flower shop kita ipapasok. Sabihan kita kapag approved na ang lahat okay."
"Sige salamat sainyo ni Kuya Gardo. Pakiramdam ko I'm super special na pinagtutuunan niyo pa ng oras. Pero hindi ko tatanggihan ang offer mo po." sabi ko naman.
"Good samaritan lang kami ni Sir Gardo." tumatangong sabi nito. Napangiti na lang din ako.
Gusto pa sana niya akong ihatid kaso tumanggi ako. Hindi ko naman ito close na magpapahatid pa ako. At Isa pa bisita Ito ng mga Osmeler. Dapat ando'n siya nakikisaya. Pasaway din na lalaki eh. Baka may makakita at machismis pa kaming dalawa.