Chapter 7

1713 Words
Cathlyn Sa tulong ng ilan kong kasamahan ay nakapagtanong ako kung saan ako puwedeng makakita ng kahit isang maliit na kuwarto na mauupahan. Kailangan ko ring magtipid para tumagal ang savings ko lalo na at hindi naman iyon ganon kalakihan. Kahit kailan ay hindi ako tumanggap ng pera mula sa mga magulang ko simula ng magtrabaho na ako at makatapos ng kolehiyo. I know, may kapalit ang lahat ng iyon. So, hindi ko na tinangkang tanggapin ang mga binibigay nila sa akin. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko mula sa kinikita ko sa trabaho. Iyon nga lang ay hindi ko magawa ang gusto ko talagang gawin sa buhay, iyon ay ang magtayo ng sariling negosyo. Pero ngayon na may pagkakataon na ako para gawin ang lahat para magtagumpay ako ay hindi ko na ito palalagpasin pa. Napadpad ako sa isang di kalakihang bahay na tinuro sa akin ni Ate Seles. Ito ang isa sa mga malalapit kong kasamahan sa agency maliban kay Maxine. Kakilala ni Ate Seles ang landlady ng bahay na ginawang paupahan para sa mga estudyante at nagtratrabaho na sa gabi lang umuuwi para magpahinga. Okay na ako sa ganoong set up pansamantala, at least ay may matitirhan ako. Kung hindi lang sana mag-aalala si Maxine sa kalagayan ko ay sa kanya na lang ako makikitira, pero dahil nga sa may sarili nitong mga problema at hindi nito puwedeng malaman ang balak namin ni Sir Ezekiel na pagtatayo ng bagong negosyo ay talagang wala akong choice kung hindi ang maglihim sa kanya. Maiintindihan naman niya siguro ako. “Ikaw ba ang kakilala ni Seles na naghahanap ng mauupuhang kuwarto?” tanong agad sa akin ng isang ale pagpasok ko pa lang sa entrada ng pinto ng bahay. Ang ilan sa mga nasa loob ng sala ay halatang mga estudyante pa lang dahil sa mga suot nitong uniporme. Nakatingin sila lahat sa akin lalo na at bumaba ako sa isang kotse kanina. “Ako nga po ang kakilala ni Ate Seles na naghahanap ng pansamantalang mauupahang kuwarto. Mga isang buwan lang po siguro ako mananatili dito hanggang sa makahanap ako ng mauupahang bahay na malapit sa trabaho ko.” "Ganun ba, mukha namang may kaya ka ah. Makinis ang balat mo, ang puti. At di kotse ka pa. Bakit sa isang tulad nito mo nagustuhang mangupahan?” Kung alam ko lang na may interrogation pa pala bago ako makakuha ng kuwarto dito sa bahay na tinuro ni Ate Seles at pinag-isipan ko muna sana kung pupunta ba ko hindi? Alangan akong ngumiti sa harap nito sunod sa mga taong halatang naghihintay din ng sagot ko. "Hindi po ako mayaman. At yung kotse po na gamit ko ay company service lang po iyon. At tungkol naman po sa kulay ng balat ko, gusto nyo po bang malaman kung anong brand ng sabon ang gamit ko? Mura lang iyon.” Biro ko sa landlady na siya namang hindi maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung nagulat ba sa sinabi ko o nagalit na ata? “Ah-eh…okay na. Huwag munang sabihin, saka mo na lang ikuwento kung anong brand ng sabon ang gamit mo. Sige hala halika at ituturo ko sa iyo ang magiging kuwarto mo para makapag-ayus ka na ng mga gamit mo.” Mayamaya ay yaya niya sa akin na kinatuwa ko naman. “Okay po.” At sumunod nga ako sa kanya habang papaakyat ito ng pangalawang palapag ng bahay. Presko naman ang hitsura ng lugar. Ang kabuuan ng bahay ay pinagsamang kahoy na matitibay at halatang sinauna pang yari at makabagong mga desenyo ng bato naman para ilang parte ng bahay na ginamit sa pag renovate. Nang tumapat sa isang hindi kalakihang pinto ang ale ay nagkaroon na ako ng idea na ito ang magiging kuwarto ko. At hindi nga ako nagkamali. “Ito ang pinto ng magiging kuwarto mo. Bale tatlo kayong magkakasama dito. Wala pa nga lang silang dalawa at umuwi ng probinsiya kaya may isang lingo kang walang kasama dito. Okay lang ba?” “O-opo, ayus lang po sa akin iyon.” “Tutal pala at sabi mo isang buwan ka lang dito mananatili, baka puwede mo ng ibigay ang one month mong bayad para lang, alam muna.” Sunod nitong sabi na naintindihan ko naman. Mula sa body bag na nakasabit sa katawan ko ay nilabas ko ang isa kong wallet at kumuha ng perang pambayad sa kanya. Gaya ng napag-usapan ay ibinigay ko na sa kanya ang perang pinag-usapan namin at pagkatapos nitong makuha ang pera ay iniwan na niya ako at binilinan na ayusin ko na raw ang ilan kong gamit kung gusto ko. Nginitian ko lang siya at sinabing ako na ang bahala sa mga gamit ko, tutal ay kaunti lang naman iyon. Hindi ko muna dinala ang lahat ng mga gamit ko mula sa bahay nila Mommy hanggang sa makahanap ako ng disenteng matutuluyan na kaya kong bayaran buwan-buwan. Inayus ko agad ang mga gamit ko ng maipasok ko na ang bag na kinalalagyan ko ng ilang mga damit ko. Naisip kong huwag na munang tanggalin sa loob ng bag ang mga iyon para kung sakaling kailanganin ko rin umalis sa lugar na iyon ay mabibitbit ko agad ang mga gamit ko. Inilabas ko muna ang laptop ko mula sa lalagyan at kailangan kong asikasuhin ang proposal na dapat kong matapos ngayon araw para pagpasok ko sa opisina ay maipakita ko agad kay Sir Ezekiel ang mga iyon. Una pa lang ay gusto ko nang magtayo ng isang company na puwedeng magproduce ng mga usual na ginagamit ng isang babae to maintain her beauty. Of course, related sa art pa rin ang gusto ko. Ang mga naiisip kong product na puwedeng imarket ng compony na uumpisahan namin ni Sir Ezekeil ay mga beauty soap with special scent and quality. Mga unique color of make-up na halos araw-araw na ginagamit ng mga kababaihan ngayon. Mahilig akong mag apply ng make-up because I believe it will help you boost your confidence while facing other people, and a way of hiding your sadness as well. Nae-excite ako sa tuwing maiisip ko na may sarili na akong company that produces those products, ang saya sa pakiramdam at parang gusto kong magtatalon sa tuwa. I need motivation so I can better plan the proposal I intended to do right now. Ang kumita ng sariling pera mula sa sariling negosyo mo. Ang makilala bilang isang magaling na negosyante hindi dahil sa mga magulang ko. Mabuhay na nakakapagdesisyon ako sa sarili ko na hindi kailangan na palaging nakadepende sa mga magulang ko ay isa sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa mga plano ko. I will do all possible ways para hindi ako mabigo this time, not this time umalis na ako sa puder ng mga magulang ko. Saktong alas kuwarto na ng hapon ng matapos ang ginawa kong business proposal. Matapos kong maisave ang ginawa ko ay napainat ako mula sa pagkakaupo ko sa kutsong nakapatong sa isang kahoy na papag. Itinuro rin sa akin kanina ng landlady kung aling banyo ang puwede kong gamitin sa paliligo kaya naisipan ko na ring maligo pagkatapos kong magcomputer. Pagkakuha ko ng mga damit na pamalit ay sinadya kong ilock muna ang kuwartong inupahan ko for safety na rin dahil nandun lahat ang importante kong gamit. Hindi na ako masyadong nagtagal na maligo dahil bago ako pumasok sa loob ng banyo ay may nakasunod na agad sa akin na gagamit nito. Gamit ang isang maliit na electric fan na ginagamit siguro ng dalawang makakasama ko sa kuwartong iyon ay pinatuyo ko ang hanggang batok kong buhok. Naka tshirt at leggings lang ako at wala naman akong balak na puntahan. Pero ng maisip ko na kailangan ko ring kumain ng hapunan ay nagdesisyon na rin akong lumabas. Isang pouch lang ang dala ko ng umalis ako ng bahay. Buti at may isang fastfood na naligaw malapit lang sa inuupahan ko kaya dun na lang ako nagdesisyon na umorder ng hapunan. May bakante pang space sa parking area kaya hindi naman ako nahirapang isingit ang sedan na gamit ko. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong pinatunog ang lock ng mga pinto ng kotse ko at saka didiretso sa mismong entrance ng fastfood. Wala namang masyadong umoorder kaya hindi ako nagtagal sa pagpila sa counter. Isang piece chicken joy, rice with fries and drinks ang inorder ko, at nagsama din ako ng isang mango pie. Bigla akong natakam sa amoy ng fries na nasa tray na dala ko kaya hindi ko agad napansin ang isang lalakeng nakajacket na muntik ko ng mabangga. Buti na lang at ito na mismo ang umiwas para hindi matapon ang dala ko. “S-sorry…” “It’s okay.” Nakangiting sagot ng lalake sa akin. Para itong nahihiya na hindi mo malaman. Dapat nga at magalit ito sa akin dahil ako ang muntik ng makatapon ng softdrinks sa harapan nito. Ito ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa at bumalik ito sa isang upuan na pinanggalingan nito. Tumayo lang siguro ito para magbanyo. Nagtaka naman ako ng mapansin ko na wala pa itong pagkain sa table nito. Malamang, baka hindi pa umoorder? Sagot ng isip ko. Hanggang sa makabalik ito sa kinauupuan ay hindi na ito nagtangka pang lingunin ako, nagkibit balikat na lang ako. Nagpatuloy ako sa paghanap ng bakanteng table para makakain na ako sa wakas. Nang matapos kong kainin ang mga inorder kong pagkain ay para akong narecharge at nagkaroon ako ng panibagong lakas. Nakalimutan ko na rin kasing kumain ng tanghalian kakagawa ng business proposal na kailangan kong ipakita kay Sir Ezekiel. Habang papunta ako sa parking area kung saan ko iniwan ang kotse ko ay parang may nahagip akong mga mata na nakatingin sa akin. Bigla akong naasiwa kaya walang ano-ano ay napalingon ako sa likod pero wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa isang traffic enforcer na nagtatawid ng mga tao sa kalsada. Baka naman namamalikmata lang ako at pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin pero wala naman pala. Napailing na lang ako pagkatapos at sinaway ang sarili ko na mag-isip ng ibang bagay maliban sa gusto kong matulog ng maaga para may lakas ako kinabukasan sa pagharap sa trabaho at amo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD