Chapter 24

2751 Words
CATHLYN Sumapit ang gabi at halos naubos ang mga products na nasa bawat istante ng shop namin dahil sa mga bumiling mamimili pagkatapos ng opening. Nakakapagod ang araw na ito, yet fulfilling. Darating din ang panahon at magkakaroon din ako ng sarili kong shop na bubuksan ko sa lalong madaling panahon. Lahat halos ng mga costumers ay positive ang naging feedback sa mga products na ni-launch namin. Hindi rin ako makapaniwala na magugustuhan ng mga mamimili ang designs at quality ng mga sabon, pang make-up at iba pang personal staff na naisip naming gawing produckto ng shop namin ni Sir Ezekiel. Mabuti na lang talaga at sinuportahan niya ang idea ko na subukan namin ang health care products at marami ang concern ngayon sa mga produktong ginagamit ng mga tao sa katawan nila. “Alyssa, pagkatapos ninyong ayusin ang mga products sa cashier ay puwede na siguro kayong umuwi. Alam kong pagod na rin kayo ngayong maghapon.” Sabi ko kay Alyssa at sa dalawa pa nitong kasamang staff. Ang guwardiya sa pinto ay halatang pagod na rin dahil sa maghapon itong nagbubukas at sara ng pinto para sa mga costumers. “Okay po Ma’am Cath, pero kayo po? Hindi pa po kayo uuwi? Si Sir Ezekiel po ata nasa office pa niya.” Pagbabalita nito sa akin. Napansin ko rin na pumasok ito sa loob ng office nito kanina pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko na alamin kung lumabas na ba ito mula sa opisina nito. Si Pia naman ay umalis na rin kanina kasama ang isang driver na inutusan siguro ni Sir Ezekiel para ipagmaneho ito. “Ganon ba, hindi ko napansin na hindi pa pala siya umuuwi. Ako na ang bahalang magpaalam para sa inyo tapos ay uuwi na rin ako.” “Salamat po Ma’am Cathlyn.” Ngiti lang ang sinukli ko sa pagod na mga mukha ng mga ito. Nang maiayos na namin ang ibang bagay na nagulo dahil sa opening ay pinayagan ko na silang umuwi. Ako naman ay wala na sanang balak na magpaalam kay Sir Ezekiel kaya lang ay baka naghihintay ito sa opisina nito na magsasabing nakasara na ang shop at puwede na rin itong umuwi. Baka magmukha lang akong bastos kapag umalis ako ng hindi nagsasabi sa kanya. Hindi ko lang makita ang sarili ko na kaharap ko na naman siya at naalala ko lang ang sakit na naidulot niya sa akin dahil sa pagsasama nito kay Pia sa opening ng shop namin. Hindi ko alam kung paano ko maidi-divert sa iba ang atensyon ko para hindi ko na siya maisip pa ng tuluyan o ang lumalim pa kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Tanggap ko na, na ang isang simpleng babaeng katulad ko ay malabong seryosohin ng isang Ezekiel Montalvo. At bigla kong naisip si Lucas na kapatid nito. Lumaki kasi ito sa hirap kaya siguro nagawa nitong magustuhan si Maxine kahit na malayo rin ang agwat ng katayuan ng buhay ng mga ito. Pero si Sir Ezekiel? Hinding-hindi nito ibaba ang level ng standards nito sa babae ng kasing baba sa level ko, at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hindi naman ako masyadong ganoong kahirap dahil sa pangalan ng mga magulang ko pero kung ikukumpara sa yaman ng mga Montalvo at kapangyarihan na mayroon ang mga ito ay walang-wala ako sa mga babaeng nakapila at nagkakandarapa para maging girlfriend oh fiancée nito. Pagkatapos kong suklayin ang nagulo kong buhok ay napasya na akong bitbitin ang bag na dala ko at naglakas na ako ng loob na tunguhin ang opisina kung nasaan si Sir Ezekiel. Kung hindi pa ako magpapaalam ay mas lalong hindi ako makakauwi at makakapagpahinga sa condo. Napahinto ako saglit sa labas ng pinto ni Sir Ezekiel. Pinag-isipan ko kung kakatok na ba ako oh papaano? Bigla na naman akong kinabahan. Kung dati ay nagagawa ko pang kumilos ng normal sa harap nito kahit na alam kong nagsisimula na akong makaramdam ng kakaibang damdamin sa kanya, ngayon ay iba na. Hindi ko mapigil na hindi makaramdam ng kaba sa tuwing kausap niya ako o mapansin kong nakatingin siya sa akin. Para bang palagi akong may ginawang mali at hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata nitong mga nakaraang araw. Nang iangat ko ang isa kong kamay para katukin ang pinto ay saglit na huminto ang puso ko sa paghinga. Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko ang baritono nitong boses. Pinapasok niya ako sa loob ng opisina nito. Nang pihitin ko ang doorknob ng pinto ay otomatik na naglanding ang mga mata ko sa gawi kung saan nakaupo si Sir Ezekiel. Kasalukuyan itong may mga binabasang mga papeles sa ibabaw ng mesa nito ng tuluyan akong makapasok sa loob. Napahigpit ako ng hawak sa sling ng bag ko ng muling magtagpo ang mga mata namin. Hindi siya nagsalita agad kaya hindi rin ako nakaimik at nanatili akong nakatayo sa tabi ng pinto, naghihintay sa maaari niyang sabihin. Ang mga titig niya ay nag-iba bigla, hindi ko matiyak kung anong mayroon sa mga mata niya na halos ay walang kurap na nakapako ngayon sa akin. Saglit nitong sinandal ang katawan sa swivel chair na upuan nito at saka nagpasyang tumayo. Ang buong akala ko ay mananatili lang itong tatayo malapit sa mesa nito pero nagkamali ako. Humakbang ang mga paa nito palapit sa puwesto kung saan ngayon ako nakatayo. Parang gustong kumilos ng mga paa ko paatras at lumabas ng opisinang iyon pero nawalan ito ng lakas. Naramdaman ko ang pamimigat nito at kusa kong hinintay ang paglapit niya sa mismong tapat ko. Habang paplapit siya sa akin ay hindi nito tinanggal ang mga mata sa akin na mas lalong nagdagdag ng kaba sa puso ko. Inilang hakbang lang nito ang distansiya naming dalawa at ngayon nga ay para itong isang hari na nakatayo sa harapan ko, sobrang lapit. Ilang sandali pa kaming nagtitigan hanggang sa tumigil muli ang mundo ko ng hiklatin niya ako sa bewang ng walang ano-ano. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang bag na hawak ko at nahulog ito sa sahig. Ang likod ko ay kusang naramdaman ang pagdantay nito sa likod ng pinto. Napasandal ang katawan ko dun hanggang sa tuluyan ng nawalan ng pakiramdam ang buo kong sistema at ang tanging nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon ay ang mga labi ni Sir Ezekiel na umaangkin sa mga labi ko na tila gusto na nitong kainin ng buo. Malalim at tila puno ng pananabik ang halik na nararamdaman ng mga labi ko ngayon mula sa mga labi ni Sir Ezekiel. Iba ito sa halik na una niyang pinaranas sa akin at masasabi kong higit itong nakakabaliw at nakakawala ng sarili? Ito ang unang beses na maranasan ko ang ganitong entisidad na halik. hindi ko tuloy malaman ang dapat gawin ng mga labi ko habang patuloy niyang sinakasakop ang mga labi ko. Nang tumagal ay napaungol na lang ako dahil sa kakaibang init na dulot nito sa katawan ko. Hindi ko man direktang sinasagot ang mga halik nya pero ang katotohanang pinapayagan ko siyang gawin sa mga labi ko ang bagay na iyon ay isa ng patunay na handa ko siyang papasukin sa buhay ko. Hindi naglaon ay naramdaman ko na ang isa nitong kamay sa likod ng balakan ko na humahagod dito habang patuloy lang ito sa pag-angkin sa mga labi ko. Unti-unti ay kumilos ang isa nitong kamay na nakahawak sa ilalim ng panga ko at hinuli nito ang isa kong kamay na nakababa sa gawing tagliran ko at saka ito tinaas at idinikit sa pader kasing taas ng ulo naming dalawa. Pinagdaop niya ang mga daliri namin at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Mas lalo akong nanabik sa ginawa niyang iyon kaya tuluyan na akong bumigay at dinama ko ang init ng halik na patuloy naming pinagsasaluhan ng mga sandaling iyon. Napapikit ang mga mata ko ng tuluyan at nagpatianod sa nakakabaliw na pakiramdam na dulot ng halik na iyon. Saglit niyang binitawan ang mga labi ko. pakiramdam ko ay namumula na ang mga ito dahil sa walang humpay na paglusob ni Sir Ezekiel dito. Nang maghinang ang mga labi namin ay kusang dumilat ang mga mata ko. Pag bukas ng mga mata ko ay agad na tumungay sa akin ang mapupungay na mata niya na halos ay mag-alab sa pagkakatitig sa akin. Napaawang ang mga labi ko kahit isang salita ay walang lumabas. Nabasa ang mga labi ni Sir Ezekiel dahil sa tagal ng halik na nangyari sa amin. Nanatili lang itong nakakatitig sa akin at diretsong binabasa ang laman ng isip at puso ko. “I told you, hindi lang simpleng halik ang gagawin ko sayo kapag hindi ka lumayo sa Limuel na yan.” Pagpapaalala niya sa akin na may kahalong paniniguro na gagawin nito ang bagay na sinabi nito at hindi ito nagbibiro. Nakalimutan ko na ang sinabi niyang iyon sa akin, at dahil sa halik na pinaramdam niya sa akin ngayon ay nagbalik ang lahat sa isip ko. Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi at kinikilos niya sa harap ko. Hindi na sakop ng pagiging amo ang ginawa niyang paghalik sa akin. Kaya dapat na linawin ko ang mga bagay na’yun sa kanya. Saglit ko siyang tinulak sa dibdib para makahinga ako mula sa pagkakatulak niya sa akin sa pinto. Halos maghalo na ang hangin na nilalanghap namin dahil sa sobrang lapit ng mga katawan at mukha naming dalawa. “Sir…” tawag ko sa kanya. Nag-iwas ako ng mata sa kanya dahil pakiramdam ko ay nadadarang ako sa apoy sa tuwing sasalubungin ko ang mga mata nitong walang humpay sa pagtingin sa akin. Imbes na sagutin niya ako ay mas lalo nitong dinikit ang katawan sa akin at saka muling nagsalita. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo, na bawal kang makipag lapit sa kahit sinong lalake while managing our business, right? Hindi mo ako sinusunod." Kumunot ang noo ko at nawala sa linya ang mga kila ko. iyon lang ba ang dahilan niya kung bakit ilang beses niyan inaangkin ang mga labi ko? Dahil hindi ako sumusunod sa usapan naming dalawa? Napaisip ako at nagdamdam ang puso ko. Masakit pala talagang harapan mong marinig sa taong mahal mo na hindi nito kayang suklian ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa taong iyon. Akala ko ay ganoon lang kadaling tanggapin ang lahat, kapag nasiguro kong hindi talaga kami puwedeng magkaroon ng relasyon ni Sir Ezekiel katulad ng nangyari sa amin ni Anthony. Naghiwalay kaming dalawa na parang walang namagitan sa amin at agad kong natanggap ang lahat maging si Anthony. Pero ang sitwasyon namin ni Sir Ezekiel ay iba. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong sakit at bigat ng damdamin. Ang isipin ko pa lang na kahit kailangan ay hindi kami posibleng magmahalan ay talagang sumisikip ang dibdib ko dahil sa bagay na’yun. Wala naman akong ibang ginusto dati pa kung hindi ang maging masaya sa buhay kahit na simpleng buhay lang ang mayroon ako kasama ang pamilya ko. Ang hindi magkaroon ng kumplikadong pamumuhay dahil sa pera ang pinaka ayokong mangyari sa akin sa hinaharap. Pero sa sitwasyon ko ngayon kung saan ang lalakeng pinakamamahal ko ay iba sa estado ng buhay na mayroon ako ngayon ay ang siyang nagpapahirap sa akin ng todo. Ngayon na nasa harap ko siya at tila mas lalo akong pinanghihinaan ng loob. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging matatag sa harap niya, oh baka tuluyan na akong manghina at bumigay sa mga titig niya sa akin. “Hindi ko po kayo maintindihan sir, wala kaming ginagawang masama ni Limuel. Kahit tanungin nyo pa siya.” Hamon ko sa kanya. Tinitigan niya ako muli ng mariin sa mga mata at ramdam ko ang lalong paghigpit ng hawak niya sa isa kong kamay na nanatiling nakapako sa pader. Kita ko na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko dahil sa mas lalong nabakas ang kunot sa kilay nito na para bang hindi nito matanggap ang dahilan ko. Muli, ay nilusob niya ng halik ang mga labi ko at sa pagkakataong iyon ay mas madiin at mapagparusa. Hindi ako nakagalaw at naging estatwa na lang ako dahil sa ginagawa nitong pag-angkin sa mga labi ko. Pilit kong isinasara ang mga labi ko para hindi siya tuluyang magtagumpay sa gusto niyang mangyari pero bigo ako. Aaminin ko na unti-unti ay nakakabisado na ng mga labi ko ang bawat paghagod ng mga labi niya sa akin. Kaya lang ay may bumubulong sa isip kong hindi tama ang mga nangyayari sa aming dalawa ngayon. Hindi sa ganitong paraan ko gustong maramdaman ang mga labi niya sa akin. Ayokong maiwan sa isip at puso ko ang mga dahilan kung bakit niya ako pinaparusahan ng ganito ay dahil lang sa hindi ako sumunod sa usapan namin na dalawa. Kahit kailan ay hindi ko pinabayaan ang trabaho ko kahit na nakikipagkaibigan ako kay Limuel, iyon ang totoo. Kaya kung nagagalit siya sa akin ngayon dahil doon ay hindi ko iyon matatanggap! Naramdaman ko na lang ang paghiwalay ng labi ni Sir Ezekiel sa akin ng mapagtanto nitong hindi na ako naglaban at basta na lang akong naging parang bato na walang pakiramdam habang inaangkin niya ang mga labi ko ng walang pakundangan. Kusang pumatak ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay nakakaawa ang sitwasyon ko ngayon. Na kahit saan akong dako pumunta ay wala akong kalayaan, walang karapatang mabuhay ng normal. Tuluyang napatigil si Sir Ezekiel sa paghalik sa akin ng makita nito ang impit kong pag-iyak. Bahagya nitong inilayo ang katawan sa akin at tinitigan ako ng mariin. “I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Paghingi niya ng tawad sa akin at mabilis nitong binitawan ang isa kong kamay at kusa na niya akong pinakawalaan habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Napansin kong napahagod sa batok si Sir Ezekiel ng tumalikod ito sa akin at para bang nagtitimpi na magsalita. Sunod nitong inilagay ang isa nitong kamay sa bulsa at ang isa naman ay ipinatong nito sa bewang. Buong tapang kong sinalubong ang mga titig niya para ipakita na nasasaktan ako sa mga nangyayari sa aming dalawa. Na kahit anong gawin ko, hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong aminin na minamahal ko siya sa kabila ng ginagawa niyang pagtrato sa akin. Siya lang ang lalakeng binigyan ko ng puwang sa puso ko ng higit pa sa isang kaibigan. Isang lalakeng hinayaan kong angkinin ang mga labi ko kahit na kailan nito gustuhin dahil mahal ko siya. At ang pagmamahal kon iyon ay ang siyang nagpapalakas sa akin para patuloy na umasa na sa isang araw ay magkakaroon din kami ng pagkakataon na mahalin ang isa’t-isa. Hindi ito nakatiis at muli siyang nagsalita. “Whatever your reason, hindi ako naniniwalang pakikipagkaibigan lang ang hanap ng Limuel na’yan sayo.” Giit niya. “Sir, magkaibigan lang po kaming dalawa. At saka, kung ang trabaho ko dito sa shop ang iniisip mo , huwag po kayong mag-alala at hindi ko pinabayaan ang trabaho ko dito. Pero ang paghigpitan ako kung sino ang gusto kong maging kaibigan ay kalabisan na.” mabilis kong sagot sa kanya. Minsan na kaming nagtalo at hindi ako basta mananahimik na lang kung alam kong nasa tama ako. Mahirap mahalin ang isang Ezekiel Montalvo, at iyon ang hindi ko napaghandaan. Mas lalong dumilim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin pero hindi ako nagpatalo. “Kung wala na po kayong sasabihin ay mabuting pang umalis na ako kaysa saan pa makarating ang walang saysay na pag-uusap natin na’to.” Pinal kong sabi. Pagod na akong makipagtalo sa kanya, pero kahit ganoon ay ayaw sumuko ng puso ko na mahalin siya. Wala namang perpekto sa pag-ibig, kailangan mong sumugal kung gusto mong malaman na worth it ang taong mamahalin mo oh hindi. Tahimik kong kinuha ang bag kong nalaglag sa sahig. Hindi na ako nagtangka pang lingunin ang puwesto kung saan nakatayo si Sir Ezekiel. Alam kong nakatitig pa rin siya sa akin at wala akong puwedeng gawin ng mga oras na’yun kung hindi ang dumistansya. Ayokong makita niya kung gaano ako nasasaktan at naapektuhan ng dahil lang sa mga titig niya sa akin. Mananatili akong tahimik hanggang kaya ko dahil alam kong may tamang panahon para sa lahat. Magiging okay din ang sitwasyong naming dalawa, hindi ko lang alam kung kailan at kung sa paanong paraan. Tuluyan kong sinara ang pinto ng opisina na hindi nagpapaalam sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD