Chapter 13

2199 Words
Cathlyn Napalingon ako sa likod kung saan ay nakasunod sa akin si Sir Ezekiel ng sa wakas ay nasa loob na kami ng condo. Nagtuloy ito sa paglalakad at nilagpasan niya ako para ipatong ang bag na dala ko sa isang glass center table sa sala. Titig na titig pa rin ako sa kanya na para bang may kakaiba itong ginawa samantalang inipalag lang naman nito ang bag na dala nito. “Have you eaten your dinner?” Walang ano-ano ay bigla nitong tanong sa akin. Nagulat tuloy ako at napatikhim pa ako dahil sa kabiglaan. “A-ammmm, to be honest hindi pa po sir.” Pagtatapat ko sa kanya. Totoo naman na hindi pa ako kumakain ng hapunan at bigla na lang itong tumawag na susunduin nya ako kaya ang ending ay hindi ko rin nakain ang niluto kong pagkain sa apartment ni Maxine. Nakita ko ang pagbuntong hininga nito sa harap ko na parang hindi nagustuhan ang sinagot ko sa kanya. Ano ba ang problema nito? Nagtanong lang naman siya sa akin, at sinagot ko kaya bakit mas mukha pa itong problemado kaysa sa akin? Sunod kong nakita ang pagkuha nito sa cellphone nito sa pocket ng khaki pants nito at may tinawagan ito bigla. “Yeah, anything na masarap. Include also some desserts na available. Okay, I’ll just wait you here.” Nagtaka ako kung sino kausap nito sa kabilang linya. Obvious naman na umorder ito ng pagkain hindi ko lang alam kung para sa akin ang mga iyon oh baka naman nag aassume lang ako? Ewan. Matapos nitong kausapin ang nasa kabilang linya ay alangan na naman akong tumingin sa gawi nito at sakto naman na nakatingin na rin pala siya sa akin. Para akong napaso ng magtagpo ang mga mata namin. Awkward moment ata ang tawag dun. “I ordered you some food to eat, just change your clothes and we will eat together.” Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang sabi niya. Tama ba ang narinig ko? Pinagpapalit niya ako ng damit? I mean, oo nga naman…gabi na kaya dapat na kumportable ang suot kong mga damit. Pero teka, bakit talagang kung kailan ito nasa loob ng condo ko saka nito sasabihin ang bagay na’yun? “Don’t stare at me that way.” “A-ammm, okay lang po ako sir. Mamaya na lang po ako magpapalit ng pantulog,” sabi ko. Bahagyang nagsalubong ang dalawa nitong kilay at medyo kinabahan ako dahil doon. “Change your clothes now.” Muli nitong utos sa akin. Ano ba ang mali sa damit kong suot ngayon at galit na galit ito na palitan ko na? Pasimple kong sinulyapan ang suot ko ngayon. Nakarubber shoes naman ako. Ripped shorts na medyo kita ang mga mapuputi at mahaba kong mga hita. Nakasuot naman ako ng fitted sleeveless na blouse. Strechable ito kaya halos bumakat ang hubog ng katawan ko habang suot ko ito. May mali ba sa outfit ko ngayon? Ito naman talaga ang pormahan ko kapag walang pasok sa work at talagang chill lang ang gagawin ko sa araw na’yun. Hindi ko rin naman napansin na bastusin ang suot ko at halos naman ata ng mga dalagang kakilala ko na nasa Manila nakatira ay ganito ang mga sinusuot habang nagliliwaliw sa kahabaan ng Maynila. Huli na ng mapansin ko na nakalapit na pla siya sa akin at titig na titig pa rin. “Next time, don’t wear that kind of revealing clothes. You can wear at least a dress which is below your knee.” Napaawang ang labi ko sa hinirit na naman nitong kumento sa akin. Talaga ba? Pati ang susuotin ko na sa araw-araw ay ito na ang magdedesisyon? Hindi agad ako nakakibo at tinansya ko pa ang ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi nito sa akin. Para akong hihikain dahil sa hirap ng paghinga na nararanasan ko ngayon habang malapit lang ang distanya ni Sir Ezekiel sa akin isama mo pa ang nakakapanikip na dibdib na mga utos nito. “Go to your room and change your clothes.” Inis akong tumalikod at nagmartsa papasok ng kuwarto ko. Kailangan kong magtimpi, magtimpi at habaan ang pisi ng pasensiya ko. Iyon ang binulong ko sa sarili ko para manatili akong kalmado sa mga nangyayari. Pagpasok ko ng loob ng kuwarto ay naitikom ko ang dalawa kong kamao at napatili na wala namang boses na lumalabas sa bibig ko. Inis, gigil at pagtataka ang mga sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko makuha ang point ni to kung bakit kailangan nitong umakto sa harap ko na parang concern na concern ito sa akin. Pabalang kong buksan ang drawer ng cabinet ko para pumili ng damit na isusuot pantulog. Isang loose t-shirt at panjama ang napili kong suotin. Ewan ko lang kung may reklamo pa ito sa damit na napili ko, talaga na lang. Bago ako magpalit ng damit ay naglinis muna ako ng katawan. Hindi naman ako ganong marumi at bago ako pumunta sa apartment ni Maxine ay naligo naman ako. Nang matapos akong magpalit ng damit at nag-ipon ulit ako ng lakas ng loob at mahabang pasensiya bago humarap kay Sir Ezekiel. Kalma ka lang Cathlyn, habaan mo pa ang pasensya mo at kailan mo siya…remember that. Kalaunan ay unti-unting narelax ang katawan ko at binuksan ko na ang pinto ng kuwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay nahagip agad ng mga mata ko si Sir Ezekiel. Nakatingin ito sa glass window ng sala at may kausap na naman sa phone. Nakapamulsa pa ang isa nitong kamay sa pocket ng pantalon nito. Sinadya kong hindi patunugin ang pinto ng lumapat ang dulo nito sa hamba para hindi makaistorbo at hindi sinasadya kong narinig ang huli nitong sinabi sa kausap nito bago niya ako sinulyapan. “I’ll talk to you tomorrow, Pia.” Hindi ko napigilan ang paghinto ng paghinga ko ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Sir Ezekiel sa akin habang nakatitig siya sa akin ng mga sandaling iyon. Pia…ito na kaya si Pia Anderson na nali-link dito? Sinadya kong hindi siya sulyapan man lang kahit segundo at masyado akong naguguluhan sa mga naiisip at nararamdaman ko ng mga oras na iyon ng dahil lang sa simpleng pagkarinig ko ng pangalan ng Pia na’yun. Katahimikan ang namayani sa amin bago may sunod-sunod na katok kaming narinig mula sa pinto. Pareho kaming napatingin na dalawa sa gawing iyon at nakita kong kumilos si Sir Ezekiel papunta sa pinto. Hindi ko nakita kung sino ang kausap nito sa labas ng pinto, sinadya nitong hindi iluwang ang pagkakabukas nito kaya hindi ko man nasilip kahit anino ng kung sino mang taong nasa labas. Nagulat na lang ako ng abutin ni Sir Ezekiel ang mga paper bag na hindi ko alam ang laman at humarap na uli sa akin. “Eat this food before going to sleep.” Dumiretso ito sa kitchen pagkatapos. Natigilan na lang ako at hindi alam ang gagawin. Ano, susundan ko ba siya s kusina? Hindi na, malaki na siya kayang-kaya na niya ang anumang ginagawa niya dun. Pero paano kung hinihintay pala niya ako na pumunta dun at ako mismo ang maghanda ng mga pagkain na binili nito? Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kalituhan na pilit kong nilalabanan ngayon. Sa huli ay napilitan pa rin akong tunguhin ang kusina kung saan naabutan ko ngang nagsasalin ng mga pagkain si Sir Ezekiel sa mga plato. May chicken joy, buttered shrimp at vegetable salad akong nakita na nakasalin na sa plato at nakahain sa mesa. Bigla akong natakam sa amoy pa lang ng mga pagkain iyon. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at kusa itong lumapit palapit sa mesa, doon biglang lumingon muli si Sir Ezekiel at nagsalita. “Eat all of these food.” Utos nito sa akin. At walang ano-ano ay naghila ito ng isang silya at saka ako tiningnan. Awtomatik naman na lumapit ako sa kinaroroon nito para dun maupo sa upuang hinila nito para sa akin. Pagkatapos akong makaupo ay naghila pa ito ng isang upuan na malapit lang sa kinauupuan ko. Para na namang sinisilihan ang katawan ko at hindi mapakali lalo na at alam kong nasa malapit lang siya. Hindi agad ako nakagalaw para kumuha ng plato at lagyan ito ng mga pagkain. Unang gumalaw si Sir Ezekiel kaya buong akala ko ay kakain din ito pero nagkamali ako. Pagkalagay nito ng mga kanin at mga ulam sa plato ay sunod nitong inabot sa akin ang platong hawak nito. Nagkatitigan kami at walang nagsalita saglit. Tumingin sa platong hawak si Sir Ezekiel na para bang gustong sabihin na kunin ko na ito bago pa ito mangawit sa pagkakahawak nito. Atubili kong kinuha ang platong inaabot niya akin at ibinaba sa mesa muli. Hindi ko nahinintay pa ang sunod niyang gagawin at nagsimula na akong kumain. Bahala na siya, malaki na siya kaya hindi ko naman na siya kailangang alalahanin. At bigla akong nakonsensya ng maisip ko na ito pa talaga ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko tapos ay hindi ko man siya maalok na kumain. Ibinaba ko sa mismong plato ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. “Kayo po sir, hindi po ba kayo kakain?” hindi ko na napigilang itanong sa kanya at nakita ko rin na sumandal na ito sa upuan at hindi na kumuha pa ng isa pang plato para kumain. “I’m full, ikaw ang dapat na kumain. Tingnan mo nga oh, ang payat mo tingnan.” Kumento nito sa akin. Siguro dahil sa suot kong maluwang na tshirt at panjama kaya mas lalo akong naging payat sa paningin nito. Napatango na lang pagkatapos. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na alam kong nakatitig siya sa akin na para bang hindi nito alintana na pwede ko siyang mapansin dahil sa ginagawa nito. Halos hindi ko mabilang ginawa kong pagsulyap kay Sir Ezekiel habang kumakain ako. Lagay ito ng lagay ng pagkain sa plato ko at ng maramdaman kong busog na ako ay sinabi ko na lang na okay na ako sa pagkain at hindi naman kailangang ubusin ang mga pagkaing order nito. Ilalagay na lang sa ref at puwede pa itong initin bukas. Nang matapos ako sa pagkain ay hindi ko napansin na titig na titig na naman si Sir Ezekiel sa akin na parang may mali itong nakikita sa mukha ko kaya tinanong ko siya. “May problema po ba, Sir Ezekiel?” “May kanin ka sa gawing gilid ng labi mo.” Turo niya sa akin. Naging alerto naman ako at agad kong hinaplos ang mukha ko para matanggal kung ano mang dumi ang mayroon sa labi ko. “Let me take this.” At hindi na nga nakapagpigil si Sir Ezekeil at inilapit na nito ang kamay nito sa mukha ko at ito na mismo ang nagtanggal ng dumi sa mga labi ko. Alangan akong napangiti sa harapan niya habang mabini nitong tinatanggal ang dumi sa mga labi ko. Naramdaman ko pa ang pagdikit ng daliri nito sa malambot kong mga labi dahilan kung bakit bigla akong na ground na parang nakuryente dahil sa ginawa nito. Nagulat ako at talagang hindi ko maipaliwanag kung bakit sa simpleng pagtanggal lang ng dumi nito sa mga labi ko ay nagdulot na ito ng nakakabaliw na sandali sa puso ko. He’s not the first man I’ve encountered since I chose to mingle with them, but his presence keeps me wondering why I need to feel this kind of heartbeat when he’s around me. Hindi natinag ang ginagawa nitong pagtitig sa akin at pakiramdam ko ay mali na sa mga nangyayari sa aming dalawa ngayon. Hindi na ito normal, at kinabahan na naman ako ng todo. At doon ko naisipan na magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa nitong pagpapakain sa akin at ito pa mismo ang naghanda ng mga pagkain sa mesa. “Thank you po sir.” Tangi ko na lang nasabi. Natahimik lang din si Sir Ezekiel dahil sa sinabi ko at ito na ang kusang nagtapos ng pag-uusap namin ng gabing yun. “Make sure that you will lock your door.” mahigpit niyang bilin sa akin bago ito tunguhin ang pinto ng condo ko. “And tomorrow, let’s visit the area where we can start our business.” Napaawang ang mga labi ko sa binalita nito sa akin. Totoo bang may nahanap na itong lugar kung saan puwede naming simulan ang negosyong binabalak naming dalawa? Kailan pa kaya siya nakahanap ng lugar na sinasbi niya? indi na siguro ako dapat magtaka pa, sa isang katulad nito na may mga connection at pera ay talagang posible na magawa nito agad ang mga bagay na naisin nito. “O-okay po sir.” Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakatitig sa akin na dahilan ng paaalburuto na naman ng puso ko. “Goodnight. See you tomorrow.” Tangi nitong sabi at ito na mismo ang unang nagbawi ng tingin sa akin. Naihagod ko ang isa kong kamay sa buhok ko na parang sa paraang iyon ay maitatago ko ang kakaibang pakiramdam na patuloy na gumugulo sa isip at puso ko ng dahil sa presensiya ng isang Ezekiel Montalvo sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD