Cathlyn
Ilang minuto na rin akong nakatitig sa ceiling ng kuwarto ko. Hindi ako makapaniwala sa nakuha kong tawag mula kay Lucas kagabi pagkauwi ko galing sa shop.
“Ano? Nasaan si Maxine? Paanong umalis siya?” Nag-aalala kong tanong kay Lucas ng matanggap ko ang tawag niya.
Ang buong akala ko ay ayus na ang dalawa at mabuti na ang kalagayan nito kay Lucas mula ng pansamantalang iwan ni Maxine ang asawa at umuwi ng La Union.
“Si Liza ang kumuha kay Maxine at hindi pa namin alam kung saan siya dinala ng babaeng iyon.” Pagbabalita ni Lucas sa akin. Bakas sa boses nito ang lungkot at pagod.
Bigla rin akong natakot para kay Maxine ng malaman kong nasa kamay ito ni Liza. Hindi pangkaraniwang ang babaeng si Liza base sa kuwento ni Maxine sa akin. At ngayon na magkasama ang dalawa ay hindi ako mapapanatag lalo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kaibigan ko.
“Sige, pupunta ako d’yan sa bahay nyo para maalagaan ko rin ang anak ninyong dalawa habang hinahanap mo si Maxine at ang bruhang Liza na’yun.” Suhestiyon ko kay Lucas.
“Salamat Cath, nandito na rin ang biyanan ko pakisamahan na lang sila dito at sila Papa ang isasama kong maghanap kay Maxine.” Dagdag pa nito.
“Sige gagayak na ako.” At ng matapos ang tawag ni Lucas ay saka ko naisip ang trabaho ko sa shop.
Kung hindi ako papasok ngayon araw at maging si Sir Ezekiel ay walang mag ma-manage ng shop. Kailangan kong tumawag o mag text sa kanya para malaman din nito na balak kong pumunta sa bahay nila Lucas para alagaan ang anak nito at ni Maxine.
Saka ko naalalang hindi na naman naging maganda ang paghihiwalay namin kagabi. Kahit na todo paliwanag ito kung bakit nitong nagawang paghigpitan ako sa pakikipagkaibigan kay Limuel ay hindi ko pa rin maintindihan ang point nya.
Maging ang paghalik niya sa akin na hindi ko maitatangging nagugustuhan ko sa tuwing maglalapat ang mga labi namin ay hindi pa rin maliwanag sa akin ang lahat.
Kailangan ko siyang harapin at kausapin dahil araw-araw kaming nagkikita sa trabaho kaya nagpasya na akong tawagan siya para ipaalam dito ang plano ko ngayon araw.
Kinuha ko sa side table ang cellphone ko at saka ko hinanap ang nakasaved niyang number sa contacts ko.
Nakita ko agad ang number niya at ni-dial ko ito. Nakakailang ring pa lang ay agad naman itong sumagot.
“Hello…”bungad nitong sabi sa kabilang linya. Napahinto na naman ang paghinga ko at kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang buo at baritono nitog boses.
Nakakainis na isipin ng dahil lang sa boses nito ay naiiba agad ang pakiramdam ko. Nagiging kakaiba ang pintig ng puso sa tuwing nararamdaman ko ang presensiya niya malapit man o malayo sa akin.
“Sir, good morning po.”
“Good morning, Cathlyn.” Bati niya rin sa akin. Agad kong inisip ang dahilan ko kung bakit ako tumawag sa kanya at nakakahiya kung maramdaman nitong hindi ako ganoon ka steady habang kausap ito.
“Sir, magpapaalam po sana ako sa inyo na hindi muna ako papasok sa shop natin at kailangan kong alagaan ang anak ni Maxine at Sir Lucas.”
Saglit akong naghintay sa magiging sagot niya hanggang sa magsalita ito muli.
“Yeah, sinabi nga sa akin ni Kuya Simoun ang problema ni Kuya Lucas at Ate Maxine.”
“Nagulat nga rin po ako ng malaman ang ginawa ni Liza na’yun sa kaibigan ko.”
“That lady is so insane with my brother. Kahit yata ano kayang gawin ng babaeng iyon para kay Lucas.”
Natahimik ako sa sinabi Sir Ezekiel. Baka nga tama ang marami sa tuwing sinasabi nila na walang ibang hindi kayang gawin ang isang taong umiibig para lang sa taong pinakamamahal nito.
Hindi pa dumating sa punto ng buhay ko ang sitwasyong ganon, pero pakiramdam ko ay hindi ko rin kayang makitang nasa panganip o masamang kalagayan si Sir Ezekiel. Gagawin ko rin ang lahat ng bagay na makakapaglitas sa kanya para lang mabuhay siya.
Ganoong nga siguro sa pag-ibig, nagiging matapang at handang suungin ang lahat para lang sa taong pinakamamahal mo maging kapalit man nito ang ay buhay na mayroon tayo ngayon.
“W-wala po sanang mangyaring masama sa kaibigan ko ng dahil kay Liza. Kawawa naman ang baby nila Sir Lucas at panigurado ay namimiss na nito si Maxine.”
“Ginagawa lahat ng pamilya namin ang mga posibleng bagay para mahanap agad si Maxine at si Liza. You don’t have to worry.” Paninigurado nito sa akin. Kahit paano ay napanatag ang loob ko na ligtas na makakabalik si Maxine sa pamilya nito.
“Mauna ka na sa bahay nila Kuya Lucas, susunod ako dun. I’ll just take care of other matters including our business then I’ll follow you there.” Bilin ni Sir Ezekiel sa akin. Napaka hands on talaga nito pagdating sa mga negosyo nito.
“Sige po sir, pakibilin na lang din po kay Allysa ang mga delivery ngayon ng mga products galing sa production.”
“Okay, I’ll do that. Just call me when you arrive there.” Bilin din nito sa akin na kinatuwa naman ng puso ko. Nang dahil lang sa simpleng bilin nito ay nakakaramdam ako ng kakaibang saya dahil sa mga sinabi nito. Kahit papaano ay nahimigan ko siya ng concern sa akin, at iyon ang mahalaga.
Pagkatapos ng tawag ko kay Sir Ezekiel ay agad akong gumayak para pumunta sa bahay nila Lucas at Maxine. Naging panatag din ang loob ko dahil alam kong hindi maapektuhan ang shop namin na dalawa dahil sa hindi ko pagpasok ngayon araw.
Pagdating ko sa bahay nila Lucas ay hindi ko na siya nadatnan. Tanging ang Daddy lang ni Maxine at ang kaibigan nitong si Larry ang nasa bahay ng mag-asawa. Ang pamilya naman ni Lucas ay abala sa paghahanap kay Maxine at Liza.
Nalaman ko rin sa daddy ni Maxine na kasalukuyang pinuntahan nila Lucas ang lugar kung saan dinala ni Liza si Maxine.
Matsaga kaming naghintay sa balita kung ano ang nangyari kay Maxine habang inaalagaan namin ang anak nitong Zyron.
Buti na lang at hindi malambing ang bata at naiintindihan nitong wala sa tabi nito ang sarili nitong ina ng mga oras na’yun.
Dumaan ang ilang oras at pare-pareho kaming hindi mapakali sa bahay nila Lucas ng tumawag ito at sinabing nailigtas na nito ang kaibigan kong si Maxine kaya lang ay may nangyaring masama dito.
Nalulungkot akong malaman ang bagay na’yun pero ang mahalaga ay nakaligtas ito sa kabaliwan ni Liza.
Hindi ko alam ang partikular na nangyari kay Maxine at hindi pa nakuhang sabihin ni Lucas ang buong detalye pero alam kong hindi nito pababayaan si Maxine kaya buong tsaga na lang kaming naghintay sa pag-uwi ng mag-asawa.
Nang marinig naming ang sasakyan ni Lucas na dumating ay agad kaming bumaba mula sa hanggang ng second floor ng bahay. Si baby Zyron ay tahimik na natutulog ngayon sa kuwarto nito.
Nasasabik akong mayakap ang kaibigan ko, ilang buwan din kaming hindi nagkita simula ng umuwi ito ng La Union.
Naalala ko pa kung paanong nagmakaawa si Lucas sa akin para lang sabihin ko sa kanya kung nasaan si Maxine ng umalis ito ng bahay.
Sinabi ko sa kanya na wala talaga akong alam kung saan nagpunta si Maxine at hindi ito nagsabi sa akin ng umalis ito ng bahay. Maging ang address ng bahay ng daddy ni Maxine sa La Union ay hindi ko rin alam.
Naging napakahirap kay Lucas ang pagkakahiwalay nito sa asawa at sa anak nitong noon ay kasalukuyang pinagbubuntis ni Maxine hanggang sa malaman nito kung saan sa La Union nagpunta ang kaibigan ko.
Halos manghina ako ng makita ng mismong mga mata ko si Maxine ng bumaba ito mula sa kotse ni Lucas.
Hinang-hina ito at para bang may malubhang sakit ito base sa hitsura nito. May scarf na nakabalot sa ulo nito na hindi ko alam ang dahilan kung bakit nito kailangang gawin ang bagay na’yun hanggang sa lumitaw ang nangyaring kinagulantang naming lahat.
Ang pinaka iingatan ni Maxine na maganda nitong buhok ay wala na. Kitang-kita ko kung paanong ang buhok na labis na nagbibigay ganda kay Maxine ay nautod na para bang isang d**o. Buong ulo ni Maxine ang nasira dahil sa ginawang iyon ni Liza sa kaibigan ko.
Napayakap agad si Maxine sa akin ng makita nitong nakatayo ako kasama ang daddy nito at si Larry na naging kaibigan nito ng tumira ito sa La Union.
Pagkatapos nitong yumakap sa daddy nito ay ako naman ang sunod niyang niyakap.
“Cathlyn.” Humahagulgol siya na parang isang batang ginawan ng masama ng kalaro nito. Awang-awa ako sa kalagayan ngayon ni Maxine.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadama ko ng makita ko ang hitsura niya ngayon.
“Tahan na Maxine, tapos na ang lahat. Matatahimik na rin ang buhay ninyong mag-anak dahil sa pagkahuli kay Liza.” Alo ko sa kanya habang kayakap ko siya. Nanginginig ang buo nitong katawan habang yakap ko at umiiyak.
Nang humupa ang pag-iyak ni Maxine ay naramdaman kong lumapit si Larry kay Maxine at kinausap ito.
“Bakit ka naman pumayag na ganyan ang gawin sayo ng babaeng iyon?” Tila may himig ng galit at pagtatampo ang boses ni Larry ng sabihin iyon kay Maxine.
“Huwag mo ng pagalitan ang anak ko Larry,” saway ni Tito Alfredo sa kaibigan ni Maxine. Para itong kuya na galit dahil sa nakita nitong nasugutan ang nakakabata nitong kapatid dahil sa ibang tao.
Agad na hinanap ni Maxine ang anak nito pagkapasok sa bahay at ng masilayan nito si Baby Zyron na mahimbing na natutulog ay nagpahinga na ito pagkatapos.
Hanggang kinabukasan ay nanatili ako sa tabi ni Maxine. Kinausap ko siya para kahit paano ay makalimutan nito ang nangyaring hindi magandang bagay sa buhay nito. Pero kahit gaano ko iiwas ang usapan namin ay talagang babalik at babalik pa rin sa katotohanan ang lahat.
“Okay ka lang ba Maxine?” paniniguro ko sa kanya ng makita kong namumula na naman ang mga mata nito. Wala pa naman si Lucas ng mga oras na iyon para damayan ang asawa nito.
Umalis ito para harapin si Liza at ang mga kasalanan nito. Dapat itong makulong habangbuhay dahil sa ginawa nito sa pamilya ni Maxine.
“Okay lang ako Cath.” Sagot niya sa akin. Kahit na alam kong nagsisinungaling lang ito ay pilit ko pa rin siyang dinamayan na parang kapatid. Sa sugat at emotional damage na nangyari kay Maxine ay alam kong hindi madali para sa kanya ang magsimula muli.
Matapang si Maxine dahil bata pa lang ito ay nawalan na ito ng ina at ang tanging nakasama na lang nito ay ang nag-iisa nitong daddy. Kaya masasabi kong makakayanan nitong lagpasan ang pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon.
Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Cathlyn ng biglang dumating ang dalawa nitong bayaw kabilang si Sir Ezekiel.
Kinamusta ng mga ito si Maxine at ang anak nito na si Baby Zyron.
Ako naman ay tahimik lang na nakamasid sa mga ito habang nag-uusap. Hindi ako makatingin ng diretso kay Sir Ezekiel na para bang ako pa ang may malaking kasalanan na ginawa ng huli kaming nagkita. Mayamaya ay narinig ko na lang na nagsalita ito at ako na pala ang kinakausap.
“Cath, puwede ba tayong mag-usap?” hindi agad ako nakakakibo at nag-alanganan pa akong sumagot sa harap niya.
“P-po sir?”
“Puwede ba kitang makausap saglit?” pag-uulit nito sa una nitong sinabi.
“A-ahhh, okay po.”
“Ate Max, hiramin ko lang sandali Cathlyn.” Sunod nitong paalam kay Maxine at agad namang ngumiti ang kaibigan ko at pinayagan akong sumama pagdaka kay Sir Ezekiel.
Pinauna niya akong pinalabas ng pinto ng kuwarto nila Lucas at saka ito sumunod sa akin. Wala akong idea kung saan ba kami mag-uusap na parte ng bahay nila Maxine kaya naglakas loob na akong lingunin ito sa likod ko at doon ko nakitang nakatitig pala ito sa likuran ko habang naglalakad ako.
“A-ahh sir…saan po ba tayo mag-uusap?” alangan ko na namang tanong sa kanya.
“Sa balcony na lang tayo mag-usap.” Simple nitong sagot sa akin at hindi alintana na nahuli ko siyang nakatitig sa akin kanina lang.
Ako na ang unang gumalaw para pumunta sa malaking balcony ng bahay nila Maxine. Presko ang hangin dito at saktong kulimlim kaya hindi problema ang sikat ng araw sa balat.
Marami ring mga puno sa subdivision na maayos na nakahilera ng tanim ang makikita habang humahapay ang mga dahon nito sa bawat isa. Bahagya akong nakaramdam ng pagkalma ng pakiramdam dahil sa kakaibang hatid na kapayapaan ng lugar na’yun.
Nang nandun na kami sa balcony ay saglit akong nakiramdam at tinatantsa ko ang mga bagay-bagay sa paligid naming dalawa partikular ang anumang sasabihin nito sa akin.
Puwede kasing galit na naman ito katulad kagabi ng huli kaming mag-usap. Oh… kaya naman ay mahimasmasan na ito at sinaniban na ng mabuting ispiritu at wala ng topak.
“I’m sorry.” Isang maikling mga salita pero parang ang haba ng naging dating nito sa pandinig ko. Hindi pa nga ako sigurado kung tama ang narinig ko o nagkamali lang ako.
Agad ko siyang nilingon para kumpirmahin ang huli nitong sinabi. At doon ko nakita ang seryoso at hindi patitinag na imahe nito. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa pants nito at diretso ang mga tamang nakatunghay sa akin.
“B-bakit po kayo nag-sosorry sa akin?” tanong ko sa kanya. Although nasorpresa ako sa sinabi niya sa akin dahil hindi ko inaasahan na makakayang humingi ng ‘sorry’ ng isang Ezekiel Montalvo sa akin na isang hamak na kasama nito sa negosyo.
“For not letting you do what you want.” Sunod nitong sagot sa akin. Katulad kanina ay nagulat na naman ako sa naging sagot niya.
“Hindi ko po kayo maintindihan, sir.”
“It’s about keeping you near with Limuel.” Diretso nitong sagot sa akin. Lumakad ito papalapit sa railing ng balcony at doon inihimlay ang mga braso nito at pinagsawa ang mga mata sa berdeng tanawin sa harapin naming.
Alam kong iyon na naman ang issue na pag-uusapan naming dalawa at wala na akong balak makipag-away sa kanya dahil alam ko naman ang totoo.
Magkaibigan lang kaming dalawa ni Limuel, at alam ng isip at puso ko yun. Nag-iisa lang ang lalakeng nasa isipan ko ngayon at iyon at siya iyon.
Hindi ko man masabi ng harapan sa kanya ang totoo kong damdamin para sa kanya ay alam kong isang araw, matututo pa ring makalimut ang puso ko na nasasaktan ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
“W-wa---”
“You don’t have to explain, I understand Cath.” Agad ay sagot niya sa akin kaya hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. natahimik na lang ako pagkatapos.
Nakita ko kung paano siya malungkot na tumingin muli sa kawalan ng sabihin niya sa harap ko ang bagay na’yun.
May pinong kirot ang biglang nabuhay sa puso ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya. Baka talagang wala na itong pakielam kung kanino mang lalake ako makipaglapit hindi katulad dati.
Ilang sandali pa kaming nasa ganoong senaryo ng tuluyan ng lamunin ang paligid namin ng kalungkutan at nagpaalam na siyang sasabay ng umuwi sa Papa at kapatid nitong si Sir Simoun.
Lihim ko siyang tiningnan habang papalayo sa lugar kung saan kami naroon ngayon. Ang bigat sa pakiramdam ng bawat hakbang nito papalayo sa akin. Para akong nanghihina at hindi alam kung saan kukuha ng lakas upang magpatuloy.
Nagpaiwan pa ako ng ilang oras sa bahay nila Lucas bago tuluyang umuwi ng condo.
Kailangan ko nang pumasok bukas sa shop at ilang araw na rin simula ng lumiban ako. Kahit paano ay okay na ang pakiramdam ni Maxine kaya hindi na ako nag dalawang isip na magpaalam sa kanya para asikasuhin naman ang ibang bagay kinabukasan.