Chapter 11

1797 Words
Cathlyn Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko sa habang nakatingin sa ceiling ng magandang kuwarto ko ngayon. Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa akin ngayon maghapon hanggang gabi. Parang hinihigop ang lakas ko kapag naiisip ko kung paano ako nakarating ngayon sa lugar na ito, ang makipa-usap kay Athony para makipaghiwalay at ang pag-alis ko sa bahay na binayaran ko na ng isang buong buwan. Ang bilis ng mga pangyayari at parang hindi ako makapaniwala na magagawa kong sundin ang lahat ng mga inuutos ni Sir Ezekiel sa akin sa ngalan ng mga pinag-usapan naming dalawa. Wala na’tong atrasan pa at hindi ko na alam pa ang puwedeng mangyari kung hindi ko ipagpaptuloy ang lahat ng ito. My life is full of agony. I don’t know how it will end up, but I still believe that everything happens for a reason. At kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito dahil ito ang dapat kong pagdaan so I can find myself and my purpose. Kakapit ako hanggang dulo na magiging maayos at matagumpay ang lahat ng mga plano namin ni Sir Ezekiel at iyon ang dapat kong isipin.Kahit pa ano ang maging kapalit. Kanina habang kausap ko si Anthony ay nilakasan ko ang ang loob ko na harapin siya. Ang kausapin siya tungkol sa relasyon namin. At first, hindi niya ako maintindihan at nabigla ito na ako ang unang nakipaghiwalay sa kanya. I just thought it will be easy for me to do what makes me on top katulad ng gustong mangyari ng mga magulang ko sa akin. So, I’ve decided to end up everything between us. “I don’t know what to say Cathlyn. We’re in good terms right? In the past six months of our relationship, we didn’t fight although there are times we can’t see each other because of our works. But still, I believed that we’re okay.” Malungkot na sabi ni Anthony. He’s right. Sa loob ng ilang buwan na magkarelasyon kami ay hindi kami nag-away kahit minsan pero hindi naman sapat iyon para masabi mo na kaya mong piliin ang isang tao habang buhay ng dahil lang sa hindi kayo nag-aaway. Hindi ko maramdaman ang excitement kapag kausap ko siya. Hindi lumalakas ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya na palaging nangyayari kapag nasa harapan ko na si Sir Ezekiel. Napapilig na lang ang ulo ko sa katotohanan iyon at ayokong palalain pa kung anumang nararamdaman ko ngayon. “Sorry Anthony, I don’t mean to hurt you. You know, we started to easily and then…” “Then we broke up easily.” Matamlay pa ring sagot ni Anthony. Napahawak ako sa baso ng tubig sa harapan ko at saka uminom ng tubig dahil parang may bara sa lalamunan ko na hindi ata basta mawawala lang ng paglunok lang laway. I feel guilty, yes. Dahil ako naman talaga ang nakikipaghiwalay kay Anthony ng walang matibay na dahilan. But in the end, we agreed that we’ll still be friends after we broke up. Dahil siguro wala namang mali o anging issue sa pagsasama namin kaya kami naghiwalay kaya kaya naming maging magkaibigan pa rin sa huli at iyon na lang ang pinagpapasalamat ko. He’s still a good man who understands my side as a woman. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos, at sakto namang tumawag si Maxine at agad kong sinagot ang tawag nya. “Hello, Maxine.” “Cath…” malumanay na sagot ni Maxine sa akin. Kung ikokompara ko ang boses nito sa akin ay halos kalahati lang ata ng pagiging mahinahon ko ang boses nito. Kahit na nasa cellphone lang ay maririnig mong isang soft spoken na tao ang kausap mo sa kabilang linya. Being friends for more than ten years, I can say that we treated each other just like a sister. Bawat sikreto naming dalawa ay alam naming, ngayon lang talaga ako nakapaglihim sa kanya ng tungkol s amin ni Sir Ezekeil. “Oh, kumusta ka na? Bakit napatawag ka?” “Ikaw ang kumusta na? Dumadalas na naman ang pag-absent mo sa work ah.” “Pumasok ako kanina, hindi lang tayo nagkita at nag area daw kayo.” Pagtatanggol ko sa sarili ko at paniguradong pangangaralan na naman niya ako. “Okay, kala ko hindi ka naman pumasok kanina. Mabuti naman at nakapasok ka na. Nga pala, puwede ba akong humingi ng tulong sayo?” “Tulong? Oo naman, ikaw pa ba?” Natatawa kong sagot sa kanya at narinig ko naman ang mahinhin pagtawa ni Maxine pagkatapos. “Ikaw talaga. Naalala mo ba na nag invite si Sir Jef sa isang party? Dun sa party na gaganapin sa hotel ni Lucas.” Parang bigla akong ginanahang makinig sa kuwento ni Maxine ng marinig ko ang sinabi nito tungkol sa ex-boyfriend nito. “Si…Sir Lucas ba kamu?” Pag-uulit ko sa sinabi ni Maxine. Sinadya kong sabihin iyon para asarin ito. “Oo nga. Siya nga, ano naman ang iniisip mo tungkol sa amin ha… Cath?” banat naman ni Maxine sa sinabi ko. Kahit na sobrang hinhin nito magsalita ay nakukuha pa rin nitong mag mukhang nakakasindak kapag nagsalita na ito lalo na at si Lucas na kapatid ni Sir Ezekiel ang pinag-uusapan. Ang dalawang iyon ay biktima ng isang sitwasyon kung saan nagmahalan ang dalawa sa maling panahon at oras kaya ayun, sa hiwalayan din nauwi ang lahat. “Relax Maxine, okay? Kalma ka lang. Oh, ano ang problema mo sa ex-boyfriend mo, este sa kapatid ng amo ko pala?” Pang-aasar kong tanong sa kanya. Sinadya kong sabihin ang bagay nay un dahil alam kong may chance pa magkabalikan ang mga ito. Medyo may takot lang siguro si Maxine na masaktan na naman sa muling pagkikita ng mga landas ng mga ito. “Kailangan ko kasi ang tulong mo, hindi ko alam ang gagawin sa sarili ko sa party.” Muntik na akong masamid ng sarili kong laway at napatayo mula sa pagkakahiga ko ng marinig ko ang sinabi niya. “Ha? Pakiulit mo nga ang sinabi mo Maxine? Paanong hindi muna alam ang gagawin mo sa sarili?” “Cath naman ih, seryoso ako. Hindi ba at kailangan kong umattend ng party ni Lucas? At kasalanan lahat yun ni ISr Jef. Ngayon kailangan ko ang tulong mo para maging presentable naman ako sa party na‘yun. Naintindihan muna ba?” Hindi na napigil ni Maxine ang mainis, samantalang ako ay hindi ko mapigilang matawa habang nai-imagine ko kung paanong mahiya si Maxine habang binabanggit nito ang pangalan ng ex-boyfriend nito. “Okay, I get it. Aayusan kita, tam aba?” Paniniguro ko sa gusto nitong mangyari. “Oo sana, kung hindi ka busy. Alam mo naman na wala akong alam sa make-up nay an. Ayoko namang gumastos para lang mag mukhang presentable.” “Yun lang ba? Sige, ako na ang bahala sa beauty mo bukas. Magsabay na tayong umuwi bukas sa hapon para makabili na rin tayo ng isusuot mo, yun bongga syempre.” “Sige. Salamat Cath. Mag-iingat ka ha, baka maya kung saan ka naman nakakarating kasama ang boyfriend mong model na’yun.” Hindi nakalimutang sabihin ni Maxine. Kung alam lang nito na hindi na kami ni Anthony at napilitan na akong hiwalayan ito ay paniguradong magsasaya ito. Ramdam ko naman na ayaw din ni Maxine kay Anthony katulad ng mga magulang ko. Hindi daw ang katulad ni Anthony ang dapat kong pag-aksayahan ng oras. “Oo na po, hindi ako nagpupunta kung saan-saan huwag kang mag-alala.” “Mabuti naman, nag-alala lang ako sayo Cath.” Nahimigan ko ang boses ni Maxine na may halong lungkot. Alam nito lahat ang nangyayari sa buhay ko at wala akong maililihim sa kanya kaya siguro ganun na lang ito mag-alala sa akin. “Sige na, matulog na tayo at kailangan mo pang mag beauty rest para maganda ka sa pagkikita nyo ni Lucas bukas.” “Sira!” Natatawa nitong sagot sa akin. At nagpaalam na nga itong puputulin ang tawagan namin. Kinabukasan ay maaga na namang akong gumayak para pumasok sa trabaho. Iyon ang usapan namin ni Sir Ezekiel. Kailangan ko pa ring magreport sa office habang inaasikaso namin ang nagosyong itatayo namin. Hindi rin ako agad nakatulog kagabi dahil siguro sa namahay ako. Sanay naman akong mag-isa kaya lang ay maraming sumasagi sa isip ko sa tuwing maiisip ko ang sitwasyon ko ngayon. Ang ending ay napapabuntonghininga na lang ako at pipiliing tumahimik at harapin ang bukas na may positibong pananaw. Kung hindi ay paano na ang mangyayari sa akin? Pagdating ko sa aganecy ay agad akong dumeretso sa cubicle ko. Inihanda ko ang desktop ko para matapos ko agad ang mga gawain ko dito sa opisina at makapagsimula na ako ng tungkol sa itatayo naming negosyo ni Sir Ezekeil. Nakangiti ako habang pinagpapatong-patong ang mga folder na nasa ibabaw n table ko ng mahagip akong kuwentuhan mula sa dalawang marites ng agency. “Wala pala si Sir Ezekiel ngayon.” “Totoo ba? Bakit daw?”agap na tanong ng kausap nito. “Hmmmm, huwag kang maingay ah. May nagsabi lang din sa akin na source, alam muna.” Nakakalokong sabi nito. “Oo na, bakit daw absent si sir?” “Nasa bakasyon daw, kasama yun sikat na artista na si Pia.” “Ah, kala ko naman kung ano. Alam na lahat ng mga nagtratrabaho dito ang tungkol sa kanila ni sir, nuh.” “So, ako na pala ang huling nakaalam ganun ba?” nakairap na sabi nito. “Parang ganun na nga. Pero bago ang tsismis mo na kaya hindi pumasok si Sir Ezekiel ngayon ay dahil nasa bakasyon sila nio Miss Pia.” “Oh, kita mo, tapos sasabihin mo na laos na ang tsismis ko sayo. Tssssk!” Tumawa naman ang kausap nito at nagtinginan pa ang mga ito sa paligid saka muling nagsalita ang isa. “Tara na nga! Umagang-umaga kung ano ang minamarites mo sa akin, luka ka.” At nagpatuloy na nga sa paglalakad ang dalawa at naiwan akong nagtataka sa mga pinag-usapan ng mga ito. Wala namang nabanggit si Sir Ezekiel sa akin na magbabakasyon ito kasama ang Pia Anderson na’yun. Bakit Cathlyn, kailan pa kailangan sabihin sayo amo mo kung saan siya pupunta at sino kasama niya? Bigla ay tanong niya sa sarili niya na alam naman niyang hindi tama. Sino nga ba naman siya para pagsabihang ng personal na bagay ng amo niya? Natahimik ako bigla at may kung anong lungkot ang sumanib sa puso ko sa katotohanang iyon. Nagpatuloy ako sa trabaho at binaling na lang ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ako tuluyang lamunin ng lungkot at inis na hindi ko maiwasang maramdaman ng dahil lang sa simpleng bagay na nalaman ko kanina lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD