14 Queen Anne's Lace

1797 Words
Queen Anne's Lace Flower "Is a flower that represent family, as it symbolizes protection, sanctuary and comfort. It is also a symbol of family bonds, as it represent the connection between the generations, ancestors and descendants." Leyanna Pov Nagtulong tulong na kaming magkakapatid na binuhat ang mga gamit namin ng anak ko. Hindi naman humihiwalay sakin ang Anak ko. Laging nakadikit at naninibago sa mga nakakasalamuha niyang mga Tao. Naninibago pa sa kapaligiran nito. Tuwang tuwa siya sa mga Pato at Manok na pinapakain ng kapatid ko. Wala kasi ito sa Manila kaya mukhang ignorante pa ang Anak ko. Tinatawag siya ng mga pinsan niya maglaro daw sa duyan pero nahihiya pa siya. Bubulong siya sakin na nahihiya daw siya. Nakaupo na kaming lahat sa tambayan namin dati kapag hapon. Dito lang din sa labas ng bahay namin. May ginawa silang tambayan at may duyan pa. Naging emotional ang pagkikita namin ni Papang kanina. Mahigpit niya akong niyakap at humingi sakin ng kapatawaran dahil sa pagpapalayas nila sakin dati. Ayos lang yun sakin dahil sa pagkakalayo ko sa kanila natuto ako sa maraming bagay. Naging responsible akong Ina, naging madiskarte sa buhay at lalong naging masinop sa Pera. Mas lalo akong tumibay at lumakas ng mag-isa na lang akong lumalaban sa mundo para sa Anak ko. Lahat ng pwedeng pagkakitaan nagawa ko na din. Pero sa pagba-vlog kami kumita ng malaki ng Anak ko. Anim na digit na ang nasahod namin ng Anak ko last month. Tuwang tuwa kami ng Anak ko ng may mga million views na ang ilan sa mga video namin ng Anak ko. Kaya nag-abot ako ng Pera para sa pamilya ko. Ipambili ng handa bukas dahil birthday pala ni Papang bukas kamuntik ko ng makalimutan. Kung hindi pa sinabi ni Ate Wilma. Tamang tama pala ang pag-uwi namin ng Anak ko dito. "Kakanta po ako sa birthday ni Lolo Mama, bukas." masayang singit ng Anak ko. "Aba, marunong ka bang kumanta?" tanong ni bunso. "Opo, Tito. Tingin mo sa YouTube channel namin ni Mama. Dami kami doon na kanta madami na views at comments. Magaling daw ako kumanta tapos si Mama slight lang daw na magaling." bungisngis ng Anak ko. Tumawa naman kami sa sinabi ng Anak ko. Kunti na lang makukuha din nila ang loob ng Anak ko. Mahiyain pa kasi sa ngayon. "Talaga nagba-vlog kayo?" bulalas ng Anak ni Ate Nelda. "Marami na kayong followers Tita Lele?" tanong din ng panganay ni Ate Wilma. "Oo. Marami na po. Mama pakita mo yung phone mo sa kanila Ate na dalawa." sabi pa ng anak ko. Nako marunong din palang magyabang ang anak ko. Nilabas ko naman ang cellphone ko. Nakatingin lang sila sa pagkutingting ko sa cellphone ko. "May wifi ka Ate?" tanong naman ni Denis. "Oo meron kaming gamit na pocket wifi. Mura lang bili ko nito." sabay labas ko sa sling bag ko. "Wow, pwede kami maki-connect Ate ha?" bulalas naman ni bunso Eman. Tumango naman ako na nakangiti sa kanila. "Yayamanin na ang kapatid namin." nakangiting sabi ni Ate Wilma. "Hindi naman sakto lang naman ang sahod sa YouTube eh. Naisip ko kasi na pwede din pagkaperahan ang pagba-vlog. Mahirap noong una kasi bago palang kami ng anak ko sa pagba-vlog. Pinu-promote ko din sa mga kakilala ko sa antipolo ang YouTube channel ko. Ayon after One year dumami na kami ng followers. Makakatulong na ako kina parents natin kahit sa ganitong paraan lang." sabi ko naman. Napatingin na kami sa gawi ng mga Bata. Pinapanood na pala nila yung mga video namin ng Anak ko. "Bakit hindi niyo pinapakita mga mukha niyo dito Ate? Naka-maskara kayong dalawa." puna ng kapatid kong si Denis. "Ganyan talaga pamisteryoso din kami para marami macurious sa itsura namin." natatawa kong sabi. "Nagtitinda ka din ng gulay at mga fishball at barbecue. Meron ka pang tinda na banana suman at macapuno. Ang dami mo namang sideline ate nakaya mo lahat. Nag work ka pa sa flower shop at sa karinderya pa." hindi makapaniwalang tanong ng kapatid kong bunso. "Sa linggo lang ang gulay ako nagtitinda. Hapon naman ang barbecue at sa umaga ang suman na saging at macapuno. Dati ko ng work yung iba diyan. Sa pagkakanta na kami ng Anak ko nagpukos. Sa pagba-vlog na lang. Dahil maraming request ang followers namin. Pinagbibigyan na lang namin ng anak ko para kumita kami ng malaki. Kaya ng sapat na ang pera namin ng Anak ko ay naisip kong umuwi na dito sa Tarlac. Dahil may pamasahe na kami ng Anak ko. Excited din ang Anak ko na makita niya kayo. Kaso hinatid naman nila kami kaya nakatipid kami ng Anak ko sa gastusin." mahaba kong paliwanag. "Kahit may takot akong nararamdaman na baka hindi niyo kami tanggap parin ng Anak ko. Nilakasan ko na lang ang loob ko at triple ang panalangin ko na sana matanggap niyo ulit ako. Masaya na ako na maluwag niyo parin akong tinanggap kahit na... ahm.. Walang ama ang Anak ko." mahina kong bigkas sa huling kataga. Nagyuko agad ako ng ulo ng napatingin sa gawi ko si Mamang. "Kalimutan na natin ang nakaraan ang mahalaga ngayon ay nandito na kayo ng Anak mo. Ligtas kayong dalawa ng Anak mo sa Manila." sabi pa ni Mamang. "Salamat po." speechless parin ako. Dahil buong akala ko pagtatabuyan parin nila ako dito. Pero hindi kami dito titira ng Anak ko. Magpapatulong ako kay Kuya Gardo o kaya ay kay Sir Noven. Binigay naman nito kanina ang number niya. Kung kailangan ko daw ng tulong ay wag daw akong mahiya na magsabi saknya. Kaya susubukan ko maghingi ng tulong saknya. Pero sa ngayon dito na lang muna kami ng Anak ko. Ipapasama ko na lang kay Ate sa paaralan ang Anak ko. Kung pwede siyang pumasok sa kinder pansamantala dito. Hindi kami dito magtagal ng Anak ko at baka pagchismisan ako at i-bully ang Anak ko. Baka mapapaaway pa ako. Isa pa ayokong malaman ni Rad, na may Anak na ako. Hindi na din nagtatrabaho sa hacienda Osmeler si Papang. Sa sarili naming lupa na lang Ito nagtatrabaho. Napapaaway daw kasi siya doon dahil sa panay chismis nila sa pamilya namin. Si Mamang na lang ang naninilbihan parin sa mansion ng mga Osmeler. Ayaw naman daw siya payagan ni madam Reina na umalis na si Mamang doon. Nagtulong tulong na lang silang taniman ng kung ano-anong gulay, mais at palay ang hindi naman kalakihan na lupa namin. Si ate Wilma at Ate Nelda ang nagtitinda ng gulay sa palengke. May pwesto daw sila doon. Sabado at Linggo sila nagtitinda. Naisip na din nilang mag tinda ng mga Manok dagdag income din nila. Parang nainspired daw sila sa kasipagan ko. At kung ano-anong trabaho at tinda ang sinubukan ko makasurvive lang kami ng Anak ko. Kaya natuwa naman ako sa sinabi nila. "Ate alam mo na ba na kumanta sa America's Got Talent si Sir Radeon. Ang galing niya sa pagkanta. Ang daming views yung video niya. Pero madaming nanghinayang ng magback out siya sa sime-final. Sayang." kwento ni Eman sakin. "Hindi ko pa nakita. Tsaka hindi ako mahilig manood ng America's Got Talent na yan." tanggi ko agad. Ayoko na muna itong pag-usapan sa ngayon. Masaya ng nakikipaglaro ang Anak ko sa mga pinsan niya. Napangiti ako dahil iba ang saya sa mukha ng anak ko. Pati ang pagtawa at halakhak niya ay napakasigla. "Mama, tignan mo oh, may balbas ang kambing. Pero wala po sila sungay. Bakit po sa picture may sungay ang kambing po?" simula paglaki ng Anak ko. Ibon, aso, pusa at Manok lang ang nakikita niya. "Yung ibang kambing may sungay talaga Anak. Meron parin silang sungay pero maliliit lang. Matigas siguro ang ulo nila noong Bata pa sila kaya hindi tumubo ang sungay nila Anak." sabi ko naman. Natawa ang mga kapatid ko sa sinabi ko. "Wow Mama!" bulalas ng Anak ko sabay turo sa kalabaw na sinasakyan ng Kuya ko. "May cow pa sila Anak." sabi ko naman. Napanganga na naman Ito. Priceless talaga ang reaksyon ng Anak ko. "Lolo, wala po kayo kabayo. Gusto ko sakay kabayo eh." malakas na tanong ng anak ko kay Papang na nagluluto ulam namin kasama ang bunso naming kapatid. "Wala kaming kabayo apo. Pwede ka sumakay sa kalabaw kung gusto mo." "Talaga po Lolo? Tito pwede po ako sakay?" tumakbo na itong lumapit kay Kuya ng tawagin siya Ito. Kasama ang isang Anak ni Kuya. Napangiti ako ng makasakay na sa kalabaw kasama ang pinsan niya. Nakakataba ng puso ng makita ko itong tuwang tuwa sa pagsakay sa kalabaw. Kumaway kaway pa dito sa pwesto namin ni Ate Wilma at Ate Nelda. Kumaway naman ako pabalik sakanila. Lumayo kunti ang kalabaw sakay ang magpinsan at si Kuya. Kaya lumapit na din kami kina Mamang na naghahanda na ng mga lulutuin. Nagiihaw si Papang ng isda at pusit. Sinabi ko sa kanila ang bawal kainin ng anak ko. Well, Manok lang naman ang bawal saknya. Isang itlog lang kada araw sinabi ko pang hindi gaano kumakain ng kanin ang Anak ko at pili sa gulay. Pero prutas gusto naman nito. "Anak kung may problema ka yakapin mo lang lahat ng pagsubok. Dahil kapag nalagpasan mo lahat ng 'yan. Masarap sa pakiramdam itestify ang faithfulness ng panginoon sa buhay mo." malumanay na sabi Mamang sakin. Ramdam siguro nito na may pinagdadaanan ako. Ayokong magsumbong at magsabi dahil ayoko ng gulo. "Patawarin mo kami ng Mamang mo kung naging masama kaming magulang sayo. Naging unfair kami sayo kumpara sa Ate Wilma at Kuya Louie mo. Hindi namin naisip ang kapakanan mo ng basta ka na lang namin pinalayas dito sa tahanan natin. Hindi ko lang kasi matanggap Anak na walang ama ang Anak mo. Masakit iyon para sakin bilang ama mo Anak. Sana maintindihan mo ang gusto kong sabihin." sabi din ni Papang. "Hindi naman po ako galit o nagtatampo sainyo Papang at Mamang. Dahil sa nangyari marami po akong natutonan sa buhay. At lalong naging malakas at matapang po ako. Pero ang importante na po ngayon ay nakasama ko na po kayong muli. Masaya na ako doon. Salamat po." "Masaya na kaming makita ka at ligtas kayo ng Anak mo. Makakatulog na kami ng maayos ng walang iniisip na problema." sabi ni Mamang. Ngumiti na lang ako. Napalingon kami sa malalakas na tawanan ng Anak ko at ang pinsan nito. Hindi na siya nahihiya ganito lang ito kapag sa una mahiyain. Natawa na kami ng makita naming puro putik na ang mukha at katawan ng Anak ko at ang pinsan nito. Nahulog daw silang dalawa sa putikan. Nagtutulakan daw kasi ang mga Ito. Si bunso na ang nagpaligo sa dalawang Bata. Nakakataba ng puso na makitang ganito kasaya ang anak ko. Siguradong malulungkot ulit kapag umalis na kami dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD