Chapter 15

3690 Words
CATHLYN Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana. Wala akong idea kung saan kami pupunta na eksaktong lugar. Pero base sa sinabi ni Sir Ezekiel ay mukhang kabisado na nito ang lugar kung saan gusto nitong itayo ang negosyong plano naming simulan. Buong akala ko ay ako mismo ang hahanap ng lugar na sinasabi niyang puwede naming bilhin para sa negosyong itatayo namin. Ito na pala mismo ang gumawa ng paraan para mapadali ang pagsasaayos ng lahat. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng biglang mag ring ang cellphone ko at mabilis ko itong kinuha sa loob ng bag ko. Pagkakita ko sa cellphone ko ay nakita kong nakarehistro ang pangalan ng kapatid ko, si Cristoff. Nag-alangan pa ako kung sasagutin ko ang tawag niya o hindi. Bago ko ako magdesisyon ay saglit kong sinulyapan si Sir Ezekiel na noon pala ay nakatingin na rin sa akin. Traffic naman ng mga oras na iyon kaya nagtagal ang titigan naming dalawa. “Answer it.” Untag sa akin ni Sir Ezekiel saka ko naalala ang tawag ni Cristoff. Wala sa loob na i-swipe ko ang answer button para sa tawag at sunod kong nilagay ang cellphone ko sa tapat ng tainga ko. “Hello ate.” Narinig kong tawag niya sa akin sa kabilang linya. Hindi ko siya sinagot agad at naconcious ako sa mga panaka-nakang titig na binibigay sa akin ni Sir Ezekiel habang kausap ko si Cristoff sa cellphone. “Bakit ka napatawag?” sagot ko sa kanya. Binaling ko na ang paningin ko sa labas ng bintana ng kotse para masagot ko ng maayos ang tawag niya. Kung mananatili kasi akong makipagtitigan sa katabi ko ay malamang na hindi ako makapag concentrate at iba-iba ang maisagot ko sa tanong ng kapatid ko, delikado na. “About our parents,” sagot niya sa akin. Nahimigan ko ng lungkot ang boses niya dahil dun ay bigla akong kinabahan. Kahit na palagi nila akong kinukumpara sa kapatid kong si Cristoff, lalo ang araw-araw nilang pagbubunganga sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. They are still my parents, our parents. At mahal ko sila. “Anong nangyari kila Mommy?” ako naman ang nag-aalalang nagtanong sa kanya. Doon muli akong binalingan ni Sir Ezekiel ng marinig nito ang tanong ko kay Cristoff. “They missed you. Kailan ka ba uuwi dito sa bahay ate?” Medyo nagluwag ang paghinga ko ng sunod kong marinig ang tanong niya. Ibig sabihin ay safe naman ang mga ito. At malamang na inutusan lang ng mga ito si Cristoff para kumustahin ako. “Soon, uuwi din ako sa bahay natin. For now, hayaan nyo muna akong mabuhay na mag-isa. Ikaw na muna ang bahala kila daddy at mommy, Cristoff. I know you can stay with them until the end, unlike me.” May pait kong sagot sa kanya. Ako dapat ang nag-aalalaga sa mga magulang naming at hindi ang kapatid kong lalake. Pero dahil sa naging sitwasyon ko sa pamilya namin, mas mainam pa na ipaubaya ko na lang ang pag-aalala sa mga magulang namin kay Cristoff. I know, he can make it. “Pero ate----.” “Please Cristoff. Don’t worry, hindi ako lalayo. I will still be here for our family. But fo the meantime, I guess…being away from our family is the best thing that I can do.” Hindi ko namalayang namula na pala ang mga mata ko habang sinasabi ang mga bagay na yun kay Cristoff. Sunod kong narinig ang pagbuntonghinga nito sa kabilang linya tanda ng pagsuko nito sa usapan naming dalawa. Cristoff’s maturity is the best characteristics that he possesses. Mas bagay pa nga itong maging panganay kaysa sa akin. “Okay but let me know if you need anything, especially money. I can send it to you anytime. And the address where you live now, puwede ko bang malaman para madalaw man lang kita?” “Sige, itetext ko na lang sayo.” Tangi ko na lang nasabi sa kanya. “Mag-iingat ka palagi ate.” It’s just a simple word but it makes my heart cut into pieces. I miss them so much. Family is family, at hindi iyon kailanman mapapalitan. “I will. Ikaw din mag-iingat ka palagi Cristoff.” Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko hanggang sa makita ko ang tuluyang pagtapos ng tawag ni Cristoff sa akin. Hindi ko namalayang nakatitig pala si Sir Ezekiel sa akin. “Why?” mayamaya ay tanong niya sa akin. Nahihiya man ako sa narinig niyang pag-uusap namin na magkapatid ay kailangan ko pa ring magpakita ng katatagan sa harap niya. He knows everything I’ve been through when it comes to my family. He even initiated to help me to become the best version of myself for my family. Wala na akong maitatago sa kanya. “W-wala po sir, tumawag lang si Cristoff sa akin.” “Why he called you?” Napalunok ako gamit ang sarili kong mga laway para saglit na mag-isip ng isasagot ko sa kanya. Nonsense rin kung magsisinungaling ako sa kanya at narinig naman nito ang ilan sa mga napag-usapan naming magkapatid sa cellphone. “Nakibalita lang po siya kung saan ako ngayon nakatira, para madalaw daw po niya ako.” “Tell him where you are right now. Maybe I can also meet him personally one of these days.” Napatango na lang ako sa harap niya bilang sagot sa bilin niya sa akin. Wala namang masama sa sinabi niya kaya hindi na rin ako nag object. Ilang minuto pa ang lumipas at napadpad kami sa isang ma taong lugar sa Pasig at ipinarada ni Sir Ezekiel ang kotse niya sa isang bakanteng side kung saan may isang establishment ang katabi nito. Halatang bagong gawa pa lang ito at modern ang mga ginamit na mga materyales para sa design nito. Nasa 200 square meters ang laki ng lugar. Gawa sa glass ang pinakamalaking parte nito at sinadya itong gawin para makita ang mga nasa loob nito. Ito na kaya ang lugar na sinasabi ni Sir Ezekiel kung saan kami magsisimulang magtayo ng negosyo? Ang susyal naman ng lugar na napili niya, at ang view…kitang-kita ang malawak na Manila Bay. Hindi pa kami bumababa ng kotse pero parang hihimatayin na ata ako sa excitement kung talagang tama ang naiisip ko tungkol sa lugar na pinuntahan namin ngayon. “Let’s go?” yaya niya sa akin. Walang ano-ano ay bumaba ito sa kotse at tinungo ang pinto ng passenger seat kung saan ako ngayon nakaupo. Hindi ko alam kung mabagal lang akong kumilos, oh sadyang mabilis lang siyang maglakad at sa isang iglap ay nasa gilid ko na siya ngayon. Binuksan niya ang pinto ng kotse at inilalayan akong makababa. Natahimik na lang ako at iba talaga ang dala niyang kaba sa sistema ko sa tuwing ginagawa niya ang mga simpleng bagay na katulad ng pag alalay niya sa akin. Sabay kaming naglakad na dalawa. Pati ata mga paa namin ay synchronize sa paggalaw hanggang sa marating namin ang mismong pinto ng establishment na nakita ko kanina. Bigla na lang may tumayong dalawang tao na nakauniporme na pang opisina rin. Agad na nila kaming sinalubong at pinagbuksan ng pinto. Nakangiti sila pareho. “Good morning po Sir Ezekiel, Ma’am Cathlyn.” Unang bati ng babaeng staff sa amin. Nagulat na naman ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Magkakilala na ba kami dati? Pero hindi ko siya matandaan. At pasimple kong sinulyapan si Sir Ezekiel sa gilid ko. “Good morning. Is the papers ready?” Sunod kong narinig na tanong nito sa dalawang taong kaharap namin ngayon. “Yes sir. Need nyo na lang pong isign ang mga documents.” “Alright.” Ramdam ko ang pagdantay ng isang kamay ni Sir Ezekiel sa likuran ko pababa sa bewang ko para yayain akong maupo sa isang bakanteng upuan sa receiving area. Pinauna niya akong maupo saka nito ginalaw ng bahagya ang silyang nakarap sa akin at umupo na rin siya. Nang tingnan ko ang dalawang staff ay nahuli ko pa silang nakatitig sa amin ni Sir Ezekiel na para kaming kung sinong sikat na tao na hindi basta nagpapakita sa madla. At ngayon na nasa harap na nila kami ay natameme na ang mga ito. “Ummmm sir, by the way. Regarding po sa ownership nitong establishment…as stated po on the contract ay si Ma’am Cathlyn po ang nagmamay-ari nitong property? Tama po ba sir?” Paninigurado nito. Nanglaki ang mga mata ko at parang nabingi ako sa narinig ko mula sa babaeng nagsalita. Ako? Ako ang may-ari ng establishment na kinaroroonan naming ngayon? Paano nangyari iyon?I mean, bakit gagawin ni Sir Ezekiel ang ganong bagay sa akin? Amo ko siya, at isang hamak na empleyado niya lang ako. “Yeah, she’s the owner of this property. And we’ll be using this to start our very own first business.” Lumuwang ang pagkakangiti ng dalawa matapos magsalita ni Sir Ezekiel. Nananitili akong naguguluhan sa mga nangyayari at tanging si Sir Ezekiel lang ang makakasagot ng mga katanungan sa isip ko. Nakita kong napangiti ang kaharap naming mga staff ng marinig ng mga ito ang sagot ni Sir Ezekiel. Hindi ko alam kung hindi sila naniniwala na posibleng ako nga ang mga may-ari kuno ng lugar kung saan kami magtatayo ng business namin. Hindi ko na lang pinahalata na hindi ko masyadong nalalaman ang mga nangyayari sa paligid namin. Mamaya ko na lang siguro tanungin si Sir Ezekiel tungkol sa bakit kailangan pa niyang sa akin ipangalan ang establishment na binili nito para sa negosyo naming dalawa. Tumagal ng halos ilang minuto ang pagpirma namin ni Sir Ezekiel sa mga documents na isa-isang pinaliwanag ng mg staff kung para saan. Habang magkaharap kami ni Sir Ezekiel at pumipirma ito ay hindi ko mapigilang titigan ito. Seryoso ito habang pumipirma sa mga dokumento. Relax na relax ito na para bang hindi nagastahan ng ilang milyon dahil sa pagbili nito mismo ng lugar na gagamitin namin sa negosyo. Nang titigan ko siya ng matagal ay doon ko lang napansin ang mahaba nitong mga pilikmata na hindi ko napapansin dati. Ang mga labi nito ay mapula na mas lalong naging visible dahil sa maputi nitong balat. Sakto namang paglingon nito sa gawi ko ay nakita nitong nakatitig ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nagbawi ng tingin. Nagkunwari rin akong nasamid para hindi nito isipin na kanina ko pa siya tinitigan. Nakakahiya! “Do you like the place?” hindi nito nakalimutang itanong sa akin bago kami umalis para naman puntahan ang magiging lugar ng production ng mga product na una ko nang sinabi sa kanya sa proposal. Hindi na ako nagulat na sa ganoong kabilis na oras ay nagawa nito ang ilan sa mga importanteng bagay na kailangan namin sa negosyo. Isa siyang Montalvo, and with his name I know that he can do impossible things to possible. “O-opo sir. Bagay na bagay po ang lugar na napili mo para sa itatayo nating negosyo.” Alangan kong sagot sa kanya. Kasalukuyan na kaming bumibiyahe. “I’m glad you like it. Kumain muna tayo bago natin puntahan ang magiging factory ng mga products na imamarket natin." Katulad kanina ay wala na naman akong nagawa ng ito ang magdesisyon sa kung ano ang dapat naming gawin na dalawa. Hindi naman masama ang gusto niyang mangyari kaya hindi na rin ako nagreklamo. Mas lalo lang gugulo ang lahat kapag sumalungat pa ako sa gusto niya. Pero hindi ko nakakalimutang dapat ko siyang tanungin ng personal tungkol sa pagpapangalan niya ng binili nitong lugar kanina sa akin. Nagpatuloy ang biyahe naming hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang exclusive restaurant at nag park si Sir Ezekiel ng kotse sa mismong parking area ng restaurant. Katulad kanina ay nilingon niya ako at niyaya habang ngtatanggal ito ng seatbelt sa katawan. Hindi katulad kanina, hindi na nagsalita si Sir Ezekiel at bumaba na ito ng sasakyan at pinagbuksan niya muli ako ng pinto ng kotse. Mukhang nasasanay na ata ako sa mga gestures niya na katulad nito. At hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala dahil unti-unti may kakaiba na akong nararamdaman sa puso ko na hindi ko maipaliwanag hanggang sa ako mismo ang kusang umamin sa sarili ko na totoo ang lahat ng naiisip at nararamdaman ko para kay Sir Ezekiel. Nasa harap kami ngayon ng isang floating restaurant kami ngayon. First kong makarating sa lugar na ito. Mas maeenjoy ko sana ng magandang view kung ang kasama ko ay hindi ako tinitigan ng basta basta na parang palagi ako may kasalanang ginawa sa kanya. Hindi naman nakakatakot actually ang ginagawa niyang paninitig sa akin, some sort of feeling uncomfortable because I know his eyes are really targeting me. Nagpalinga-linga na lang ako sa paligid para hindi ko masyadong ma feel ang kaba dahil sa sitwasyon naming dalawa ngayon na kung ibang tao ang makakita ay malamang na pag-isipan pa kami na may kung ano ng namamagitan sa amin ni Sir Ezekiel. Hindi sinasadya na sa paglingon ko ay mahagip ng mag mata ko ang isang bulto ng lalake na nakaupo lang pala sa gilid namin ni Sir Ezekiel. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin pagkakita ko sa kanya sabay taas ng isang gilid ng labi nito. Nangunot ang noo ko at parang pamilyar ang mukha nito sa akin. Nang muli kong ibalik ang paningin ko sa kaharap ko ay doon ko naman nakita ang magkasalubong nitong mga kilay. Ka stress na siya kung minsan, pero pogi pa rin. Kainis! Nagpatuloy ako sa pag-isip kung sino ang lalakeng nasa likuran namin hanggang sa naramdaman ko ang paglapit niya sa table namin. “Hi.” Napabalikwas ako ng baling sa gawi niya at laking gulat ko ng magtama ang mga mata namin at doon ko naalala kung sino ang kaharap namin ni Sir Ezekiel ngayon. “Limuel?” “Yeah, happy to see you again Cath.” Nakangiti nitong bati sa akin. Napangiti na rin ako katulad ng ginawa nito at hindi ko napigilan na tumayo at makipag shake hands dito. “Kumusta na?” Nakangiti kong tanong sa kanya. Nakabalik na ako sa pagkakaupo. Yayain ko sana siyang mag join sa table namin kaso baka magalit na naman ang magaling kong boss. Naisip ko na lang na ipakilala si Limuel kay Sir Ezekeil. “Ammmmm, sir... si Limuel po friend ko.” Lingon ko sa kanya. “Limuel, siya si Sir Ezekiel…boss ko.” Tumango-tango pa si Limuel sa sinabi ko at saka nito nilahad ang isa nitong kamay para makipagkamay kay Sir Ezekiel. “Good afternoon, Mr?” Hindi agad sumagot si Sir Ezekiel at tinitigan pa nito ang kamay na nasa harap nito. Kinabahan tuloy ako. “Ezekiel Montalvo.” “Oh, so you’re the famous youngest son of Lorenzo Montalvo. Interesting that I met you here bro.” Binalewala lang ni Sir Ezekiel ang sinabing iyon ni Limuel at sunod naman niya akong tinitigan at parang bigla akong napaso sa uri ng tingin na pinukol naman niya sa akin. “If you don’t mind, can I join you here?” walang ano-ano ay tanong ni Limuel sa amin. Nilingon ko si Sir Ezekiel kung ano ang magiging reaction niya at simple lang itong tumango at saka binaling muli ang paningin sa tubig na nakapaligid sa buong floating restaurant na kinaroonan naming ngayon. Nakilala ko si Limuel ng minsan ay iset up kami para mag blindate na dalawa. Syempre, ang may pakana na naman ay ang mga magulang namin na wala na atang ginawa ng mga panahon na yun kung hindi ang pakielamanan ang personal naming mga buhay. Mabait naman si Limuel, cool din ito kasama pero sabi nga…sa una pa lang mararamdaman mo dapat ang spark kapag magkasama kayo. Pero sa amin ni Limuel, wala. Were just happy talking about something and that’s it. Nnnglingaw siiya sa akin pero hindi ako naglaan ng time para ientertain siya that time dahil alam kong bibigyan ko lang ng kasiyahan ang mga magulang ko kapag puamyag ako sa gustong mangyari ni Limuel. Naisip ko rin na kapag pumayag akong ligawan nioya ay isipin pa nitong may pag-asa siya sa kin na wala naman talaga. Humingi rin ng tulong si Limuel sa mga magulang ko psrs baguhin ang isip ko tungkol sa aming dalawa pero hindi ako pumayag hanggang sa nagpasya itong mag trabaho sa ibang bansa. Simula noon ay hindi ko na siya nakita o nabalitaan man lang. Hindi ko rin alam kung nagalit ito sa akin dahil sa pag reject ko sa kanya dati. Sa pag-upo ni Limuel kasama sa table namin ni Sir Ezekiel ay mas lalo atang naging awkward ang ambiance bigla sa paligid namin. Napainom na lang ako ng tubig dahil sa tension na nararamdaman ko. Nang linungin ko si Sir Ezekiel ay muntik ko pang maibuga ang tubig na nasa bibig ko dahil sa hitsura nito. Madilim ang awra nito, at parang nalugi ng ilang milyong sa negosyo nito kung titingnan ko. Bakas din ang inis sa mga mata nito kahit na hindi ko direkta na nakikita ang kabuuan ng hitsura nito. “Kumusta ka na pala Cath? Long time no see ah. I contacted you when I went back to the Philippines but your number doesn’t exist.” Totoo ang sinabi niya, nakailang palit na rin ako ng personal na number at ayokong maraming tumatawag o nagtetext na kung sino-sino sa akin. Ang tendency ay magpapalit na lang ako ng number para hindi nila ako makontak pa. “Ah yun ba, nagpalit na kasi ako ng number kaya hindi mo siguro ako makontak.” Sagot ko sa kanya sabay lingon sa nakasimangot ko pa ring amo sa tabi ko. Hindi pa rin nababago ang una nitong hitsura ng ipakilala ko sa kanya si Limuel na naging kaibigan ko naman kahit papaano. “I see.” Balik na sagot ni Limuel sa akin at sunod nitong hinarap si Sir Ezekiel. Napalunok na naman ako sa nerbiyos at baka kung saan pa makarating ang pakikipag-usap nito kay Sir Ezekiel, mahirap na. “Mr. Montalvo. I heard a lot of positive reviews about your agency and ofcourse your family.” Saglit nitong sinulyapan si Limuel at mariin itong nakipagtitigan dito. “Our family is good at everything. You don’t have to mention it including the success of my business.” May pagmamalaking sagot nito kay Limuel na kinangiwi ko naman. Talaga naman ‘oo’. Wala na talaga akong masabi sa isa na to. Kulang ay humangin ng malakas dahil sa mga sinabi nito. Kaya lang, may ipagmamalaki naman talaga ito lalo na ang pamilyang kinabibilangan nito kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit ganoon na lang nito ipakilala ang sarili kay Limuel. Natahimik na lang si Limuel pagkatapos nitong marinig ang sagot ni Sir Ezekiel. Hindi ko alam kung na offend ba ito o namangha dahil sa sinabi nito sa harapan namin. “Ummmm, medyo nakakaabala na ata ako sa meeting nyo na mag boss. So I guess, iwan ko na muna kayo.” Tanging nasabi na lang ni Limuel pagkatapos. Nanatiling masama ang titig ni Sir Ezekiel dito na parang may mali sa bawat sinasabi nito na kinainis ko naman. Wala naman ginagawa o sinasabi si Limuel na masama para magalit ito ng ganun sa tao. O baka sadyang topakin lang ang taong ito at kahit sino na lang ay binubontonan ng inis nito. “Cath, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo? Pati account mo sa social media ay hihingin ko sana, that way ay makokontak na kita at hindi ka na lang basta nag fa-fade away.” Nakangiti nitong biro na kinatawa ko naman. Hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng tawa dahil sa lakas ng sense of humor nito. Kaya lang ay ng lingunin ko si Sir Ezekiel ay biglang nalusaw ang ngiti ko at naging ngiting aso na lang. Tiningnan niya ako ng masama at wala na nga akong magawa kung hindi ang ibalik sa normal ang ayus ng mukha ko at baka kung ano pa mangyari sa lalakeng ito hanggang mamaya. “Sige.” Simple ko na lang na sagot sa kanya at kinuha ko ang cellphone ni Limuel na iniabot sa akin para maitype ko ang number ko na hinihingi niya. Habang nagtytype ako sa cp niya ay narinig ko ang pag ismid ni Sir Ezekiel sa tabi ko at napalingon na lang ako bigla sa gawi niya. “Tsssk!” Ano ba ang problema ng lalakeng ito? Kaysa patulang ko pa ang pag tatruntums niya ay binalewa ko lang ang presensiya niya sa tabi ko at inaabot ko na kay Limuel ang cp nito. “Thanks Cath! See you around.” Paalam niya sa akin. Pagkatapos umalis ni Limuel sa table namin at magbayad na rin ito ng bill nito at tuluyan na rin nitong nilisan ang floating restaurant na kinaroroonan naming ngayon. “Let’s go.” Dinig kong sabi ni Sir Ezekiel sa akin. Hindi pa nga kami nagsisimulang kumain tapos nagyaya na itong umalis? Sunod nitong tinawag ang waiter at inutusan na ipa take out na lang ang mga order naming pagkain na pinagtaka ko naman. Hindi na niya ako kinausap pagkatapos nitong magyaya na umalis na kami. Tahimik na lang ito sa tabi ko pero bakas parin ang hindi magandang mood nito na hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan na naman. Nang bumalik ang waiter na dala na nito ang mga supot ng pagkain na inorder ni Sir Ezekiel. Ito na mismo ang kumuha ng mga paper bag na iniabot ng waiter. Matik na sumunod na ako sa kanya ng maglakad na ito pababa ng floating restaurant. Nang makababa na si Sir Ezekiel ay pinag isa nito ang mga dala nitong paper bag at saka ako inalalayan na bumaba katulad kanina ng paakyat naman kami. Concern pa rin naman pala siya sa akin kahit na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang guwapo nitong mukha ngayon. Nang pareho na kaming naglalakad para tunguhin ang parking area kung saan nakapark ang kotse ito ay nanatili lang kaming tahimik sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD