Chapter 3

3699 Words
Sadya nga talagang maliit ang mundo para sa amin dahil kahit anong iwas ko ay sadyang pinagtagpo pa rin kami. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng tatlong taon ay magkikita ulit kami ng taong nakasama ko sa isang mainit na gabi, ang ama ng aking anak. From his thick and furrowed eyebrows, hooded eyes, straight nose, perfect and sharp jawline, stubble beard, and thin kissable lips. Para siyang Hollywood Actor dahil sa kaniyang perpektong mukha. Sino nga ba ang makakalimot kung ganito kaguwapo ang mukha na bubungad sa 'yo pagkagising mo kinaumagahan. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ang kaniyang kulay kayumanggi na mata ay bahagyang kumikislap, dahil sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas, ay siyang mariin na nakatingin sa akin. Agad akong kinabahan. "Again, who are you?!" mariing ulit niya sa sinabi. Sinubukan kong kalasin ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit masyado itong mahigpit. "Pakawalan mo ako! Walang hiya kang magnanakaw ka!" nagpupumiglas na sigaw ko. Mukha naman siyang natauhan at mukhang napagtanto ang nangyari. Hindi makapaniwalang umiling-iling siya. "What?! Are you crazy? Me as a thief?!" Tiningnan niya ako ng masama habang umiling-iling. Tumayo siya kaya napatayo rin ako dahil sa pagkakahawak niya sa pulso ko. "Stay here, I'll call the security. I can't believe that I got knocked by a woman like you. What a shame." Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at may kinalikot doon. Ilang sandali pa ay itinapat niya ang cellphone sa tainga at nagsalita. "Come here now. There's a woman inside my office and-" Bago pa man matapos ang sasabihin niya ay tinadyakan ko na ang tuhod niya. I took that opportunity to get off from his grip. Inagaw ko ang cellphone sa kamay niya. Hindi ko na pinansin ang mahinang daing niya at agad na itinutok ang atensyon sa kabilang linya. "Sir, tulungan n'yo po ako. May lalaki po ritong nagtangkang magnakaw sa opisina ng CEO. Bilisan n'yo po, mukhang may balak siyang gawin na masama sa ak-" "Iha, puwede bang kumalma ka muna?" Napatigil ako sa pagsasalita sa naging pahayag nito. "Ako? Kakalma? Paano ako kakalma kung may magnanakaw rito at mukhang may balak pang gawing masama sa 'kin?!" galit kong sigaw sa kausap. Wala akong pakialam kung matanda siya. Buhay at trabaho ko ang nakasalalay rito. "Iha, wala kang dapat na ipag-alala dahil ang may-ari ng cellphone na hawak mo ay ang CEO o may ari ng kumpanyang pinapasukan mo." Napatigalgal ako sa narinig bago dahan-dahang nilingon ang lalaking nakasandal sa pader malapit sa akin. Walang mababakas na emosyon sa guwapong mukha nito habang nakahalukipkip at matalim ang tingin sa akin. May sinabi pa si manong sa kabilang linya ngunit wala na roon ang atensyon ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ngunit lamang ang kaginhawaan sa aking pakiramdam sa katotohanang hindi ito magnanakaw. Aba'y ayaw kong magkaroon ang anak ng tatay na magnanakaw 'no. Ngunit hindi ko rin maiwasang mabahala sapagkat kakaumpisa ko pa lang sa trabaho ay masisisante agad ako. Well, okay lang naman sa akin, mas lalong ayaw kong makatrabaho ang ama ng anak ko ngunit nanghihinayang ako sa malaking suweldo na makukuha. Hindi bale, hahanap nalang ako ng ibang trabaho o 'di kaya naman tatanggapin ko nalang ang alok ng kaibigan. Napabuntong-hininga ako at napayuko pagkatapos patayin ang tawag. Napapikit ako ng mariin at hinintay siyang magsalita. Base sa galit at pananahimik niya ay alam ko na ang kahihinatnan ko. Hindi pa man ako nagsisimulang magtrabaho ay mukhang masisisante na ako. "Natahimik ka 'ata?" Napapaangat ako ng tingin sa lalaking nakataas ang dalawang kilay at mayabang na nakangisi sa akin, pinamumukha ang kahihiyang nagawa ko kanina. 