Prologue
Alissa’s POV
Maingay, mausok, madilim at mga nagsisigawang tao. 'Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa Dark and Night Club, isang popular na club dito sa Makati City kung saan ako nakatira. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin ngunit ipinagsawalang-bahala ko lamang iyon at dumiretso sa bar counter at umupo.
“Ano pong order n'yo ma’am?” may kalakasang tanong sa 'kin ng bartender habang nagsasalin ng alak sa baso.
“Kahit ano basta nakakalasing,” walang ganang sagot ko. Tumango lamang siya at inasikaso ang order ko.
Napayuko ako at mabigat na napabuntong-hininga. Hating gabi na nang naisipan kong pumunta rito. Mabuti na lang at may naitabi pa akong pera. Mamahalin at high-class kasi rito sa nightclub na pinuntahan ko at paniguradong mabubutas ang bulsa ko ngayong gabi pero ayaw ko namang sa normal lang na club pumunta. Baka may makakita sa akin doon na kaklase o kakilala ko. I don’t mind being judged by others. Nag-aalala lang ako na baka maapektuhan no'n ang pag-aaral at grades ko lalo pa’t ginagawa ko ang lahat para magkaroon ng awards at mataas na marka sa klase. Mabigat ulit akong napabuntong-hininga.
Simula nang mamatay si papa, naging miserable at magulo na ang buhay naming mag-ina. Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi at pinagbubuntungan ng galit ni mama sa pagkamatay ni papa. Naaksidente kasi ito habang nagmamaneho ng taxi. Isang taxi driver ang papa ko noon at simula nang mamatay siya naging malamig at ilap na ang pakikitungo sa akin ni mama. Ngunit medyo naging maayos naman ito nang dumating si Mang Andres, ang bagong kinakasama ni mama ngayon. Mabait naman ito at lagi akong pinagtatanggol mula kay mama ngunit hindi ko siya naging ka-close dahil hindi ko ramdam ang sinseridad niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni papa kahit dalawang taon na ang nakakaraan at kahit kailan hindi ko ipagpapalit si papa sa kahit sinong tao sa mundo. Hindi ko nga siya kayang burahin sa puso’t isipan ko. Siya ang unang lalaking inibig ko at isa sa mga dahilan kaya nabuhay ako kaya mahal na mahal ko si papa.
Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya at maipagmalaki ako ni mama pero hindi pa rin pala sapat. Pinagbuti ko na’t lahat-lahat ang pag-aaral at tumulong sa gastusin sa bahay pero kahit kailan hindi siya naging masaya para sa akin. Lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral ay nagbunga naman kahit papaano, nagkaroon ako ng honor at maraming awards ngunit nitong nakaraang linggo, hirap akong makatulog sa dami ng iniisip at madalas din akong mainis at magalit kahit sa maliit na bagay. Kaya naisipan kong magpakalasing para kahit papaano ay makalimutan ko ang problema ko kahit isang gabi lang.
Naalala ko noon kung saan masaya, kuntento at kompleto pa kami nina mama at papa ngunit dahil lang sa isang pangyayari, nagbago ang lahat. Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si papa pa?
Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pag-iinit ng mata ko. Ramdam ko rin ang pagbigat ng dibdib ko. Umiling-iling ako. Nandito ako para pansamantalang maging masaya at makalimutan ang problema ko kaya dapat lang na sulitin ko ito lalo na’t bukas ay babalik ulit ako sa normal kong buhay kung saan puro sakit at paghihirap lamang ang nararamdaman at nararanasan ko.
“Here’s your drink ma’am.” Napalingon ako sa nagsalita. Inilapag ng bartender ang baso ng alak sa harapan ko at saka ako nginitian.
“Salamat,” tipid na usal ko bago pilit na ngumiti sa kaniya.
Kumindat lamang siya bago bumalik sa pagtatrabaho. Napailing ako bago inabot ang alak at inisang tungga iyon. Ramdam ko ang init at pait na dumaan sa lalamunan ko. Napapikit na ako sa lasa ng alak bago muling umorder ng panibago.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng gusali. Mas magara at maganda ang ambiance ng club na ito kumpara sa normal na club. Mas komportable at malawak din ang lugar. May ilan ding mga server ang busy sa pag-abot ng mga inumin ng customers. Kung tutuusin, medyo disente at maayos ang club na ito kumpara sa iba na gumagamit ng mga babae para lang makaakit at dayuhin ng mga customer. Mula rin dito ay tanaw ko ang mga taong walang tigil sa pagsayaw sa gitna. May iba pang naghahalikan at naglalandian habang ang ilan naman ay tahimik lamang na umiinom sa sulok katulad ko.
“Hi gorgeous. You're alone?”
Napabaling ako sa lalaking nasa likod ko. Guwapo siya, matangkad at singkit. Mukhang koreano rin pumorma at manamit. Nagmukha lang siyang babaero dahil sa itim na hikaw sa kanang tainga niya.
“May nakikita ka bang kasama ko?” malamig na saad ko bago siya tinaasan ng kilay.
“Nothing.” Ngumiti siya na mas lalong nagpasingkit ng mga mata niya.
“Then, that’s my answer to your question. Nothing.”
Ngumisi lamang siya bago inilahad ang kamay.
“I’m Rustin Lee. Just call me Rust. You are?” nakangising tanong nito.
“Alissa,” tipid na sagot ko bago tinanggap ang kamay niya.
“You look so beautiful, Alissa. Nice to meet you.”
“Thanks.”
Tumikhim ako dahilan upang mapabitaw siya. Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ko bago binitawan.
“Can I join you?” tanong niya.
Tumango ako. “Sure.”
Umupo siya sa tabi ko. Nagkwentuhan pa kami saglit. Napag-alaman ko na half-korean at half-filipino siya. Chef siya at may sariling Restaurant na pinamamahalaan. Masaya siyang kausap at madaldal. Mukha rin siyang mabait at palakaibigan. Halos ikwento na niya sa akin ang lahat ng nangyari sa buhay niya habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig habang umiinom.
“So 'yon nga-“ napatigil siya sa pagsasalita nang tumunog ang mamahaling cellphone na hawak niya.
“Excuse me.”
Tumango ako.
Bahagya siyang lumayo upang sagutin ang tawag. Mas lalong lumakas ang hiyawan at musika habang ako naman ay tulala lang na nakatingin sa basong hawak. Ramdam ko rin ang unti-unting pagkahilo ko. Hindi nagtagal ay bumalik din si Rust upang magpaalam.
“Sorry, I have to go. Dad called me. Something came up,” paalam niya bago binayaran ang inumin namin. Kung sinusuwerte ka nga naman, nakalibre pa. Napangisi ako.
“Nice to meet you, Alissa. See you when I see you.” Kumindat pa siya na siyang nagpa-irap sa akin. Landi nito.
“You too.”
Pinanood ko siyang umalis bago inubos ang natitirang alak sa baso ko. Uminom pa ako ng panibagong alak hanggang sa tuluyan nang kainin ng alak ang sistema ng utak ko. Ramdam ko ang pagbigat ng ulo ko at panlalabo ng aking paningin. Mainit din ang pakiramdam ko at pinagpapawisan. Tumayo ako at pagewang-gewang na naglakad patungo sa dance floor.
Hindi nagtagal ay namalayan ko na lamang na nasa gitna na ako ng nagsisiksikang tao at nakikisabay sa malakas na tugtog ng musika.
“Woahhh!!” hiyaw ko at patuloy na umiindak kasabay ng tugtugin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa bewang ko at hinatak ako papalapit sa katawan nito.
“Would you mind if I dance with you?” bulong ng nakakaakit na boses ng lalaki mula sa aking likuran. Ramdam ko ang mainit at amoy alak nitong hininga na tumatama sa tainga ko na siyang nagpatayo ng balahibo ko.
Umiling lamang ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Humigpit ang hawak niya at mas inilapit pa ako lalo sa katawan niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya mula sa aking likuran at hindi nagtagal ay may naramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa aking puwet. Napakislot ako nang tumama ang hininga niya sa leeg ko.
Hindi nagtagal ay may kung anong malambot at basang bagay ang dumampi sa aking leeg. Napapikit ako sa sensasyon at ramdam ko rin ang unti-unting pag-iinit ng aking katawan. Patuloy lang siya sa paghalik sa aking leeg habang ako naman ay bahagyang napatigil sa pagsayaw.
“You smell so good.”
Dahil nga nasa gitna kami ay napapaligiran kami ng mga nagsasayawang mga tao, ang iba ay mga lasing na at ang iba naman ay gusto lang makipaglandian at makipagsayawan.
May isang grupo ng kababaihan ang biglang nakisiksik sa gitna na siyang dahilan upang mas lalo akong dumikit sa lalaki. Hindi sinasadyang nadiin ko ang pang-upo sa matigas na bagay sa aking likuran.
“f**k!! Shall we go somewhere more private, shall we?” mabigat ang hininga na bulong ng lalaking estranghero sa akin.
Dala siguro ng kalasingan at wala sa wastong pag-iisip ay sumang-ayon na lamang ako.
“Okay.” Narinig ko ang pagngisi niya bago ako hinatak papalayo sa dance floor.
Hindi ko alam kung saan kami tutungo. Nagsisimula na rin akong mahilo ngunit nandoon pa rin ang kagustuhan kong ituloy kung ano man ang binabalak naming gawin ng lalaking ‘to. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari bukas basta magawa ko lang ang mga gusto kong gawin ngayong gabi nang malaya at walang iniintinding problema.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumigil ang lalaki at may kinausap. Tanging likod lamang niya ang nakikita ko. Matangkad ang lalaki at mukhang 6 footer, hanggang leeg lamang niya ako kung tutuusin, at maganda rin ang pangangatawan niya na sa tingin ko ay batak sa Gym. Maganda rin ang postura at tindig niya.
“Mukhang makakarami kayo ah. Good luck!”
“Thanks.”
'Yon lamang ang tanging narinig ko bago muling nagpatangay sa lalaking may hawak sa akin.
Pagsarado pa lang ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng marahas na halik sa labi. Ramdam ko ang kasabikan at pangangailangan niya sa klase ng halik na ibinibigay niya sa 'kin. Nalasahan ko rin ang alak at menthol sa bibig nya.
Hindi na kami nag-abala pang buksan ang ilaw at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mula sa bibig ay bumaba ang halik niya sa leeg ko at marahang sinisipsip ang balat ko. Napatingala naman ako sa init na hatid sa akin ng labi niya. Nagulat ako nang maramdaman ang mainit at malaking kamay niya sa dibdib ko at marahas na minamasahe iyon. Nang hindi makuntento ay agad niyang hinubad ang suot kong manipis na bestida na kulay pula at tinanggal ang suot kong itim na bra.
“Ohhh!” napaungol ako sa sarap.
Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ang bibig niya sa dibdib ko at walang sawang dumedede sa akin. Nang makuntento ay agad niya akong tinulak sa kama at kinababawan. Hindi ko makita ang mukha niya sa sobrang dilim ng paligid at batid kong ganoon din siya. Marahas na hinalikan niya ako bago ko naramdaman ang kamay niya na humahaplos sa ibabaw ng basa kong p********e na natatabunan lamang ng manipis na tela.
“Ahhh!”
Napakislot ako at hindi mapakali sa kiliting nararamdaman. Patuloy lang siya sa paghaplos. Mula sa labi ay bumaba ang halik niya sa aking dibdib, tiyan at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa pagitan ng hita ko. Pinantakan niya muna ng halik ang tanging telang tumatakip sa p********e ko bago ito tinanggal.
Napatingala at mariin akong napapikit nang maramdaman ang basa, mainit at malambot nitong bibig at dila na ekspertong kinakain at dinidilaan ang p********e ko.
Tanging ungol ko lamang ang maririnig sa apat na sulok ng gusaling kinaroroonan namin. Napahigpit ang kapit ko sa kumot sa tuwing tumatama ang dila niya sa c******s ko at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mainit na likidong lumalabas mula sa p********e ko na siyang sinasalo naman niya gamit ang dila niya.
Humiwalay siya mula sa akin ng ilang segundo. Narinig ko ang pagkalas ng sinturon bago siya muling umibabaw sa akin. Agad siyang pumosisyon at itinutok ang alaga niya sa pinto ng aking p********e. Isang halik ang ibinigay niya bago tuluyang winasak ang aking hymen.
“f**k! You're virgin huh? You're so tight, damn it!” mabigat ang hiningang usal niya habang patuloy na ipinapasok ang kaniya sa akin.
Napapikit na lamang ako sa sakit. Parang hinati ang katawan ko sa sobrang sakit at ramdam ko rin ang pagkapunit ng kung ano sa loob ng aking p********e. Ramdam ko ang mainit na likidong bumagsak mula sa aking mata. Tumigil siya saglit para maka-adjust ako at nagsimula nang gumalaw nang maramdamang medyo okay na ako.
"Ohhh f*****g s**t! You're so tight," ungol niya habang mabilis na naglalabas-masok sa aking p********e.
"Ahh Ohhh." Hindi ko alam kung saan ibabaling ang aking ulo sa sobrang sarap ng pakiramdam. Ang kaninang sakit ay tuluyan nang nawala at napalitan ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Bumilis ang pagbayo niya. Ang kaniyang mukha ay nakasubsob sa dibdib ko habang ang magaspang naman niyang kamay ay nasa magkabilang bewang ko at masuyong hinahaplos iyon.
"Ohhh f**k!! I'm c*****g," malakas niyang ungol bago ko naramdaman ang mainit at malagkit na likidong pumuno sa p********e ko.
Hindi ko alam kung ilang ulit naming ginawa ang bagay na iyon at kung anong oras siya huminto basta nakatulog na lamang ako dala ng pagod at kalasingan habang patuloy siya sa ginagawa sa ibabaw ko.
KINABUKASAN ay nagising ako na giniginaw sa sobrang lamig. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit at ramdam ko rin ang kirot sa pagitan ng aking hita. Napadilat ako nang mapagtanto ang nangyari kagabi.
'Did I really have s*x with stranger?'
Nilingon ko ang lalaking naghihilik sa aking likuran. Isa lang ang masasabi ko, sobrang guwapo at hot niya. Mula sa makapal niyang kilay, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, nakadepina niyang panga ay bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya na nakaawang.
Napalunok ako.
Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang mukha niya bago napagpasiyahang bumangon at magbihis. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Bakit ang dali lang para sa akin na bumigay? 'Yong virginity ko na iniingat-ingatan ko sa loob ng dalawampung taon ay basta-basta na lang nawala at nakuha ng isang taong hindi ko kilala dahil sa katangahan ko. Parang gusto kong umiyak sa sobrang pagsisisi sa nangyari. Mabigat na napabuntong-hininga ako bago lumabas.
Pagsarado ko ng pinto ay nagulat ako nang may sumalubong sa akin na bakla, base sa makapal na makeup sa mukha at sa outfit nito. Nakangisi siya habang nanunudyo ang mga matang nakatingin sa akin.
“Blooming mo beh. Ano? Masarap ba? Naka ilan kayo?” nakangising tanong niya sa akin.
“Huh?”
Napailing siya. “Wala. Mukhang nakarami kayo ah.”
Napailing ako at nag-init ang pisngi nang mapagtanto ang kaniyang sinabi.
"I'm Lucia, manager ng club na ito. Nag-iikot lang ako para i-check ang paligid. By the way, I hope you enjoy sleeping here."
Tumango ako. “Uhm puwede ba akong humingi ng favor?”
“Sige. Ano ba 'yon?”
“Puwede bang huwag n'yong ibigay ang ano mang impormasyon tungkol sa akin kung sakaling magtanong ang lalaking kasama ko kagabi para na rin sa privacy ko,” pakiusap ko.
Tumango-tango naman siya.
“Don’t worry. We value our customer’s privacy. Kahit ano pa ang i-offer sa amin, hindi namin tatanggapin dahil may regulations kaming sinusunod,” paliwanag niya na siyang ikinangiti ko.
“Salamat,” saad ko bago tuluyang nagpaalam at umalis.
Ipinapangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako babalik sa lugar na iyon at kakalimutan ang nangyari sa amin kagabi ng kung sino mang lalaki na iyon. Ang lahat ng nangyari nang gabing iyon ay mananatili lamang sa lugar na 'yon.
NANGINGINIG ang kamay at tulalang nakatingin ako sa Pregnancy test na hawak.
Positive.
Isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari iyon at nitong mga nakalipas na araw, nakakaramdam ako ng pagsusuka at madalas na pagkahilo ngunit ngayon ko lang naisipan na kumpirmahin ang pagbubuntis.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nilingon ko si Mama na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa PT na hawak ko.
“Walang hiya kang babae ka!! Buntis ka?!” sigaw niya bago ko naramdaman ang malakas na sampal sa pisngi ko.
“Ma, sorry po...” mahina at umiiyak kong usal.
“Sorry?! Pagkatapos kong magpakapagod sa pagtatrabaho para mapakain at mapag-aral ka, ito ang igaganti mo sa akin?!! Hindi ka man lang nag-isip bago nagpabuntis! Malandi kang bata ka!!”
Napaigik na lamang ako nang sabunutan niya ako sa buhok at paulit-ulit na sinampal. Nanatili ako sa aking puwesto at hindi nanlaban. Pilit kong tinatanggap ang bawat masasakit na salitang binabato sa 'kin ng sarili kong ina. Masakit man pero alam kong hindi magtatagal ay masasanay rin ako. Alam ko rin namang may kasalanan ako. Kung hindi ba naman ako tanga na nagpakalasing at bumigay sa lalaking hindi ko kilala.
“Andrea?! Anong nangyayari? Bakit mo sinasaktan ang anak mo?”
Napahinto si Mama sa pananakit sa akin bago hinarap ang bagong kinakasama.
“'Yang babaeng 'yan!!” galit niyang duro sa akin. “Nagpabuntis na habang nag-aaral pa! Puro pasarap lang ang iniisip, hindi man lang tayo inisip,” malakas na aniya.
Napatingin naman si Mang Andres sa akin bago dismayadong napailing.
“Tama na 'yan. Pagpahingahin mo muna ang bata bago natin pag-usapan ang nangyari. Sa ngayon, kumalma ka muna,” pagpapakalma niya kay Mama bago ito alalayang lumabas sa kwarto ko.
Nang makalabas sila ay agad akong napaluhod sa sahig at napahagulgol. Nagsisi ako sa ginawa at nangyari. Alam kong may kasalanan ako at handa akong tanggapin ang kabayaran sa nangyari.
“I’m sorry, anak. Huwag kang mag-alala, aalagaan at papalakihin ka ni mommy nang maayos. Hindi kita pababayaan. Hindi ka man tanggap ng mundo, nandito lang ako parati para sa 'yo. Mamahalin at susuportahan kita hanggang sa pagtanda mo. Mahal kita, anak,” mahinang usal ko habang marahang hinahaplos ang hindi pa kalakihang tiyan ko.