Chapter 18

2045 Words
CATHLYN Maaga akong gumayak para pumasok muli sa trabaho. Balak kong kausapin si Sir Ezekiel para magpaalam kung puwedeng mag focus na ako sa pag-aayos ng mga bagay-bagay sa negosyo namin. Kailangan ay makapag soft opening na kami bago matapos ang buwan na ito. Umorder na lang ako ng coffee sa isang coffee shop bago pumasok sa building kung saan nandun ang agency na pinapasukan ko. Okay na sa akin ang coffee sa umaga bilang breakfast, may mga snacks naman ako sa drawer ko kung sakaling magutom ako. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa vicinity ng building ng mapansin ko si Sir Ezekiel na papasok na rin sa sarili nitong agency. Nagkatitigan kami at parang bigla akong na conscious ng makita ko siya. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkita pero bakit parang ang laki bigla ng naging distansiya naming dalawa sa isa’t-isa? Hindi ko tuloy alam kung babatiin ko ba siya oh magpapanggap na hindi siya nakita? Pero ng maisip ko na walang sense ang taguan siya lalo na at kailangan ko ring linawin ang ilang bagay tungkol sa negosyo namin kaya naglakas na ako ng loob na salubungin ang mga titig niya. Malalim ang mga mata niya na hindi ko alam kung gaano kalalim ang nilalaman nito. Diretso niya akong tinitigan at hindi nito alintana ang ilang mga empleyado nito na bumabati sa kanya at hindi man lang mapansin kahit papaano dahil diretso ang tingin niya sa akin. Lumakad ako papalapit sa kinaroroonan niya. Buo ang loob na hindi na katulad ng huli naming pagkikita ay hindi na mainit ang ulo nito oh galit. “Good morning po sir,” bati ko sa kanya. Hindi niya ako agad sinagot at tumingin muna ito sa paligid saka niya ibinalik ang mga mata sa akin. “Let’s talk in my office now.” Tangin sagot nito sa akin at naglakad na ito papalayo sa akin. Nananibago ako sa mga kinilos niya, parang may mali at hindi tama. Oh baka naman nasanay lang akong hindi ito ganoon makitungo sa akin. Napatingin na lang ako sa baba ng tiles na sahig bago nagpasya na sundan na ito sa opisina nito bago pa ito magalit na naman sa akin. Dumiretso na ako sa opisina ni Sir Ezekiel. Alam kong naghihintay na ito sa akin. Sa bilis nitong maglakad dahil sa mahaba nitong mga hita ay hindi talaga ako makakaabot sa kanya. Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito, iyon naman palagi ang dapat kong gawain. Dagdag ko pang sagot sa sarili ko. Kumatok muna ako sa pinto ng opisina nito at ilang segundo lang ay narinig kog sumagot ito sa loob na maari na akong pumasok. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng office niya. Nakita ko agad si Sir Ezekiel na nakaupo sa swivel chair nito na parang hinihintay talaga niya akong pumasok sa opisina nito. Nagtama muli ang mga mata namin at para akong napapasong nagbaba ng tingin sa kanya. Nawawalan ako ng lakas ng loob kung minsan para harapin siya lalo na at hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya sa mga sandaling nakatitig siya sa mga mata ko. Para niyang hinahalukay ang buo kong pagkatao sa simpleng pagtitig-titig niya sa akin. Nang huling magkita kami ay iyon na rin ang huling beses na narinig ko ang boses niya kaya ng marinig ko na nagsalita siya kanina ay nanibago ako. Mas lalo akong natakot at kinabahan ng makita siya siguro ay dahil hindi naging maganda ang pag-uusap namin ng huli kaming magkita. Gustuhin ko man na ipapaalala sa kanya ang hindi nito magandang inasal ay naging tahimik na lang ako. Ayoko nang mkaipag-away sa kanya, nakakapagod din. “Take your seat, Cathlyn.” Sunod kong narinig na utos niya sa akin matapos itong magbaba ng tingin at tuluyan akong pakawalan ng mga mata nito. Dahan-dahan naman akong lumapit sa isang bakanteng silya na nasa harapan ng malaki nitong table. Alanganin akong tumingin sa gawing unahan niya, pilit kong iniiwas ang mga mata ko sa kanya para hindi ako pangunahan ng kaba. “How’s the progress of our business?” tanong niya sa akin sa pormal na boses pagkatapos ay isinandal nito ang likod sa inuupuan nitong swivel chair. Mabilis akong nag-isip ng isasagot sa kanya. Ayokong mapahiya sa harap niya kaya buo ang loob na umayos ako ng upo at sumagot sa kanya. “So far, so good sir. Kaunting mga products na lang po ang kailangan at puwede na po tayong mag soft opening. Then un mga staff naman po ay magsisimula na silang pumasok sa shop by next week.” Napatango siya ng sabihin ko sa kanya ang mga bagay na’yun. Hindi niya siguro nito inasahan na makakaya kong maayos ng mag-isa ang ilan sa mga dapat na gawin sa negosyo namin. Nagpapasalamat din ako kay Limuel at matiyaga niya akong tinulungan kahapon sa shop. Dahil kung hindi ay baka doon na ako nakatulog kakaayos ng mga produkto sa estante. “Tatawagan ko ang production team para madeliver agad ang mga kailangan bago ang opening.” Dagdag ni Sir Ezekiel. Pagkatapos ay naisip kong ipakita ang ilan sa mg desensyo ng sabon na ginawa ko maging ang mga flavor na siguradong papatok sa mga kabataan ngayon. May mga pampaputing ingredients ito na gustong-gusto ng mga kababaihan. Bahala na ang chemist na mag supply ng mga ingredients para sa mga sabon na naisip kong idagdag sa collection namin. “Sir, ito po pala ang ibang design at flavor ng soap na puwede nating maimarket.” Pinakita ko sa kanya ang scratch na gawa ko. Pati ang mga ingredients nito ay malinaw na nakasulat sa ibabang part ng drawing book na pinagsulatan ko. “That’s nice. Sige iwan mo dito at papapuntahin ko ang naka assign na production supervisor dito sa office para makausap mo rin.” Suhestiyon niya. Bigla ko namang naisip na sabihin na hindi na kailangan at balak ko namang pumunta sa production area para personal na makita kung paano ginagawa ang mga sabon na dinidisenyo ko. “Huwag na po, ako na lang po ang personal na pupunta sa production area para ipakita sa supervisor ang mga nagawa kong bagong produkto. Nakita kong nangunot ang noo ni Sir Ezekiel ng marinig nito ang sinabi ko. Parang may nasabi na naman akong hindi maganda sa pandinig nito, kaya kinabahan na naman ako. “Its alright, hayaan mo na siyang pumunta dito para hindi ka na mahirapan na kausapin siya.” Agad ay sagot nito sa akin. Hindi ko naman siya puwedeng kontrahin na naman kung gusto kong hindi na naman kami mag-away na dalawa. Natahimik na lang ako saglit bilang sagot sa sinabi niya at pilit ko na lang siyang iniintindi the way na alam kong pareho kaming mag bebenifit sa huli. Kapag naging maayos na ang lahat sa negosyo namin ay makakapag solo na rin ako sa wakas. Magkakaroon din ako ng sariling mga negosyo, pangako yan. At bigla kong naisip ang pinirmahan naming mga document na nagsasabing sa akin niya pinangalan ang mismong establishment na binili nito para sa pagsimulan ng negosyo namin. “A-mmmm, sir gusto ko lang pong itanong sa inyo kung bakit sa akin mo pinangalan ang mismong establishment na binili mo para sa negosyo natin?” curious kong tanong sa kanya. Tinitigan niya ako ng mariin na parang sa pamamagitan nun ay makukuha ko ang kasagutan sa tanong ko sa kanya. Inilagay nito ang isa armrest ang isa itong braso at hinawakan naman ng isa nitong daliri ang mapula nitong labi na parang nag-iisip ng tamang isasagot sa tanong ko. “Let just say that it’s part of being business partners. I mean, wala naman sigurong masama sa ginawa ko na sayo ko ipinangalan ang property na’yun.” Walang ano-ano ay sagot niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na’yun para sa akin. May kung anong pumukaw sa puso ko na damdamin na lalong nagpatindi ng paglakas ng kaba ng dibdib ko. Iyon kaba na sa tuwing maririnig ko ang boses niya ay napapatahimik ako mas lalo na ng narinig ko ang sinabi niya na