Chapter 17

2233 Words
CATHLYN Nanibago ako ng mga sumunod na araw. Walang Sir Ezekiel na nanggambala sa akin. Although, nagte-text naman siya sa akin tungkol sa progress ng business namin pero hindi siya personal na nakipag-usap sa akin. Bigla tuloy akong napa-isip. Galit pa rin kaya siya sa akin? Bakit ito pa ang nag-iinarte samantalang ito na ang may kasalanan sa pagitan naming dalawa? Nakapalumbaba ako habang nakaupo sa silyang ginagamit ko sa agency. Mamaya maaga akong mag o-out at kailangan ko ng asikasuhin ang lugar kung saan kami magtatayo ng store. Dadalhin na raw ang ilan sa mga products na ibebenta namin ayon sa text ni Sir Ezekiel sa akin kanina. Yung ibang mga details tungkol sa products ay gagawin ko pa lang mamaya at ipapa approve sa kanya para maiproduce na rin. Nagulat pa ako ng biglang magbulungan ang mga tao sa paligid ko. Natahimik ako at saglit na pinakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Bukod kasi kay Maxine ay wala naman akong ganong ka close sa trabaho. At bigla nga akong nalungkot ng malaman ko nagresign na nga ng tuluyang si Maxine sa trabaho, sabi ng secretary ng HR sa akin ng makasalubong ko ito kinana. Alam nitong matalik kaming magkaibigan ni Maxine kaya sinabi niya sa akin ang tungkol sa pag-alis ng kaibigan ko sa trabaho. Naisip ko tuloy, makakaya ko pa kayang magtrabaho dito sa agency kung ang nag-iisang tao na ka close ko at dahilan kung bakit napadpad ako dito sa kompanyang ito ay wala na? Mas lalo akong nalungkot sa katotohanang iyon. “Nandyan na si Sir Ezekiel.” Pabulong na sabi ng isa kong kasamahan na katabi lang halos ng cubicle ko. Napatingin ako sa gawi kung saan nakatingin ang mga ito habang papasok si Sir Ezekiel. Napaawang ang mga labi ko ng muli ko siyang masilayan pagkatapos ng ilang araw na hindi kami nagkita. Bukod sa nagulat ako ng makita siya ng oras na iyon ay pinagtakhan ko rin kung bakit may kasama itong babae ngayon. Naka sabit pa ang isang kamay ng babae sa braso ni Sir Ezekiel. At ng titigan kong mabuti kung sinong babae ang kasama nito ay muli akong natahimik. Si Pia Anderson ang kasamang babae ni Sir Ezekiel. Ito ang babaeng nalilink dito. Kilig na kilig ang mga kasamahan kong babae sa trabaho ng makita ng mga ito na naglalakad si Sir Ezekiel kasama si Pia. “Bagay silang dalawa, isang guwapo at maganda.” Kumento pa ng isang katrabaho ko. Hindi ko naman masisi ang mga ito sa mga positive comment na binibigay nila kay Sir Ezekiel at kay Pia. Ikaw ba naman ang sikat na artista, bakit nga hindi ka pagkakaguluhan at sasabihang maganda? Tapos ang nalilink pa sayo ay isang Ezekiel Montalvo. Saglit akong nagmasid sa mga tao sa paligid ko partikular kay Sir Ezekiel na padaaan na sa gawi ko. Madaraanan niya ang cubicle ko bago ang opisina nito. Tahimik lang akong naghintay hanggang sa makalagpas ito kasama si Pia sa puwesto ko. Hindi na ako nagtangka pang lumingon para tingnan kung ano ang reaksyon ni Sir Ezekiel habang nilalagpasan niya ang puwesto ko. Nakita ko pang kumaway si Pia sa mga kasamahan ko at nakangiti ng masaya habang naglalakad ito kasabay ni Sir Ezekiel. Bakit pa ako magaabalang lingunin ito kung halata naman na masaya ito kasama ang sikat nitong nobya? May mag-iiba ba sa sitwasyon naming dalawa? Wala, hindi ba? Pagbubutihan ko na lang ang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa negosyo naming dalawa para wala itong masabi na pabaya akong business partner. At sa negosyong iyon din nakasalalay ang future ko. Future ko kung magiging proud sa akin ang pamilya ko oh wala na talaga akong magagawa kung hindi ang bumalik sa poder nila? Huminga ako ng malalim matapos kong marinig ang pagsara ng pinto ng opisina ni Sir Ezekiel. Sabay na pumasok ang dalawa sa loob nito. Halos kalahating araw akong hindi makatrabaho ng maayos lalo at naiisip ko rin ang mga dapat kong gawin para sa negosyong itinayo namin ni Sir Ezekiel. Nagulat na lang ako ng lumapit ang secretary niya sa cubicle ko at may sinabi. “Cathlyn, sabi ni Sir Ezekiel ay puntahan mo na raw ang pinapaayos niya sayo sa Pasay.” Napatango na lang ako sa sinabi ng secretary niya. Puwede namang itext na lang niya ako bakit pinadaan pa niya sa secretary niya? Tssssk! Malamang na busy ito kay Pia at hanggang ngayon ay magkasama pa rin ang mga ito sa loob ng opisina ni Sir Ezekiel. Hindi na siguro nito nakuhang magtext kaka lingkis nito sa babaeng iyon. Bigla akong natahimik dahil sa mga naiisip ko tungkol sa amo ko at kay Pia. Bakit kailangan magngitngit ang kalooban ko dahil lang sa katotohanang magkasama pa rin ang mga ito hanggang ngayon? Bahala sila, malalaki na silang pareho. Kung gumawa man sila ng milagro sa loob ng opisina na’yun…problema na nila yun. Mapait kong sagot sa sarili ko habang nagliligpit ako ng mga gamit na nakakalat sa table ko. Mabuti na rin at pinayagan na niya akong makaalis ng maaga sa trabaho para maasikaso ko ang dapat kong gawin pa sa negosyo namin. Nakita ko pa ang pagbubulungan ng mga kasamahan ko matapos akong kausapin ni Kaye. Hindi ko na lang sila pinansin. Magtagumpay lang ako sa sisimulang naming negosyo ni Sir Ezekiel ay magreresign na rin ako dito sa agency at tutal umalis na rin naman si Maxine. Inaayos ko ang laman ng body bag na nakasukbit sa harapan ko habang naglalakad palabas ng building ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Mabilis kong hinanap kung saang parte ng bag ko naisuksok ang cellphone ko at ng makita ko ito ay agad kong tingnan kung sino ang tumatawag. Si Limuel! Nakuha ko pang isave ang number niya ng tumawag ito at si Sir Ezekiel ang nakasagot. Buti na lang talaga at hindi naisipang burahin ng isa na yun sa call log ang number ni Limuel ng tumawag ito. “Hello.” “Hello Cathlyn? Ikaw na ba yan?” pabiro nitong sagot sa akin. “Parang tong ano, oo…ako na'to. Bakit?” “Naniniguro lang at baka ang amo mo naman ang sumagot sa tawag ko.” Makahulugan nitong pahayag sa akin. Imbis na matawa ay sinugundahan ko na lang ang sinabi niya para naman hindi masyadong obvious na apektado ako sa mga pinagsasabi niya tungkol sa amin ni Sir Ezekiel. “Sorry ka, hindi kami magkasama ngayon kaya hindi siya ang nakasagot ng tawag mo.” Sabay tawa ko pagkatapos. “Ah ganun…” “Joke lang! Bakit ka nga ba napatawag?” Pagpapatuloy ko. “Gusto sana kitang yayaing mag dinner kung di ka busy?” Mayamaya ay tanong niya sa akin. Gustuhin ko man na sumama sa kanya ay hindi puwede. Marami akong dapat na gawin. “Nakuh, sorry ah…marami pa kasi akong gagawin ngayon after work.” “Sayang naman,” nahimigan ko ng panghihiyang ang boses ni Limuel. “Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo? Gusto mo tulungan kita?” sunod nitong suhestiyon sa akin. Bakit nga ba hindi? Puwede niya akong tulungan sa pag-aasikaso ng mga ilang bagay sa store tutal at busy naman sa babae nito ang business partner ko. “Magandang suggestion, sige.” Pagsang-ayon ko sa tinuran nito. At sinabi ko nga ang address kung saan kami magkikitang dalawa. May sarili namang sasakyan si Limuel kaya sisiw lang dito ang libutin ang buong Manila. Ako naman ay nag drive na rin papunta sa store at ayon sa production team ay nakadeliver na raw ang ilan sa mga products sa store. Kailangan ko na lang itong iayos. Naunahan pa akong dumating ni Limuel sa store at nakangiti ko siyang sinalubong. “Ang bilis ah,” sabi ko sa kanya ng maayos kong naipark ang kotse ko sa gilid ng store kung saan puwedeng mag park ang mga costumer. “Syempre bawal malate at baka mag bad shot ako sayo.” Pabiro na naman nitong sagot sa akin. “Sira! Ikaw talaga. Buti at di ka naligaw sa pagpunta dito?” naglalakad na kami pareho papunta sa store. “Gumamit ako ng google map?” Pilyo pa rin nitong sagot na mas lalo kong kinatawa. Oo nga naman, ano ang silbi ng mga high tech technology ngayon kung hind gagamitin? Naabutan kong may isang truck na nasa gilid din ng store. Malamang ay ito ang magdedeliver ng mga products na ginawa sa production team. “Good morning po Ma’am Cathlyn. Nandito po kami para ideliver yung mga products na natapos na pong gawin sa production area. “Ah sige po kuya, wait lang po at bubuksan ko ang pinto para maipasok n'yo na ang mga box.” Agad naman kumilos ang driver at pahinante para iayos ang mga box ng products na deliver ng mga ito. “Nice, at mukhang serious ka na sa negosyong pinasok mo ah.” Komento ni Limuel habang tinutulungan niya akong buksan ang front door ng shop. “Kailangan kasi, alam mo naman sa negosyo seryoso ka dapat sa lahat ng oras.” Napatango na lang si Limuel sa sinabi ko. Anak din ito ng negosyante kaya alam kong naiintindihan nito ang point ko. Nang tuluyan na naming mabuksan ang shop ay sunod na pumasok ang driver kasama ang pahinante nito bitbit ang tig isang box. May mga estante na at mga gamit sa shop, halos pakumpleto na rin ang laman ng bawat istante. At malamang na lilipat na buwan ay makapag opening na kami. Mag-iisip pa ako ng ibang kulay ng sabon at design na maganda para mas maraming pagpilian ang mga customers. Umabot ng dalawapung boxes ang kailangan naming iayos sa estante ni Limuel matapos na maibaba ng derivery truck kanina ang mga products. Habang nag aayos kami ng mga produkto ay hindi ko mapigilan ang mapahagikgik ng tawa sa mga pinagsasabi ni Limuel. Papasa itong kapalit ni Michael V na comedian kung ako ang tatanungin. Umorder na rin kami ng hapunan sa fast food chain sa isang delivery app para hindi na kami kailangan umalis pa at gabi na rin. Kailang matapos namin na maisalansang ang mga produkto para kung maisipan man na tingnan ni Sir Ezekiel ang store namin ay maayos ito at ready na sa opening. “Bakit nga pala hindi ka kumuha ng mga staff dito, I mean…mahirap din tong ginagawa natin ah.” Reklamo ni Limuel. May mga nakuha naman akong pansamantalang magiging staff ng store kapag nag open na ito. Ang balak ko nga ay magresign na lang sa agency para mag focus dito sa negosyo na tinayo namin. Mas mainam kasi na isa sa amin ang siyang mag ma-manage nitong shop para makita ang progress at malaman kung paano mapapalakas ito sa market.] At sa pagitan namin ni Sir Ezekiel, malamang na hindi ito ang susuko para mag manage ng negosyo namin. Sa dami ng ginagawa nito ay malamang na hindi na nito maisingit pa ang shop sa oras nito araw-araw. Dagdag mo pa ang palagi nitong pambabae.Tssskk! bigla na naman akong naging bitter ng isaisip ko ang bagay na’yun. “Cath, puwede bang magtanong? Medyo personal nga lang.” singit na sabi ni Limuel habang kumakain na kami ng hapunan. “Bakit kailangan mong mag tiyaga sa amo mo ngayon para lang magkaroon ka ng ima-manage na negosyo kung sa pamilya mo naman ay magagawa mo rin ang mga bagay na’to?” Ang tinutukoy n'ya ay ang negosyo ng pamilya ko na sa una pa lang ay hindi ko gustong pakielaman. Wala sa negosyo ng pamilya namin ni Cristoff ang gusto ko. Ewan ko ba, baka talagang si Cristoff lang ang nakakuha ng hilig ng mga magulang ko sa ganong klaseng mga negosyo. “Ayoko na humingi ng tulong sa pamilya ko para lang makapagpatayo ako ng isang negosyo Limuel.” “Kaya mas ginusto mo pa ang humingi ng tulong kay Ezekiel Montalvo?” “Siya lang ang nakita kong puwedeng makatulong sa akin that time na walang-wala ako.” Paglilinaw ko sa kanya kung bakit ako humantong sa sitwsyon na ito na kasama ko sa isang negosyo ang sarili kong amo. His offers are truly irresistible kaya siguro napapayag niya rin ako agad sa gusto nitong mangyari. “Puwede ka pa namang umatras.” Pahabol na sabi ni Limuel sa akin. May isa akong salita at ayokong pumangit ang tingin ni Sir Ezekiel sa akin sa usaping negosyo. Kahit madalas kaming magkaaway alam ko naman ang salitang utang na loob. Kaya hindi ko rin naisip na ilagay siya sa alanganin. At kung uurong ako sa labang ito ay para ko na ring pinatunayan sa kanya na totoo ang mga sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Kaya hanggang kaya ko ay gagawin ko ang lahat para maging successful ang unang bubuksan naming branch at hopefully ay magkaroon ito ng maraming branches hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa. “Okay, naniniwala naman ako sa kakayahan mo Cath. Basta kung may kailangan kang tulong ay sabihin mo agad sa akin, I ‘m more than willing to help you in any way I can.” Sa huli ay sabi ni Limuel sa akin na nagpagaan sa kalooban ko. At least, may isang taong naniniwala sa kakayahan ko. Sa gusto kong mangyari at iyon ay ang magtagumpay sa larangan ng negosyo kung saan puwede ko ring ipamalas ang aking talent sa art.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD