Chapter 12

2063 Words
Katulad ng usapan namin ni Maxine ay sabay kaming umuwi para bumili ng susuotin nitong damit sa party. Dinala ko rin ang makae-up kit ko para maayusan ko siya ng maganda. Kahit naman walang make-up ay talagang maganda si Maxine, at mas lalo pa itong gaganda kapag nilagyan ng kolorete ang mukha nito plus ang seksi pa nito kaya maraming lalake ang nagkakandarapa sa pangliligaw dito. Sa kasamaang palad ay wala namang itong balak mag entertain ng mga mangliligaw dahil sa ang priority nito ay ang daddy nito na may sakit sa La Union. Kasalukuyan kong inaayusan si Maxine ng madako na naman sa usapan personal ang tsismisan naming dalawa. “Okay na’yan Cath. Baka naman sumobra na ang kapal ng make-up na inilagay mo sa mukha ko.” Narinig kong reklamo ni Maxine sa akin. Sinipat pa nito ang maganda nitong mukha sa salamin. “Huwag ka ngang OA! Ang ganda mo kaya oh.” Sagot ko sa kanya at wala itong dapat na ika intimidate at talaga namang may taglay itong ganda na hindi pangkaraniwan sa lahat. “Salamat nga pala Cath sa pag-aayos mo sa akin.” Mayamaya ay sabi ni Maxine na inaasahan ko na. “Naniniwala ka na ngayon na maganda ka friend?” “Oo na po, salamat ulit ah.” “Sus, okay lang yun nuh…basta akitin mo ulit si Lucas pag nagkita kayong dalawa.” Kita ko ang biglang paglaki ng mga mata ni Maxine na halatang nagulat sa sinabi ko. Naniniwala kasi ako sa second chance and love is sweeter the second time around kaya pinipilit kong magkalapit si Maxine at Lucas. Matagal na panahon na rin ang pinaghintay nila kaya deserve na nilang maging masaya. “Ano?! Ikaw talaga Cath…” “Ang ibig kong sabihin, mag-usap kayong dalawa ng magka-ayos kayo kahit papaano.” “Tsssk!” iyon lang ang narinig kong sagot ni Maxine at alam kong pilit lang nitong nilalabanan ang anuman nararamdaman nito para kay Lucas. Pagkaalis ni Maxine at Jef ay nagpasya akong ligpitin na ang mga ginamit naming mga bagay sa pag ma-make-up. Sa apartment na rin ni Maxine ko balak na matulog at gabi na rin medyo delikado na bumiyahe pa ako pauwi ng condo. Nagdala na lang ako ng gamit, at iyon ang usapan namin ni Maxine. Matatapos na akong magligpit at magluluto na lang sana ako canton at may burger pa akong binili kanina para sa hapunan ko. Isasalang ko na ang isang initan ng tubig sa kalan ni Maxine ng biglang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako at pinasya kong sagutin muna ang tawag na iyon. Kasalukuyang nakapatong sa table ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko tingnan kung sino man ang nanggagambala sa gabi ko na dapat ay tahimik na. Napahinto ako sa pagpunas ng kamay ko isang towel na hawak ko ng mapansin ko kung sino ang tumatawag ngayon. Si Sir Ezekiel! Ano na naman ang porblema ng lalakeng ito? Gabing-gabi na ah, at saka ang alam ko ay nasa bakasyon ito hindi ba? Kasama pa nga nito si Pia Aderson. May bahid ng pait na sabi ko sa sarili. Wala naman akong choice kung hindi ang sagutin ang tawag nito. Kaya kahit na ayoko itong makausap ay kusa ko ng pinindot ang accept button. Niloud speaker ko na rin at ako lang naman mag-isa ang nasa apartment ni Maxine kaya okay lang. “What took you so long before you answer my call?” bungad na sabi nito sa akin. Para na naman itong may kung sinong kaaway at ako ang napagdiskitahan, kainis! Nag inhale-exhale muna ako at saglit na kinalma ang sarili at baka makalimutan ko kung sino ito sa buhay ko. “Hello po sir…” kunwari ay mahinahon kong sagot sa kanya. Halos manlaki na ang butos ng ilong ko sa sobrang sora na nararamdaman ko sa kanya ng mga oras ng iyon. “Where are you?” tanong niya muli sa akin. Namomoro na tlaga ito, kaunting-kaunti na lang talaga at bibinggo na’to sa akin. “Nandito po ako sa apartment ni Maxine, dito po muna ako matutulog.” Sagot ko sa kanya. Wait, paano niyang nalaman na wala ako sa condo? “Huwag kang aalis dyan, I’ll fetch you.” Natulala na lang ako sa sunod nitong sinabi at hindi na ako nakapagsalita ng bigla na lang ay nawala ang tawag nito sa kabilang linya. “Urggggggg! Kagigil ka, Ezekiel Montalvo!” Inis kong hiyaw dahil sa ginawa nito. Nawala na rin ako ang gana ko na kumain dahil sa natanggap kong tawag mula sa magaling kong amo. Ano na naman kaya ang trip nito at susunduin ako dito sa apartment ni Maxine sa ganitong dis oras ng gabi? My God! Naisipan ko na lang na uminom ng juice para maibsan ang init ng ulo ko at alam kong mas lalo pa itong iinit kapag nakita ko na naman ang anino ng magaling kong boss. Hindi nga ito nagbiro ng mahigit kalahating oras ay dumating nga ito sa apartment ni Maxine. Alangan ko siyang pinapasok sa loob nito at muli ay wala na naman akong choice kung hindi ang gawin ang bagay na’yun. “Pack your things, iuuwi na kita.” Muntik pa akong matalisod dahil sa narinig ko mula sa kanya pero hindi ko pinahalata sa kanya ang bagay na’yun. Iuuwi na kita? Parang iba ata ang naisip ko sa bagay na'yun ah. Huwag kang mag assume Cathlyn, mapapahiya ka lang! Nagkatitigan kami saglit at saka ito muling nagsalita. “Bakit dito mo balak na matulog? May sarili kang condo, hindi ba? Wala ka pang kasama dito.” Natigilan ako sa tanong niya at hindi ako agad nakahanap ng isasagot. Pero bakit nga ba ito nandito ngayon at nangingielam sa buhay nya? “Usapan na po kasi namin ni Maxine na dito muna ako matutulog ngayon gabi. May pinuntahan lang po siya pero mamaya ay uuwi na rin siya.” Pagtatapat ko sa kanya. Ito naman ang natigilan sa sinabi ko. “Call her that you will go with me, iuuwi na kita sa condo.” Utos nito muli sa akin. Nang hindi ako kumilos at akma itong gagamit ng cellphone ay muli itong nagsalita. “Ako na lang ang tatawag kay Maxine kung ayaw mo.” Napatitig na naman ako sa guwapo nitong mukha at napaawang ang mga labi ko dahil sa sanabi nito. Talaga ba, ito pa mismo ang tatawag kay Maxine para magsabing iuuwi niya ako sa condo na tinitirhan ko ngayon? Hell no! Mabilis ko siyang pinigilan at nagsalita. “Huwag na po sir, ako na lang ang bahalang mag text kay Maxine. Baka po kasi busy din siya ngayon at hindi masagot ang tawag mo." Napakamot pa ako sa sarili kong ulo na parang isang bata na inis na inis at nagtitimpi lang sa kaharap na tao ngayon. “Okay, ayus na ba ang mga gamit mo? Let’s go.” Sunod nitong sabi at palihim ko siyang inirapan at kinuha ang bag na bitbit ko kanina papunta dito sa apartment ni Maxine. Badtrip talaga! Hindi na nga ako nakakain ng pancit canton at burger, napauwi pa ng maaga. Hay naku! Katulad ng mga nakaraang araw ay hindi kami nag-uusap ni Sir Ezekiel habang nasa biyahe kami. Hindi ko siya gustong kausapin at hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa kanya. Nakakasora na ang mga pinagagawa nito at parang wala na akong kalayaan na gawin ang mga gusto ko sa buhay kapag kasama ko siya. Ano ba yan! Muli ay sumagi sa isip ko kung paano kami humantong na dalawa sa puntong ito ng mga buhay namin. Para akong unti-unting lumulubog sa kinauupuan ko kapag naiisip ko ang mga bagay na’yun. Ginusto ko rin na tanggapin ang mga bagay na ginawa niya para sa akin kaya wala akong ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili ko. Me and myself. Kaya ang tanging dapat kong gawin ay magtagumpay sa kahit anong paraan para magkaroon ng saysay ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Dahil kung hindi ay hindi ko alam kung ano ang maaring mangyari sa akin kung hindi ako magtagumpay. Baka mamundok na lang ako, oh magpa madre kaya? Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko dahil sa lalakeng kasama ko ngayon. Mukhang chill na chill lang ito habang nagmamaneho at hindi man lang napapagod sa mga nangyayari sa aming dalawa, hindi ko katulad. Haizt! Nang makarating na kami sa lugar kung saan niya ako kinuha ng condo ay buong akala ko na hahayaan na lang niya akong pumasok sa loob pero nagkamali ako. Nakita kong akma rin itong bababa sa kotse nito at doon ako natigilan. “What?” walang ano-ano ay tanong nito sa akin. “Saan po kayo pupunta sir?” Inosente kong tanong sa kanya. Mukha na atang nakainom ng suka ang mukha ko habang nakatitig dito. “Ihahatid na kita sa condo mo.” Nang marinig ko ang sagot niya ay doon na napangiwi ng tuluyan ang mukha ko. At talaga bang balak pa nitong ihatid siya sa mismong condo niya? Ano na bang nangyayari sa mundo? Ano talaga? “Okay lang po ako sir, kaya ko na pong mag-isa.” Alanganin akong ngumiti sa kanya kahit na kulang na lang ay itago ko sa harap nito ang totoo kong nararamdaman ng mga oras na’yun. Nagkunwari pa akong nakangiti at hindi apektado sa mga pinagsasabi nito pero ang totoo ay nagpupuyos ng todo ang damdamin ko at kaunting-kaunti na lang talaga, hindi na ako makakapagpigil. “I will help you.” Imbis ay sagot nito at sabay tingin sa bag na kandong ko. Medyo malaki rin ang bag na dala ko at doon nakalagay ang mga ginamit namin na pang make-up ni Maxine kasama ang pamalit kong damit kung natuloy akong doon matulog sa apartment nito. Walang paalam na kinuha nito ang bag na hawak ko at saka ko muling tinitigan. “Let’s go?” Napatango na lang ako sa kanya. Hindi naman sa gusto ko ang mga ginagawa niya kaya lang ay magmumukha na naman akong walang utang na loob sa harap nito kung basta ko na lang tatanggihan ang mga pakiusap nito. Sabay kaming naglakad papasok ng entrance ng building at manaka-naka ko siyang tinitigan. Hindi ko mapigilan ang hindi ito pagmasdan. May angkin itong karisma na kahit sino atang babae ang makakita ay hindi puwedeng pagmasdan. s**t! Malala na ata ang nangyayari sa akin ah. Talagang naa-attract na ako sa kanya? Tama, attraction lang ang lahat ng ito. Pero bakit ako naiinis kapag nakikita o naririnig kong may kasama itong babae? Attraction pa rin ba yun? Doon ko biglang naisipang itong tanungin kung bakit walang ano-ano ay sinundo niya ako sa apartment ni Maxine. Sakto namang nagbukas ang lift ng elevator at kami lang dalawa ang sakay. “Ammmm, sir…” mahina kong sab isa kanya pero alam kong malinaw naman nitong narinig. “Yes?” “Itatanong ko lang po sana kung bakit bigla nyo akong sinundo sa apartment ni Maxine? Saka ang akala ko po ay nasa bakasyon ka kasama si---” parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko at hindi ko naituloy ang sasabihin kong pangalan ng babaeng kasama nito sa pagbabaskyon. Saglit niya ako tinitigan ng mariin na para bang sinusuri ang kabuuan ko maging ang nauna kong sinabi ay pilit nitong inuunawa. “I told you earlier na sa condo ka lang dapat natutulog lalo na at wala ka namang kasama sa apartment ni Maxine. At least dito, safe ka kahit na mag-isa ka lang.” Iyon ang narinig kong sagot niya, at hindi na nito sinagot pa ang pangalawa kong tanong tungkol sa pagbabaksyon nito kasama si Pia Anderson. Dapat pa akong magpumilit na tanungin ito kung totoo talagang kasama nito ang babaeng iyon ngayon buong maghapon? Wala akong karapatang tanungin ang bagay na’yun, iyon ang katotohanang dapat na isiksik ko sa isipan ko. Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa pinto ng condo ko. Pareho kaming huminto ng makarating kami doon. At nagkatinginan pa kami pagkatapos. Ito na rin ang kumilos para buksan ang pinto. Mabilis at sa isang iglap lang ay nailuwang na nito ng bukas ang pinto ng condo ko. Pinauna niya akong pumasok at sumunod naman ito sa akin. Nang marinig ko ang pagligitik ng lock ng pinto ay muli akong natigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD