CATHLYN
Habang nasa biyahe kami papunta sa mismong shop namin ay pareho lang kaming nakatahimik. Walang imikan at naputol lang ang katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone ko at may nagtext.
Saglit kong kinuha sa loob ng bag ko ang cellhphone ko. Nang pailawin ko ang screen ng cellphone ko ay agad na rumihistro ang pangalan ni Limuel kung saan nanggaling ang text.
Binuksan ko ang mismong message niya at napangiti ako sa hirit na naman nito.
Hi Miss Beautiful! I know your smiling while reading my text. Hope I can see your beautiful face right now. See you later!
Hindi nga nagkamali si Limuel at napangiti niya ako sa simpleng text niya sa akin ng oras na’yun. At hindi ko inasahan ang biglang pagbusina ni Sir Ezekiel ng malakas sa kasunod naming sasakyan.
Nilingon ko siya at nakita ko ang magkasalubong nitong mga kilay. Ang mga kamay nito ay halatang mahigpit ang pagkakahawak sa manubela na bakas dahil sa maputing balat nito na kulay pula sa higpit ng pagkakahawak nito.
Hindi niya ako nilingon pagkatapos pero ako ay lakas loob na tiningnan siya ng matalim dahil sa ginawa nito. Palihim ko na lang siyang inirapan pagkatapos at kinausap ang sarili ko.
Kalma ka lang Cath, pigilan mo ang sarili mo para sa ikaaayus ng lahat. Masasanay ka rin sa ugali ng amo mo, kaunting tiis pa. Pagkarating naming sa shop ay nagpatuloy pa rin sa pag susungit si Sir Ezekiel. Para itong isang bata na nagtru-truntums.
I just ignore him even though he still manage to open the door of his car for me. Hindi ko na lang siya tinangkang tingnam man lang para makaiwas sa nagbabadya na naman naming pag-aaway.
Sabay kaming pumasok sa loob ng shop. Pinauna niya akong pumasok sa loob nito pagkatapos ay sumunod na siya sa likod ko.
Naabutan na namin na may tatlong staff na nasa loob ng shop. Inaayos na nila ang ilan sa mga huling dapat na ayusin bago ang opening.
“Good morning po Sir Ezekiel, Ma’am Cathlyn.” Magiliw na bati ng mga ito sa aming dalawa.
Binigyan ko na lang sila ng magiliw na ngiti para ipakita na wala silang dapat na ikatakot sa akin, ewan ko lang dito sa katabi ko.
Lumapit pa si Sir Ezekiel sa akin na halos ay magkabunggo na ang mga katawan at siko naming dalawa. Nakita ko pa ang pag ngiti ng mga staff na kasama namin sa shop. Sunod ay may binulong ito sa akin.
“Let’s talk at the office.” Sabi ni Sir Ezekiel sa akin gamit ang buo nitong boses pero hindi katulad kanina at hindi na ito kakabakasan ng anuman inis.
Pagdaka ay nilingon ko siya at muntik pa akong maduling dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Bigla na namang nagwala ang puso ko at hindi ko napigilang mapatitig sa mapupungay niyang mga mata. Hindi agad ako nakasagot kaya nagulat pa ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
“Cathlyn.”
Napakurap ako ng tatlong beses bago muling nakabawi sa pagkaka stuck ng mga mata ko sa pagtitig sa kanya. Napansin ko kakaibang ngiti na gusto sanang lumabas sa mga labi ni Sir Ezekiel pero nagpigil lang ito pagdaka.
“S-sige po sir.” Mahina kong sagot sa kanya at napadako bigla ang tingin ko sa mga staff na kasama namin na hindi ko alam kung bakit parang naghaharutan ang mga ito ng kung ano.
Binilinan ni Sir Ezekiel ang tatlong staff na ayusin na ang lahat at may pag-uusapan lang kaming mahalaga na dalawa sa office.
Sabay naming tinungo ang extended room na nasa loob mismo ng shop na ginawa naming office. Minimal lang ang mga gamit sa loob nito dahil iyon ang mas prefer na design ni Sir Ezekiel na masasabi ko namang maganda rin naman.
Mukhang palaging malinis ang loob nito. Bukod sa mabango ay maayos ang lahat ng mga ilang bagay na nasa loob nito kasama na dito ang isang file cabinet.Sa taas nito ay isang flower vase na palaging may sariwang mga bulaklak.
Pinagpaalam ko rin sa kanya ang paglalagay ng isang maliit na alter kung saan nakalagay si Mama Mary. Naka hang ang mismong altar na ito at kita agad si Mama Mary pagpasok pa lang sa loob ng opisina.
Si Sir Ezekiel muli ang nagbukas ng pinto. Hinayaan niya akong makapasok saka nito sinara ang pinto. Medyo na conscious pa nga ako at siya ang amo pero ako pa ang pinagbubukas niya ng pinto. Maging sa sasakyan o dito sa loob ng office namin.
Hinintay ko siyang umupo bago sana ako maupo rin sa isang kulay puting sofa pero hindi ito naupo. Sa halip ay nanatili itong nakatayo at humarap siya sa akin.
Kung may sakit ako sa puso ay malamang na ilang beses na akong inatake dahil sa pagkagulat. Palagi na lang siyang nakatitig sa akin na para bang may kakaiba sa akin. Hindi naman ako masanay sa ugali niyang iyon.
Nanatili akong tahimik habang dinadama ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Para tuloy akong pawis na pawis ang hitsura kahit na malakas naman ang lamig ng aircon sa loob ng opisina namin.
Nakapamulsa ang isang kamay ni Sir Ezekiel sa suot nitong pantalon habang ang isa nitong kamay ay malayang nakababa sa isa nitong tagliran.
Mas lalong nagwala ang puso ko ng unti-unti ay lumapit siya sa akin ng walang ano-ano. Parang naging slow motion ang lahat sa naging pakiramdam ko ng sandaling iyon.
Hindi ko iginalaw ang mga paa ko habang papalapit siya sa puwesto ko dahil ang buong akala ko ay hihinto ito sa tapat ko lang. Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko sa sunod niyang ginawa.
Ang kamay nito kanina na nasa loob ng bulsa ng pantalon nito ay ngayon ay nakahawak na sa batok ko at halos hindi ko na naramdaman ang paghapit niya sa bewang ko para mas lalong madikit ang katawan ko sa katawan niya.
Hindi ko naikurap ang mga mata ko ng walang paalam niyang nilusob ang mga labi ko na halos walang nagawa ng sakupin nito.
Ramdam ko ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw dahil sa kabiglaan at naging dahiln iyon para mas lalo nitong ariin ang inusente kong mga labi.
At ng subukan nitong ipasok ang dila nito sa loob ng bibig ko ay doon nagising ang diwa ko sa mga nangyayari.
Bahagya kong tinikom ang mga labi ko para maramdaman ni Sir Ezekiel na hindi ako manhid at damang-dama ko ang init ng mga labi nito habang ginagalugad nito ang kabuuan ng mga labi ko. Saglit ko rin siyang tinulak pero walang silbi ang ginawa kong pagtulak sa kanya dahil mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayapos sa bewang ko.
Saglit kaming nagtitigan at pareho naming inaarok ang laman ng mga isip at puso namin ng mga oras na’yun. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang angkinin ang mga labi ko, ang halikan ito ng walang pakundangan!
“The next time that you will smile because of that idiot and his text, hindi lang yan ang gagawin ko sayo.”
That voice of him made me shiver for a while. Na istatwa ako at hindi alam ang dapat na ilabas na sa salita sa bibig ko.
Ang sinabi niyang iyon ay hindi isang simpleng pagpapaala-ala lang kung hindi ito ay isang pagbabanta!
Nakita niya pala akong nakangiti kanina habang binabasa ang text ni Limuel? At naalala ko ang bigla nitong pagbusina ng malakas kanina kahit sa kasunod naming sasakyan.
Nawalan ako ng sasabihin at pareho kaming napatingin sa pinto kung saan may sunod-sunod na katok kaming narinig. Dahan-dahan kong naramdaman ang pagkalas ng mga kamay ni Sir Ezekiel sa batok at bewang ko. Marahil ay naintindihan nitong kailangan naming buksan ang pinto ng opisina para malaman naming kung sino ang kumakatok.
At ito na nga ang kumilos para buksan ang pinto. Sinamantala ko naman ang pagtalikod ni Sir Ezekiel para punasan ang nabasa kong mga labi dahil sa paghalik na ginawa niya sa akin kanina. Nang buksan ni Sir Ezekiel ang pinto ay isa sa mga staff ang bumungad dito.
“Sir Ezekiel, may naghahanap po kay Ma’am Cathlyn…Limuel po ang pangalan.”
Nahigit ko ang paghinga ko ng marinig ko ang pangalan ni Limuel na banggitin ng isa sa mga staff ng shop namin.
Para akong nanghihina ng salubungin ko na naman ang mga titig ni Sir Ezekiel. Ang tingin niya ay puno ng pagbabanta na hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapaglalabanan.
Lumakad ako palapit sa pinto kahit na parang nangangatog ang mga binti ko. Hindi kasi ako pinakawalan ng mga mata ni Sir Ezekiel hanggang sa makarating ako sa mismong tapat ng pinto kung saan naghihintay ang staff na kausap nito.
“P-pakisabi ay susunod na ako, may liligpitin lang akong mga bagay dito.” Kinakabahan kong sabi sa staff. Agad naman itong tumango at tumalikod. Ako naman ay bumaling muli sa loob ng opisina.
Kinuha ko ang mga papel na nasa isang folder na balak ko sanang papirmahan kay Sir Ezekiel kaya nasa ibabaw ng table nito kaya lang ay malayo ko itong magawa ngayon.
Pagkakuha ko ng folder ay saka ako walang paalam na lumabas ng opisina niya. Ni tingin ay hindi ko siya tinangkang tingnan at baka hindi ko na kayanin at tuluyan na akong bumigay sa kaba.
Nilagpasan ko lang siya na parang walang nangyaring kakaiba sa aming dalawa kanina lang. Maging ang banta niya sa akin ay hindi nawala sa isipan ko.
“The next time that you will smile because of that idiot and his text, hindi lang yan ang gagawin ko sayo.”
Para itong isang malakas na tunog na nag e-echo sa isipan ko hanggang sa tuluyan akong makaalis sa loob ng opisina nito.
LIMUEL
Pagkatapos kong itext si Cathlyn ay hind ko na napigilan ang sarili kong makita siya. Simula ng magkita kami sa isang floating restaurant ay hindi na siya nawala sa isip ko.
There is something especial ay felt for her. Hindi basta-basta ang mga problema sa mga pamilya namin in the past. Ang pilitin kang ipagpatuloy ang negosyong nakagisnan ng mga ito, ang pagpupumilit na makipag date sa isang taong hindi mo naman kakilala for the sake of the business matter. Lahat ng iyon ay pareho naming pinagdaan ni Cathlyn.
I'll just take every chance to get her easily. Hindi na puwedeng mangyari ang ginawa nitong pagtanggi sa aking years ago. I need her.
Hawak ko ang isang bouquet ng bulaklak ay matiyaga ko siyang hinintay mula opisina nito. Sabi ng isang staff ay nag-uusap daw ito kasama ang business partner nitong si Ezekiel Montalvo.
Balak ko ring sabihin kay Cathlyn na willing akong mag invest para makapagtayo ito ng sariling shop. Kahit na mag franchise na lang ito kay Ezekiel kung talagang ganong uri ng business ang gusto ni Cathlyn na itayo, basta malayo lang ito dito at mukhang may ibang balak ang lalakeng iyon kay Cathlyn sa pakikipag business partner nito sa dalaga. Kailangan ko ng kumilos bago mahuli ang lahat.
Ilang sandali pa ang lumipas at nakita ko ng dumarating si Cathlyn dala ang isang folder. Napahawi pa ito ng sariling buhok bago ito tuluyang makalapit sa akin at alangan itong ngumiti sa gawi pagkatapos.