The operation was successful. Lubos akong nagpapasalamat sapagkat dininggin ng panginoon ang hiling ko. Nasa opisina ako ni Doctor Ramos ngayon. Sinabi niya sa akin kung ano ang bawal na kainin at gawin ni Mama pagkatapos ng operasyon. Sinabi niya rin kung ano ang posibleng maramdaman ni Mama na siyang normal lang naman daw. Pagkatapos ng mahabang diskusyon ay lumabas na ako sa opisina ni Doc at dumiretso sa pribadong hospital room na nakalaan kay Mama. Naabutan ko si Mama na nakatulalang nakatingin sa kisame, mukhang malalim ang iniisip. Tumikhim ako ngunit tila wala siyang narinig at nakatulala lamang. "Ma, salamat at hindi mo kami iniwan. Magpagaling at magpalakas ka po para makita mo pa ang mga magiging apo mo. 'Di ba may usapan tayo na bibigyan kita ng apo basta huwag ka nang magpat