walang mali sa ginawa niya na pagpapangalan sa akin ng property na binili nito. “Huwag po kayong mag-alala sir, gagawin ko ang lahat para maayus ang negosyo natin. At kung papayag po sana kayo ay gusto ko na po sanang mag resign sa trabaho ko dito sa agency para mag focus sa pagm-amanage ng shop.” Lakas loob ko ng sabi sa kanya. Isang saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at hindi niya agad ako sinagot sa sinabi ko. Napayuko tuloy ako dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang gusto ko sanang mangyari. “Okay, sige simula bukas ay huwag ka ng mag report dito sa agency. Sa shop na lang kita pupuntahan kapag kailan kitang makausap tungkol sa negosyo natin.” Narinig kong sagot niya sa akin. Iniangat ko ang aking mukha para tingnan siya at siguruhin na hindi ako nagkamali sa narinig ko. Pinapayagan niya akong mag resign na sa trabaho ko dito sa agency at ipagpatuloy na lang ng serbisyo ko sa pag mamanage ng shop na tinayo namin? “Talaga po sir?” paniniguro ko sa kanya. “Yeah. And wala na rin naman dito si Ate Maxine at pinag resign na rin siya ni Kuya Lucas para paghandaan ang magiging baby nila.” Pagkukuwento ni Sir Ezekiel sa akin. Alam na rin pala nito ang nangyari kay Maxine aty Lucas. “Kaya mabuti na mag focus ka na lang sa shop natin para hindi ka na mahirapan na kailangan mo pang pumasok dito sa agency habang nag mamanage ka ng negosyo natin.” Dugtong pa niya sa huli niyang sinabi. Lumuwang ang pagkakangiti ko sa harap niya at sa wakas ay naitindihan niya ang mga point ko kung bakit gusto ko ng magresign sa agency. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Ezekiel pagkatapos namin marinig ang dalawang katok sa labas ng pinto. Sabay kaming napatingin ni Sir Ezekiel sa pinto ng bumukas ito at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino ang pumasok mula doon. Maarteng lumakad palapit sa table ni Sir Ezekiel si Pia. At para akong natuklaw ng ahas ng makita ng mismong dalawa kong mga mata na sa harapan ko ay hinalikan nito si Sir Ezekiel sa labi. Wala itong nagawa ng mas lalo pang diniinan ni Pia ang labi nito para masakop ang mga labi ni Sir Ezekiel. Napayuko na lang ako para maibsan ang gulat at biglang pagkirot ng puso ko dahil sa nasaksihan ko. “How are you sweetheart?” sunod kong narinig na tanong ni Pia kay Sir Ezekiel. “Anong ginagawa mo dito Pia?” mabilis na tanong din ni Sir Ezekiel dito. At ginamit ko ang pagkakataong iyon para magkunwaring nasamid at magpaalam sa mga ito. Nakakahiya naman kasi kung sa harap ko pa mismo sila maglandian hindi ba? Mapait kong depensa sa sarili ko kung bakit hindi na ako dapat magtagal pa sa lugar na’yun. Nagpaalam ako kay Sir Ezekiel na hindi tumitingin sa kanila ni Pia at mabilis kong tinahak ang daan palabas ng pinto. Paglapat ng pinto sa hamba ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Kung kanina ay nabuhayan ako ng loob at parang nanumbalik ang magaan naming pakikitungo sa isa’t-isa ni Sir Ezekiel kantulad dati, bigla ay naglaho ang pakiramdam na iyon. Mas nangibabaw ngayon ang lungkot at sakit sa puso ko na hindi ko alam kung bakit kailangan kong maramdaman ng dahil lang sa alam ko at nakita ng dalawa kong mga mata na magkasama ito at si Pia sa loob ng opisina nito. Mali na maramdaman ko ang ganitong sakit sa pakiramdam dahil alam kong wala itong patutunguan sa simula pa lang. Mahirap ang itago ang nararamdaman sa isang tao pero mas mahirap tanggapin na kahit gaano mo ito itago at huwag maramdaman ng paulit ulit ay kusang nagsasalita ang puso at isipan mo. At walang pinagkaiba ang pagtatago ng totoo mong nararamdaman sa pagsasabi mo na mahal mo ang isang tao, dahil sa huli ay ang puso pa rin ang siyang magdidikta ng tunay mong nararamdaman gaano mo man ito ipagkaila ng ilang beses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD