Chapter 2

3569 Words
“Mommy? Saan ka po pupunta?” tanong sa akin ni Liam nang makitang nakagayak ako. “May pupuntahan lang si mommy, baby, kaya dapat behave ka ha? Huwag magpasaway kay lola at huwag kang umiyak. Babalik din si mommy mamaya. May aasikasuhin lang ako para makapag-work na ako.” “Mag-wo-work na po ikaw, Mommy? Bakit po ikaw mag-wo-work?” inosenteng tanong niya sakin. Natatawang nilingon ko ang anak sa gilid at ginulo ang medyo kulot na buhok nito. “Mag-wo-work ako para kumita ng pera at makabili ng pagkain natin. Kaya kailangan kong magtrabaho para hindi tayo magutom dahil kapag nagutom ka, hindi ka lalaki nang mabilis. Bakit? Ayaw mo bang mag-work si mommy?” “Gusto po. Ako poh? Puwede po bah akong mag-work?” Tumango ako. “Oo naman. 'Pag malaki ka na puwede ka nang mag-work pero bago 'yon kailangan mo munang mag-aral. Sa ngayon dahil baby ka pa lang, kailangan mo munang matulog at kumain nang maayos para mabilis kang lumaki.” Humarap ulit ako sa salamin bago nagpahid ng lipstick sa labi. Natahimik siya saglit bago ako hinatak patayo gamit ang maliit niyang puwersa. Agad naman akong tumayo kahit naguguluhan. Kinuha niya ang bag at mga papeles na kailangan ko bago ito iniabot sa akin. “Work na po ikaw, mommy. Sige na, alis na po. Gusto ko pa pong lumaki at mag-work. Bye-bye mommy.” Tinulak-tulak niya ako nang mahina palabas sa kuwarto namin. Natatawa na lamang akong naglakad palabas. Naabutan ko si Mama na nananahi ng mga damit at short na may butas. Nilingon niya kami bago napapailing na ibinalik sa gawain ang atensyon. “Aalis ka na?” tanong niya. “Opo, paki bantayan na lang po si Liam, Ma. Aalis na po ako,” paalam ko at nilingon ang anak ko na nakayakap sa 'kin. “Behave, okay?” Ngumiti siya nang malawak kaya kitang-kita ang hindi pa kumpleto at cute niyang mga ngipin. “Opo, Mommy.” Bumitaw na siya bago kumaway sa akin. “BES? Kumusta? Nakapag-decide ka na ba? Kasi kung hindi pa, puwede ko namang pakiusapan ang boss ko na papasukin ka rito. Tamang-tama marami na naman 'yong pinatalsik sa trabaho kanina. Puwede kitang i-recommend bilang office manager. Kahit masungit iyon, mabait naman 'yon. Minsan nga lang...” mahabang saad ni Gianna mula sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi patungo sa kumpanyang pag-aaplayan ko ng trabaho. Ayaw kong magmukhang haggard lalo na’t first time kong mag-apply ng trabaho na permanente at pang matagalan. Naniniwala kasi ako sa sinasabi nila na 'first impression last'. “Okay na ako. 'Tsaka papunta na ako ngayon sa BJ company, sayang ang pamasahe 'pag bumalik pa ako. Naka taxi pa naman ako,” usal ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi. “Okay. Gusto ko lang talagang makasama ka sa trabaho. At isa pa, namimiss na kita, bes. Ang hirap na talaga kapag tumatanda na, nagiging busy na tayo sa kaniya-kaniya nating buhay. Hayss ang sarap maging bata ulit. Hindi na 'ko magugulat kapag isang araw magkaroon na rin tayo ng kaniya-kaniyang asawa.” “Daldal mo. Wala ka bang trabaho ngayon?” puna ko. Well, tama naman siya. Hindi na kami tulad ng dati na nagagawa ang gusto kahit maraming paper works at quizzes. Kahit papaano sabay naming nagagawa iyon. Pero mabuti na rin ‘to, wala kaming matatapos na trabaho 'pag nagsama kami sa iisang lugar kasi dadaldalin lang ako no'n. Hindi halatang clingy at maingay siya. “Meron. Eh sa mas gusto kitang kausap eh! Basta 'pag hindi ka natanggap sa pinag-aaplayan mo, welcome ka sa company namin.” “Para namang hinihiling mo na hindi ako matanggap,” biro ko. “Hindi naman pero parang gano'n na nga.” Sabay kaming natawa bago nagpaalam na sa isa’t-isa. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa destinasyong pupuntahan. Nagmamadaling nagbayad ako at bumaba. Humarap ako sa mataas at magarang gusali sa aking harapan. 6:30 A.M ako umalis sa bahay at 7:20 A.M na nang makarating ako sa BJ company dito sa Makati City. Base sa sinabi sa akin ni Gianna ay 7:30 ng umaga sila magsisimulang mag-interview at may cut off din bago magsimula dahil sa dami ng mag-aaply kung kaya nagmamadali akong pumasok sa loob at dumiretso sa front desk ng kompanya. “Hi miss. How may I help you?” nakangiting bati sa akin ng receptionist. Agad kong sinabi ang kailangan ko na maayos naman nitong sinagot. Nagpasalamat ako bago dumiretso sa floor kung saan mag-iinterview ng mga aplikante. Nagtanong-tanong pa ako bago ko nahanap ang hallway kung saan maraming matatangkad at magagadang babaeng aplikante ang nakapila. Ang iba ay nakaupo habang abala sa pagmememorize ng mga sagot at ang karamihan naman ay abala sa pagre-retouch ng kanilang make-up sa mukha. Ngunit agaw pansin ang kanilang suot na kinulang 'ata sa tela sa sobrang ikli at nipis nito. Hindi 'ata ako na-inform na modelling pala ang inaaplayan at hindi personal assistant. Nakakahiya naman sa suot ko na simpleng white blouse, skinny jeans at white sneaker na nabili ko lang sa ukay-ukay. Napalingon sila sa gawi ko at nakita ko kung paano nila ako pinasadahan ng tingin bago umiiling na ibinalik ang atensyon sa ginagawa. May ilan pang umirap at umismid. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Agad akong umupo sa bakanteng upuan. Isang tikhim ang nagpalingon sa amin sa gilid ng pinto. “Okay, girls. Before anything else, I would like to introduce myself. I am Marissa Delos Reyes, hiring manager of this company. Obviously, I am the one who will interview all of you. So, good luck,” nakangiting wika niya sa amin. “Any questions?” dagdag pa niya. May iilan na nagtaas ng kamay. “Ma’am, isn’t the CEO himself who will interview us? Dahil siya naman po ang magiging boss namin, 'di ba?” tanong ng babae. “Oh yeah. But he’s busy right now in the other country and don’t worry, siya pa rin naman ang pipili ng magiging personal assistant niya so you should do your best para sa interview ninyong 'to. Nakabase sa sagot at pinag-aralan n'yo kung matatanggap kayo. Again, good luck.” Kinuha niya ang mga resume na hawak namin bago tumalikod at pumasok sa isang pinto. Maya-maya pa ay lumabas ang isang babaeng nakasalamin mula sa pintong pinasukan ng nauna at nagsimula nang tawagin isa-isa ang pangalan ng mga aplikante. Matiyagang naghihintay lamang ako hanggang sa ako na ang susunod. Kinakabahang nagdasal ako sa isip bago pumasok sa kwarto nang tawagin ako. Pagpasok ko, nakita ko ang mga tao na abala sa pagbabasa ng resume na hawak bago nag-angat ng tingin. “Please take a seat, Miss Dizon.” Kinakabahang umupo ako sa nag-iisang upuan kaharap ang tatlong mag-iinterview sa akin. “Tell me something about yourself,” saad ng medyo may katandaang lalaki. “My name is Alissa Mae Dizon. I am 23 years old and I live in Makati City. I am a recent graduate from University of Makati with a degree in bachelor of science in office administration. I would describe myself as a high achiever which is going to be of benefit to your company. The skills and qualities I have are strong match for the job descriptions. I am a loyal and trustworthy person who will do my best to not disappoint all of you and finish my job with no single mistake and faster than usual. I am also a fast learner, which means you will not spend your valuable time training me up and supervising me. I am very creative and I enjoy producing ways to help a company grow. I am also a good problem-solver, and I will always remain calm under pressure. Although I am new to the working environment, I promise to do my best to meet your expectations. And I am eager to apply the knowledge and skills I’ve learned in a work environment, especially in the business industry,” mahabang sagot ko. Actually minemorize ko lang 'yan, credit to google. May follow-up questions pa silang tinanong na maayos ko namang nasagot. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang matapos ang interview. “We’ll just call you to inform you if your hired or not. It’s up to Mr. Peterson, actually. Huwag kang mag-alala buo ang video at recorder na ipapadala namin sa kaniya at walang halong cut or edit para makapili siya nang maayos base sa gusto niya at mga sagot n'yo,” mahabang pahayag ng babae kanina. Sandali akong natigilan sa narinig. Inilibot ko ang paningin at saka ko lang napansin ang camera na nakatutok sa akin habang may recorder naman na nakapatong sa lamesa nila. Dala siguro ng nerbiyos ay hindi ko namalayang kinukunan na pala ako ng video. Tumango na lamang ako at agad na nagpasalamat bago umalis. Umuwi ako na magaan ang loob at may ngiti sa labi nang araw na iyon. “BES, ano? Kumusta? Hindi ka pa rin ba tinatawagan?” tanong sa 'kin ni Gianna mula sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa kuwarto at abala sa pagtutupi ng mga damit nang biglang tumawag ang kaibigan ko upang makibalita. “Wala pa eh.” Pagod akong napabuntong-hininga. Lumipas ang isang linggo na walang tawag o kahit text man lang ang natanggap ko mula sa kumpanyang inaplayan ko. “Gusto mo bang tulungan kitang makapasok dito? Pakikiusapan ko si boss kung papayag ka.” “Huwag na. Nakakahiya naman sa 'yo at sa boss mo. Ang dami mo ng naitulong sa akin at baka kung ano pang sabihin ng ibang empleyado riyan.” “Awws gege,” aniya. Napaangat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto. “Lumabas ka na riyan. Kakain na.” Boses iyon ni mama bago ko narinig ang papalayong yabag niya. Nagpaalam na ako kay Gianna bago binaba ang tawag. Nakita ko sila ng anak ko na kumakain sa kusina kaya umupo na ako bago sumandok ng pagkain. “Hindi pa rin ba tumatawag 'yong kumpanyang inaplyan mo? Aba'y isang linggo na ah, baka naman naghihintay ka lang sa wala,” biglang imik ni mama. Napahinto ako sa pagpapakain kay Liam bago siya hinarap. “Huwag po kayong mag-alala, Ma. Mag-aaply po ako sa ibang kompanya kapag hindi pa sila tumawag hanggang sa susunod na linggo.” “Hayss ewan ko sa 'yo. Wala kang mapapala sa kahihintay mong iyan. Dapat nag-apply ka pa sa ibang kompanya habang hindi pa sigurado kung tatanggapin ka ba. Hindi lang 'yon ang nag-iisang kompanya sa Pilipinas. Napapagod na rin ako kakasuporta sa inyo ng anak mo. Kung bakit ka ba kasi nagpabuntis nang maaga,” dismayadong aniya. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Paulit-ulit nalang ba niyang babanggitin ang isyung iyan? Ilang taon na ang nakalipas, nakalimot na ang lahat at naipanganak ko na si Liam pero hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari. “Ma, nasa harap tayo ng pagkain at isa pa nandito ang bata. Puwede bang kahit iyon man lang ay magawa mong ikonsidera,” hindi mapigilang usal ko. “Wala akong pakialam! Haysstt bahala nga kayong mag-iina.” Padabog niyang binitawan ang kubyertos na hawak bago nag-walk out. Tiningnan ko ang papalayong pigura ni mama bago napailing. Sanay naman na ako. Akmang ipagpapatuloy ko na ang pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko mula sa sala. “Saglit lang baby ah. Sasagutin lang ni mommy 'yong tawag,” baling ko sa anak. Tumango naman ito habang patuloy na kumakain. Tumayo na ako bago nagtungo sa sala. “Hello?” bungad ko nang sagutin ang tawag. “Hi. Is this Alissa Mae Dizon?" boses ng babae ang nagsalita mula sa kabilang linya. “Yes, why?” “Hi miss. I am Rhia from BJ company. I would like to inform you that you’re hired as a CEO's personal assistant. For further information, you can come here for contract signing and also your first day of work on Monday. Congrats for being part of the company, miss. See you.” Pinatay na nito ang tawag habang ako naman ay natulala ng ilang minuto habang pinoproseso ang narinig. Nang matauhan ay agad akong napasigaw at tumalon-talon pa. Muntik na akong mapasayaw kung hindi lang ako magmumukhang tanga. “Assistant na ako!! Tanggap ako!” sigaw ko. “Anong bang ingay 'yan? Bakit ka sumisigaw?” Napalingon ako kay Mama na kakalabas lang mula sa kaniyang kuwarto. “Ma, tanggap po ako,” naiiyak na wika ko. Bahagya namang nagliwanag ang mukha niya. “Mabuti kung gano'n.” Tinext ko si Gianna upang ibalita ang nangyari. Paniguradong matutuwa iyon. Masaya at nakangiti akong napabuntong-hininga. 'Sa wakas.' “HI! Ikaw ba ang magiging bagong personal assistant ni Mr. Peterson?” bungad sa akin ng isang magandang babae pagkarating ko sa labas ng opisina ng CEO. Napatayo siya mula sa pagkakaupo kaya kita ang maliit na umbok sa tiyan niya. Mukha rin siyang nasa mid-thirties at base sa suot niya ay mukhang siya ang papalitan ko bilang PA ng CEO. “Opo. Ako nga po,” magalang na tugon ko. “I am Clarisse, ex-PA ng CEO. I’m here to tour you inside of the company and teach you about rules and responsibilities as CEO’s personal assistant. Don’t hesitate to ask me if there are things that you wanted to know,” nakangiting aniya habang inaayos ang mga papeles sa lamesa niya. Nang matapos ay inilahad niya ang kamay niya na agad ko naman tinanggap. “Alissa,” pakilala ko. “Nice name. Bagay sa 'yo,” puri niya sa akin bago inilahad ang kamay sa harapan namin. ”Let me tour you muna para kahit papaano ay makilala mo ang ibang workers dito at mapamilyar mo ang lugar,” Tumango ako at nauna nang naglakad. Gaya ng sinabi niya ay tinour niya ako sa iba’t ibang departamento ng kompanya. Pinipilit kong kilalanin sila habang ang iba naman ay pamilyar na sa 'kin na paniguradong ka-batchmates o ka-schoolmates ko no'ng college na dito rin naisipan na magtrabaho. Nang makabalik sa computer desk ay agad akong napaupo sa pagod at pananakit ng aking mga paa. Inabot kami ng mahigit anim na oras bago maikot ang kabuuan ng kompanya dahil sa sobrang laki at lawak nito. “It’s already 3 P.M. Let’s eat first then, I will guide you in your work. Let's go?” anyaya niya na agad kong sinang-ayunan. “CAN I ask something?” basag ko sa katahimikan. Nandito kami ngayon sa karinderya na malapit sa kompanya para kumain. Mabuti nalang at dito niya naisipang kumain. Wala pa naman akong masyadong pera na dala sa wallet ko. “Of course. What is it?” aniya matapos uminom ng tubig. “Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kumpanyang iyon?” “Hmm more than 10 years, I think.” “Ang tagal din no'n. Bakit ka nga pala nagresign?” obvious na tanong ko. “Well, as you can see, I’m pregnant and busy rin kami ng asawa ko sa paghahanda para sa nalalapit na kasal namin. I also don’t want to risk my baby’s health dahil sa sobrang stress ko sa trabaho at sa boss ko. Thankfully, pumayag naman ang fiance ko at nangakong susustentuhan at aalagaan kami ng anak niya. Pero balak ko rin namang mag-work from home na lang pagkatapos ng pagbubuntis ko.” Napatango-tango naman ako bago muling nagtanong. “Bakit? Masungit ba siya?” “You mean 'yong CEO ng kompanya? Si Mr. Peterson?” nakataas ang dalawang kilay niyang tanong. “Oo.” “Hay nako. Tinanong mo pa. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, matagal na akong nag-resign sa sobrang moody niya." “Paano mo nahahandle 'yong pagiging masungit niya? 'Tsaka paano ka nagtagal?” “Well, let’s say patience is the key. Hinahabaan ko lang ang pasensya ko at pinipilit na intindihin siya kahit minsan sobrang unreasonable niya sa ibang bagay. Boss siya eh, anong magagawa ko? At isa pa, malaki ang suweldo. Worth it naman lahat ng sigaw at galit na ibinubuntong niya sa amin kapag payday na.” Nagkibit-balikat siya na parang sanay na sa boss niyang masungit na magiging boss ko na rin. “Nasaan nga pala siya ngayon? Bakit wala siya kanina?” “May business trip siya sa ibang bansa, bukas pa 'ata siya babalik dito. Huwag kang mag-alala hindi naman iyon nangangagat, bumubuga lang ng apoy," natatawa niyang pahayag sa huli. Napangiti ako. “Pero alam mo ba, hindi naman siya gan'yan dati. Oo masungit pero hindi naman araw-araw,” aniya matapos lunukin ang pagkain. “Baka may problema.” “Baka nga. Pero hula ko binasted siya ng nililigawan niya. Babaero 'yon dati eh pero nagulat na lang kami nang isang araw, wala na siyang babaeng dinadala sa opisina niya. Hindi na rin namin siya nakikita na may kasamang ibang babae sa loob o labas man ng opisina. Ewan ko ba, basta ang weird lang.” “Baka naman narealize niyang lalaki talaga ang gusto niya,” seryosong wika ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya bago humagalpak ng tawa. Mabuti na lang at hindi gano'n katao ang lugar kung hindi, paniguradong pinagtitinginan na kami ng maraming tao ngayon. “Hindi ko alam kung seryoso ka ba o nagbibiro. Pero imposible namang bakla si boss. Womanizer dati ‘yon eh. Ano 'yon? Nagsawa na sa babae kaya lalaki naman ang gustong tikman,” natatawang sabi niya. “'Tsaka sayang lahi niya kung magiging beki siya, sobrang guwapo at hot pa naman din niya,” dagdag pa niya. Nagkibit-balikat na lamang ako bago iniba ang usapan. “BYE, Alissa. Good Luck para bukas. Tandaan mo 'yong bilin ko ha, huwag sabayan ang init ng ulo ni boss at habaan ang pasensya.” Last day niya na ngayon sa trabaho. Bumalik lang siya para i-guide at turuan ako sa magiging trabaho ko. Pasado alas diyes na ng gabi nang matapos namin ang ilan niyang paper works at nagpaalam na siyang aalis dahil nasa baba na ang magiging asawa niya, sinusundo siya. “Salamat,” pasasalamat ko. Kumaway muna siya bago tumalikod. Inayos ko ang magiging desk ko bago nagtungo sa malapit na comfort room para maglabas ng sama ng loob. Inabot ako ng mahigit labing limang minuto sa CR bago napagpasyahang lumabas na. Wala ng tao sa floor na ito at tanging ako na lamang ang naiwan kung kaya sobrang tahimik at tanging yabag at malalim na paghinga ko lamang ang maririnig sa loob ng apat na sulok ng gusaling ito. Medyo madilim din dito dahil nakapatay na ang ibang ilaw at iilan lang ang iniwang nakabukas. Agad kong tinungo ang lamesa para kunin ang bag ko nang bigla akong nakarinig ng kalabog. Tumindig ang balahibo ko at napatingin ako sa opisina ng CEO. Napakunot ang noo ko nang makita ang nakaawang na pinto nito. Sarado pa ito kanina ah. Dahan-dahan ko itong nilapitan at sinilip ang nasa loob. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang nakatalikod na bulto ng isang matangkad na lalaki. May kung ano itong hinahanap sa cabinet. Tiningnan ko ang mga nakakalat na papeles sa sahig at ang padabog niyang pagsarado ng mga drawer. “Where the f**k is it?!!” inis na usal nito habang nagmamadali sa pagbukas ng mga drawer at cabinet. Tanging liwanag lamang ng buwan mula sa labas ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kuwartong ito. Mukhang sinadya nitong hindi buksan ang ilaw para magawa ang binabalak. Akala 'ata nito ay wala ng natitirang tao sa floor na ito at doon siya nagkakamali. Agad akong pumasok at dahan-dahan itong nilapitan. Masyado siyang tutok sa paghahanap kung kaya hindi niya naramdaman ang presensya ko. Nang makasiguradong wala siyang kahit anong hawak na baril at patalim ay agad ko siyang sinakal gamit ang braso at pinatid mula sa likuran. “Arghh,” daing nito. “Magnanakaw!!” sigaw ko. Pinaharap ko siya bago itinulak pahiga sa sahig at dinaganan. Mukhang nagulat at hindi niya inasahan ang pag-atake ko kaya kahit mas matangkad at malaki ang katawan niya kumpara sa akin ay napahiga siya. Buong puwersa ko siyang sinakal at ipinatong ang tuhod sa kamay nito para masiguradong hindi siya makapaglaban. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya sa sobrang dilim sa parteng ito. "s**t!! What the f**k! Who the hell are you?! Get up, s**t!!” Aba’t nagawa pa nitong magmura gayong ito naman ang nagtangkang magnakaw. “S-s**t!! I c-can’t breathe,” nahihirapang usal niya. Agad ko namang inalis ang kamay sa leeg niya bago siya sinabunutan. Nanatili pa rin akong nakaupo sa matigas na tiyan niya habang idininan ang tuhod ko sa kamay nito. “Buti nga sa 'yo,” saad ko sa magnanakaw bago kinalas ang isang kamay sa buhok nito. Akmang kukunin ko na ang cellphone ko para tumawag ng security sa baba nang maramdaman ang malakas na impact ng pagtama ng ulo niya sa akin dahilan upang mahilo ako at mawalan ng lakas. Napaigik ako sa sakit. Parang naalog ang utak ko sa lakas ng pag-headbutt niya. Sa isang iglap, nagkapalit ang posisyon namin, ako na ang nasa ilalim habang nakadagan naman siya sa akin. “Who the f**k are you, woman?” he asked seriously but his eyes say that he’s really angry. Nanlalaki ang mata ko nang maaninag ang kabuuan ng kaniyang mukha na natatamaan ng maliit na liwanag na nanggaling sa labas. Ang mukha na siyang hinding-hindi ko makakalimutan. 'Patay.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD