Chapter 22

2089 Words
Cathlyn Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Sir Ezekiel habang pauwi na kami sa condo ko. Hindi ito pumayag na hindi niya ako maihatid pagkatapos naming kumain at manakawan niya ako ng halik sa pangalawang pagkakataon. Nang titigan ko siya kanina pagkatapos niya akong halikan ay wala akong nakuhang explanation kung bakit niya ginawa sa akin ang bagay na’yun. Sinalo at hinimas lang niya ang mukha ko gamit ang isang nitong kamay. Maging ang labi ko ay banayad niyang hinaplos gamit ang hinlalaki nito. Nang matapos nitong gawin ang hindi ko inaasahang mga pangyayaring iyon ay nagkunwari na itong inosente pagkatapos. Halos hindi ko na natapos ang pagkain ko dahil sa nangyari samantalang ito ay nagpatuloy lang na ubusin ang pagkain sa plato nito. Magkatulong din naming niligpit ang pinagkainan namin na walang kibuan. Palaisipan pa rin sa’akin ang mga kinikilos ni Sir Ezekiel na sa tingin ko ay hindi na parte ng pagiging mag business partner namin. Pero nanatili pa rin akong nakatahimik at sinasarili ang mga katanungang iyon. Hanggang sa yayain na niya akong umuwi. Noong una ay buong akala ko na maimamaneho ko na ang kotse ko papauwi sa condo, pero nagkamali ako. Wala pala sa parking area ng shop namin ang kotse ko at sa mismong groundfloor ng condo unit ko pala ito dinala ng driver na inutusan ni Sir Ezekiel kanina. Hindi pa rin kami nagpapansinan hanggang sa maunang bumaba ng kotse si Sir Ezekiel at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Walang imik akong bumaba at inayos ang nagusot kong polo shirt. Isinukbit ko sa katawan ko ang body bag na hawak ko saka ko siya sinulyapan. Nahuli na naman ako sa pagkakataong iyon dahil kanina pa pala ito nakatitig sa akin. Napalunok na naman ako gamit ang sarili kong laway at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa harap niya. “Gusto ko sanang ihatid ka sa condo mo kaso baka magreklamo ka na.” narinig kong sabi niya sa akin. Napakurap ang mga mata ko para salubungin ang mga titig niya. “Po?” Bahagyang natawa si Sir Ezekiel sa naging sagot ko at hindi ko namalayan ay nakalapit na pala siya sa akin. Sobrang lapit na halos malanghap ko na ang gamit niyang pabango dahil sa kaunting distansiya naming dalawa. Naramdaman ko na lang ang dalawa nitong kamay na humawak sa mga balikat ko at napapikit na lang ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Banayad niya akong hinalikan sa noo na tila isang panaginip ang lahat. Kahit kailan ay hindi ko naisip na mangyayari sa aming dalawa ni Sir Ezekiel ang ganitong moment. Yung bang... parang kaming dalawa lang tao sa paligid at ninanamnam naming pareho ang pangyayari sa amin ng mga sandaling iyon. Tumagal ng ilang segundo ang paghalik niya sa noo ko. Napatulala na lang ako at nawalan ng imik. Mas maalala pa ito sa ginawa niya sa akin kanina na paghalik sa labi. Sa pagkakataon ito, may naramdaman akong isang bagay sa puso ko na hindi ako maaring magkamali dahil sa ginawa ni Sir Ezekiel na paghalik sa noo ko. Gusto kong magtagal ang ganoong tagpo namin pero alam kong imposible. Lalo na at nakatitig na siya ngayon sa akin ng diretso at nakikita mong masayang-masaya ang awra nito. Mahal ko na ba siya? Ganito ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Iyon parang akala mo na balewala ang presensiya niya pero sa tuwing nawawala siya sa paningin mo ay bigla mo na lang maiisip kung ano ang nangyayari sa kanya? Sino ang kasama niya? Kahit na palagi akong naiinis sa kanya ay iniisip ko pa rin ang mararamdaman niya sa mga bagay-bagay na ginagawa naming magkasama. At hindi lang pala simpleng mag amo ang dahilan kung bakit mas pinipili kong sumunod sa kanya sa tuwing may ginagawa itong desisyon para sa aming dalawa. Gusto kong palaging intindihin at unawain siya dahil mahal ko siya…at iyon ang bagay na pinakasigurado ako ng mga sandaling iyon. Gusto kong umasa na ganoon din ang nararamdaman ni Sir Ezekiel para sa akin dahil handa akong sumugal para sa pag-ibig na mayroon ako para sa kanya. At napatunayan kong mahal ko na siya ng halikan niya ako sa noo. Iyon ang pinaka sweet na halik na natanggap ko sa isang lalake at masasabi kong hindi ako nagkamali ng maramdaman ko ang ganitong pag-ibig sa kanya. All of a sudden, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at huwag pakawalan. Nang dahil sa mga nakaw na halik na ginawa niya sa akin kanina ay tuluyan ng sumuko ang nagtitimpi kong puso. “I’ll be going, lock all your doors…okay?” walang ano-ano ay bilin niya sa akin. Walang paliwanag, walang kahit anong salita na nagsasabi kung ano ang ibig sabihin ng namagitan sa amin kanina lang. Nawalan ng lakas ang balikat ko at kusa itong lumaylay na parang nabigo ako sa inaasahan ko. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ilang saglit ay nakita ko siyang imikot sa kabilang side ng kotse nito para sumakay. Binuksan nito ang windshield at saka ito nag maniobra ng sarili nitong sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos. Kusang lumakad ang mga paa ko patungo sa elevator pataas sa condo unit ko. Nanatili akong tahimik at dinadama ang lahat ng mga sari-saring emosyon na naramdaman ko ng buong araw. Pagkagulat, pagka-inis at sa huli pagiging masaya…masaya dahil sa wakas ay naliwanagan na rin ako sa tunay kong nararamdaman kay Sir Ezekiel. **** Nang sumunod na araw ay maaga akong gumising. Late man ako nakatulog kakaisip dahil sa mga naganap sa amin ni Sir Ezekiel kahapon ay mas excited pa rin akong pumasok sa shop para makita siya. Pagkaligo ay agad akong gumayak para makapagluto ng umagahan kahit papaano. Mahalagang kumain para masimulan ang araw na masigla at masaya. At bigla ko na lang naalala ang sinabi niya na akin na kung ano daw ba ang mga kinakain ko at sobrang payat ko? Napatawa ako ng mag-isa ng maisip ko ang bagay na’yun. Nagluto ako ng fried rice at egg. Nagtimpla din ako ng orange juice, siguro naman mabubusog na ako sa mga hinanda kong pagkain. Sunod akong pumili ng damit na susuutin. Napahinto ako ng maisip ko bigla na talagang may nagbago sa akin simula ng mapagtanto kong may nararamdaman ako para kay Sir Ezekiel. Dati ay basta na lang akong damdampot ng damit para suotin. Wala akong specific na gustong suotin, pero ngayon ay bigla akong naconcious sa mga damit na nasa cabinet ko. Kaunti pa lang ang mga nandun at hindi ko naman dinala lahat ng mga damit ko ng umalis ako sa amin. Isa-isa kong hinawi ang mga hanger para sipatin ang mga damit na nakasabit doon. Isang sleeveless dress black na may touch of blue sa kuwelyo at manggas ang napili ko. Hapit ito sa kurba ng katawan ko at syempre nakikita ang maputing braso at binti ko dahil sa hanggang tuhod na haba nito. Isang kulay white na flat sandals naman ang isinuot ko sa paa. Nag apply ako ng light make-up. Kinulot ko rin ang ibabang bahagi ng buhok ko sa ulo pagkatapos masaya akong ngumiti sa salamin. Sana magustuhan niya ang suot kong damit ngayon at pati ang ayos ng mukha ko ay sinipat ko sa salamin. First time ko atang maramdaman ang ganitong excitement na makita ang isang taong hindi ko inaasahan magkakaroon ng puwang sa puso ko. Mabilis akong umalis palabas ng condo at kailangan kong maagang pumasok ngayon sa shop. Kinabukasan na ang soft opening namin, at sobrang excited ako dahil dun. Pagdating ko ng shop ay agad kong nakita ang isang guard na nakabantay sa pinto nito. Hindi nabanggit sa akin ni Sir Ezekiel na kukuha pa ito ng isang guard para sa shop namin. “Good morning po Ma’am Cathlyn.” Imbis na mapangiti ako ay biglang nangunot ang noo ko ng batiin niya ako gamit mismo ang pangalan ko. Kilala niya agad ako? At saka ko pinagmasdan ang guwardiyang nasa harap ko ngayon. Parang pamilyar ang mukha nito na hindi ko maalala kung saan ko minsang nakita. “Good morning,” sagot ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya pero napahinto ako at muli siyang binalingan. “Kuya, parang pamilyar ka sa akin?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. “Yes, po ma’am. Ako po ang pang gabing guard sa agency ni Sir Ezekiel. Sabi ko na nga ba, nakita ko siya minsan ng gabihin ako sa agency kaya pala pamilyar ito sa akin. “Ah, okay. Dito ka na pala pinalipat ni Sir Ezekiel?” “Opo ma’am. Ipromote daw po niya ako ng pang araw na duty.” Sabay tawa nito. Ako naman ay napangiwi na lang dahil sa corny nitong joke. “Sige kuya, maiwan muna kita d’yan.” Sabi ko. “Sige po ma’am. Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang tawagin ako. Bilin po kasi ni Sir Ezekiel ay bantayan kayong mabuti.” Naluwang ang ngiti ng labi ko pati ang mga mata ko dahil sa sinabi ni manong guard. Umagang-umaga ang kilig na naramdaman ko dahil sa binalita niyang iyon. Nakangiti akong lumakad papunta sa loob ng shop. Nakita kong busy sa pag-aayos ng mga paninda ang mga staff. Nang makalapit ako sa kanila ay nakagiti ring bumati ang mga ito sa akin. “Good morning po Ma’am Cathlyn.” Bungad agad sa akin ni Fairy. “Mukhang ang blooming nyo po ata ngayon araw ma’am.” Dagdag pa nito. Alam kong may kasunod pa ang banat nito kaya pinanglakihan ko na lang siya ng mata para bigyan ng warning kunwari. “Ma’am, anong oras po kaya pupunta dito sa shop si Sir Ezekiel?” tanong naman ni Alyssa na pinagtaka ko. “Hindi ako sure, bakit? May kailangan ka bang sabihin sa kanya?” “May kailangan po kasi siyang pirmahan sa mga invoice files po natin. May iba pa po kasing item na kahapon lang nairecord ang price sa system.” “Ganon ba, sige itetext ko na lang siya kung puwedeng ako na lang muna ang mag care off ng kailangan niyang pirmahan para maayos nyo na.” “Salamat po Ma’am Cath!” Masayang sagot ni Alyssa sa akin. “Walang anuman.” Nagpaalam ako sa kanila na ilalagay ko muna sa opisina ang mga gamit ko para matulungan ko sila sa pag po-polish ng iba pang bagay para sa opening bukas. Pagkabukas ko ng pinto ng office ay agad na bumalik ang senaryong nangyari sa amin ni Sir Ezekiel. Ang pagkain namin ng sabay, ang paghalik niya sa akin ng walang pasabi. Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko ang mga iyon. Ibinaba ko ang dala kong bag at saka ko kinuha sa loob nito ang cellphone ko para itext ito. Umupo ako sa white sofa habang nagtitipa ako ng puwede kong sabihin sa kanya. Papalit-palit ako ng message at halos inabot pa ata ako ng ilang segundo sa pag-iisip ng puwede kong imessage sa kanya. Sir, papasok ka po sa office ngayon? Kailangan ko ba siyang tanungin kung papasok siya o hindi? Bahala siya, malaki na siya ayoko namang magmukhang pinapangunahan niya ito sa pagdedesisyon. Sir, gusto ko lang po kayong inform na may importante po kayong dapat pirmahan dito sa shop. Para naman akong galit sa pangalawa kong message kaya binura ko ulit. At sakto namang binubura ko ang message na iyon ng magregister sa screen ng cellphone ko ang isang text mula kay Sir Ezekiel. I will not be able to drop by in our shop today, let’s see each other tomorrow. Iyon ang laman ng text message ni Sir Ezekiel sa akin. Nanglumo ako at hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil sa nabasa kong txt na hindi siya makakapunta sa shop ngayon araw. Baka naman busy un tao, maraming trabaho…kaya ganun. Alo ko sa sarili ko pero sa huli ay bagsak ang mga balikat ko na tumayo sa upuan. Ako na lang siguro ang mag co-counter sign sa mga documents na dapat nitong pirmahan para maisend na sa suppliers. Kailangan ko ding kumilos ng madalian ngayon araw dahil bukas na ang soft opening ng shop namin kaya dapat ay maging maayos ang lahat. Tsaka ko na lang iintindihin ang ibang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kung papaapekto ako ng husto sa mga nararamdaman ko ngayon. Payo ko sa sarili ko. Nagpasya na lang akong lumabas ng opisina at bago ko isinara ang pinto ay sinulyapan ko muli ang kabuuan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD