Chapter 16

2400 Words
Ezekiel I just gave him a warning look when I heard he wanted to know Cathlyn's cellphone number. I am not pretty sure about his surname, but I guess his family is not that known in the business world like Montalvo’s. The way how Cathlyn talks to that guy seem they have known each other a long time ago which made me pissed off. Limuel Sandoval, that’s his name. Maybe I can do some search for that name so I would know exactly his intentions of talking with Cathlyn. Hindi ko tinangkang kausapin si Cathlyn while we were on the trip. Hindi ko na rin siya balak dalhin sa lugar na dapat ay pupuntahan pa namin. It suddenly changed my mind and mood dahil sa selos na naramdaman ko ng makita kong may bago na namang umaaligid kay Cathlyn na lalake. Kung puwede ko na sana siyang bakuran at ng wala ng ibang lalakeng makapasok sa buhay niya ay ginawa ko na. Hindi ko naman siya puwedeng biglain at baka sa halip na mag work ang panunuyo ko sa kanya ay mauwi lang sa pambabasted ang lahat. Masyado ng malalim ang nararamdaman ko kay Cathlyn kaya hindi ko na hahayaang maagaw pa siya ng iba sa akin. I should to something before it’s too late. “Akala ko po sir ay may pupuntahan pa tayo?” takang tanong ni Cathlyn sa akin. Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko ang tanong niya. “We’ll just visit there next time. Magpahinga na lang tayo sa condo, I feel exhausted.” Makahulugan kong sagot sa kanya. I want her to feel gradual that I want her badly. I don’t know how to tell her, but it keeps me weak knowing that maybe she might fall for somebody because of my cowardness. Natatakot ako sa kanya literary na baka layuan niya ako kapag nalaman ni Cathlyn na mahal ko na siya, at patuloy kong minamahal hanggang ngayon. Hindi madali ang pagtatago ko ng tunay kong nararamdaman para sa kanya but this is the best thing to do right now. Ayokong isipin nya na dahil amo niya ako ay puwede ko ng panghimasukan ang personal niyang buhay. I’m totally against that. I know it’s just a matter of time and right process, mapapaibig ko rin si Cathlyn, and she will be mine forever. Kagaya ng naging desisyon ko ay nagtuloy na kami sa condo para doon kumain. Kahit paano ay nawala ang inis ko at selos ng makaalis kami sa lugar na’yun. Hindi na rin ako tinangkang kausapin ni Cathlyn ng sagutin ko ang huli niyang tanong na kung saan kami papunta instead na dapat ay mag a-area visit kami sa magiging production area ng mga produkto ng magiging negosyo namin. Nang i-park ko sa basement ng building ang kotse ko kung saan ang condo ni Cathlyn ay saglit niya akong nilingon. She didn’t say anything until I talk to her. “Wait me for a while,” sambit ko sa kanya. Napatango na lang siya sa sinabi ko at mabilis kong dinampot ang dalawang paper bag kung saan nakalagay ang mga pagkaing tinake-out namin. Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Cathlyn at simple siyang nagpasalamat sa akin. Pagkatapos ay pinindot ko ang lock ng mga pinto ng kotse at sabay kaming naglakad papunta sa condo unit niya. Habang naglalakad kami ay halatang hindi pa rin ako gustong kausap ni Cathlyn, kahit isang sulyap ay hindi man lang niya ako tinapunan. I bet, dahil ito sa lalakeng nakausap namin kanina at kung paano ko ito kausapin. I don’t feel anything about that expect of being jealous. Kaya kung sasalubungin niya ang inis at selos na nararamdaman ko ay baka hindi ko mapigil ang sarili ko this time. Nasa tapat na kami ng pinto ng condo niya ng ito na ang nagbukas at iniluwang pa nito ang pagkakabukas ang pinto para makapasok ako. “Iinit ko lang po sir ang pagkain para makakain ka na.” walang buhay na sabi ni Cathlyn sa akin pagkapasok namin sa condo. Inilapag lang nito ang dala nitong handbag sa couch at kinuha niya sa akin ang dalawang paper bag na bitbit ko na hindi man lang ako tinitingnan. I heaved out a deep sighed. Minsan ay hindi ko na rin maintindihan si Cathlyn. But I guess, lahat ng babae ay may kanya-kanyang mood na hindi mo puwedeng patulang kasi mas lalo lang lalaki ang away. Naupo ako sa couch at nagpahinga. Tinanggal ko ang isang butones ng long sleeve na suot ko sa bandang taas para marelax. Ilang minuto na ang lumipas at napansin ko ang pagtunog ng cellphone ni Cathlyn sa ibabaw ng side table. Nagpatuloy ito sa pagtunog, I refuse to call her to answer the phone. Instead, I directly answered it. “Hello Cathlyn?” Nangunot agad ang noo ko ng mabosesan ko kung sinong tao ang nasa kabilang linya. Limuel! Ang agap naman nitong tumawag kay Cathlyn. Inis ko siyang sinagot. “I’m her boss. Busy siya sa pagluluto sa kusina. Why did you call her?” Hindi agad ito nagsalita sa kabilang linya. I guess, narealize niya na hindi na siya dapat pang tumawag kay Cathlyn, she’s off limit. “A-h, pakisabi na lang kay Cathlyn na tumawag ako at pakisave ang number ko na ito.” Sabi nito bago tuluyang patayin ang tawag. I smirked then suddenly I noticed Cathlyn watching me in one side of the sala. Nakasimangot ito at halatang narinig nito ang pinag-usapan namin ng Limuel. “Hindi na kita natawag, so I answered his call.” Depensa ko. Nagpatuloy sa paglalakad si Cathlyn haggang sa dumeretso ito sa kinauupuan ko at kuhanin sa akin ang cellphone nito na ginamit ko kanina. “Nakahain na po sa kitchen.” At akma niya akong tatalikuran ng mabilis akong tumayo para hiklatin ang braso niya. “What’s the problem, Cathlyn? Tell me?” Hindi nagbago ang inis na nakabakas sa magandang mukha niya ng tanungin ko kung ano ang problema at parang ang big deal dito na ako ang nakausap ng Limuel na’yun kanina. “Ano pong problema? Gusto nyo po talagang malaman ang problema sir?” hamon niyang tanong sa akin. Ito ang unang beses na nagkasagutan kami. Nitong mga nakaraang araw na magkasama kami ay minimal lang ang hindi namin pagkakaintindihan, but this time ay parang kailan naming mag-usap para maayos ang gusot na nasa pagitan naming dalawa ngayon. “What’s that? Tell me because I have no idea why you acting this way? May nagawa ba akong mali? Hindi tama kaya ka nagkakaganyan?” Direkta ko ring tanong sa kanya. Napailing sa harap ko si Cathlyn na parang hindi makapaniwala sa tanong ko. I frowned and kept my eyes on her, waiting for her answer. “Gusto ko lang pong paalala sa inyo sir na empleyado niya ako at magiging business partner. Pero hindi ibig sabihin ay may karapatan na kayong panghimasukan ang buhay ko.” Sagot ni Cathlyn sa akin na kinagulat ko. Am I that obvious na gusto kong maging parte ng buhay niya kaya kahit na wala kaming relasyon ay naghihimasok ako sa personal niyang buhay katulad ng sinabi niya? Hindi agad ako nakapagsalita. Part of what she said is right for whatever she thinks I’m doing to her personal life. But never had a doubt that I love her that’s why I’m doing all of those things just to make sure that no other men will approach her. Nakalimutan ko na kaya ito umalis sa puder ng mga magulang nito ay dahil na rin sa pangingielam ng mga ito sa personal nitong buhay na ginagawa ko rin ngayon. Damn! How can say to her that part of what I am doing right now for her is because I love her. At hindi lang dahil boss o amo niya ako. “S-sorry if that’s what on your mind. Hindi ko pinanghihimasukan ang buhay mo. I’m just being worried about you that’s why I acted that way.” Ang tinutukoy ko ay ang pakikitungo ko kay Limuel kanina na napansin siguro ni Cathlyn. Hindi na ako nakuhang sagutin ni Cathlyn sa sinabi ko at walang paalam na itong tumalikod sa akin patungo sa kuwarto nito. Naibalibag ko ang isang pillow na nasa couch sa isang gilid sa sobrang inis. Napamura ako pagkatapos. She didn’t understand me that’s why we ended like this. Inilagay ko na lang sa ref ang mga pagkaing ininit ni Cathlyn at nawalan na ako ng ganang kumain. Kinatok ko ang pinto ng kuwarto niya para magpaalam pero hindi ito sumagot. I totally felt anxious this time at iyon ay dahil lang sa simpleng pag-aaway namin ni Cathlyn. That's incredible! Wala pa kaming relasyon nito pero para na kaming aso’t pusa kapag nag-aaway. Napailing na lang ako at napangiti. Masasanay din kami sa isa’t-isa. And by the time na okay na lahat, mas magiging maayos ang lahat sa amin dahil kilala na namin pareho ang bawat isa. CATHLYN Inis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama pagkatapos kong mag walk out sa pag-uusap namin ni Sir Ezekiel. Hindi ko na napigilan na sumagot sa kanya kahit na hindi dapat. Amo ko siya at magiging business partner pa kaya hindi ko dapat ginawa ang pagsagot-sagot na iyon sa kanya kaya lang sobra na siya. Wala namang ginagawang masama si Limuel para kausapin niya ng ganoon ito at hindi ko rin maisip kung ano ang problema niya sa pakikipag-usap ko kay Limuel. Pati ang pagsagot nito sa tawag ni Limuel sa akin kanina ay isa pa sa lalong nagpainis sa akin. Puwede