Pansy
"is unmistakable. The varying colors bring about an air remembrance for those who moved on to the next journey after life. They are great for remembering, and also as a symbol of togetherness."
Leyanna Pov
"Hindi pa ba kayo kumain?" tanong ni Noven.
"Hindi pa po Kuya Noven. Nagugutom na po ako. Ilang oras akong nakaupo sa loob ng simbahan po kanina. Kinakausap ko si Papa Jesus na bilisan ni Mama na umuwi na dahil may masamang gustong kunin ako. Hindi ko nadala yung pagkain ko na niluto ni Mama kaya nagugutom na ako. Mamamatay na yata yung tiyan ko Mama." ungot nito.
"Overacting ka naman anak. Nagutom lang kunti mamamatay na ang tiyan. OA mo ha." sabi ko naman. Narinig ko naman na tumawa si Noven.
"Iyon nararamdaman ng tiyan ko mamaya. I want food Mama also water and candy." arte nito.
"Kailangan ba kapag gutom mag english anak?" ganito kapag gutom ang Anak ko. Napapa-english ito.
"Mama." simangot nito.
"Anong gusto mong kainin buddy? Do you want chicken joy or hamburger, pizza or what?"
"I want apple pie, mango pie, banana pie po. And ham and cheese sandwich or tuna sandwich po. I also want lettuce salad Kuya Noven. May mga ganun po ba na pagkain?" tanong pa ng Anak ko.
"Yes of course meron buds. How about drink?" tanong pa nito.
"Water po. Pero ayos lang po ba kapag orange juice po?" tanong ng Anak ko.
"Sure copy."
"Thank you po!" masayang pasasalamat ng anak ko.
"You're welcome buds. How about you Yanna? May gusto ka bang kainin?" tingin nito sakin. Umiling lang ako.
"Busog na busog ako sa sakit ng dibdib kaya salamat na lang po. Hindi po ako nagugutom." sagot ko na bahagyan nitong ikinatawa.
"Ano pong sakit ang kinain ng dibdib mo Mama?" singit ng Anak ko.
"Kung ano-ano naririnig mo anak ko." sabi ko naman.
"Gusto ko lang malaman Mama. Damot mo naman po." nguso nito.
"Nagiging chismoso kana din Anak ha."
Natawa ang dalawang lalaki sa harapan. Magtanong na nga pala ako kong anong oras makarating sa Tarlac. Wala kasi akong alam pa.
"Sir Noven, ano pong oras kami makarating ng Anak ko sa Tarlac, kapag sasakay kami ng bus?" tanong ko.
"Don't mind it Miss Yanna. Ihahatid namin kayo sa Tarlac. Ako ang mapapagalitan ni kuya Gardo kapag may masamang mangyari sainyo ng Anak mo. Katakot pa naman iyon magalit." sabi nito. Salamat naman kapag gan'on. Hindi na kami mahirapan pa ng Anak ko sa biyahe.
"Malaking tulong na po iyon samin ng Anak ko. Salamat ng marami." pasasalamat ko naman.
"Mama mali iyon. Dapat po maraming salamat yung sasabihin mo." puna ng Anak ko.
"Ikaw talaga Anak. Hayaan mo na naintindihan naman niya at ang importante---"
"Mahalaga Mama." putol nito sa sasabihin ko. Natawa naman si Sir Noven.
"Nagugutom kana nga talaga Anak. Nagiging bad kana." sabi ko naman. Humagikhik naman ang Anak ko.
****
Hindi ko alam kung saan banda na kami. Tumigil saglit ang sasakyan sa may tabi dahil kukunin daw nito ang order na pagkain namin.
"Here the ham and cheese sandwich with orange juice. At yung vege salad. Mamaya na ang iba pang pagkain na gusto mo buddy, sa ibang lugar natin iyon i-pick up. Ito na lang muna ang kainin niyong dalawa." sabay abot sakin ni Sir Noven ang pagkain.
"Salamat po sa pagkain Kuya Noven. Kain na po kami." masigla ng sabi ng anak ko.
Nilabas ko yung panyo sa bag ko at inilatag ko iyon sa ibabaw ng mga hita ng Anak ko. Para hindi siya magkalat sa carpet ng sasakyan. Tinanong ko kung kumain na sila. Oo daw at kakain na lang mamaya kapag nagutom. Pero nag-share parin ako sa kanila kahit tag-isa lang sila. Marami naman ang laman ng isang box na binigay samin.
Hinahalo ko naman ang vegetables salad ng anak ko. Marami Ito kaya makiki-share na lang din ako sakanya kapag hindi niya maubos.
Mahaba-haba pa ang biyahe kaya ng tapos na kaming kumain ay nakaramdam na ako ng pagka-antok. Pati ang Anak ko mukhang inaantok na din kaya inayos ko ang bag nito at ipinatong ko sa hita ko. Ipinatong ko yung maliit nitong unan na favorite nitong yakapin kapag natutulog. Para comfortable ito sa pagtulog.
Hinaplos haplos ko ang ulo nito habang nakahiga sa mga hita ko. Inaantok ako pero bumabalik sa isipan ko yung nangyari kanina. At nasasaktan ako. Ang sakit-sakit ng puso ko. Para na namang tinutusok tusok ng pinong pino na mga karayom ang puso ko. Ang hirap-hirap tanggapin na sa unang pagkikita naming muli ay ikinakasal na siya sa ibang babae.
Pinagtataga nito ng bonggang bongga ang puso ko. Yung sobrang pagmamahal ko saknya, sobra naman ang iginanti nito saking sakit. Napakagago ang mundo. Napaka super unfair. Napakasakit ng sobra-sobra.
"Are you okay?" napaigtad pa ako ng magsalita si Sir Noven. Agad kong pinusan ang luhang naglandas sa pisngi ko.
"Oo okay lang ako. Malapit na tayo diba?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Oo, saan ka namin banda ihahatid?"
Sumagot naman ako agad. Napansin kong parang natigilan Ito. Hindi ko na lang pinansin Ito at tumingin sa labas. Sobrang namiss ko ang lugar na Ito. Lalo na ang mga pamilya ko. Ang tagal ng panahon na hindi ako nakauwi. At sana pag-uwi namin ng anak ko matatanggap parin nila ako kahit walang ama ang Anak ko.
Umalis ako dito na binagsakan ng langit at lupa. Dahil sa nabuntis ako at pinalayas ng mga magulang ko. Ngayon naman uuwi akong durog na durog ang puso. Dahil nagpakasal na sa iba ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko. Sana matanggap parin nila ako kami ng anak ko. Sobrang namimiss ko na silang lahat.
"Mama bakit umiiyak ka na naman?" mahinang sabi ng Anak ko. May tunog na yata yung pag-iyak ko dahil nagising ko yata ang mahimbing nitong pagtulog.
May bumikig sa lalamunan ko at hirap ako makapagsalita. Ang hirap-hirap ng ganito. Kailangan ko ang mga pamilya ko para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Bumangon ang anak ko at mahigpit niya akong niyakap.
"Tahan na Mama, nandito lang ako para sayo. Yakapin mo lang ako ng mahigpit Mama. Di ba yun ang sabi ko sayo para kahit papano mapawi ang lungkot mo. Mag teamwork tayo palagi para wala ng masasaktan at iiyak satin na dalawa Mama. Tama na po." sabay punas nito sa makabila kong pisngi.
Nakapikit ako ng paliguan niya ako ng maraming halik sa mukha ko. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Yumakap ulit sakin ang Anak ko.
"Mahal na Mahal ka ng Mama Anak ko. Thank you." bulong ko.
"Love na love din kita Mama. One billion I love you Mama ko. Kapag Pera yan bilyonaryo na tayong dalawa diba Mama." napahagikhik naman ako sa sinabi nito.
"Ahm ma'am saan banda ka namin ibaba po?" tanong ng driver.
Napalingon ako sa labas. Nandito parin yung mangga. Ang dami ng bunga ang ganda tignan.
"Dito na po Kuya. Wait lang ha tignan ko lang kung dito pa nakatira sila Mamang at Papang ko. Anak dito kana muna sa loob ha. Lalabas lang si Mama" bilin ko sa Anak ko..
"Opo Mama. Hintayin po kita dito loob ng sasakyan po."
Nagmadali akong lumabas at lumapit sa bahay namin. May nagbago naman na sa bahay namin. Gumanda at may bakod na din kami. Sementado na din ang bahay nila Kuya at Bahay ni Ate. Masaya ako dahil umasenso na din pala sila kahit papano.
"Tao po! May tao ba diyan?" malakas kong sigaw. Inulit ko pa ng Isang beses. Wala yatang Tao. Baka iba na ang nakatira dito. Pero kita ko parin naman ang mga dating gamit namin dito sa bahay. Baka lang siguro nasa bukid sila ngayon. Sisigaw na sana ulit ako ng may lumabas sa likuran ng bahay.
Ang bunso kong kapatid. Gulat na gulat itong makita ako. Patakbo itong lumapit sakin. Tumigil ng nasa harapan na niya ako na halos hindi parin makapaniwala sa nakikita nito.
"A-ate Lele?" mahina pa nitong bigkas. Sasagot sana ako ng mahigpit niya akong niyakap.
"Bakit ngayon ka lang umuwi ate?" sabi pa nito. Syempre pinalayas ako eh. Natatakot akong umuwi noong mga oras na sobrang nahihirapan na ako. Pero dahil matapang ako kinaya ko lahat-lahat. Kakayanin ko din na harapan na ulit ang mga magulang ko.
"Eman sino yan?" boses iyon na Mamang. Napatingin ako sa papalapit ko ng Ina. Hindi ko na mapigilan na hindi mapahagolhul ng malakas.
"Tahan na Ate. Hindi na galit sila Mamang, namimiss ka namin ng sobra-sobra Ate." Alo nito sakin.
"L-lele, A-anak." kandautal pang sambit nito na hindi makapaniwala. Titig na titig Ito sakin.
"Nan...n-nandito na po ulit ako m-mamang. S-sana ma.. matanggap niyo parin po kami ng a-anak ko. P-patawad m-mamang s-sana wag niyo po kaming ipagtabuyan ng a-anak ko." kandautal kong sabi habang umiiyak ako. Napaluhod na din ako sa harapan ng aking Ina matanggap lang nila ako ulit dito.
Gagawin ko ang lahat kahit ang mag makaawa ako. Kailangan namin ng karamay ng Anak ko. Lalo na ngayon na may panganib sa buhay namin ng Anak ko. Sana magawan nila Kuya Gardo ng paraan para maipakulong nila ang mga katrabaho ko at ang dalawang kalaking iyon. Sana matanggap parin nila ako lalo na ang Anak ko.
"Oh my god! Lele!" sigaw naman ni Ate Wilma. Kasunod na ang iba pa. Mabilis itong lumapit sakin at pinatayo niya ako sabay yakap ng mahigpit sakin.
"Hindi mo kailangan na lumuhod Lele. Sobrang namiss ka namin. Kumusta kana? Nasaan ang anak mo?" masuyo nitong tanong sakin.
"N-na..nasa sasakyan na naghatid samin dito." lumingon ako sa may sasakyan. Nakita kong nasa labas na ng sasakyan ang Anak ko at mukhang pinapanood niya kami dito. Nararamdaman din siguro nito ang nararamdaman ko dahil kita ko ang luha saknyang mga mata.
Kinawayan ko Ito at matamis na ngumiti sa kaniya. Mabilis din itong tumakbo papalapit sa akin. Agad itong yumakap sa may bewang ko.
"Okay ka lang Mama ko?" tanong pa nito sakin. Tumingala pa Ito para makita ang mukha ko. Tumango tango naman ako.
"Ito na ba ang Anak mo? Ang laki na niya. Anong pangalan mo ha?" tanong ni Ate Wilma. Sabay haplos pa nito sa ulo ng Anak ko.
"Radleigh po. Rale po tawag sakin ni Mama ko po." nahihiya pa itong tumingin kay Ate. Yumakap ulit sakin ang Anak ko.
"Excited siyang makita kayo. Pero mukhang nahihiya naman ang baby ko." sabay haplos ko sa pisngi ng Anak ko. Ngumiti ako saknya para ipakitang ayos lang ako.
"Baka lang po kasi inaaway ka nila Mama. Wag niyo po awayin Mama ko. Kawawa naman po siya." sabi pa ng Anak ko.
"Namiss lang namin ang Mama mo. Hindi namin siya inaaway baby." sagot naman ni Ate Wilma.
Palinga-linga ako dahil hindi ko pa nakikita si Papang at yung Isa ko pang kapatid.
"Si P-papang po?" tanong ko kay Mamang na kanina pa walang imik at nakatitig parin samin ng Anak ko.
"Nasa bukid pa sila ng kapatid mong si Denis. Nanguha ng kamoteng kahoy at dahon ng saging. Magpapaluto na naman iyon ng sumang kamoteng kahoy. " malumanay na sagot ni Mamang.
"Gan'on po ba." yun lang ang nasabi ko.
"Nasaan ang mga gamit niyo?" tanong naman ni Kuya mukhang kauuwi lang din nito galing bukid.
"N-nasa sasakyan pa Kuya. Hinatid nila kami dito ng anak ko. Tauhan yan ng kaibigan ko sa Manila. Nagmagandang loob lang po sila samin ng Anak ko." sabi ko naman.
Lumapit na kami doon sa may sasakyan. Napaigtad pa ako ng makita ko ng nasa labas na ng sasakyan si Sir Noven at ang driver nito. Ngayon ko lang napansin na formal na suot pala Ito. Baka may dinaluhan itong meeting or kasal siguro. Kaya ganito ang suot nito.
"Magandang hapon po sainyo." bati agad ni Noven.
"Magandang hapon din. Salamat sa paghatid sa Anak ko mga Hijo. Baka gusto niyo na munang pumasok sa loob at nagmeryenda." alok ni Mamang.
"Maraming salamat po. Gustuhin man namin na pagbigyan ang alok niyo ma'am. Kaya lang po may dadaluhan po kasi akong kasal at hindi na po ako nakaabot sa kasal. Sa party na lang po ako dadalo para hindi magtampo ang ikinasal po." magalang na tanggi ni Noven.
"Akala ko ba sabi mo hindi ka busy sir Noven?" simangot ko.
"Si Sir Gardo kasi ang nag-utos mahirap yun suwayin. Oh heto nga at tumatawag na." sabay pakita nito sa cellphone nito sakin.
Kinuha ko ang phone nito at ako na ang sumagot. Kinausap ko na si Kuya Gardo at nagpasalamat ng marami sa kaniya.
Nangtapos na ang usapan namin ay nagpaalam naman na si Sir Noven at ang driver nito ng maibaba na namin lahat ng gamit namin ng Anak ko.