Malapit na ang party at si Jem pa rin ang nasa isip ko. Bakit ba pilit ko siyang naiisip at naririnig ng paulit-ulit? Paikot-ikot ang boses niya sa utak ko at hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayare.
Bakit ba siya umaasa na pupunta ako? Ayoko na tuloy. Ayaw na kitang makita. Please kasi, umalis ka na sa utak ko.
Eh kung injanin ko nalang kaya yung party? Kunware, masakit ulo ko. Or kaya aalis ako.
No!!! Mag-guilty ako non, for sure. Ang hirap. I still have 2 hours remaining para mag-ready sa party. It's already 5pm.
Pupunta ba ako?
》》》》》》》
Someone's POV
"Tingin mo pupunta si Ally?" Tanong sakin ni Jem na kasalukuyan kong kausap sa phone. Medyo malungkot ang boses niya at syempre di ako papayag, 'no? Dapat masaya siya sa birthday niya.
"Oo, moks. Pupunta 'yun, ano ba kasing klaseng plano 'yan? Baka mapahamak siya dyan ha. Nako, binabalaan ko kayo." Sabi ko kay Jem.
"Malinis 'to moks, baka naman ikaw yung hindi pumunta?" Natatawa niyang sabi sakin.
Ang weird ng tawagan namin noh? Moks. Parang ewan. Parang lamok. Hahaha. Basta bata pa kami nitong si Jem, moks na tawagan namin. Hindi kasi siya mahilig lumabas ng bahay. And kapag once na napilit ko siya, parang cancer ang kagat ng lamok para sakanya.
"Gago ka ba? Alam mo naman na never akong absent sa mga party na 'yan." Natatawa ako, "Lalo na sa party ng bestfriend ko? Nope."
"I know you already."
"Ano kaya mo pa?" Tanong ko sakanya dahil halatang kinakabahan talaga siya.
"Oo, ako pa. Basta kasabwat kita ah."
"Eh, wala rin akong choice!"
》》》》》》》》》
Aliyah's POV
I'm ready. I'm wearing a melon colored dress, and 'yung nude na heels na binili ko sa mall. Gustong-gusto ko talaga 'yung heels na 'to kaya walang makakapigil sakin na suutin 'to.
"Manang, pakitawag po si Manong Raul para ipag-drive ako." Sabi ko kay Manang Esther.
Pagkalabas ni Mang Raul, agad na akong pumasok sa kotse. Hindi naman sa excited ako, ayoko lang talaga na maging pulutan ako ng mga lamok. I hate lamoks.
I'm getting nervous kahit di naman kailangan. Kinuha ko ang salamin ko sa bag at inayos ko ang lipstick ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin para pakalmahin ang sarili ko.
"Chill, Ally." Sabi ko sa sarili ko at bumitaw ng ngiti.
Pero di ko talaga kayang mag-chill. Malapit lang naman ang subdivision namin sa bahay nila Jem kaya hindi nakakapagtaka kung bakit nandito na kami agad. Kinakabahan parin ako pero kaya ko 'to.
Agad na akong bumaba sa kotse, wala pa man ako sa loob pero rinig na ang malakas na music galing sa loob. Hindi lang 'yon, ang iingay din ng mga batchmates ko. Nagiinuman sila kaya panigurado, ilan sakanila ay mga lasing na.
Pagkapasok ko sa bahay, namangha akl sa dating ng party. Maganda ang designs and lightings. Pool party din pala at hindi ako nainform, ang daming balloons at nagliliparan ang mga party lights. Grabe, ang bongga.
"Hey Aliyah." Bati sakin ni Alexis, isa sa mga members ng g**g ni Jem.
"Hi! uhm, andyan na ba si Pammy?" Tanong ko habang tumitingin-tingin sa paligid at hinahanap siya.
"Nandoon sa garden kasama si Ivan, they're having their date at Jem's party. What a clever idea." Natatawang sabi ni Alexis.
"Ganon? Sanang di nalang pala ako pumunta." Nagsisisi kong sabi.
Hindi ko naman masisisi si Pam dahil panigurado naman ay masaya siya kasama si Ivan. Pero paano naman ako? Hindi ko naman close ang iba naming classmates. Halo si Pammela lang ang lagi kong kasama kaso ngayon wala naman siya. Ay basta, di nalang akk uuwi.
Eh pero, ano namang gagawin ko dito? Si Pammy nalang nga bestfriend ko tapos wala pa siya sa tabi ko. :( Di naman sa nagtatampo ako pero parang ganon na nga.
"Enjoy ka lang, may pupuntahan lang ako." Sabi niya saka na umalis.
See? Pati si Alexis umalis na rin. What to do? Ano namamg gagawin ko dito nang mag-isa? Papanoorin ko silang nagsasaya habang nag-iisa?
"Hey Ally." Napalingon ako ng may bumati sakin.
Si Luke lang pala, naging kaklase ko dati.
"Hey." Bati ko pabalik sabay ngiti.
"Asan si Pammy?" Tanong nya habang tumitingin-tingin pa sa paligid.
"Kasama si Ivan." Nakangiti kong sagot.
"Well, pwede kitang samahan habang wala siya. Let's enjoy!" Aya nya sakin. Napangiti naman ako kasi kahit papano may isang taong kakausap sakin dito para hindi ako mabaliw mag-isa.
Basta just go with the flow ako.
"Umiinom ka ba?" Tanong sakin ni Luke.
Umiling ako, "Natikman ko na once ang alak, but after that ayoko na ulit uminom." Parehas kaming tumawa.
"Wine? Or juice?"
"You're good ha. Wine nalang." Sagot ko sabay ngiti. Tumango naman sya at pumunta sa bar side para kumuha ng maiinom namin.
Napatingin ako sa mga nags-swimming. Nasaan kaya si Jem? I'll greet him. Hindi naman ako ganon kasamang tao para hindi siya i-greet noh.
Bumalik na si Luke na may hawak na isang bottle ng wine.
"Cheers!" Sabay naming sabi sabay inom.
Para talagang panis na grapes 'to. But oh well, masarap naman. Mga ilang minuto nahilo na ako. Bakit ako mahihilo sa wine? Alam ko alak lang ang nakaka-lasing e.
》》》》》》》
Jem's POV
This is so fun! Pero mamaya na ako makikisama sa kanila. Nandito ako sa terrace ngayon. Nasaan na kaya si Aliyah? I hope she came. Malala ang galit niya sakin at hindi ko siya masisisi. I was just protecting her from pain that I can cause her.
Makikita ko din siya mamaya.
Back to my party, available ang 7 guestrooms dito. They can use it without my permission. I'm just prepared for what may happen to my visitors. Inuman pa naman, delikado na.
Pababa ako ng hagdan nang may narinig akong boses ng lalaki.
"Ihihiga lang kita." Narinig ko na bulong ng lalaki.
"Saan?" Tanong ng babae, halatang lasing na ang mga 'to.
Dahan-dahan akong bumaba para silipin sila. I announced earlier that they can use our guestroom but I think mas bet nila sa sala? How cruel.
"Saglit lang, patikim lang. Just one kiss, baby." Sabi ng lalaki at napalunok nalang ako.
Aba, fuckboy to ah. Magbabalak pa sa birthday ko? And the fact that dito pa sa living room. But what's worst is, mukhang ayaw naman nung girl. I can't see them dahil baka kapag sumilip ako makita nila ako
.
Oh s**t, I can't tolerate this kind of situation. Naririnig ko na parang nagrereklamo na 'yung babae.
Nagmadali akong bumaba dahil iba na ang kutob ko. r**e na 'to! Tumakbo ako papunta sakanila at parang dinaganan ako ng mundo nang makita ko kung sino ang pinagpaplanuhan niyang galawi.
Shit! Ally?!
"Gago ka! Bitawan mo siya!" Sigaw lo. Tumakbo ako palapit kay Luke at binigyan siya ng malakas na suntok sa tyan.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Arthur, "Tawagin mo ang g**g, nasa sala ako bilis!!" Sigaw ko dahil hindi ko na kayang
Wala mang ilang minuto ay nakarating na rin ang Golden 10.
"Anong nangyare?!" Tanong ni Miguel.
"Etong tarantadong 'to, nagbalak siya kay Ally!" Nanggigigil kong sabi. Robin held my wrist, para siguro pigilan ako sa mga pwede kong gawin.
"Putanginamo, bro. You have chosen the wrong girl." Ivan said sarcastically.
Agad namang hinawakan ni Ivan at Simon si Luke, "Pare, umuusok ako sa galit ikaw muna." Sabi ko kay Arthur. Siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko kahit si Ivan ang Dark Master. Matagal ko na kasing kaibigan si Arthur kaya siguro ganon 'yung tiwalang naibibigay ko sakanya.
"Para sayo, Luke. At para rin kay Aliyah." Sabi ni Arthur habang papalapit kay Luke.
"No!" Sigaw ni Luke pero wala na akong awa. Hindi siya naawa kay Aliyah so why would I give mercy to him?
Kumuha si Arthur ng malakas na pwersa at sinuntok nya ito sa pisngi. Napasigaw naman si Luke sa sakit na naramdaman niya.
Nilapitan ko naman si Ally na ngayo'y tulog sa sofa, "I'm sorry." Bulong sakanya at hinalikan siya sa noo.
"Boss, anong gusto mong gawin namin kay Luke?" Tanong sakin ni Alexis.
"Kayo munang bahala, kailangan kong iakyat si Ally sa kwarto." Sabi ko sakanila.
Binuhat ko si Ally at dinala sa isang guest room. Hiniga ko na sya doon at sobrang nagagalit ako sa sarili ko dahil kahit hindi natuloy ang balak ni Luke, sana naprotektahan ko siya ng mas maaga. Kailangan kong tawagan si Pammy para kay mag-bantay kay Ally.
"Hello, Jem?"
"Pammela, you need to come here. We're here at the guest room number one. I'll explain, nagbalak si Luke na gahasain si Aliyah." Sabi ko agad sakanya.
"What?! Sige, pupunta nako!"
Pagkatapos noon ay binaba ko na ang phone.
"s**t!" Sigaw ko sabay suntok sa pader.
"Jem, anong nangyare?" Nagaalalang tanong ni Pammela sabay lapit kay Aliyah at niyakap niya ito.
"Muntik na siyang galawin ni Luke, mukhang nilasing siya at buti nalang narinig ko silang nag-uusap habang pababa ako." I took a heavy sigh. "Ikaw muna bahala sakanya, bantayan mo siya. Puntahan ko lang sila Ivan."
Tumango lang si Pam, alam ko na masyado din siyang nabigla sa nangyari. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Magiging okay din si Ally. She's safe with us. She's safe with me."
Pagkatapos non, agad na akong bumaba para puntahan ang g**g. Hawak parin nila si Luke, panigurado hinihintay nila ako.
"Nilasing mo ba sya?" Agad kong tanong ko kay Luke.
Ayokong nakikita ang mukha niya, baka mapatay ko siya.
"Sagot!" Sigaw ni James.
"W-wine lang daw iniinom nya pero nilagyan ko ng pampatulog t-tapos nung inaantok na sya, alak na pinainom ko." Rinig na namin ang nginig sa boses niya.
Mabait naman kami basta walang inaabuso samin lalo na sa mga mahal namin.
Lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking to, "f**k!" Sigaw ko.
"Jem, kami nang bahala dito." Sabi ni Jake sakin habang nilalayo ako palayo kay Luke. Nahahalata na siguro nila na konti nalang ang pasensya ko.
"You!" Tinuro ko si Luke, "Touch my girl again, and I'll kill you."