naman niya akong tawagin o sabihin sa akin ang tungkol sa tawag na’yun pero hindi niya ginawa. Pakiramdam ko ay pinanghihimasukan na rin niya ang buhay ko katulad ng mga magulang ko. Hindi na rin ako nagtangkang makipag-away sa kanya tungkol sa mga bagay na’yun dahil alam kong matalino naman siya para maisip niya ang mga mali niyang ginawa. Ganun ba kahirap na pakiharapan ng maayos ang isang tao o kumilos ng naayon sa estado ng relasyon na mayroon kami ngayon? Mag-amo. Ang isang amo na hindi dapat pinapakailaman ang mga bagay na tungkol sa kanyang empleyado lalo na at wala naman itong kinalaman sa trabaho hindi ba? Pero si Sir Ezekiel, kulang na lang ay maging boyfriend ko siya sa paghihigpit niya sa akin sa maraming bagay. Nagsimula ang lahat ng iyon ng sumang-ayon ako sa offer niyang tulong hanggang sa nagkabuhol-buhol na ang mga utang na loob ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon. Kinuha ko ang isang pillow at inilagay ito sa tapat ng aking tiyan at niyakap. Nakaka frustrate lang ang mga nangyari ngayon buong araw. At maisasama ko ang araw na ito sa most unforgettable day ng buhay ko. Haizt! Dahil sa mga nangyari sa akin ng buong maghapon ay naisipan kong tawagan si Maxine at ng medyo gumaan ang pakiramdam ko. Tinawagan ko ang number niya at luckily ay sumagot agad si Maxine. “Hello, Max?” Hindi agad sumagot si Maxine ng tawagin ko ang pangalan niya kaya nagtaka ako. “Cath…” sagot niya sa akin sa wakas. Ang malumanay na boses ni Maxine ay naging mas lalo pang mahina sa pandinig ko na kinabahala ko naman. “Maxine, may problem aba?” Nag-alala kong tanong sa kanya, umayos pa ako ng upo para mapakinggan kong mabuti ang isasagot niya sa kabilang linya. “Cath, buntis ako.” Pag-amin ni Maxine sa akin na kinagulat ko. Parang kailan lang ay nag-aaway at bati pa ito at si Lucas tapos ngayon ay buntis na si Maxine? Ang bilis ah. “Wait Maxine, are you serious?” paninigurado ko sa kanya dahil na shocked din ako sa binalita niya sa akin ngayon. “Oo, na confirmed ko na kanina ng mawalan ako ng malay sa office. Dinala ako ni Lucas sa hospital at dun namin nalaman na buntis pala ako kaya bigla akong nahilo.” Napatakip ako ng aking bibig gamit ang isa kong kamay at napangiti. Sa wakas ay nagtagumpay din si Lucas sa balak nito kay Maxine. “May God friend, I’m so happy for you.” Masaya kong sabi sa kanya. “Ano ang sabi ni Lucas?” Curious kong tanong sa kanya. Hindi rin kasi biro ang maging parte ng pamilya Montalvo lalo na at kilala ang pamilyang ito sa alta sa syudad. At bigla nagbalik sa isipan ko ang pag-aaway namin ni Sir Ezekiel. Mga lalakeng Montalvo talaga. “Nandito na ako ngayon sa bahay niya Cath, dito na niya ako pinatira. Hindi na siya pumayag na bumalik ako sa apartment ko.” Pag-amin ni Maxine sa akin na hindi ko na kinagulat.Talaga namang nagmamahalan ang dalawang iyon kaya lang ay kailangan pang ipaalala sa mga ito ang nakaraan para lang magising si Maxine at Lucas na mahal talaga nila ang isa’t-isa. “Mabuti naman kung ganun, mag-alala din ako sayo kung sakaling mag-isa ka lang sa apartment mo at buntis ka. Buti na lang talaga at pumayag ka ng umuwi d'yan sa bahay ni Lucas para mabantayan ka niya.” “Para sa baby Cath, ginawa ko na. Pero hindi pa rin talaga kami okay na dalawa hanggang ngayon.” Malungkot na dagdag ni Maxine. Nalungkot din ako sa sinabing iyon ng kaibigan ko. She deserves to be happy no matter what. Wala na itong naranasan kung hindi ang kalungkutan dahil maaga itong nawalan ng ina, at naghirap pa ito kasama ang daddy nito na ngayon ay nasa La Union na nakatira. “Huwag kang mag-alala Max, pasasaan ba at maayos din ang relasyon nyo ni Lucas lalo na at magkaka baby na kayong dalawa.” Alo ko kay Maxine na kahit hindi ko nakikita ay alam kong malungkot ngayon. Malaki naman talaga ang chance na maayos ang sitwasyon ni Lucas at Maxine lalo na at may nakaraan ang mga ito. Hindi basta makakalimutan ng mga ito ang memories na mayroon ang dalawa. “Sana nga Cath, kahit para na lang sa magiging anak namin ni Lucas ay maging okay kaming dalawa.” “Magtiwala ka kay Lucas, Maxine. Maayos ninyo ang problema at magiging masaya ka sa piling niya.” Payo ko kay Maxine. Sana lang ay ganun kadali ang lahat, at maski ako sa sarili ko ay hindi ko naman mai-aaply ang mga ina-advice ko sa kaibigan ko. Maging positibo at magtiwala lang. Haizt!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD