Hindi ko alam kung anong oras umuwi si Jacob, basta nagising na lang ako na nakayakap na siya sa likod ko. Nasa tiyan ko ang braso at kamay niya at nasa dikit naman ang pisngi niya sa pisngi ko. Ang sarap sa pakiramdam ang init na hatid ng katawan niya. Kahit gustong-gusto kong manatili sa posisyon namin ay bumangon na ako para mag-ayos. Ayaw kong masanay sa presensya niya lalo na't manloloko at babaero siya. Expert na siya sa mga ganitong bagay, ang mapaniwala ang mga babae sa mga kilos niya na wala namang malalim na kahulugan. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakapulupot sa baywang ko. Umungot naman siya. "Hmm," ungol niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Natigilan ako at nang mapansin na malalim na ang paghinga niya ay ipinagpatuloy ko ang pagkalas ng pagk

