Chapter 21

4175 Words
CATHLYN “Hi.” Bati ko kay Limuel sabay yakap ko sa folder na dala ko paglabas ng opisina ni Sir Ezekiel. Niyaya ko siyang maupo sa isang pares ng upuan at isang maliit na center table sa gilid ng mismong shop. Nagulat pa ako ng iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses. Napangiti ako pagdaka ng abutin ko ang mga iyon. “Salamat, may pa flowers ka pa talaga ah.” Komento ko, hindi ko napigilan na itapat ang mga bulaklak sa gawing ilong ko para langhapin ang bango nito. “Syempre naman, nagpapa good shot ako sayo di’ba.” Nagsimula na naman itong magbiro. Ngingiti sana ako ng maluwang dahil sa sinabi niya pero nahinto lang ang mga labi ko ng mahagip ng mga mata ko si Sir Ezekiel na nakatayo malapit sa entrance door ng office ng mismong main shop namin. Nakatingin siya ng masama na naman sa akin partikular sa hawak kong mga bulaklak. Para akong napapaso sa ginagawa niyang paninitig at pakiramdam ko ay mas gusto ko pang lumubog na lang sa kinauupuan ko kaysa ang magtagal ang ganoong nitong pagtitig niya sa akin. Nang maramdaman ni Limuel na nakatingin ako sa likuran nito ay agad ding itong napatingin kung saan binabantayan ko ang mga hakbang ni Sir Ezekiel habang papalapit ito sa gawi naming dalawa. Nahigit ko ang paghinga ko ng magtama ang mga mata namin na mag amo. Naalala ko naman ang mapagparusang halik na binigay niya sa mga labi ko kanina lamang. Aaminin kong nagustuhan ko ang ginawa niyang paghalik sa akin lalo na at nagdulot ito ng bulta-bultaheng kuryente sa buong sistema ko. Kahit naman iba ang tingin ng mga magulang ko sa akin, kahit kailan ay hindi ko hinayaan na madungisan ang p********e ko ng kung sino mang lalake. Kaya ang mahalikan sa unang beses ng isang Ezekiel Montalvo ay talagang nakatatak na sa isipan at puso ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ako makakatulog agad mamaya dahil sa kakaisip sa halik na iyon. Nang makarating si Sir Ezekiel sa gawi kung saan kami nakaupo ni Limuel ay ibinababa ko ang mga bulaklak na hawak ko. Tumayo ako saglit at sinalubong ko ang mga titig nito sa akin. “S-sir…” “May bisita ka pala?” mabilis na tanong nito na hindi tinatanggal ang mga mata sa akin. Ni sulyap ay hindi nito tinitigan si Limuel na naghihintay man lang na batiin nito. “Opo sir, bumisita lang po si Limuel…nangangamusta sa nalalapit nating opening?” Pagkarinig nito sa sinabi ko ay saka nito tinapunan ng tingin si Limuel. Saglit lang ginawa nitong paglingon dito at ibinalik nito muli ang mga mata sa akin. “Kailangan ba na pagdumalaw ay may bitbit pang mga bulaklak?” Napahinto na naman sa pagtibok ang puso ko at hindi ko inaasahan na sasabihin ni Sir Ezekiel ang tungkol sa pagbibigay ni Limuel sa akin ng mga bulaklak. At saka ko naalala ang huli nitong sinabi sa akin bago ako lumabas ng opisina nito. “The next time that you will smile because of that idiot and his text, hindi lang yan ang gagawin ko sayo.” Pagkaisip ko sa bagay na’yun ay muli kong tiningnan ang mga bulaklak na nasa mesa ng mga sandaling iyon. Kinabahan ako ng malakas at hindi rin nakawala sa pangdinig ko ang pa-ismid ni Limuel dahil sa sinabi ni Sir Ezekiel sa harapan namin. Parang gustong mag colapse ng mga tuhod ko sa nerbiyos ng makita ko kung paano magtitigan ng masama ang dalawang lalakeng nasa tabi ko ngayon. Parang naghahamon ng away ang mga ito sa isa’t-isa. Sa huli ay si Limuel na ang imiwas ng tingin kay Sir Ezekiel at muli niya akong kinausap. “Mauna na ako Cath, mukhang hindi ata ako welcome dito sa shop nyo. Bibisita na lang ako sa ibang araw, yung walang istorbo sa pag-uusap nating dalawa.” Makahulugan nitong sabi sa akin. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi ni Limuel lalo na at nasa tabi ko pa rin si Sir Ezekiel na masama pa rin ang titig kay dito. Kapag nagsalita pa ako ay parang sumang-ayon na ako sa gustong mangyari ni Limuel kaya nanatili na lang akong tahimik habang tumatayo ito sa upuan. “Bye, Cath.” Sa huli ay sabi na lang ni Limuel sa akin. Sa pagkakataong iyon ay tumango na lang ako sa sinabi niya at hinawakan pa niya ako sa balikat saglit bago tuluyang umalis. Nang makalabas ito ng pinto ng shop ay saka ko tahimik na nilingon muli si Sir Ezekiel na ngayon ay nakatitig na pala sa mga bulaklak na nasa table. At wala sa hinuha ko na dadamputin nito ang mga iyon at saka binitbit dirertso sa basurahan. Padabog pa nitong isinalya sa nguso ng basurahan ang mga bulaklak para magkasya. Naglikha iyon ng ingay kaya napatingin na rin ang mga staff sa ginawa ni Sir Ezekiel. Napaawang na lang ang mga labi ko dahil sa ginawa nito. Nagtimpi ako na magsalita o magpakita ng galit sa harap niya kahit alam kong mali na ang pinaggagawa nito. Alang-alang sa negosyong sinisimulan namin ay magtitimpi ako na hindi makipag-away sa kanya lalo na at ayokong maapektuhan ang nalalapit na opening ng negosyo namin.. Kailangan ko lang magtiyaga hanggang sa maging maayos na lahat at kapag nangyari iyon ay hindi na ito makakapag inarti sa harapan ko katulad ng ginagawa nito ngayon. Sunod kong nakitang muling bumalik si Sir Ezekiel sa opisina nito at hindi man lang ako nililingon. Maging ang mga kasamahan namin sa shop na halos mapatalon sa gulat dahil sa ginawa nito ay hindi man lang nito sinulyapan. Napabungtonghininga na lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko at talagang literal na masakit sa bangs ang magkaroon ng isang amo na katulad ni Sir Ezekiel. Ako na lang ang lumapit sa mga kasamahan naming para kausapin ang mga ito at baka kung ano pa ang iniisip ng mga ito sa amin ni Sir Ezekiel dahil sa mga nasaksihan ng mga ito. “Fairy, naayos mo na ba ang ribbon na gagamitin sa opening?” sinadya ko munang ibahin ang topic ng lapitan ko sila. “Opo Ma’am Cathlyn, ready na po. Ipapacheck nga po sana namin sa inyo ni Sir Ezekiel itong ribbon kung hindi lang po siya na bad trip kanina.” Makahulugan nitong sabi sa harap ko at saka pasimpleng nagngitian ang dalawa pa nitong kasama na sina Jeacel at Alyssa. Saglit akong tumikhim bago nagsalita. Gusto kong maging pormal pa rin ang pakikipag-usap sa mga ito. Kung sa akin lang ay okay lang ang ganoong biruan kaso ay paano kung mismong si Sir Ezekiel ang biruin ng mga ito at magalit ito? Delikado na. “Fairy talaga.” “Mukha pong nagselos si Sir Ezekiel kanina Ma’am Cathlyn.” Pabiro pang habol ni Alyssa sa akin at napangiwi na lang ako dahil sa sinabi nito. Alam ko namang biro lang ito pero may parte ng puso ko na umaasang baka nga may nararamdamang selos si Sir Ezekiel kay Limuel kaya nito ginawa ang pagtatapon ng bulaklak sa basurahan kanina. Oh, puwede rin naman na galit ito kasi ay hindi ako marunong sumunod sa usapan namin bago ako sumang-ayon na makipag business partner sa kanya. Hindi ako dapat mag entertain ng suitor dahil ayon kay Sir Ezekiel ay baka hindi ako makapag focus sa negosyo naming dalawa na naiintindihan ko naman. Ang point ko lang, dapat ba talagang ipakita pa nito sa tao na hindi nito gusto ang paglapit lapit sa akin ni Limuel? Puwede naman niya akong personal na kausapin tungkol doon. Hindi katulad nito na parang ang sama ng tingin niya sa akin. At ganoon din ako sa kanya. Pakiramdam ko ay wala na sa ayos ang paghihigpit niya sa akin, pero wala akong magawa. He’s like an armor that protects me against any harm, and at the same…an armor that always restrains me to do what makes me think is good. Nalilito na tuloy ako sa mga nangyayari sa aming dalawa ni Sir Ezekiel. Minsan okay kami, minsan para naman kaming langis at tubig na hindi puwedeng magsama sa isang lugar. Nahigit ko na lang ang paghinga ko at nagpatuloy na makipag-usap sa kanila. “Kayo talaga, kung ano-ano ang mga sinasabi nyo. Mamaya marinig tayo ng Sir Ezekiel nyo, lagot kayo.” Pabiro ko ring sabi sa kanila na kinaalrma ng mga ito. “Uy, oo nga. Kayo kasi ih…baka talagang seloso lang si Sir Ezekiel sa mga kaibigan na boys ni Ma’am Cathlyn.” Minsan pa ay nagbiro si Alyssa na kinatawa naman namin. Ayaw talagang magpaawat ng mga ito. At natigil lang ang tawanan namin ng may mabasa akong text mula sa kapatid ko. “Ate, kailan ka ba babalik ng bahay? May sakit si mommy, hindi mo ba siya dadalawin?” text iyon na galing kay Cristoff. Alam kong baka gumagawa lang ng dahilan sila mommy para mapabalik ako ng bahay namin kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang text ng kapatid ko. Hindi dapat magulo ang isipan ko para magawa ko ng maayos ang mga dapat kong gawin dito sa shop. Kailangang magtagumpay ako at iyon ang dapat kong isipin palagi hanggang sa matupad ko na ang mga pangarap ko sa buhay. Saka ko na lang rereplayan si Crisstof kapag maayos na ang lahat. Alam kong hindi naman niya pababayaan ang mga magulang namin, I trust him. Sumapit ang gabi at buong akala ko ay aalis ng maaga si Sir Ezekiel sa shop. Baka kasi babalik ito ng agency o may lakad ito. Pero hindi ito lumabas ng loob ng opisina nito hanggang magdilim. At pare-pareho kaming napalingon sa pinto ng may pumasok na isang lalaki na may dalang mga paper bag. Ang akala namin ay bibili na ito, sasabihin sana naming hindi pa tumatanggap ng mga costumer ang shop. Pero ng may ilabas itong resibo mula sa bulsa nito. “Delivery po para kay Ms. Cathlyn Agustin.” Nagulat ako at bigla-bigla ay nagkaroon ako ng order samantalang wala namang akong kinokontak na food delivery kanina. “Sigurado po kayo kuya? Sa aking deliver yan? Wala naman po akong pinapadeliver na kahit ano.” Nalaman ko lang na pagkain ang dala-dala nito base sa nakasulat na i.d ng delivery boy na kausap namin ngayon. Delivery boy ito ng isa sa sikat na food delivery na minsan ko na ring inorderan ng pagkain. “Opo mam, bale bayad na po ito lahat.” Dugtong pa nitong sabi. At wala na nga akong nagawa kung hindi pirmahan ang resibong dal anito. Iniabot naman ng delivery boy ang mga supot ng pagkain sa mga staff na katabi ko. Pagkatapos kong marecieved ang mga order ay nagtataka akong muling tinanong ang delivery boy. “Sino ba ang nag order ng mga pagkain na’to kuya?” sasagot na sana ang lalakeng kausap ko ng pareho kaming mapatingin sa cellphone ko na umilaw. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko, at doon ko nabasa ang sagot sa tanong ko sa delivery boy na naghatid ng mga pagkain sa shop. “Prepair all the food that I ordered, I’m so hungry.” Iyon ang text ni Sir Ezekiel na nabasa ko at napakamot na lang ako sa batok pagkatapos. “Okay na pala kuya, sige salamat.” Iyon na lang ang nasabi ko at nagpaalam na rin ang delivery boy sa amin. “Sige po ma’am. Pakisabi po kay Mr. Montalvo…thank you sa pagpapadeliver ng mga pagkain.” At katulad ng inaasahan ko ay pasimple na namang ngumiti ang mga staff na katabi ko dahil sa sinabing iyon ng delivery boy na talagang nag-iwan pa ng pagtatawanan ng mga babaitang ito bago umalis. Mababait ang mga staff na na hire namin ni Sir Ezekiel, at agad ay nakagaaanan ko ng loob. Iyon naman ang isa sa mga dapat ay ginagawa ng mga employer sa mga empleyado nila. Ang makipaglapit at makilala ang mga ito para mas maging magaan ang pakikipagtrabaho ng bawat isa. Nang makaalis na ang nagdeliver ng pagkain ay ang mga ito naman ang hinarap ko. Inihawak ko pa ang isa kong kamay sa bewang para kunwari ay magmukha akong mataray sa harap ng mga ito. Pero ang totoo ay magbibiruan na naman kami ng mga ito. “Ano na naman ang tinatawa-tawa ninyo d’yan aber?” masungit kong tanong sa kanila. Isa-isang nagtikom ng bibig ang mga ito mula sa pagkakangiti at saka nagsalita. “Wala po ma’am, mukhang may nagbigay ng peace offering sa inyo.” Hirit na naman ni Alyssa na kinakunot ng noo ko. Peace offering? Malayo ata sa katotohanan ang sinasabi nito lalo na at inalala ko ang text ni Sir Ezekiel. Nagugutom na ito! Mabilis kong nilingon sila Fairy at kinuha ang mga pagkaing bitbit ng mga ito. “Akin na nga iyan.” At mabilis kong tinungo ang maliit na kusina ng shop para isalin sa plato ang mga pagkain na dala-dala ko. Isa-isa kong nilagay sa plato ang mga pagkain na inorder ni Sir Ezekiel. Base sa text nito ay mukha talagang gutom na gutom na ito. May kare-kare, beef steak at mixed vegetables. May two slice of cake din na kasama ang ulam at kanin na inorder nito. Hindi naman halatang gutom na talaga ito sa dami ng inorder nitong pagkain. Nagpatulong na lang ako kay Alyssa at sa dalawa pa nitong kasama na ipatong sa side table ang dalawang tray ng pagkain bago nagpaalam ang mga itong uuwi na. Naayos na raw ng mga ito ang lahat para sa soft opening sa susunod na araw. Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakas loob na katukin ang pinto ng opisina ni Sir Ezekiel. Tatlong mahihinang katok ang ginawa ko saka ko binalingan at dinampot ang tray ng pagkain sa gilid ko. Pagtalikod ko ay siya namang pagbukas ng pinto. Ang buong akala ko ay ako mismo ang magbubukas ng pinto kaya medyo namoblema pa ako kung paano ko bibitbitin ang dalawang tray na kinalalagyan ng mga pagkain. Akma kong ipapasok muna ang isang tray na dala ko at kasya naman ako sa pinto base sa luwang ng pagkakabukas nito. Pero nagulat ako ng walang ano-ano ay kinuha ni Sir Ezekiel ang dala kong tray at ito mismo ang nagpasok nito sa loob ng opisina. Napatitig ako saglit sa ginawa niya pero ng maalala kong may isa pang tray na kailangang bitbitin ay agad naman akong kumilos para bitbitin ito. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ng nakapatong ang tray na kinuha ni Sir Ezekiel sa akin sa mismong malapad na mesa nito. Katulad kanina ay kinuha na naman nito ang tray na bitbit ko. Tumitig pa siya sa akin ng kuhanin niya mula sa mga kamay ko ang tray na hawak ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin para hindi nito masyadong mapansin ang kakaiba na namang pakiramdam na namumuo sa puso ko ng dahil lang sa simpleng pagtitig nito sa mga mata ko. Inalis nito isa-isa ang mga platong nakapatong sa tray at inayos sa mesa. Pagkatapos ay muli niya akong binalingan. “Let’s eat.” sabi niya sa akin na kinagulat ko muli. Balak ko na sanang magpaalam sa kanya na umuwi na at sa condo na lang ako magluluto ng hapunan. “Po? O-okay lang po sir…sa condo na lang po ako maghahapunan.” Tanggi ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nito kanina habang kaharap namin ni Limuel. Maging ang paghalik niya sa akin ng walang paalam ay hindi na mawala-wala sa isipan ko. “I said, let’s eat. Sabayan muna akong kumain, saka tayo umuwi.” Napaawang na naman ang mga labi ko. Wala na ba talaga akong paraan na puwedeng gawin para tumanggi sa kanya? Nakipagtitigan siya sa akin na tila siguradong-sigurado itong hindi ako tatanggi sa paanyaya niya. Naiinis akong isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin akong kalayaang gawin ang mga bagay sa buhay ko. Ang kaibahan lang, kahit na napipilitan akong sundin ang mga gusto Sir Ezekiel…hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi. Hindi katulad ng nangyayari sa akin at sa mga magulang ko. Pakiramdam ko, ay hindi nila ako anak sa paraan nila ng pakikitungo sa akin, maging kung paano nila ako gustong sumunod sa mga gusto nila. Ang hirap lang kasi ang sakit sa puso na tratuhin ka ng mga magulang mo na para kang isang taong walang pakiramdam at karapatang maging masaya. Nang maramdaman kong hindi nagbago ang titig ni Sir Ezekiel sa akin ay nagdesisyon na akong lumapit sa mesa kung nasaan ang mga pagkain. Gagawin ko na lang ang bagay na alam kong kahit mahirap ay makakapagbigay naman sa akin ng pag-asa na isang araw ay matutupad ko rin ang mga pangarap ko sa buhay. At mangyayari lang ang mga bagay na iyon kapag natutunan kong unawain ang gustong mangyari ni Sir Ezekiel. Pasasaan ba at magiging maayos din ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Hindi man ngayon, pero sa mga darating na araw. Pinauna niya akong umupo saka lang umupo sa sariling swivel chair si Sir Ezekiel. Tinitigan muna nito ang mga pagkain sa mesa saka ako muling sinulyapan. “What do you want?” mayamaya ay tanong niya sa akin. Napatingin tuloy ako sa mga pagkain nakaharap sa amin ngayon. Parang ang sarap ng mixed vegetables at ang creamy ng souce nito. At maging ang beef steak na mas lalo pang nakapagpatakam sa akin. “Gulay na lang po sir, at yun beef.” Sabi ko. Akma akong kukuha ng plato ng mabilis ding kumilos si Sir Ezekiel para kumuha ng plato at ito na mismo ang naglagay ng pagkain para sa akin. Tinitigan ko siya habang ginagawa nito ang paglalagay ng pagkain sa plato. Nakalilis na ang long sleeve nito na cotton kaya bakas sa mga braso nito ang mga muscle habang hawak nito sa ere ang plato at pinaglalagyan niya ito ng pagkain. Nadako naman ang mga mata ko sa gawing tiyan nito na flat halos at wala kang makitang taba. Malaki ang katawan ni Sir Ezekiel katulad ng mga kapatid nito. Halos magkakasing kaha ang mga ito at hindi magkakaila na magkakapatid ang mga ito sa ama. Maging ang ama nitong si Don Lorenzo Montalvo ay nakita ko na rin ng mismong itong umattend sa party ng agency na pagmamay-ari ng anak nitong si Ezekiel . Katulad ng mga anak nitong lalake ay magandang lalake rin ito. Sa edad nito ay matikas pa rin ang pangangatawan na halatang nasa genes na ng mga Montalvo. Talagang may karisma ang mga lalakeng Montalvo na hindi basta mapipigilan na mapansin ng mga kababaihan. Nang matapos nitong lagyan ng mga pagkain ang plato ko ay muli niya akong tinitigan at inaabot ang plato sa akin. Doon muling nagtagpo ang mga mata namin. Pinagmasdan ko ang itim na mga mata niya na halatang may mahabang pilikmata. Ang matangos nitong ilong na parang ang sarap pisiling at syempre ang mga labi nitong kanina lang ay sumakop sa mga labi ko. Napalunok ako saglit ng sarili kong laway ng maalala ko ang tagpong nangyari sa amin kanina. Parang nawala ako saglit sa sarili ko at nakalimutan kong nakatitig siya sa’akin ng mga oras na iyon. Baka kung ano na ang iniisip niya sa akin ah? Nakakahiya! Walang ano-ano ay inabot ko ang platong nasa harap ko at doon na lang itinuon ang pansin ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sir Ezekiel dahil sa mga kinikilos ko. Hindi naman niya ako masisisi at kung bakit ba kasi bigla-bigla ay nanghahalik siya…yan tuloy natulala ako sa harap niya. Sana lang ay hindi nito napansin kung paano ko siya titigan ng mariin kanina. Nang magsimula kaming kumain ay medyo nabawasan ang malakas na pagtambol ng puso ko at pareho kaming nakatuon sa pagkain. Nakuha lang muli ni Sir Ezekiel ang atensyon ko ng lagyan pa niya ako ng ulam sa plato kahit na hindi naman ako nanghihingi. “Eat more, ang payat muna. Ano ba ang mga kinakain mo at hindi ka tumataba?” napatulala ako sa sinabi niya sa mismong harap ko. Ako? Payat? As in sobrang payat daw? Napatingin tuloy ako sa katawan ko ng wala sa oras at sinipat ko rin ang mga braso ko. Well, hindi naman ako sobrang payat, slim ang tawag kapag walang mga excess fats sa katawan. Akala mo namang buto’t balat ang hitsura ko kung makatanong ito kung bakit ganun ang size ng katawan ko. Palibhasa, sanay itong makakita ng mga babaeng maliliit ang tiyan, malalaki ang boobs at parang mga bold star ang dating. Tsssk! Inis ko siyang inirapan kahit na nakatingin pala siya sa akin. Wala akong pakielam kung pagalitan niya ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Emotional damage na ang ginagawa niya sa akin ah, masyado na nitong tinatapakan ang pagkatao ko sa pamimintas niya ng bonggang-bongga sa akin. Susme! Habang nagpupuyos ang dibdib ko sa inis ay kabaligtaran naman ang nakita kong hitsura nito ng irapan ko siya ng harapan. Nakangiti pa ito na parang nakakaloko at talagang nakuha pa nito na ngisihan ako at ang hitsura ko talaga? Inis ko pa ring lintanya sa sarili ko. “It’s not what I mean, okay.” Agad naman nitong bawi sa una nitong pamimintas na sinabi sa akin. At talagang lulusot pa ang mokong na’to, kala mo naman ay hindi siya nakakasakit ng damdamin sa mga pinagsasabi nito. “Okay lang po sir, totoo naman ang mga sinasabi mo.” Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain kaysa makipagtalo sa kanya. Maano bang latiin niya ako, wala akong pakielam, ang pakikipag business partner ko sa kanya ang dapat ko lang intindihin. Kapag nag success ang unang branch namin na naitayo ay panigurado na magtatayo pa kami ng panibago at pag nagkataon…hindi na kami madalas na magkikita. May pinong kirot akong naramdaman ng maisip ko ang bagay na’yun. Kaya lang ay iyon naman talaga ang goal ko, hindi ba? Bakit pagdating sa usapang pakikipaglapit ko sa kanya ay mayroon talagang parte ng puso ko ang nagbubunyi kapag kasama ko siya, at parte naman ng puso ko na nalulungkot kapag naiisip kong hindi ko siya makikita. Sunod ko siyang narinig na timikhim at ng lingunin ko siya ay nakadikit na sa mga labi nito ang isang wine glass na may lamang alak. Ganoon nito kabilis nasalinan ng alak ang baso nito at hindi ko man naramdaman? Nahuli ko rin siyang nakatitig sa akin at hindi lang basta titig ang ginagawa niya, as in hindi ito kumukurap at para bang inaakit niya ako sa paraan niya ng pagtitig sa mga mata ko. Hindi ko na napigil ang sarili ko na mapainom ng juice sa tabi ko para putulin kung anomang kahibangan na ginagawa ng amo ko, at baka hindi ko na rin makayanan at bumigay na rin ako sa mga pinaggagawa nito. Isipin ko pa lang na kami lang dalawa dito sa shop, at gabi pa…iba na ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko naman nararamdaman ang ganitong bagay kapag may kasama akong mga lalake kasi alam kong hindi ganoon kalalim ang namamagitan sa amin ng mga lalakeng iyon. Pero iba ang takot at kaba ko kapag si Sir Ezekiel na ang nasa tabi ko, ang kasama ko. Pakiramdam ko, siya ang tipo ng lalakeng makakabali sa katatagan ko bilang babae. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nasamid dahil sa pag-inom ko ng juice. Na conscious kasi ako sa pagtitig niya sa akin kahit na sa pag-inom ko ay nanatili siyang nakatingin sa akin. Nakita kong tumayo si Sir Ezekiel at may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. Mula doon ay inilabas nito ang isang puting panyo at iniabot sa akin. “Take this.” Abot niya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang offer niya at talaga namang sobra ang kati ng lalamunan ko ng mga oras na iyon. Pagkatapos kong abutin ang panyo na pagmamay-ari nito ay sunod kong naramdaman sa likod ko ang isang palad niya. Masuyo nitong hinahagod ang palad nito sa likod ko para tulungan akong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagkakasamid. Mas lalo pa atang nangati ang lalamunan ko ng sa bawat paghagod ng palad nito sa likod ko ay nakaramdam ako ng kakaibang kiliti at kilig. At hindi ko man aminin ay may epekto ito sa puso ko maging sa buo kong sistema. “Are you okay?” mayamaya ay tanong nito sa akin. Napatingala tuloy ako sa kanya para sumagot at ng akma kong igagalaw ang ulo ko ay parang huminto naman ang mundo ko sa sumunod na nangyari. Banayad niyang inilapit ang mga labi nito sa labi ko at walang ano-ano ay hinalikan niya ako ng walang paalam, katulad kanina. Saglit lang ang halik na’yun pero nag-iwan na naman ito ng bulta-bultaheng kuryente sa pakiramdam ko. Bago niya bitawan ang wala kong kalaban-laban na mga labi mula sa pagkakahalik niya dito ay naramdaman ko pa ang pagkagat nito ng manipis sa ilalim ng labi ko dahilan kung bakit napatitig ako muli sa mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD