THIRD-PERSON POINT OF VIEW
Katulad ng sabi ni Ezekiel kay Cathlyn ay hindi na ito pumasok sa agency. Kinabukasan ay hindi na nakita ni Ezekiel si Cathlyn sa trabaho nito.
Sa mismong shop na ito dumeretso ng araw na iyon at inayos ang ilan na lang na mga bagay para sa opening ng negosyo ng dalawa.
Abala si Cathlyn sa pag lilista ng mga inventory ng mga produkto na ibebenta ng shop nito at ni Ezekiel ng biglang bumukas ang glass door ng shop.
Napalingon si Cathlyn at nakita nito si Limuel na nakangiti at may dala pang mga bulaklak. Napangiti rin si Cathlyn ng tumayo ito mula sa pagkakaupo sa silya at ibinaba nito ang isang folder na hawak nito.
“Oh, ikaw pala Limuel. Napadpad ka ata uli dito sa shop?” biro ni Cathlyn kay Limuel na kinakunot naman ng noo nito.
“Ang sungit naman ng store manager na’to. Puwede bang magbibigay lang ng bulaklak kaya ako napadpad dito?” agap namang sagot nito kay Cathlyn na kinatawa ng dalawa.
“Kahit kailan ka talaga Limuel, napapatawa mo ako sa mga hirit mo.” Pagtatapat ni Cathlyn. Doon naman inabot ni Limuel ang dala nitong bouquet ng bulaklak sa dalaga.
“For you.” Sabi ni Limuel kay Cathlyn sabay abot sa dala nitong bulaklak.
“Thank you.”
At niyaya ni Cathlyn si Limuel para umupo. May softdrinks naman sa maliit na ref na nakalagay sa isang sulok ng shop kaya hindi nag-alala si Cathlyn kung ano ang ipapainom nito sa bisita.
Kumuha agad ng isang baso na may yelo si Cathlyn at sinalinan ng softdrinks.
“Magpalamig ka muna.” Alok ni Cathlyn kay Limuel.
Kinuha naman ng binata ang baso na inilapag ni Cathlyn para uminom.
“Tama ba ang intindi ko sa text mo, Cath? Dito ka na mag sta-stay sa shop at hindi ka na magtratrabaho sa agency?” paniniguro ni Limuel sa bagay na sinabi ni Cath dito sa text.
“Ummm, oo. Pumayag na si Sir Ezekiel na dito na ako mag focus sa business namin para maasikaso ko ng maayus itong shop.” Pagtatapat ni Cathlyn kay Limuel. Ibinaba muna nito ang hawak na baso ng softdrinks saka muling nagsalita.
“How can you be so sure na pagdating ng panahon ay magkakaroon ka rin ng shop na katulad nito? Ang sabi mo ay wala kang nilabas na pera at puro si Ezekiel Montalvo ang nag finance sa negosyo n'yo, tama ba?”
Napahinto si Cathlyn sa sinusulat nito dahil sa sinabi ni Limuel.
“Ang usapan ay hati kami sa kikitain nitong shop. At gagamitin ko naman ang makukuha kong pera sa negosyong ito para makapagtayo ng sarili ko ring shop na katulad nito pagdating ng panahon.” Paliwanag ni Cathlyn kay Limuel.
“Okay, sana lang ay tumupad si Ezekiel sa sinabi niya at baka sa huli ay mabalewala lang lahat ng pagud at paghihirap mo dito sa shop na tinayo ninyong dalawa.
“Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang negosyo namin ni Sir Ezekiel at magtatagumpay ako pagdating ng panahon.”
Nasa ganoong pag-uusap si Cathlyn at Limuel ng bigla ay marinig ng dalawa ang pagbukas muli ng pinto ng shop at bumungad naman sa harapan ng dalawa si Ezekiel.
Agad na napansin ni Cathlyn ang pag-iba na naman ng mood ng amo nito ng makita ni Ezekiel kung sino ang kausap ng dalaga. Nagsalubong agad makakapal nitong mga kilay at gumalaw ang mga panga nito.
Lumapit si Ezekiel sa dalawa at agad nitong tinapunan ng masamang titig ang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa mesa kung saan nag-uusap si Cathlyn at Limuel.
Napatayo si Cathlyn para salubungin ang boss nito.
“Sir Ezekiel, good morning po.” Bati ng dalaga kay Ezekiel. Saglit nitong tinitigan si Cathlyn at sunod na pinukol nito ng masamang tingin si Limuel.
“Is everything ready in here?” May himig ng inis ang boses ni Ezekiel ng tanungin nito si Cathlyn tungkol sa shop. Alangan namang sumagot ang dalaga pagkatapos.
“O-opo sir, okay naman po ang lahat. Ready na rin po tayo sa soft opening by the end of this month. Yun mga staff po ay darating na rin bago tayo mag opening.” Sagot ni Cathlyn kay Ezekiel. Hindi ito tumango bilang pag sang-ayun at inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng shop.
Nang makuntento ay muli nitong hinarap si Cathlyn na nagulat din sa biglang pagsulpot ni Ezekiel sa shop.
“Can we talk?” baling na tanong nita sa dalaga.
Tumingin muna si Cathlyn kay Limuel saglit saka sumagot.
“Sige po sir,”
“Cath, alis na muna ako.” Paalam ni Limuel sa dalaga. Hindi pinansin ni Ezekiel si Limuel hanggang sa makalabas ito ng shop. Napabuntong hininga na lang ang dalaga pagkatapos.
Nang tuluyang makaalis si Limuel ay hinarap na ni Ezekiel si Cathlyn. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa khaki pants na suot nito.
“Madalas bang pumupunta dito si Limuel?” walang ano-ano ay tanong ni Ezekiel kay Cathlyn na halatang nagulat sa tanong ng amo nito.
“Po?”
“That guy, madalas ba kako siyang dumaan dito sa shop?” pag-uulit ni Ezekiel na halatang iritable dahil sa pag-ulit nito ng tanong kay Cathlyn.
“Nangangamusta lang po si Limuel sir, kaya siya nagpunta dito.” Maagap na sagot ng dalaga kay Ezekiel. Muli ay nilingon nito ang mga bulaklak na nakapatong sa mesa.
“Nagdadala na rin pala ng bulaklak ngayon ang isang taong nangangamusta lang?” direktang komento ni Ezekiel sa dalang bulaklak ni Limuel para kay Cathlyn. Ang dalaga naman ang napalingon sa mga bulaklak at napabuntonghininga saglit.
“Hindi ko po alam na magdadala siya ng bulaklak ngayon araw. Kahapon naman ay wala siyang dalang ganyan.” Wala sa loob na sabi ni CAthlyn kay Ezekiel na mas lalong nagpakunot ng noo nito.
“What?! Pati kahapon ay nandito ang lalakeng iyon?”
“Opo, tinutulungan niya po kasi akong mag inventory ng mga naideliver na produkto dito sa shop pati ang pag-aayus ng mga paninda ay katulong ko din po siya.” Pagtatapat ni Cathlyn kay Ezekiel. Nakita ng dalaga na biglang dumilim ang awra ng binatang amo nito pagkatapos nitong ipagtapat dito na madalas na puntahan ni Limuel si Cathlyn sa shop.
Mula sa pagkakamulsa ng isa nitong kamay sa pantalon ay pinag ekis nito ang dalawa nitong matipunong braso sa harapan ng dibdib nito.
“Sa Thursday ay kasal na ni Kuya Lucas at Ate Maxine in civil wedding. Tayo daw dalawa ang kukuhanin nilang witness sa kasal nila.” Pagbabalita nito kay Cathlyn na hindi naalis ang kunot sa noo nito.
Nagulat si Cathlyn sa sinabi ni Ezekiel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa sa civil. Noong kasing nakausap ni Cathlyn si Maxine ay hindi nito nabanggit sa kaibigan ang pagpapakasal nito kay Lucas at tanging ang pagbubuntis lang ni Maxine ang naikuwento nito kay Cathlyn.
“Ganon po ba, sige po sir. Tatawagan ko na lang din po si Maxine mamaya para malaman ang ibang details sa kasal nil ani Sir Lucas.” Sabi na lang ni Cathlyn sa amo nito.
Nagtagal pa ng ilang oras si Ezekiel sa shop para samahan si Cathlyn. Magkasamang inayos pa ng dalawa ang ilang paper works ng shop para siguradong maayos ang magiging opening ng shop bago matapos ang buwan.
CATHLYN
Kinailangan ko pang bumili ng damit na gagamitin ko sa kasal ni Maxine at Lucas. Masaya ako para sa dalawa na sa wakas ay magpapakasal na rin.
Hindi man aminin ng mga ito ang tunay na nararamdaman sa nila ay obvious naman na mahal na mahal ng mga ito ang isa’t-isa.
Bukod sa problema kong damit na isusuot dahil hindi naman lahat ng mga gamit ko ay nakuha ko sa bahay ng mga magulang ko, si Sir Ezekiel pa ang isa kong iniisip.
Isa din pala ito sa kinuhang witness ni Lucas at Maxine sa kasal ng mga ito. Ang ibig sabihin ay makakasama ko na naman siya sa araw na iyon.
Okay naman kaming dalawa pero hindi nga lang siguro isang daang porsyento.
Nai-intimidate pa rin ako sa tuwing nakikita siya dahil pakiramdam ko ay ang layo-layo ng pagitan namin sa isa’t-isa.
Napabuntonghininga na lang ako habang inaayos ang sarili ko, nakaharap ako ngayon sa isang salamin at inaaninag ang light make-up na naka apply sa mukha ko.
Napili kong isuot ang isang cream na sleeveless at white na skirt. Nag suot din ako ng isang pares na pearl na hikaw bilang accessories. At isang flat sandals naman ang naisipan kong isuot sa paa.
Ang usapan namin ni Maxine ay mismong sa munisipyo na ako pupunta at doon na kami magkikita.
Nang ma satisfy na ako sa hitsura ko ay kinuha ko na ang susi ng kotse mo mula sa drawer ng cabinet ko sa kuwarto. Pati ang handbag na dadalhin ko ay kinuha ko na rin para makaalis na ako at nakakahiya kung malate ako sa usapan namin ni Maxine.
Sakto naman na nakita ko si Lucas at Maxine sa labas ng munisipyo pagdating ko doon.
Nakita agad ako ni Maxine at mula sa side mirror ay napangiti ako sa aking kaibigan. Nakakaganda pala lalo ang pagiging buntis.
Mas lalong naging blooming si Maxine sa suot nitong putting-putting dress at flat sandals. Nakatali rin ng maayos ang lagpas balikat nitong buhok na kulay mais.
Hinintay nila akong maka park ng maayos at hindi muna pumasok ang dalawa sa loob ng munisipyo. Abala ako sa paglo-lock ng pinto ng kotse ko ng bigla ay may tumabing isang itim na sedan sa kotse ko. Kahit na maraming kulay na itim na sasakyan sa parking area ay alam na alam ko kung kanino at sino ang may-ari ng kotseng iyon.
Kotse ito ni Sir Ezekiel. At hindi nga ako nagkamali ng bumaba ito sa itim nitong kotse.
Nakasuot ito ng kulay asul na polo at loose maong pants na nagpadagdag ng karisma nito. Isama mo pa ang fit nitong katawan na para bang sa gym na ata nakatira. Nagtataka nga rin ako kung paano nito na mamaintain ang matipuno nitong katawan kung araw-araw ay nagtratrabaho ito sa office.
Iba ang hairstyle ng buhok nito ngayon na parang messy hair ang dating. Mas lalong nangibabaw ang makinis at maputi nitong balat dahil sa output at hitsura nito ngayon.
Bigla na namang lumakas ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Napabaling tuloy ako ng wala sa oras sa kinatatayuan nila Maxine.
Mahirap ng mahuli at baka kung ano na naman ang maisip nito sa huli. Agad akong lumapit kay Maxine at kinamusta ito.
Masaya niya akong niyakap habang katabi nito ang mapapangasawa nitong si Lucas. At hindi ko namalayan na nasa tabi na rin pala namin si Sir Ezekiel.
Binati pa ako ni Sir Ezekiel sa buo kong pangalan na parang hindi niya ako ganon kakilala. Ang pormal niyang makitungo sa akin ngayon, sakto lang sa tawagan ng isang amo at empleyado. Inis kong lintanya sa isip ko.
“Let’s go.” Yaya ni Lucas sa amin matapos kaming mag kamustahan ni Maxine. Tumango naman si Sir Ezekiel at parang wala lang dito na tumabi sa kabilang side ko at sinabayan akong maglakad.
Nahagip pa ng mga mata ko ang pasimpleng pag ngiti ni Maxine ng makita nito ang ginawa ni Sir Ezekiel. Ako naman ay natahimik na naman at kulang na lang ay hindi kumilos para hindi kami magkabungguan ng katabi ko.
Pagpasok naming ng loob ng munisipyo ay sakto namang naghihintay na ang mayor na magkakasal kay Lucas at Maxine.
Nagbatian muna si Lucas at ang mayor at sunod na kinausap nito si Sir Ezekiel.
“Ezekiel, ikaw na ba yan?” Tila gulat na tanong ng mayor kay Sir Ezekiel habang nakangiti.
“Opo. Kumusta po mayor? Si John, nasa Amerika pa rin po ba?” sunod kong narinig na tanong nito sa mayor na halatang kakilala ng magkapatid.
“Nakuh oo…ang batang iyon, ayaw na atang umuwi dito sa Pilipinas. Pinag-aasawa ko na nga at mabigyan ako ng mga apo.” Pabirong sabi ulit ng mayor kay Sir Ezekiel.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pagngiti ni Sir Ezekiel dahil sa sinabi ng mayor at nahuli ko pa siyang tumingin sa gawi ko habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Kinabahan na naman ako ng wala sa oras dahil sa mga titig niya sa akin.
Ano ba ang ibig sabihin ng mga titig at ngiti niyang iyon? Inaano ko ba siya? Pinilit ko na lang na umaktong kalmado at hindi ako dapat magpaapekto sa mga kilos na naman na pinapakita ng amo ko. Hindi dapat.
Pagkatapos ng kasal ni Lucas at Maxine ay saglit na nag-usap ang magkapatid bago kami tuluyang lumabas ng munisipyo.
Kasalukuyan ko namang kausap si Maxine at inimbitahan pa niya ako sa bahay nila ni Lucas para kumain.
“Cath, baka gusto mong kumain tayo sa bahay?” tanong ni Maxine na kinailing ko naman.
“Okay lang Max, marami pa din kasi akong gagawin na trabaho.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko pa nababanggit ang pag-alis ko ng agency pagkatapos magpaalam ni Maxine na magreresign na ito para mag focus sa baby nila ni Lucas.
Ayoko rin namang makadagdag pa sa alalahanin ni Maxine kaya mas mabuting wala itong alam sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Kapag okay na ang lahat, saka na lang siguro ako magkukuwento sa kanya.
Sa ngayon, kailangan ko munang ifocus ang isip at atensyon ko para sa darating na opening ng shop namin ni Sir Ezekiel, at iyon ang mahalaga.
“How about you Ezekiel? Sasama ka bang umuwi sa amin ni Maxine sa mansyon?” Si Lucas naman ang nagtanong kay Sir Ezekiel.”
“Hahabol na lang siguro ako Kuya. May importante lang akong gagawin.” Sagot nito kay Lucas at saka tumingin sa akin. Napatingin tuloy ako sa ibang parte ng munisipyo at hind ko alam kung saan ako kukuha ng tapang para salubungin ang mga titig niya sa akin.
“Okay, sige mag-iingat kayong dalawa at mukhang may mga kanya-kanya pala kayong lakad.” Sabi na lang ni Lucas at hinapit nito sa bewang ang asawa nito na halatang nagulat sa mga kilos ni Lucas.
Bago naman kami naghiwalay ni Maxine ay niyakap pa niya ako at parang gusto niyang sabihin na ipagdasal ko ang magiging buhay niya sa piling ni Lucas bilang asawa nito.
Alam kong magiging safe si Maxine sa piling ni Lucas kaya kahit biglaan ang naging kasal ng mga ito ay hindi ako nakaramdam ng agam-agam sa magiging kahihinatnat ng pagsasama ng mga ito.
They deserve to be happy after all. After all those years they never saw each other, now is the time that they both share the happiness of finally being together.
At hinintay naming makasakay sa kotse at makaalis ang dalawa. Nang tuluyan ng umalis sila Maxine at saka ako nagkalakas ng loob na sulyapan si Sir Ezekiel sa tabi ko.
“Let’s talk.” Agad ay sabi niya sa akin. I expected that he would say those words to me as if it were a cue for us to talk about our business.
At wala na akong nagawa ng sabihin niya sa akin na ipapakuha na lang daw niya sa driver nito ang kotse ko at pinasakay niya ako sa sarili nitong sasakyan.