Kagabi pa simula nang hindi ko pansinin si Jacob. Ganoon din naman siya sa akin. Ever since it happened, I didn't bother looking at him. Naaalala ko kasi ang nakita ko kahapon, kung paano siya makipaglandian, at nandidiri lamang ako kapag nakikita ko siya. Napapadalas din ang paglabas niya tuwing gabi. Paniguradong nakikipagkita siya sa mga babae niya. Ang masaya sana naming bakasyon ay biglang nagbago. Ewan ko ba at bakit biglang nagkagano'n. Siguro dahil madaling matukso ang mga lalaki? Hindi ko rin alam dahil hindi naman ako lalaki. Nakakainis talaga si Jacob, hindi ko alam na kasali rin pala siya sa grupo ng mga lalaki na babaero. No wonder at ganoon na lamang siya kaadik sa s*x. Kaya rin siguro niya ako ginawang s*x slave niya para mapabilang sa babaeng nakuha na niya. Bakit kaya a

