CATHLYN
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama pagdating ko sa bahay namin. Agad akong dumertso sa kuwarto ko sa takot na ma interrogate na naman ng mga magulang ko kung bakit nauna pang umuwi ang kotse ko kaysa sa akin.
Bukas ko na lang sila haharapin. Ang isip ko ngayon ay abala sa mga nangyari sa buong maghapon lalo na sa mga pinag-usapan namin kanina ni Sir Ezekiel.
Nagulat ako ng sobra ng marinig ko sa mismong labi niya na handa siyang tulungan ako na makapagtayo ng isang negosyo na matagal ko ng gustong gawin pero ayoko lang lumapit sa mga magulang ko.
Sinabi rin niya na hindi magiging problema ang pag absent ko sa trabaho habang pinaghahandaan namin ang itatayo naming negosyo na magkasama. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakaya niya akong tulungan sa problema ko. Kapag nagtagumpay kami sa mga binabalak naming negosyo na itayo ay baka sakaling maiba ang tingin ng mga magulang ko sa akin.
Na isa rin akong tao na makakayang gawin ang mga bagay na akala nila ay hindi ko mapagtatagumpayan. Sayang lang at hindi ko maaaring sabihin ang lahat kay Maxine dahil mahigpit na bilin ni Sir Ezekiel na dapat ay wala munang makaalam ng mga plano namin hanggang sa maging maayos na ito. At saka muling bumalik sa isipan ko ang ilan sa mga pinag-usapan namin kanina.
“Susubukan ko pong kausapin ni Anthoy sir at ipaliwanag sa kanya ang lahat.” Sagot ko sa kanya na halatang hindi nito kinagusto. Hindi naman big deal sa akin ang makipaghiwalay kay Anthony lalo na at napipilitan lang naman ako na makasama ito kung minsan. Ang iniisip ko lang ay ang mga magulang ko.
Kapag nalaman ng mga ito na nakipag break na ako kay Anthony ay kung kanino na namang ponsyo pilatong anak ng mga kasamahan ng mga ito sa negosyo ako ibubuyo. Iyon ang isa sa mga ayokong ginagawa ng mga magulang ko, pinanghihimasukan nila ang personal kong buhay.
“What do you mean susubukan? You need to do it right away Cathlyn if you’re really serious in proving to your family that you can stand alone without the help of them.” Seryoso at parang wala ng atrasan ang papasukin kong bagay na ito kasama si Sir Ezekiel.
Matagal ko ng gustong patunayan ang sarili ko kila Daddy, na hindi porke anak nila ako ay kailangan sila palagi ang magdesisyon sa buhay ko. There’s always limitation for everything at naniniwala ako dun. At ngayon na may gustong tumulong sa akin para matupad ko ang mga bagay na’yun ay dapat ko ng i-grab ang chance na ito. He has the money, power and connection para matulungan ako at iyon na lang ang iniisip ko.
So, I’ve decided to take the help he’s offering to me. At bahala na kung ano man ang kahantungan ng lahat ng ito.
“Sige po sir, payag na ako sa gustong ninyong mangyari. Matagal ko ng gustong magtayo ng business na matatawag kong akin para naman may mapatunayan ako sa parents ko. At dahil nag offer ka na tulungan ako, I’ll take that chance.”
Napansin ko agad ang pagliwanag ng awra ni Sir Ezekiel dahil sa sinabi ko. Para itong nanalo sa kung saang pustahan dahil sa hitsura nito.
“Good, mabuti naman at naintindihan mo ang mga dapat mong gawin as we became business partners. First kailangan muna nating pag-aralan kung anong business ang puwede nating pasukin at syempre yung gusto mong ihandle. And one more thing, let’s keep it private whatever we talk about our business for now.” Habol niyang sabi sa akin. Okay lang naman sa akin kung iyon ang gusto niyang mangyari sa umpisa. Kilala siyang tao sa business world kaya kailangan na hindi padalos-dalos ang mga desisyon na ginagawa nito.
Hindi ko talaga akalain na darating ang time na katulad nito na isang Ezekeil Montalvo ang mag-aalok sa akin ng tulong para mapatunayan ko ang sarili ko sa ibang tao lalo na sa pamilya ko.
“Naiintindihan ko po sir.”
At sunod na itinaas ni Sir Ezekiel ang wine glass nito at naki cheers sa akin.
“For the success of our business, cheerrssss!”
Nagpatianod na lang ako sa mga nangyayari at hindi ko na tinangka pang tumutol ng gawin namin ang bagay na’yun. For the success of our business!
Nanatili akong nakatingin sa ceiling ng kuwarto ko at pilit kong pinaniniwala ang isip ko na totoo ang lahat ng nangyari kanina, dapat lang akong magtiwala kay Sir Ezekiel na tutuparin niya ang pinangako niyang tulong sa akin.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Napag-usapan naman namin ni Sir Ezekiel na puwede akong hindi pumasok ngayon araw para ihanda ang business plan na ipapakita ko sa kanya para masimulan na naming ang negosyong binabalak namin.
Ilang mahihinang katok ang tuluyang nagpagising sa akin. Yakap ko pa rin ang isang teddy bear na palaging nasa gilid ng kama ko.
“Bumangon ka d’yan Cathlyn! Ano ba talaga ang balak mo sa buhay mo?!” Iyon agad ang umalingawngaw sa pandinig ko ng bumukas ang pinto. Boses iyon ni Mommy. Hindi na kailangan ng megaphone para marinig sa buong kabahayan ang boses nito.
Napabuntong hininga ako saka mabigat ang katawan na tumayo sa kama ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita kong katabi ni Mommy si Daddy kasama pa ang magaling kong kapatid na si Cristoff.
“My God, Cathlyn! Saan ba kami nagkulang ng pagpapalaki sayong bata ka? Did you know how much I was so stress about you?” Napakamot ako sa noo ko dahil sa litanya ni Mommy. Tiningnan ko si Daddy na malungkot din ang awra habang nakatitig sa akin.
Kung minsan ay gusto ko na ring sumuko sa kanila, ang sundin na lang ang gusto nilang mangyari sa buhay ko para matapos na lang ang lahat. Pero sa tuwing naiisip ko na kung hindi ko ipaglalaban ang gusto kong mangyari sa buhay ko ay magmumukha lang akong isang puppet na pinagagana nilang lahat. And that’s what I’m so damn scared! Ayokong mabuhay sa anino nila at sa mga batas nila.
'Ano ba ang nangyari ate at umuwing mag-isa ang kotse mo kagabi? Tinatawagan ka naman nila Daddy ayaw mong sagutin ang tawag nila.”
Paano ko naman sasagutin ang tawag nila kung alam kong pagagalitan lang nila ako? Na wala na namang katapusan palinawag ang gagawin ko? Haist! At sa huli ay hindi naman nila ako papaniwalaan. Na wala naman akong ginawa kung hindi ang mag bar hopping at maglakwatsa.
“May importante lang akong ginawa dad kaya hindi ako agad nakauwi. And dun ako sumakay sa ka meeting ko kaya pinauwi ko na lang ang kotse ko.” Iyon ang totoo. Hinatid pa ako ni Sir Ezekiel sa mismong tapat ng gate namin para lang masiguro nito na makakauwi ako ng maayos. Which I find sweet and unbelievable again.
“Oh, common Cathlyn! Kailan ka ba mag mamatured, ha? Matatanda na kami ng Daddy mo, and to tell you the truth? I’m so disappointed in you!” Sampal na sabi ni Mommy sa harap ko. Wala na talaga akong ginawang magaling sa harap nila.
“Ang buong akala namin ng Mommy mo ay pagkatapos mong mag-aral ng college ay makakatulong ka namin sa mga negosyo natin at maaari na kaming magretiro. But it’s not what happened, and it’s all your fault. Mas ginusto mo pang gugulin at ubusin ang oras mo sa ibang bagay kaysa ang tulungan ang kapatid mo.” Segunda ni Daddy. I feel so helpless. Para na lang akong isang tau-tauhan sa bahay namin na araw-araw pinagagalitan nila at pinagsasabihan.
Hinagod ko ang buhok ko gamit ang isa kong kamay para ipakita sa kanila na hindi ako kumportable sa mga sinasabi nila o tamang sabihin na mga bintang na wala namang basehan.
“Daddy, kung iyon po ang paniniwala nyo na binigo ko kayo…hindi ko na po ipipilit ang sarili ko sa pamilyang ito.” Nakapag desisyon na ako. Mas mabuting umalis na lang muna ako sa bahay namin habang binabalak ko ang negosyog pinag-usapan namin ni Sir Ezekiel. It’s not healthy anymore being near with them. I love them so much, but the love I have for them is not enough for me to stay beside them.
“What do you mean?” Nakataas ang kilay ni Mommy ng tanungin ako. I guess, nakuha niya ang gusto kong sabihin.
“I want some space, Mom. Ako na lang ang lalayo pansamantala para hindi na kayo mahirapan na makasama ako dito sa bahay.
“And where to you think you’re going, Cathlyn?”
“Malaki aka dad, kayo nga ang may sabi…I should be more matured enough to be responsible that’s why I’m going. I want to prove something in my life, and I can’t do that if people around me still didn’t trust me that I can be much better.” Malungkot kong sabi sa harap nila. Natahimik silang lahat at sinamantala ko ang sandaling iyon para bumaba sa kama at magtungo sa banyo.
Inside the comfort room, I cried. I cried as if I was alone in life. Walang pamilyang naniniwala sa akin, even someone who wants to talk to me especially now that I feel down. Ganito ba talaga kamesirable ang buhay ko? Gustong-gusto kong makita si Maxine at mayakap, ang magsumbong pero hindi ko kayang dumagdag pa sa mga alalahanin nito sa buhay. We have our own problems in life that we need to face alone.
Sinadya kong magtagal sa banyo para paglabas ko ay hindi ko na maabutan pa sa labas ang mga magulang at kapatid ko. Kailangan kong panindigan ang mga bagay na sinabi ko kanina, for my own sake.
Paglabas ko ng banyo ay wala na nga akong naabutang tao sa kuwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag. Makakapag impake ako ng mga damit ko at ilang gamit na kailangan ko sa pag-alis. Wala na rin akong balak na sabihin kay Maxine ang pag-alis ko dito sa bahay at tiyak na mag-aalala na naman iyon.
Gamit ang isang travelling bag ay nagsilid ako ng ilang mga damit na puwede kong gamitin. Mga personal kong gamit katulad ng alahas, passport at mga staff na gamit ko araw-araw. Kailangan ko agad kumilos para makahanap ng matitirahan at maayos ko ang dapat na ayusin base sa pinag-usapan namin ni Sir Ezekiel.
Hindi ako dapat mabigo sa pagkakataong ito. Hindi ngayon na nakapagdesisyon na akong lumayo sa pamilya ko para patunayan sa kanila ang sarili ko.
Hindi na rin ako nagpaalam kila Mommy bago umalis, tanging si Cristoff lang ang pumigil sa akin pero hindi na ako nagdalawang isip pa. Sinabi ko na lang sa kanya na babalik din ako sa tamang panahon kung kailan maipagmamalaki na ako ng mga magulang namin.
Gamit ang kotseng naipundar ko sa pagtratrabaho sa Montalvo Agency ay umalis ako ng bahay namin na hindi alam kung saan ang patutunguhan ko. Ang mahalaga ay malaya na akong gawin ang lahat ng bagay na dapat ay noon ko pa ginawa.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko ang mga dapat kong gawin, things that I should prioritize. At nasa ganun akong estado ng pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko sa dashboard.
Awtomatik kong kinuha ang cellphone ko buti at traffic kaya agad kong masasagot kung sino man ang tumatawag.
Napaawang ang mga labi ko ng makita ko kung kaninong number ang tumatawag.
Sir Ezekiel!
Bakit kaya ang aga naman niyang tumatawag? Wala pa akong nagagawa na kahit ano about sa business plan na kailangan kong ipakita sa kanya.
Alangan man ay wala naman akong magagawa kung hindi ang sagutin ang tawag nito,baka kung ano pa ang isipan nito sa akin.
“Hello po sir…”
“Hi.” Buo ang boses na bati din nito sa akin.
“May kailangan po ba kayo sa akin sir? Nagpaalam po ako kahapon na hindi ako papasok ngayon para ayusin ang business proposal na ipapakita ko sayo today.”
“I understand. I just called you to let you know that I can’t see you today for the business proposal. I have important things to fix today.” Parang nagluwag ang paghinga ko ng marinig ko ang sinabi iyong ni Sir Ezekeil. May time pa ako para magawa ang business proposal na hindi ko pa nahaharap dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko ngayon.
“It’s okay sir, naiintindihan ko po. Sige po inform nyo na lang po ako kapag may free time ka na so I can send my business proposal.” Hinid ko inaasahan ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya na para bang nahihirapan o malungkot dahil sa sinabi ko?
“Okay, tomorrow can you be in my office?” sunod nitong tanong sa akin.
“O-opo sir, papasok po ako bukas.” Pangako ko sa kanya.
“That’s good.”
“May kailangan pa po ba kayo sir?” Naisip kong itanong sa kanya.
Hindi agad nagsalita si Sir Ezekeil kaya kinabahan ako kung ano pa ang puwede niyang itanong sa akin. At naudlot ang ano man iniisip ko ng marinig ko muli ang boses nitong nagpapakaba sa akin sa tuwing naririnig ko siya kahit na hindi kami magkasama.
“Nothing, just be in my office tomorrow. I’ll wait for you.”
At mula sa sinabi nito sa kabilang linya ay sunod kong narinig ang pagtapos nito sa tawag naming dalawa. Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone ko na para bang makikita ko ang hitsura ni Sir Ezekiel dun. Para akong nagkaroon ng bagong lakas ng makausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero ang marinig ko pa lang ang boses niya ay may iba na itong dulot sa puso at isipan ko.
Mabilis kong sinaway ang anumang bumabagabag sa isip ko dahil may mas mahalaga akong dapat na asikasuhin. Ang ayusin ang buhay ko hindi lang para sa sarili ko kung hindi para sa pamilya ko. Sila na kahit kailan ay hindi nagbigay ng simpatya sa akin at kung ano ang makakaya ko pang gawin sa buhay.