'Yabang' Nagtaas din ako ng dalawang kilay bago nakapamewang na humarap sa kan'ya. Nag-isip ako ng maaaring sabihin bago nagliwanag ang mga mukhang tumingin sa mga mata niya. "Hindi ako naniniwala na ikaw ang CEO. Paano kung ninakaw mo lang din itong cellphone ng CEO o hindi kaya naman ay kasabwat mo iyong tinawagan mo para paniwalain ako? Huh! Hindi mo ako mauuto, boy!" nakangising pahayag ko habang tumatango-tango pa dahil sa katalinuhan. Muntik na niya 'kong mapaniwala roon ah. Mabuti na lang at matalino ako. "Tsk!" rinig kong asik niya bago dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ko. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa takot at agad akong napaatras. Nataranta ako nang hindi siya tumigil sa paglalakad. "A-Anong ginagawa mo? Diyan ka lang. H-Huwag kang lalapit," kinakabahang usal ko. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Huwag niyang sabihing papatayin niya 'ko? Hindi niya pinansin ang pakiusap ko bagkus ay mas lumapit pa siya hanggang sa naramdaman ko na lang ang malamig na pader sa aking likuran. Akmang aalis na ako nang inilagay niya ang magkabilang kamay sa gilid ko na siyang dahilan upang hindi ako makagalaw. Mas lalo siyang lumapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo niya sa 'kin. Napasinghap ako ng maramdaman ang mainit niyang katawan na halos nakadikit na sa akin. Amoy na amoy ko ang kaniyang mamahalin at panlalaking pabango na siyang nanunuot sa aking ilong. Ang bango niya! Tumingala ako sa kaniya, agad na sumalubong sa akin ang seryoso at malamig niyang mga mata. Nanlalaki ang mata ko nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Nablangko ang utak ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mariin akong napapikit dahil sa kalituhan habang hinihintay ang sunod na hakbang niya ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala akong nararamdaman na kakaiba hanggang sa narinig ko na lamang ang tunog ng pag-click ng isang bagay na malapit sa akin dahilan upang magmulat ako ng mga mata. Agad na sumalubong ang maliwanag na paligid at mukha ng lalaking nasa harap ko. Natulala ako sa kaniyang perpektong mukha na siyang pinagpala ng Diyos, mas guwapo siya sa malapitan. Makinis ang mukha, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Namangha ako sa kulay asul na mga mata niya na kanina lang ay napagkamalan kong kayumanggi dahil sa dilim. Matalim at mariin itong nakatingin sa akin. Napakurap ako sa kaseryosohan niya. Guwapo siya sa madilim ngunit mas guwapo siya kapag maliwanag. "I am that handsome for you to drool over my face?" Muntik na akong mapapikit nang tumama ang mainit at mabango niyang hininga sa noo ko. "Huh?" wala sa wisyong wika ko. "What a deaf b***h," nakangising aniya dahilan upang matauhan ako. Inis na tinulak ko siya bago tumalikod at akmang hahakbang na palayo nang pinigilan niya ako sa braso. "What now? Kanina lang kung makatingin ka ay parang gusto mo na akong dalhin sa kama at tikman. What about we satisfy your s****l fantasy about me, miss? Sounds interesting, right?" Ramdam ko ang mainit na tingin na ibinibigay niya sa akin mula sa likod. Agad na napayukom ang kamay ko sa narinig dagdag pa ang mapanuyang pamamaraan ng kaniyang pagsasalita. "Well, I'm not interested Mr. I don't give a f**k. Go to hell and f**k yourself, fucker," nanggagalaiting pahayag ko. Narinig ko ang mapang-insultong tawa niya mula sa aking likuran. "How much do you want, then? How much for one night? I bet you're a good sucker and wild in bed as much as you're a good fighter." "I don't give a f**k about your money, Mister. Sa'yong-sa'yo na 'yan. Bastos!" galit kong sigaw. Tinangka kong tanggalin ang kamay niya sa braso ngunit mas hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak sa akin at inilapit ang katawan sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman ang matigas niyang p*********i na tumutusok sa pang-upo ko. Bumalik ang alaala noong gabing iyon kung saan kami unang nagkita. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa hiya at galit. Hindi ako makapaniwala na bumigay at nakipagtalik ako sa bastos na 'to. "Feel that? He's ready to wreck that p***y of yours. Don't worry, I'll make sure you'll satis-" Hindi ko na napigilan ang sarili at buong puwersang kinalas ang pagkakawak niya sa akin bago siya hinarap. Agad na sinalubong ng kamao ko ang mukha niya dahilan upang mapasigaw siya. "f**k! Aw!" Hindi pa ako nakuntento at agad na tinuhod ang p*********i niya dahilan upang mapaupo siya sa sakit. Namimilipit sa sakit niyang hinawakan ang nasa gitna ng hita niya habang sobrang sama ng tingin sa akin. Siguro sa isip niya, minumurder na niya ako pero wala akong pakialam. Deserve niya ang ginawa ko sa kaniya. Bastos amputa. "Buti nga sa 'yo." Agad akong tumakbo nang makitang tumayo siya upang makalapit sa akin. Malapit na ako sa pinto nang matigilan sa nakita. Napaawang ang labi kong tiningnan ang naka-picture frame niyang litrato na nakasabit sa pader. Malaki iyon at malabong hindi mapansin ng kung sino mang taong nandito sa loob ng opisina. Nakasuot siya ng three-piece suits habang nakaupo sa mamahaling swivel chair na kinuhanan mismo sa loob ng opisinang ito. Nakapatong sa office desk niya sa harap ang custom desk nameplate na may nakasulat na Benjamin Jacob Peterson at sa ibaba nito ay Chief Executive Officer. Agad na nanlalaki ang mata ko sa napagtanto. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran. Namamawis ang kamay ko at nanginginig. Pakiramdam ko ay naubusan ng dugo ang mukha ko. Ramdam ko rin ang saglit na pagtigil ng t***k ng puso ko. Napalunok ako. "I-Ikaw ba ang may-ari ng kumpanyang 'to? I-Ikaw ba ang magiging b-boss ko?" kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa rin na tanungin siya. Nakasandal siya sa lamesa niya at naka-cross arms. Sa likod niya ay ang glass wall kung saan kita ang nagliliwanag na siyudad. Maayos na ang pustura niya at walang emosyon ang mga mata na nakatingin sa akin. "Obviously," malamig na aniya. Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ang tanga ko. Yumuko na lamang ako at napapikit habang hinihintay ang katagang 'your fired' na sasabihin niya. "Be ready tomorrow. Be here exactly at 6 A.M in the morning. Brace yourself for my upcoming revenge, miss." Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon ay nilampasan niya na ako habang nasa bulsa ang mga kamay na naglakad nang maayos, animo'y hindi tinuhod kanina. Habang ako naman ay naiwang tulala at hindi makapaniwala sa nangyari. KATULAD ng sinabi niya eksaktong alas sais pa lamang ng umaga ay nasa opisina na ako. Halos wala pang tao at tahimik ang buong building. Mabuti na lamang at bukas na ang entryway ng building. Naiwang mahimbing na natutulog ang anak ko nang iwan ko ito sa bahay. Hindi ko alam kung ipinagpapasalamat ko ba ang hindi pagsisante sa akin ng boss ko kagabi o kakabahan sa huling katagang binitawan niya. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa sinabi niya. Ano raw? Revenge? Paniguradong maghihiganti siya sa ginawa ko kahapon. Agad naman akong naguilty sa nangyari ngunit ano pang magagawa ko? Tapos na. Nangyari na. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang humingi ng tawad sa kaniya. Gano'n kasi talaga ako kapag kinakabahan, hindi nakakapag-isip nang maayos at basta-basta na lang nakakagawa ng hakbang na hindi pinag-iisipan. Maingay rin ako at nawawala sa sarili sa tuwing may nangyayaring hindi inaasahan at aksidente katulad ng nangyari kagabi. Hays. Hindi nagtagal ay isa-isa na ring dumating ang mga trabahante. Inumpisahan ko na rin ang trabaho at tinapos ang mga naiwang paperworks ni Clarisse. "Good morning, Sir." Napa-angat ako ng tingin nang narinig iyon bago umayos ng upo. Nakita ko si boss na parang modelong naglalakad habang walang emosyon ang kaniyang mukha. Nang makitang malapit na siya ay dali-dali akong tumayo at yumuko upang batiin siya. "Good morning, Sir." Tumikhim siya bago nagsalita. "Follow me." Sumunod akong pumasok sa opisina niya dala-dala ang notepad kung saan nakasulat ang mga appointment niya. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang maaliwalas niyang opisina. Wala na rin ang mga nagkalat na papeles kagabi, mukhang pinalinis na niya pagkatapos niyang umalis. His office is manly and neat. From expensive furniture, an organized bookshelf, a coffee table in front of the CEO's office table and huge glass window where you can overlook the entire city. Overall, it's huge, cold and quiet. Ang sarap sigurong tumambay rito kapag walang ginagawa. Nabaling ang atensyon ko kay boss nang magsalita siya. "Schedule," maikli niyang pahayag nang makaupo na. Umayos ako ng tayo bago binasa ang nasa notepad ko. "Sir, for today's appointment, you have a board meeting with stockholders at 9:00 AM, lunch meeting with Mr. Diaz in The Melting Pot Restaurant and a dinner date with Miss Saharah at 8:00 PM," "Hmm." Tumango siya. "Do you have anything you want, Sir?" "Coffee," aniya habang ang mga mata ay nanatili sa papeles na nasa harap. Tumalikod na ako bago pumunta sa mini kitchen sa loob ng opisina niya. Gumawa ako ng black coffee gamit ang coffee maker bago inilipag ang tasa sa desk niya. "Here's your coffee, Sir. May ipapagawa pa po ba kayo?" tanong ko. Nag-angat ito ng tingin bago tumayo at dumiretso sa cabinet niya. Nanatili lamang akong nakatayo habang hinihintay siyang matapos. Napaawang ang bibig ko nang inilapag niya ang sandamakmak na papeles sa lamesang nasa harap ko. "Read and study all of those papers then give me a report about your opinion for that," saad niya dahilan upang maiangat ko ang tingin sa kaniya. "Po?" maang kong tanong. "Are you deaf? Do you want me to repeat myself?" parang nauubos ang pasensyang aniya. Mabigat na napabuntong-hininga siya bago umupo at hinilot ang sentido. Umagang-umaga stressed siya. Mukhang masama 'ata ang gising ng isang 'to. Napailing na lamang ako. "No, Sir." "Take those and leave. Make sure to finish that before midnight." Dala-dala ang napakaraming papeles ay padabog na ipinatong ko iyon sa aking desk. Wala pa man ay parang tinatamad na akong magsimula dahil sa sobrang dami ng tratrabahuin ko. Hindi ko alam kong matatapos ko ba ito sa loob ng ilang oras. Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang magtrabaho. Nang mag alas nuebe ay agad akong pumasok sa opisina niya at ipinaalala ang board meeting na kailangan niyang daluhan. Sabay kaming pumunta sa conference room. Tahimik lamang ako na nakaupo sa likod niya at nagt-take down ng notes ng pinag-uusapan nila hanggang sa matapos. Inabot ng isang oras bago matapos at bumalik kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Nag-inat ako nang matapos ang isang paperwork at napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa table ko. 11:50 PM. May sampung minuto pa bago mag-lunch. Hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa. 'Di bale, kakausapin ko nalang si boss mamaya kung puwede kong dalhin pauwi ang mga hindi ko matapos na paperworks at bukas ng umaga na lamang ipapasa. Napakaimposible kasing matapos lalo pa't marami rin akong kailangang asikasuhin bukod dito. Napatayo ako nang bumukas ang pinto ng opina niya at lumabas ang boss kong nakabusangot. "Let's go." Nilampasan niya ako at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Dali-dali kong inayos ang lamesa bago sumunod sa kaniya. Patakbo akong nagtungo sa papasaradong elevator. Muntik pa ako matapilok sa pagmamadali. Mabuti na lamang at naharang ko ang pinto ng elevator bago ito tuluyang magsara. Pumasok ako ng elevator bago ito nagsara muli. Hinihingal na napasapo ako sa dibdib at masama siyang tiningnan. Wala naman siyang emosyon na nakatingin sa akin. "Tsk!" asik niya bago iniwas ang tingin mula sa akin. Aba't siya pa ang may ganang magalit eh muntik na nga akong matapilok kanina para lang mahabol siya. Inirapan ko siya bago humalukipkip na sumandal sa elevator. Mula sa gilid ay amoy na amoy ko ang pabango niya. Pasalamat siya't mabango siya kung hindi baka nasapak ko na siya. Huminto ang elevator sa basement kaya agad kaming lumabas at dumiretso sa kaniyang mamahaling sasakyan. Kulay grey ito at lamborghini ang brand. Sana all. Eksaktong alas dose kami nakarating sa Restaurant kung saan napag-usapang magkita. Well, malapit lang naman ito sa opisina, ilang tawid lang makakarating ka na. Puwede ngang lakarin eh. Nang makapasok ay agad kaming sinalubong ng isang waitress at iginayak papunta sa lamesa. Nauna siyang maglakad habang nasa likod naman niya ako. Agad na tumayo ang lalaki nang makarating kami sa puwesto niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil hinaharangan ako ng malawak at matipunong katawan ng boss ko na nasa harap ko. "Mr. Peterson, I'm glad you came. You never get late huh?" saad ng lalaki. Tumango lang si boss bago naunang umupo. Walang modo. Napairap siya rito. "Tsk." Napabaling ang tingin ng lalaki sa 'kin nang marinig ang asik ko. Mukhang ngayon niya lang ako napansin. "Oh. Who's this beautiful lady in front of me?" nakangiting tanong niya na agad ko ring sinuklian. Mukhang mabait naman ito kumpara sa boss ko. "Uhm hello, Sir. I'm Alissa Mae Dizon, personal assistant of Mr. Peterson. Nice to meet you, Sir." "Oh nice to meet you too," nakangiting pahayag niya. "Btw, shall we sit?" Ipinaghila niya ako ng upuan sa harap niya bago siya umupo sa dating pwesto. Umupo ako sa tabi ni boss at inilagay ang papeles na hawak sa ibabaw ng lamesa. "I didn't know you have a new PA, huh?" baling niya kay boss na tahimik lang na nakaupo habang bored na tinatapik ang daliri sa lamesa. "It's none of your f*****g business," walang emosyong ani ni boss. Napangisi lamang ang lalaki bago bumaling ang atensyon sa akin. "By the way, I'm Mark Diaz, business partner of JB." Inilahad nito ang kamay sa akin. Mark pala ang pangalan niya, hindi bagay sa kaniya. Ang ingay niya eh. Tinanggap ko naman ang kamay niya. "You look gorgeous to be just PA. Bagay sa 'yo maging model. If you don't mind, I can recommend you to some of my friends who are working in the model industry. Paniguradong pasok ka kaagad doon. With that kind of look and body, who would dare to reject that?" "I'm not interested po at isa pa may trabaho na ako," tanggi ko. "Oww. Just call me if sawa at pagod ka ng maging PA nitong bugnutin kong kaibigan." Tumango ako. Magkaibigan din pala sila. "Okay." "Puwede rin tayong maging textmat- " "Are we here for business or what?" Napatigil kami at napatingin sa lalaki na umiigting ang panga na nakatingin nang masama sa aming dalawa. Napahalakhak naman si Mr. Diaz bago napapailing na nagsalita. "Order muna tayo, baka nagugutom na si miss PA mo." Itinaas nito ang isang kamay upang palapitin ang waitress na kanina pa pala naghihintay sa gilid. Hinayaan ko silang umorder para sa amin at nang makaalis ang waiter ay nagseryoso na si Mr. Diaz. Nag-uusap sila about business habang ako naman ay tahimik lamang sa tabi at nirecord ang pinag-uusapan nila gamit ang cellphone ko. Masakit ang kamay at tinatamad akong magsulat eh, isama pa ang pagod at gutom sa ginawang trabaho kanina. Hindi rin pala ako nakakain kaninang umaga dahil sa pagmamadaling makapasok nang maaga. Nang makarating ang order ay agad kong nilantakan ang pagkain at hindi na nag-abala pang yayain sila. Bahala sila, gutom ako eh. Hinayaan ko silang mag-usap habang unti-unti kong inuubos ang pagkain. Hindi nagtagal, kumain din sila. Mabuti at may natira pa, muntik ko nang maubos ang pagkain sa sobrang gutom. Malakas kasi akong kumain pero hindi naman tumataba. Nagpaalam na kami nang matapos kumain. Nauna akong sumakay sa kotse dahil nagpaiwan sila sa loob. Muntik na akong makatulog nang matanaw ko silang lumabas sa restaurant. Seryoso ang mukha ni boss habang tumatawa naman si Mark na mukhang inaasar ang nauna. Napaayos ako ng upo nang matanaw ang paparating na si boss. Mukhang aalis na kami, sa wakas. Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang padabog niyang isinara ang pinto ng kotse nang makapasok. "What was that?" galit niyang bungad sa akin. Nakataas ang kilay na napatingin ako sa kanya. "What?" "You, flirting with my business partner." "Excuse?! What? Ako pa talaga?!" "I saw and heard you. You're obviously flirting with him." "It was your BUSINESS PARTNER s***h BEST FRIEND who was asking and talking to me. Malamang sasagutin ko talaga siya. As your PA, I should respect your client or business partner. That was one of my responsibilities as a PA. If ever, you forgot," pahayag ko na sinadya pang diinan ang apat na salita. "At isa pa ano bang pinuputok ng butsi mo kung maka-react ka? Masyado kang one-sided porke't kaibigan mo 'yon. Tsk!" dagdag ko pa bago pasaring na iniwas ang tingin sa kaniya. "I'm your boss. Don't talk to me like that. And also, I have known him ever since we were young. I know how womanizer and playboy he is. He'll just play with girls then dumped them if he gets bored. I don't want you to be one of his toys." I don't know how to react. Hindi ko alam kung concern or what siya but I appreciate his effort for telling me. Mukhang man of few words pa naman siya. 'Tsaka halata naman talaga ang pagka-playboy sa aurahan ng lalaking 'yon. Napabuntong-hininga ako. Magpapasalamat na sana ako nang magsalita siya ulit. "I don't want my PA to get distracted while working. I'm a professional at work and I don't want any mistakes, so be professional. Mukha ka pa namang easy to get. Baka isang compliment lang sa 'yo ng lalaki 'yon ay mahulog ka na. Broken hearted girls are f*****g useless and emotional." Inis na nilingon ko siya. "Aba'y loko ka ah-" "Don't ever flirt with any man again while it's working time. Do your job properly, useless. Unang araw mo pa nga lang sa trabaho pinapakita mo na ang kalandian mo. Tsk." Inistart niya ang makina bago pinaandar ang kotse. Napayukom ang kamay ko sa narinig at mariing itinikom ang aking bibig. Mahirap na baka masisante pa ako. Buwisit na boss ko na ito. Mas malala pa 'ata ito kaysa sa boss ng best friend ko eh. Kung makaasta ay parang babae sa sobrang moody. Napaismid ako. "Be professional, Ms. Dizon. You shouldn't mix personal and professional life," seryosong dagdag pa niya samantalang nangangamatis na 'ata ang mukha ko kakapigil na patayin ang lalaking nasa tabi ko. Ano bang problema niya? Hindi ko naman nilalandi si Mr. Diaz. In fact, 'yon pa nga ang lumalandi sa akin eh. Buwiset na boss ko na 'to. May galit talaga 'to sa akin. Bias ampota. Binaling ko na lamang atensyon sa bintana ng kotse bago umirap. 'Siraulong boss.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD