Chapter 1

3353 Words
After 3 years “Belated Congratulations to my gorgeous and sexy bff!!” nakangiting bati sa 'kin ni Gianna, ang kaibigan at kaklase ko mula noong college. “Sa wakas graduated ka na rin,” dagdag pa niya. Nandito kami ngayon sa Sweet Mood Cafe, kung saan kami palaging tumatambay no'ng college student pa lamang kami para mag-review at mag-relax. Napagpasyahan naming magkita rito upang magkumustahan dahil madalang nalang kami magkita simula nang matanggap siya sa isang kilala at malaking kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ngayon. “Salamat,” sambit ko at uminom ng kape. Napangiwi siya habang umiiling na nakatingin sa akin. “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Wala lang. Hindi ka parin nagbabago, ang tipid mo pa ring magsalita.” Inilapag niya ang tasang hawak sa lamesa. Tumagilid siya at may kinuha mula sa shoulder bag na suot niya. Nagtatakang tinitigan ko ang maliit na box na inilahad niya sa harapan ko. “Ano 'yan?” takang tanong ko. “Make up gift ko. Pambawi lang dahil hindi ako nakadalo no'ng graduation mo. Sorry talaga, bes. Kasalanan 'to ng buwesit na boss ko na 'yon eh! Ipinaglihi 'ata sa sama ng loob ang kumag nang ipinagbubuntis at sakto pa talaga sa graduation mo nag-menopause. Hindi tuloy ako nakaabot,” malungkot at naiinis na aniya at nagpapadyak pa na parang bata. “Tumigil ka nga d'yan, para kang bata. 'Tsaka okay lang na hindi ka dumalo, naiintindihan ko naman na busy ka sa trabaho. Isa pa boss mo naman 'yon, malamang uutusan ka talaga no'n.” Inabot ko ang regalo niya para sakin bago nagpasalamat. Agad naman siyang tumigil sa pagdadabog at umayos ng upo. “Hayyys basta naiinis pa rin ako sa mokong na iyon. Nagpaalam naman ako na mag-hahalf day noong araw bago ang graduation mo at pumayag siya pero kinabukasan bigla nalang nagbago ang mood at maraming ipinag-utos. Grrr nakakainis!!” nanggagalaiting aniya. Tahimik lamang akong umiinom sa tabi habang pinapakinggan ang mga hinaing niya sa boss niya. Nasanay na ako na sa tuwing magkikita kami ay palaging bukang-bibig niya ang boss niya na ipinaglihi raw sa sama ng loob. Wala 'atang araw na nagkita kami na hindi niya nababanggit ang boss niya na may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ngayon. “Hayst tapos nang minsang may nagtangkang manligaw sa 'kin na business partner niya. Binugbog niya mismo sa harap ko. Diba?! Sinong matinong boss ang mambubugbog ng manliligaw ng secretary niya?! Lahat 'ata ng lalaking nagtatangkang lapitan ako, sinusungitan niya at tinataboy. Daig niya pa sina kuya at tatay sa pagiging overprotective,” namumula sa galit na reklamo niya. Napailing ako bago ngumisi. “Baka may gusto sa 'yo,” nakangising panunukso ko. Natigilan siya sa sinabi ko bago mabilis na umiling-iling. “Imposible. Araw-araw akong sinusungitan, kung maka-utos daig ko pa ang presidente ng bansa sa sobrang dami ng trabaho na inaasa sa akin. Kulang na lang itapon niya na ako sa Mars eh at huwag pabalikin sa planetang Earth. Imposibleng magkagusto sa akin 'yon, sino ba naman ako? Isang hamak na secretary lang naman na naghahangad na makabingwit ng mayamang isda,” mahabang sambit niya na siyang nagpangiwi sa 'kin. Napakamanhid niya talaga. Hindi niya alam na maraming nagkakagusto sa kaniya. Mula no'ng college ay marami na ang nagkakagusto sa kaniya ngunit hindi makaporma dahil palaging ako ang kasama ng kaibigan ko. Na-iintimidate 'ata sa akin lalo na't mailap at matipid akong magsalita. Hindi naman malabong magkagusto ang boss niya sa kaniya dahil bukod sa maganda, mabait, sexy, matalino ang best friend ko ay friendly rin sya at madaling pakisamahan. Siya 'yong tipo ng tao na hindi ka mag-aatubiling lapitan at kausapin dahil may kung ano sa kaniya na welcoming. Napailing na lamang ako at natawa dahil sa ekspresyon niya tuwing nagsasalita. “Hindi ka pa rin nagbabago, madaldal ka pa rin,” gaya ko sa sinabi niya sa akin kanina. Napasimangot siya habang nakatingin sa akin ngunit agad ding nagliwanag ang mukha na mukhang may naalala. “Oo nga pala, may kompanya ka na ba na balak pag-applyan?” biglang tanong niya. “Wala pa. Balak ko sanang maghanap kung saan may job hiring basta may maayos na sahod at maganda na background, papasukin ko,” tugon ko. “Sakto! May hiring ang BJ company,” nakangiting aniya. Hindi halatang masayahin siya. “Blow Job company?” kunot-noo kong tanong dahilan upang mapatawa siya nang malakas. Napatingin tuloy sa gawi namin ang halos lahat ng customer dahil sa lakas ng tawa ng kaharap ko. Iniyuko ko ang ulo ko at itinago ang mukha ko gamit ang isang palad. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa niya. Hindi ko kaibigan 'yan. Agad din syang tumigil nang mahimasmasan at uminom ng tubig. “Hindi ko alam na komedyante ka rin pala, Bes. Napatawa mo ako roon ah. At dahil d'yan +10 ka sa langit,” natatawa pa rin niyang wika. “BJ, initial na pangalan ng may-ari kaya gano'n ang ipinangalan sa kompanya pero kung gaano kasagwa ang initial ng kompanya, gano'n naman iyon kakilala at successful. Balita ko nga marami ang gustong mag-invest at magkaroon ng shares sa kumpanyang iyon. Sa katunayan, pumapangalawa sila sa pinakamayaman at successful na kompanya sa pilipinas. Pang-una syempre ang sa pinagtatrabahuhan ko. Kita mo, kahit masungit 'yong boss ko, hindi maipagkakailang matalino, masipag at madiskarte rin iyon,” nakangising aniya na parang proud na proud siya sa taong kinaiinisan niya. Napangiwi ako sa biglaang pagsingit na naman niya sa boss niya. “Ows.” “Ows? Sa haba ng sinabi ko, ows lang sagot mo?!” hindi makapaniwalang bulalas niya. “Bakit?” inosenteng tanong ko. “Ewan ko sa 'yo.” Pasaring na iniwas niya ang tingin sa 'kin. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin bago siya nagsalita muli. “So? Ano na? G ka ba?” tanong niya. Tumango lamang ako bago uminom ulit. “Hindi halatang adik ka sa kape,” puna niya nang makitang nakakadalawang baso na ako ng kape na iniinom. Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy lamang sa pag-inom. Nang maubos ay itinuon ko ang buong atensyon sa kaniya. “Ano bang trabaho 'yan?” “Ahm Personal Assistant ng CEO pero huwag kang mag-alala malaki ang kita roon at marami kang benepisyo na makukuha. Balita ko nga maraming yumaman na mga trabahante sa kumpanyang 'yon eh. Marami ang may gustong mag-apply roon kaya dapat mamaya o bukas mag-apply ka na baka maunahan ka pa.” Nabuhayan ang tainga ko sa narinig. Tamang-tama at kailangan ko ng pera para makatulong sa gastusin sa bahay at makapag-ipon. 'Tsaka benefits? Ano-ano naman kayang benepisyo ang makukuha ko kapag nagtrabaho ako roon? “Kailan ba sila nagsimulang mag-hiring? 'Tsaka tumatanggap ba sila ng freshmen graduate?” “Kahapon lang at oo naman sa katunayan 'yon nga ang hanap nila eh. Fresh at matagal mabulok hehe.” Napatango naman ako. Fresh look and brain ang hanap. “Sige, pag-iisipan ko,” tugon ko. Nanlalaki ang matang tiningnan niya naman ako. “Ano?! Pag-iisipan mo pa? Nako po! Sa panahon ngayon mahirap maghanap ng trabaho lalo na 'pag fresh graduate ka pa lang. Suwerte mo nga at hiring sila eh. Minsan lang nagkakaroon ng bakante sa kompanya na iyon dahil nga walang gustong umalis sa laki ng suweldo,” nakasimangot niyang saad bago nagliwanag ang mukha at kumikinang ang mga matang tumingin sa akin. Tumingin-tingin muna siya sa paligid at nang makitang medyo malayo ng kaunti ang mga tao sa amin ay dumukwang siya papalapit sa 'kin. “'Tsaka sobrang gwapo at hot din no'ng CEO, hindi ka na lugi 'pag nagkataon. At daks din 'yon hihi. Balita ko walang girlfriend kaya expect mo nang masungit,” bulong niya. Kumindat pa siya bago umayos ng upo. “Paano mo nasabing daks? Nakita mo na ba?” nakangising tukso ko. Namula ang mukha niya sa tanong ko bago nahihiyang iwinasiwas ang kamay sa harapan ko. Umiling-iling din siya nang mabilis. “Nako hindi 'no, business partner kasi siya ng boss ko at minsan ko na siyang nakitang naka swim trunks lang no'ng nakipag-business meet sila sa isang sikat na Resort.” “Okay.” Nagkwekwentuhan at nagkukumustahan pa kami nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kunot-noo niya itong tiningnan bago sinagot ang tawag. “Anong kailangan mo, Madrigal?!” inis niyang bungad sa kausap. Boss niya 'ata. Tahimik lamang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila hanggang sa matapos. “Bes, una na muna ako ha. May inutos kasi iyong damuhong Madrigal na 'yon. Tingnan mo nga naman kahit day off ko, hindi pinalagpas,” reklamo niya bago padabog na tumayo at nagpaalam. “Ikumusta mo nga pala ako kay Liam. Nako baka hinahanap ka na rin ng baby mo, sige na babush.” Tumango lamang ako. Nang tuluyan na siyang makaalis ay nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa coffee shop bago napagpasyahang umalis na rin. Dumaan muna ako sa malapit na Grocery Store para bumili ng mga pagkain at stocks sa bahay. Nang mabayaran ko na ang lahat ng pinamili ko ay agad na akong dumiretso sa sakayan upang makauwi. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad agad sa akin ang malakas na iyak ng bata. Agad akong dumiretso sa kusina, kung saan nanggaling ang ingay, at nakita ko si mama na kalong-kalong ang anak ko. Hindi niya agad napansin ang presensya ko dahil nakatutok ang buong atensyon niya sa anak ko na hindi matigil sa pag-iyak. Napalingon sa 'kin ang anak ko at agad naman itong tumahimik. “M-Mommy,” maliit ang boses na tawag sa akin ng anak ko. Napalingon si mama sa akin habang nilalagay ko ang mga pinamili sa ibabaw ng maliit na lamesa. “Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa umiiyak ang anak mo, hinahanap ka 'ata,” saad ni mama bago iniabot sa akin si Liam. Agad ko naman itong binuhat at pinupog ng halik sa pisngi at leeg. Napahagikgik naman ito. Alexander Liam Dizon, ang dalawang taon kong anak na lalaki. Ang bunga ng isang gabing hindi ko makakalimutan. Isang gabing hindi ko inaasahang mangyari. Isang gabing pagkakamali na nagbigay sa 'kin ng napakagandang regalo, ang munti kong anghel. Hindi ko inaasahan na ang isang gabing pagkakamali na iyon ang magdadala sa akin ng buhay na hindi ko inaasahan ngunit hindi ko pinagsisisihan. Tatlong taon na mula nang mangyari iyon at natatandaan ko pa rin ang mukha ng lalaking naka one night stand ko, ang kumuha ng pinakaiingatan kong p********e. Hindi ko naman hinahangad na makita siya muli. Hindi ko na rin sinubukang hanapin ang lalaki dahil mukhang hindi naman nito ginusto ang nangyari at nadala lamang ito sa tukso. Lasing ito noong gabing may nangyari sa amin kaya paniguradong hindi na ako nito natatandaan at isa pa, baka may nobya o asawa na ito ngayon, ayaw kong makasira ng relasyon. Mas mabuting itago na lamang kaysa gawin pang kumplikado ang mga bagay na siyang makakaapekto ng lubos sa anak ko. Ayaw kong mahirapan si Liam lalo na’t siya na ang buhay ko ngayon. Natatakot akong mawala siya at kunin sa 'kin kaya mas mabuting manahimik na lamang. “Salamat, Mama,” sambit ko. Tumango lang siya bago kami iwan at naglakad papunta sa banyo, sa labas. “Maliligo muna ako. Nakapagsaing na ako, magluto ka nalang ng ulam para makakain na tayo,” malamig na aniya bago isara ang pinto. Napabuntong-hininga ako. Simula nang malaman ni Mama na buntis ako ay mas naging mailap at malamig na ang pakikitungo niya sa 'kin. Nagalit siya dahil iniwan siya ng kinakasama niyang si Mang Andres na isang traysikel drayber. Dahilan ng lalaki ay hirap na siya sa pagtatrabaho at may dumagdag pa na isang bunganga na papakainin kaya nakipaghiwalay ito kay Mama. Ngunit kahit gano'n ang nangyari ay nagpapasalamat pa rin ako kay Mama dahil tinulungan niya pa rin akong makapagtapos ng pag-aaral at tinustusan ang mga pangangailangan namin ng anak ko. Siya rin ang nag-aalaga kay Liam tuwing may pasok ako at nagpa-part time job. Call center agent si Mama tuwing gabi at labandera naman tuwing umaga kaya gano'n na lamang ang pagpupursige kong makapagtapos at makahanap ng trabaho para sa ina at anak ko. Gusto kong matulungan si Mama at gusto kong makaahon kami mula sa kahirapan nang sa gano'n ay hindi na niya kakailanganin pang magtrabaho para sa amin. Alam kong minsan napapagod na rin siya kakaisip kung saan kukuha ng pera para pantustos sa pangangailangan namin at kung paano ito pagkakasyahin sa pang-araw-araw na gastusin lalo na no'ng nag-aaral pa lamang ako kaya naman sobrang laking tulong kung matanggap ako sa trabahong papasukan ko bukas. Sana nga matanggap ako. Napabuntong-hininga ako at inayos ang pinamili bago napagpasyahang magluto. Tahimik lamang kami sa hapag kainan. Abala ako sa pag-aasikaso sa anak ko nang biglang magsalita si Mama. “May balak ka bang magtrabaho? Sabihin mo lang kung wala para naman maihanda ko na ang kabaong ko kung sakaling mamatay ako sa kakatrabaho para lang may maipakain sa inyo ng anak mo,” aniya dahilan upang maiangat ko ang tingin sa kaniya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas simula nang maka-graduate ako. Isang taon akong tumigil sa pag-aaral. Isang taon lang dahil habang pinagbubuntis ko ang anak ko ay nag-aaral pa rin ako. 7 months na si Liam sa tiyan ko nang huminto ako sa pag-aaral at halos siyam na buwan akong nagpahinga habang inaalagaan ang anak ko para sa breastfeeding. Nang siyam na buwan na siya ay roon ko lang naisip na ipagpatuloy ang pag-aaral ko habang si mama naman ang nag-aalaga kay Liam tuwing may pasok ako. Sa awa naman ng Diyos ay naka-graduate rin ako. Ngunit hindi agad ako nag-apply sa trabaho dahil gusto kong maka-bonding ang anak ko. Sobrang busy kasi noong fourth-year college na ako at graduating student kaya naman medyo nawalan ako ng oras sa anak ko. Mabuti na lang at may job hiring pa, mukhang mataas ang sweldo roon. Kailangan ko ring makapag-ipon para sa pamilya ko. “Mag-aapply po ako bukas, Ma. Sakto may hiring sa isang kilalang kompanya kaya susubukan ko pong makapasok doon bilang Assistant.” Nilingon ko ang anak ko na patuloy lang sa pagkain at hindi nakatingin sa amin. “Mabuti naman kung gano'n. Kung hindi ka ba naman kasi nagpabuntis, edi sana may trabaho ka na at nakapag-ipon at matagal na rin sana akong nakapagpahinga. Dumagdag ka pa sa problema ko,” dismayado ang boses na aniya. Napayukom ang kamay ko sa narinig. Parang sinasabi niya na rin na pinagsisihan niyang dumating sa buhay namin ang anak ko. Alam kong nahihirapan na rin siya pero babawi naman ako, sa katunayan balak kong pahintuin siya sa pagtatrabaho kapag nakapag-ipon na ako. Alam ko ring may kasalanan ako pero sana naman huwag niyang iparamdam sa anak ko na kasalanan ng anak ko na mabuhay sa mundong ito. Itinikom ko nang mariin ang bibig ko bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda. Nilingon ko ang may-ari ng maliit na kamay na humihila sa laylayan ng damit ko. “Mommy, t-tubig,” inosenteng sambit ng anak ko at itinuro ang baso na may lamang tubig na nasa gitna ng lamesa kaya hindi niya maabot. Agad ko itong inabot bago painumin si Liam. Pinunasan ko rin ang kalat sa bibig niya. “Oh siya magpapahinga muna ako, may trabaho pa ako mamaya. Ikaw na ang bahalang magligpit dito.” Tumayo na si Mama at dumiretso sa kwarto niya. Naiwan kami ng anak ko na tahimik lang na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Kuminang naman ang mga mata niya at bahagya ring ngumiti sa akin. “Tapos ka na mag eat?” tanong ko. “Opo,” magalang na tugon niya. “Very good. Brush your teeth na then go to the living room and watch tv. Mommy will just wash this dishes, okay?” Tinulungan ko siyang bumaba sa upuan. Agad naman siyang tumango at yumakap sa tiyan ko. “Opo, Mommy. I lab you,” nakangiting saad ng anak ko habang nakatingala sa akin bago hinalikan ng isang beses ang tiyan ko. Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo siya papunta sa may labas, kung saan may poso roon. Sa edad na dalawang taon ay medyo tuwid ng magsalita si Liam. Marunong na rin siyang kumilos kahit na walang tulong namin ni Mama. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana ngunit mabilis siyang matuto sa mga bagay na itinuturo namin. Natuto na rin siyang magsulat ng mga letra at kabisado na niya ang mga numero. Masyado siyang advanced kumpara sa ibang bata. Mukhang matalino 'ata ang tatay ng anak ko. Wala naman kasi sa lahi namin ni mama ang pagiging matalino, kumbaga sa katalinuhan, nasa average lang kami. Nagliligpit ako ng pinagkainan namin nang pumasok si Liam at dumiretso sa sala. “Finished na po ako mag-brush ng teeth, Mommy,” sigaw niya mula sa sala bago ko narinig ang pagbukas ng maliit na telebisyon namin. “Okay!” Tinapos ko ang mga hugasin at nilinis ang kusina bago lumabas ng bahay para kunin ang mga damit namin sa sampayan nang may biglang tumawag sa akin mula sa bakuran ng aming bahay. “Alissa! Mama mo, nasaan?” tanong ni Aling Rosanita, ang kapitbahay namin na malapit sa amin. Binuksan ko ang bakuran namin na kahoy nang makalapit. “Nagpapahinga po, bakit po?” Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na maliit na tupperware. “Ayy gano'n ba. Nag-bake kasi si Serene ng cassava cake kaya naisipan kong bigyan na rin kayo.” Iniabot niya sakin ang hawak na agad ko namang tinanggap. Si Serene ay ang anak niyang baker na nakapagtapos sa kursong Culinary Arts And Hotel Management at may sariling ng Bake Shop. “Salamat po. Pasok po kayo.” Nilakihan ko ang bukas ng bakuran para papasukin siya. “Nako huwag na, pumunta lang talaga ako rito para ibigay 'yan. Oh siya mauna na ako. Ikumusta mo ako sa guwapo kong inaanak. Nako! Tiyak na pagkakagulahan 'yan ng mga kababaihan paglaki. Bantayan mo nang maigi ang anak mo, baka lumaking babaero,” sabi pa niya bago tuluyang nagpaalam. Napailing na lamang ako sa huling sinabi niya. Hinding-hindi ko hahayaang lumaking babaero ang anak ko at hindi ko naman siya pababayaan at palalakihin ko siya na may mabuting puso at may takot sa Diyos. Pumasok na ako dala ang palanggana na puno ng malinis na mga damit at tupperware na may laman na cassava cake. Naabutan ko ang anak ko na natutulog sa sofa. Inilapag ko ang palanggana sa sahig bago dumiretso sa kusina upang ilagay sa lamesa ang tupperware. Nilapitan ko ang anak na mahimbing na natutulog. Umupo ako sa lapag at ipinatong ang magkabilang kamay sa sofa kung saan payapang nakahiga ang anak ko. Mula sa makakapal na mga kilay, matangos na ilong, maninipis at mapupulang labi, makinis niyang pisngi, ang malambot at medyo kulot niyang buhok. Lahat ng 'yon ay namana niya sa ama. Ang tanging namana niya lamang sa akin ay ang kulay kayumanggi niyang mga mata na hindi ko sigurado kung sa akin lang ba dahil hindi ko naman nakita o nalaman ang kulay ng mata ng lalaking iyon. Kuhang-kuha niya ang perpektong mukha ng kaniyang ama kaya rin siguro kahit tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang itsura ng lalaking nakatalik ko at ang ama ng anak ko. 'Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka kasama ang asawa't mga anak mo, kung meron man, at sana hindi mo na maalala ang nangyari no'ng gabing iyon. Sana kahit kailan ay hinding-hindi na magtagpo ang landas natin.' Tingnan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog bago ito patakan ng halik sa noo. “Pasensya na at natatakot akong sumugal at hanapin ang ama mo. Pasensya na kung duwag at makasarili si mommy. Natatakot lang ako na mawala at kunin ka sa akin ng tunay mong ama kapag nalaman niyang anak ka niya. Natatakot akong masaktan ka at balewalain ng sarili mong ama. Mahal na mahal kita anak, pasensya na kung hindi kita mabigyan ng kumpletong pamilya. Sorry,” mahinang wika ko habang tahimik na umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD