Chapter 14

1948 Words
Muntik pa akong mahulog sa kama ng bigla ay bumiling ako at antok na antok na kinapa ang alarm clock na nakatong sa side table. Kinapa ko pa ang gilid nito upang tuluyan itong pahimikin at kulang na lang ay mairita na ako sa tunog nito. Isa ata ito sa kahinaan ko sa buhay, ang gumising ng maaga. Bakit ba kasi halos madaling araw na ako nakatulog? Padabog kong hinagis ang isang unan na yakap-yakap ko buong magdamag. Hindi ko na napigilang isipin na naman ang mga katanungan na patuloy na bumabagabag sa akin sa tuwing nasa harapan ko si Sir Ezekiel. Ilang taon ko na siyang kasama pero ngayon ko lang naramdaman ng todo ang ganitong pakiramdam na parang gusto ko na palagi siyang makita. Ang makita ang guwapo nitong mukha, ang amuyin ang mabango nitong katawan. At bigla ay napailing na lang ako. Dati ay napapatingin lang ako saglit sa kanya sa tuwing makikita ko siya sa office pero ngayon, parang hindi ko na kayang basta titigan lang siya. At ngayon ko napatanto na malala na talaga ang mga naiisip ko tungkol sa amin ni Sir Ezekiel. Isang buntonghininga na lang ang naibigay kong sagot sa huli kong sinabi at sunod kong itinapak sa carpeted na sahig ang mga paa ko. Hinawi ko ang curtain na malapit sa headboard ng kama ko at doon ko nasilayan ang papasikat na araw. Kitang-kita ko ang magandang view ng Manila bay at kung paanong ang mga taong naglalakad sa gilid nito ay nagmistulang langgam sa liit sa paningin ko. Kahit na gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa buhay ko ay wala akong karapatang magreklamo o huminto. Hindi ngayon na nagsisimula na akong magdesisyon para sa sarili ko. Muli na namang sumagi sa isip ko ang iniwan kong pamilya, o mas tamang sabihing nang iwan sa akin at hindi ako nagawang suportahan sa maraming bagay. Muli kong binalik sa pagkakaladlad ang kurtina na hinawa ko at nagtungo ako sa kusina para maghanda ng breakfast. Una akong nagsalang ng tubig sa electric kettle bago ako kumuha ng tinapay na gagawin ko namang sandwich. Saktong pagtunog ng electric kettle ay ang pagtunog naman ng cellphone ko na nasa bulsa ng trouser na suot ko. Nang kuhanin ko ito ay doon ko nakita ang pangalan ni Sir Ezekiel. Hindi ko agad nasagot ang tawag niya at tinitigan kong mabuti ng paulit-ulit ang pagring ng cellphone ko dahil sa tawag niya. Agad ding natapos ang tawag niya at hindi na ulit ito nagtangka pang tumwag muli. Sunod kong nabasa ang text message na galing sa kanya. Good morning! See you at the office. I have important matters to discuss with you before we visit the site. Napahagod muli ako sa buhok sa ulo at minsan pa ay narinig ko ang malakas ng kalabog ng puso ko habang titig na titig ako sa mensahe niya sa akin. Isang text lang yun pero nagdulot na naman ito ng sobra-sobrang kaba at pagkalito sa akin. Hindi ka dapat magpaapekto sa mga nararamdaman mo Cathlyn! Hindi, okay? Kailangan mong gawin ang lahat para mapatunayan mo sa pamilya mo na mali ang lahat ng iniisip nila sayo, at hindi makakatulong sa bagay na iyon ang pagkalito mo sa kung ano man ang nararamdaman mo para sa boss mo. Isa iyong paalala na dapat kong isiksik sa utak ko para magtagumpay ako sa mga gusto kong gawin sa buhay. I’m still young. Marami akong gustong gawin sa buhay na hindi ko magawa noong nasa poder pa ako ng mga magulang ko, and now that I am free with their shadows…gagawin ko lahat ng gusto ko. I’ve been dreaming of these days before. Iyon pakiramdam na para akong isang ibon na sa wakas ay nakalaya ako asa hawla. Makalipad kung saan lugar ako dalhin ng aking mga pakpak. Ang makita ang iba pang mg bagay sa mundo maliban sa mga bagay na nakagisnan ko na. Ang imulat ang mga mata ko na alam kong isang magandang araw ang masisilayan ko sa paligid kasama ang taong minamahal ko, at syempre yung taong mahal din ako. Napangiti na lang ako sa naisip kong iyon at talagang iba na ang nagiging epekto ni Sir Ezekiel sa isip ko. Nagiging malalim akong mag-isip na hindi ko naman dati ginagawa. Nagpatuloy ako sa paghahanda ng almusal ko para makapasok na rin ako sa agency at makausap si Sir Ezekiel. Ezekiel I’m busy reading some information regarding the place that I bought for Cathlyn to start our new business. It’s my way of getting her attention. I want her to feel that I can do everything just to have her in my life. Kahit imposible ay kaya kong gawing posible para sa kanya. Gradually, I felt I can’t live without her. Siya ang nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam na parang gusto ko ng aminin na nagkamali ako ng sabihin ko sa mga kapatid ko na hinding-hindi ako mababaliw ng dahil sa pag-ibig. Pero simula ng mapalapit ako kay Cathlyn ay pakiramdam ko, ayoko na siyang mawala sa buhay ko. At kung may magtangka mang agawin siya sa akin ng ibang lalake ay tiyak na hindi ito magtatagumpay. Cathlyn is mine. From the day I saw her, I knew that she belongs to me. She’s even destined to be mine forever. At iyon ang ipaglalaban ko hanggang sa huli. I waited for her since I came into the office this morning. I really missed her even though we saw each other last night. Ganun ko siya gustong makasama. Sa araw man o gabi ay gusto ko siyang nakikita. I love how I see her differently every day. Mas lalo kong napapatunayan na may nararamdaman ako sa kanya na hindi ko naramdaman sa ibang babae na nakilala ko. There’s something in her that I really like most, at iyon ay ang pagiging simple pero matapang sa buhay. Hindi siya kamukha ng ibang anak mayaman na maarte at kulang na lang ay ayaw maarawan para hindi masira ang kutis. Wala itong arte, at nakita ko na totoo ang iniisip ko tungkol sa kanya ng walang ano-ano ay basta na lang ito umupa sa isang lumang bahay para lang matirhan. She can actually stay in a hotel or condo, but she chose to stay in that kind of house. She has those qualities I have never seen in many women I’ve met. She’s totally different from them that’s why I love her. I heard a knock on the door that distracted me for a while. “Come in.” Pag-angat ng mga mata ko para tingnan kung sino ang taong pumasok sa opisina ko ay biglang nagliwanag ang paligid ko. Si Cathlyn ang pumasok . Nakausot ito ng isang fitted long sleeve na kulay creame na tinernuhan ng white slacks. Nakatali ang buhok nitong kulay mais at agad kong napansin ang mild make-up sa mukha nito na mas lalong nagdagdag ng ganda. Saglit na napaawang ang mga labi ko at parang hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Sana ay hindi niya mapansin kung gaano ako ka attracted sa kanya. But soon, I will ask her about our relationship. I hope, she’s also something to say between us. I now, I can win her, it just a matter of time. Napalunok ako ng direkta niya akong tiningnan sa mata ng makalapit ito sa mismong mesa na nasa harapan ko ngayon. “Good morning po sir.” Malamyos ang boses nito na parang isang anghel ang kaharap ko ngayon. “Goodmorning, have a seat.” Itinuro ko ang isang bakanteng upuan sa harap ko at awtomatik naman na lumakad siya paupo sa silyang tinuro ko, Pagkaupo niya ng maayos ay sunod nitong inilapag ang isang folder sa harap ko at nagsalita. “Sir, ito po yun mga lugar na nahanap ko na posible nating pagtayuan ng business na itatayo natin, sana may mapili po kayo.” Nagulat ako sa sinabi niya dahil ang totoo ay inutusan ko na ang personal secretary ko para humanap ng lugar na pagtatayuan namin ng aming negosyo. Kinuha ko ang folder at binuksan. Nakita ko ang iba’t-ibang lugar sa Manila kasama ang contact number ng establishment. Then I look at her. “May nakita na akong lugar na puwede nating pagtayuan ng business na uumpisahan natin.” Pagbabalita ko sa kanya. Napaangat ng tingin si Cathlyn at nagtama ang mga mata namin. “Talaga po sir?” “Yeah, I asked my secretary to find a place we can use for our business.” “Mabuti naman po kung ganoon, kala ko po kasi---.” “It’s okay. Can we visit that place today?” I asked her. Isinandal ko ang katawan ko sa likod sa back rest ng swivel chair na kinauupuan ko habang hinihintay ang sagot niya. “Puwede naman po sir kaya lang ay may trabaho po ako ngayon dito sa agency.” She hesitantly answered me. “I’m your boss, right? So bakit kailangan mong isipin ang work mo dito sa agency?” I dare to asked her afterwards. I want her to feel relax everytime she’s with me. Gusto kong palagi siyang makitang masaya at kampante sa piling ko. “Kasi po sir---.” “I said it’s okay. Ako ang bahala, don’t worry.” I assured her. Napatango na lang si Cathlyn sa sinabi ko na kinatuwa ko naman. Tumayo ako pagkatapos at niyaya siyang lumabas ng opisina ko para mapuntahan na namin ang lugar na sinasabi ko sa kanya na dapat naming tingnan para masimulan na namin agad ang itatayo naming negosyo. CATHLYN Halos mapayuko na lang ako pagkalabas namin ng opisina ni Sir Ezekiel. Ang lapit pa niya sa akin na hindi ko alam kung sinasadya niya iyong gawin. Bigla tuloy akong naconcious at nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko sa trabaho na parang hindi makapaniwala na kasama ko ngayon ang amo namin habang naglalakad. Napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Sir Ezekiel sa siko ko dahilan kung bakit napalingon ako sa gawi niya. Inilapit nito ang mukha sa tainga ko at may binulong. “Relax darling, you don’t have to be conscious.” Mahina niyang bulong sa akin na nagpatulala sa akin. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong darling? Baka naman nabingi lang ako, oh namali ng dinig kaya nagbawi agad ako ng tingin sa kanya at nagfocus na lang sa dinaraanan namin. Hindi ko gustong makita niya kung gaano ako naapektuhan ng simpleng paglapit lapit niya sa akin at talagang nakakapanghina ng mga tuhod ang presensiya niya. Isama pa ang mga matang mapanghusga na nakatunghay ngayon sa amin ng mga sandaling iyon. At bago kami tuluyang sumakay sa elevator ay may kinausap muna si Sir Ezekiel na kung hindi ako nagkakamali ay si Ella, ang secretary nito. “Cancel all my meetings today, I may not be able to attend them. May pupuntahan lang kaming importante ni Cathlyn. Hindi ko alam kung saan titingin pagkatapos sabihin iyon ni Sir Ezekiel sa secretary nito. Baka kung ano pa ang isipin nya sa aming dalawa dahil sa sinabi ng amo namin. Nakita ko ring pahapyaw akong tiningnan ni Ella na parang hindi alam kung maniniwala ba sa sinabi ni Sir Ezekiel o hindi. Sunod itong nagsalita pagkatapos. “Okay po sir, inform ko na lang po ang ibang client natin regarding sa postponement of your meeting with them.” “Thank you.” Ako naman ang sunod na hinarap ni Sir Ezekiel. “Let’s go?” yaya niya sa akin na dahilan kung bakit bigla akong nagulat at napatango na lang. At wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya habang naglalakad palabas ng building ng agency nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD