CATHLYN
Today is the day! Nasa harap ako ngayon ng salamin habang inaayos ang pagkaka tack in ng red slong sleeve na suot ko at isang high waist wide leg pants na kulay itim.
Nagsuot ako ng earings na babagay sa damit ko at isang bangle bracelet na kulay gold. Hindi ko rin nakalimutan ang cluster ring na palagi kong sinusuot. Bigay pa ito sa akin ng lola ko mula sa father’s side. Hindi alam nila mommy at daddy ang tungkol sa singsing na iyon.
Sinabi sa akin ni Lola Teresita na darating ang araw ay mapapalitan na ito ng engagement at wedding ring kaya habang dalaga ako ay suotin ko raw ito. Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni lola at buong giliw kong isinuot ang binigay niyang singsing na iyon at mula nga noon ay palagi na itong nakakabit sa daliri ko.
Inayos ko rin ang pagkakakulot ng mahaba kong buhok. Palagi kong kinukulot ang dulo nito at iyon ang ayos na nakasanayan ko na saka ko ito pinusod ng buo.
Ayos na ang lahat bago ako umuwi kahapon galing ng shop. Kahit wala si Sir Ezekiel ay nagawa ko pa ring gawin ang mga bagay para maging maayos ang gaganaping opening naming ngayong araw.
Nagtimpla lang ako ng isang tasang kape at toasted bread ang kinain ko para sa umagahan. Masyado akong nae-excite sa mga mangyayari kaya hindi ko na tinangka pang magluto ng iba pang putahe para sa umagahan ko. Sanay din naman ako sa ganoong setup ng umagahan lalo na noong sa agency pa ako nagtratrabaho.
Pagdating ko sa shop ay napapalibutan na ito ng mga table at tents sa labas. May mga balloons din sa labas at loob ng shop na iba’t-iba ang kulay.
Maging ang cater service na kinuha namin ay naka set-up na rin. Ang bulaklak ay inaayos na rin ng flourist kaya masasabi kong masaya ang bungad ng araw na ito.
Agad akong sinalubong nila Alyssa pagkababa ko pa lang sa kotse. Halatang excited na rin ang mga ito at hindi makapaghintay na tuluyan ng mag open ang shop namin.
“Ma’am Cathlyn, good morning po.” Agad ay bati ni Alyssa sa akin. Nasa likod nito ang dalawa pang staff na kasama nito na si Jeacel at Fairy.
“Kumusta ang lahat? Okay na ba?” agad ko ring tanong sa kanila na ngiti ang una nilang sinagot sa akin.
“Opo ma’am, don’t worry po at oks na okas na po ang lahat para opening mamaya.”
“Mabuti naman, hindi tayo dapat pumalpak sa araw na ito at nakakahiya sa mga bisita lalo na kay Sir Ezekiel.”
At doon ko ito biglang naisip. Hindi ko na siya nitext tungkol sa opening ngayon, at alam ko namang hindi nito makakalimutan ang importanteng araw na ito.
Ito pa mismo ang nagsabing ngayon araw na lang kami magkita pagkatapos nitong hindi pumunta ng shop kahapon.
Sabay-sabay kaming napalingon ng may dumating na isang magarang kotse. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa latest na model na oddi car. Kulay itim ito at halatang mahalagang tao ang nakasakay doon.
Hinintay namin na maipark ng maayos ang kotse ng kung sino mang may-ari ng kotse. At napaawang ang mga labi ko ng makita ng sarili kong mga mata kung sino ang bumaba sa driver’s side ng kotse.
Si Sir Ezekiel ang nagmamaneho nito. Hindi ito lumingon sa mga taong nakapaligid dito at sa halip ay umikot ito sa gawi ng passenger’s seat.
Pinagbuksan nito ng pinto ang kung sino mang tao na kasama nitong dumating. At katulad kanina ay natahimik na lang ako ng makita ko ng mga tao sa paligid pati ang mga ilang press na inimbita namin para sa opening.
Nagmamadaling lumapit ang mga ito sa lugar kung nasaan ngayon nakatayo si Sir Ezekiel at si Pia. Masaya ito habang nakahawak sa malaking braso ni Sir Ezekiel.
Nag-iwas ako ng tingin ng mapansin kong lumingon ito sa gawi namin nila Alyssa.
“Ma’am Cathlyn, okay lang po kayo?” nakuha pa niya akong tanungin na may halong simpatya pagkatapos nitong makita ang amo namin na dumating sa shop at may kasamang sikat na artista.
“Oo naman, bakit mo natanong?” Kunwari ay nakangiti kong balik na tanong sa kanya pero ang mga mata ko ay manaka-nakang nakatingin sa puwesto ng mga nagkakagulong press.
“Ahhh, wala naman po…medyo mainit na po kasi dito sa labas baka po kasi gusto nyo munang pumasok.” Alangang sagot nito sa akin, napatango na lang ako sa tinuran niya.
Tutal at busy pa naman ang mga tao sa pag—interview kay Sir Ezekiel at Pia. Niyaya ko na lang pumasok ang mga staff na kasama ko para tingnan ang bagay sa loob ng shop bago magsimula ang opening.
Nagtagal sa labas sila Sir Ezekiel ng ilang minuto hanggang sa marinig naming na bumukas ang glass door at sabay na pumasok ang mga ito kasunod pa rin ang ilang press.
“Cathlyn…” narinig kong tawag ni Sir Ezekiel sa akin. Iniabot ko ang papel na hawak ko kay Alyssa at saka hinarap ito pagkatapos.
“Sir.”
“Is everything okay here?” tanong nito habang diretso ang mga mata sa akin. Ang katabi naman nitong si Pia ay halatang mapang-asar ang tingin base sa mga mata nitong mapanuri na nakatunghay din sa akin.
“Opo sir, signal nyo na lang po ang kailangan para makapagsimula.”
“Good, by the way…Cathlyn, this is Pia…Pia, she’s Cathlyn…my business partner.” Pagpapakilala nito sa akin kay Pia.
Nagtinginan lang kaming dalawa at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita. Hindi ito umimik kaya hindi na rin ako nagsalita. I was not born to please others. Kung ayaw niya sa akin, mas ayaw ko sa kanya. She’s nothing for me.
Nahalata siguro ni Sir Ezekiel na walang gustong makipag-usap sa aming dalawa kaya ito na ang bumasag ng katahimikan naming tatlo.
“Cathlyn, kindly ask the host so we can start na program.”
“Okay po sir.” At hindi ko na sinulyapan kahit sandali ang katabi nitong si Pia. Ayokong masira ang magandang araw ko ng dahil lang sa babaeng iyon.
Nagsimula nang magsalita ang kinuha naming host. Ang ceremony ay nagpatuloy na maayos. Masaya ang maraming tao na dumalo sa opening dahil bukod sa may artistang sikat na dumalo sa opening namin ay may pa live band pang kasama.
Pagkatapos ng ribbon cutting ay masayang naming binuksan ang glass door ng shop na may mga nakasabit na pulang tela na parang sa mga Chinese store. Pumasok ang maraming tao para tumingin ng mga produkto at talagang masayang-masaya ang ambiance ng shop ng mga sandaling iyon.
Hindi humihiwalay si Pia kay Sir Ezekiel at animoy parang magboyfriend at girlfriend ang mga ito sa sobrang lapit ng katawan nila sa isa’t-isa.
Nagngingit ang puso ko sa katotohanang iyon. Na sa huli, talunan na naman ako pagdatin sa lovelife. Na sa una lang pala masarap mahalin ang isang Ezekiel Montalvo. Masyadong kumplikado ang pasukin ang mundo ng kanilang pamilya, at ang katulad ni Pia ang mas nababagay dito.
Kilala sa lipunan, may kaya at matatag na showbiz career. Samantalang ako, nagsisimula pa lang ang karera.
Libang na libang ang mga tao sa pagkain, pagtingin ng mga produkto sa loob ng shop at pakikinig sa live band na kumakanta ng mga sandaling iyon. At hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Limuel.
Alam nito na ngayon ang opening ng shop kaya kahit na hindi ko siya nasabihan ay alam kong darating ito. Kung hindi naman ay okay lang dahil naiintindihan ko naman. Busy din ito sa maraming bagay katulad sa negosyo.
“Limuel…buti at nakarating ka.” Bati ko sa kanya. Walang ano-ano ay hinalikan niya ako sa pisngi at napahigit na lang ako ng paghinga at kunwaring nakangiti pagkatapos nitong gawin ang bagay na iyon.
“Sorry, medyo natraffic kasi ako kaya ngayon lang ako nakarating. For you…” sabay abot nito ng isang bouquet na bulaklak sa akin. Katulad ng binigay nito noong nakaraang nagpang abot ito at si Sir Ezekiel sa shop. Maging ang pagtatapon nito ng bulaklak na bigay ni Limuel sa akin ay pinalampas ko rin.
Pero iba na ngayon, hinawakan at niyakap ko ng mabuti ang bulaklak na binigay niya para hindi na maulit ang pagtapon ng magaling kong amo sa bulaklak na hindi naman ito ang nagbigay.
“Ano ka ba, okay lang yun. At least…nakarating ka hindi ba?” masaya kong sagot sa kanya.
“Mukhang ang daming tao ah, at may sikat pa kayong artista na kinuha.” Banggit nito kay Pia na kaway lang ng kaway sa mga tao sa paligid nito habang si Sir Ezekiel ay masama na naman ang tingin sa gawi namin ni Limuel.
Hindi ko na ito pinansin at naiinis pa rin ako sa kanya lalo na sa pagdadala nito ng babae sa mismong shop pa namin. Nasan ang hustisya dun?
Kinayag ko na lang si Limuel na lumabas para makakain sa bouffe.
“Kumain ka lang ng kumain d’yan.” Sabi ko kay Limuel at inilapag ko ang bigay nitong bulaklak sa gilid ng mesa.
“Oo naman, libre kaya to…kaya susulutin ko na.” biro na naman nito na naging dahilan kung bakit napahagikgik ako ng tawa.
Para itong walang pera kung makaasta samantalang may mamahaling kotse at mga negosyo itong pinapatakbo.
“Ikaw talaga.”
“I’m glad napatawa kita ngayon araw kahit saglit lang.” nakangiti nitong sabi sa akin na nakapukaw ng damdamin ko. Minsan ay sersoyo itong kausap, pero mas madalas ay kalog ito at palabiro.
Ngayon ay tila seryoso ito sa huli nitong sinabi kaya napatingin ako saglit sa paligid. At doon ko nahagip ang mga mata ni Sir Ezekiel na nakasunod pa rin pala sa amin. Nakita siguro nito kung paano ako tumawa kanina. Nakakunot na naman ang mga kilay nito at halatang nagtitimpi ito ng emosyon na hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin o balewalain.
Mahirap mag assume ng maraming bagay, masakit masaktan sa huli. Ayokong umasa at mabigo, gusto na lang na sarilinin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, kaysa ang tuluyan akong malugmok sa sakit na ikalimot ko pa kung bakit ako nandito ngayon at kasama siya.
Nagkaroon ang party hanggang sa may mga invited guess pa na dumadating. Marami na rin ang tumitingin ng mga produkto namin pagkatapos ng opening. Sana ay magtuloy-tuloy na ang magandang benta nito.
“You know what, pinag-iisapan ko kung mag franchise ako sa negosyo nyo. I mean, hindi ba magandang opportunity yun para sa inyong mag business partner, at the same time…magiging way ko rin ang pag franchise ko sa business nyo para magkita tayo ng madalas.” Muntik pa akong masamid sa huling sinabi ni Limuel ng matapos itong kumain.
“Ha?” kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito pero ang totoo ay maliwanag naman ang lahat sa akin. Gusto ko lang itanong uli para maging maliwanag kung ano man ang gusto nitong ipahiwatig sa sinabi nito.
“Ang sabi ko gusto kong mag franchise ng negosyo nyo.”
“Pero…nagsisimula pa lang kami.” Depensa ko.
“Okay lang, ,malay mo naman na mas makilala pa ang business nyo kung maglalagay pa kayo ng ibang branch hindi ba? At nandito ako para gawin yun.”
“Talaga?” hindi ko makapaniwalang tanong muli sa kanya.
“Oo. At katulad ng sinabi ko sayo kanina, kapag nagkaroon na ako ng franchise mula sa negosyo nyo, mas madalas tayong magkikita at makakapag-usap…mas madalas kitang mapapatawa tama ba?” nakangiti nitong tanong sa akin. Kung hindi ko lang unti-unting nararamdaman ang pag-ibig na mayroon ako ngayon para kay Sir Ezekiel ay malamang na magkaroon ng puwang sa puso ko si Limuel.
Pero iba ang nararamdaman ko para sa kanya simula pa lang ng magkita at magkilala kami many years ako. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya, at masaya lang ako na kausap siya…but nothing else. Hindi kamukha ng nararamdaman ko kay Sir Ezekiel.
Napapalakas niya ang t***k ng puso ko, napapalundag niya ito sa tuwa sa tuwing nagtatama ang mga mata namin at parang gusto kong sumuko sa mga bisig niya sa tuwing nakikita kong may kasama siyang ibang babae.
Gusto ako lang ang tinitingnan niya, ang babae sa paningin niya. Gusto ko siyang palaging nasa tabi ko dahil siya ang source of happiness ko at alam kong masaya ako sa tuwing nakikita ko siya sa araw-araw.
“Hey, Cath…what’s wrong? Kanina pa ako nagsasalita dito, pero mukhang ang layo ng iniisip mo.” Untag sa akin ni Limuel na kinahiya ko naman. Nahuli pa niya akong nakatulala sa kawalan.
“Ammm, sige sasabihin ko kay Sir Ezekiel ang plano mo. Malay mo, mag agree siya so magiging part ka na rin ng business namin.” Sabi ko na lang.
“Business partner kayo hindi ba? So it means, kung ayaw niya…eh ikaw gusto mo naman hindi ba? So wala din siyang magagawa.” Sabla ni Limuel.
Kahit naman business partner kami ay hindi ko kayang salungatin ang gusto ni Sir Ezekiel. Siya ang tumulong sa akin para kahit papaano ay masimulan ko ang buhay na pinangarap ko dati.
At ginalaw ko na lang ang balikat ko bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. Bahala na, ang mahalaga ay nakaraos na kami sa opening ng shop namin at kinabukasan ay puwede naman naming pag-usapan na tatlo ang bagay na iyon.