Chapter 8

1834 Words
EZEKIEL Hindi mawala ang inis ko habang tinitigan ko ang mga pictures ni Cathlyn na kinuhanan ng isang tao na inutusan ko para magbantay sa kanya. Simula ng maramdaman ko that I really want her in my life, that maybe I love her to the point that I want to see her every day ay pinabantayan ko na ang mga kilos niya. Gusto kong palaging makasiguro na ligtas siya at kahit hindi niya ako kasama ay alam ko ang mga nangyayari sa kanya. At ng malaman ko mula sa taong nagbabantay sa kanya na umalis ito sa bahay ng mga magulang nito at nangupahan sa isang maliit na kuwarto sa Quezon City ay talagang nagpuyos ang galit ko. Paano kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa pag-alis nito sa poder ng mga magulang nito? Matigas talaga ang ulo ni Cathlyn, even her parents can’t suppress her. Agad ko siyang pinatawag sa secretary ko para makausap. I need her out of that place. Kung kailangang pilitin ko siyang lumipat ng ibang lugar na matutuluyan ay gagawin ko huwag lang siyang magtagal sa lugar na iyon. Ilang minuto pa bago ako nakarinig ng ilang katok sa pinto ng opisina ko. I ask her to come in at agad ngang sumilay sa pagbukas ng pinto ang maganda nitong mukha. Hindi halatang nahihirapan ito sa kalagayan nito. “G-good morning po sir.” Bati niya sa akin. I remind silent and just by looking at the vacant chair near my table ay naintindihan nito ang dapat na gawin. Kumilos ito papalapit sa upuan na malapit sa table ko at muli itong nagsalita. “Sir, ito na po ang business proposal na pinapagawa ninyo sa akin.” Ibinaba nito ang isang kulay pulang folder sa harap ng table ko. Saglit ko iyong sinulyapan at saka muling ibinalik ang titig ko sa kanya. Isinandal ko ang katawan ko sa likod ng swivel chair na kinauupuan ko saka ko ibinaba ang cellphone ko isang gilid ng table. I suddenly touched my forehead as if it was giving me pain that time. Dahan-dahan kong binuksan ang folder na kinalalagyan ng business proposal na ginawa ni Cathlyn. I scanned it and surprisingly read some interesting notes on the proposal. Mahilig talaga ito sa art dahil bukod sa ang naisipan nitong iproduce na mga products na puwedeng imarket ay puro tungkol sa mga stuff mga babae ay naka emphasize din sa proposal na ito mismo ang gagawa ng mga design ng sabon, maging ang layout ng label ng mga make-up ay ito pa mismo ang nagplano. “Your proposal is slightly interesting.” Mahina kong sambit sa harap nito. Hindi pa rin nawawala ang inis ko dahil sa nalaman kong pag-alis nito sa bahay ng mga magulang nito. “Thank you po sir.” “I just have some questions regarding the products you’re planning to market. You know, I’ll finance your business and then you’ll do your marketing so our business will be on its top.” Paliwanag ko sa kanya. Ang totoo ay wala naman akong pakielam sa mga gusto nitong gawin sa negosyong itatayo namin. I just want her to be happy by giving her my moral and financial support. Alam kong gustong-gusto nitong patunayan ang sarili nito sa pamilya nito kaso ay wala lang itong makatulong para magawa ang mga bagay na’yun. That’s why I want her to pursue her dreams without telling her how much I adore her every time I see her happy while achieving her dreams. “Ano po ang mga tanong n'yo sir?” halatang kinabahan ito sa sinabi ko. She looks more cute because of that. “How sure na magcli-click ang mga products na gusto mong imarket ng business na itatayo natin?” I seriously asked her. “I believe that the products related to beauty now a days are more interesting to market because being beautiful inside and out is one of the top characteristics that everyone is looking when they meet a person personally.” I nodded in her answer. “How about the ingredients? What are your plans with that?” “Kung papayag po kayo sir ako mismo ang magplaplano kung paano mabubuo ang mga products na immarket natin. May mga kakilala po akong puwedeng makatulong sa atin when it comes to product testing of cometics. Sa mga design naman po or even sa mga gagamiting label ng products ay kaya ko naman pong gawin iyon.” May pagmamalaking sagot ni Cathlyn sa akin. She’s so determined to pursue the business in her mind. “How about the place where we can stast our business? According sa ginawa mong business proposal ay magrerent muna tayo ng isang space while we’re starting our business, tama ba?” “Opo sir, malaki din po kasi ang kailangan nating capital kung magpapatayo agad tayo ng malaking space kung saan puwede tayong mag office at tumaggap ng mga client. Plus, un pong gagamitin pa nating pera for the initialization of the products na imamarket natin.” “Don’t mind the money. Humahap tayo ng isang lugar kung saan puwede tayong magtayo ng isang building, exclusively para lang sa business natin. Then afterwards, pag maayos na ang mga products natin ay targitin naman natin ang market by getting high paid endorser for the products. In that way, magkakaroon na tayo ng access inside and outside the country.” Nakita ko kung paanong ngumiti ang mga mat ani Cathlyn dahil sa sinabi ko. She became an angel in my eyes, smiling and giving me so much butterflies in my stomach every time she’s with me. I so in love with her…fully. “Masaya po ako sir na nagustuhan nyo ang mga naisip kong plano para sa business na sisimulan natin.” “Nangako akong tutulungan kita para mapakita mo sa pamilya mo na hindi lang sa pagtratrabaho mo dito sa agency puwedeng umikot ang mundo mo, and I’ll keep that promise hanggang sa mag succeed tayo sa negosyong gusto mong pasukin.” “Salamat po ng marami sir. Hindi nyo po alam kung gaano ako nagkakaroon ng lakas ng loob dahil sa pagtitiwala nyo sa akin.” Hindi ako agad sumagot sa huli niyang sinabi. Masaya ako para sa kanya dahil unti-unti ay nagkakaroon na ng linaw ang mga gusto niyang mangyari sa buhay niya kasama ako. Pero mas gusto ko siyang makasama at makilala ng matagal kaya naisip ko ang isang bagay na puwede kong gamitin para lalo siyang mapalapit sa akin. “Can we talk about something, Cathlyn?” “Oo naman po sir, tungkol po saan?” “About your family, and you leaving your house.” Napaawang ang mga labi ni Cathlyn sa sinabi ko. Hindi siguro nito inaasahan na malalaman ko ang tungkol sa paglayas nito sa poder ng mga magulang nito. “P-paano nyo po nalaman ang tungkol dun sir?” “Let’s just say that I have my own ways to find out about that. We’re going to be business partners, right? So, I think I have my rights to know everything about you.” Binaling ni Cathlyn ang paningin nito pababa sa mga kamay nitong magkahawak sa ibabaw ng lap nito. Para itong biglang nahiya sa katotohanang nalaman ko tungkol dito sa pamilya nito. “Sarili ko pong desisyon ang pag-alis sa bahay namin sir. Gusto ko lang pong mag focus sa business na gusto nating simulan while I am working here at your agency.” “That’s not the point Cathlyn. Hindi mo ba naisip na delikado ang pag-alis mo sa bahay ng mga magulang mo without even thinking where you can stay?” Katulad kanina ay parang nawalan ng imik si Cathlyn sa sinabi ko. Maybe she realized how hard being alone without her family in just a short period of time. “Kaya ko pong magtiis sir sa kalagayan ko ngayon hanggang sa makahanap ako ng maayos na matitirhan. Gusto ko nga po sana kay Maxine na lang makitira pansamantala kaso lang ay ayoko naman pong makadagdag pa sa intindihin ng kaibigan ko. At saka, kakilala po ng mga magulang ko si Maxine, tiyak na makikibalita pa rin sila ng tungkol sa akin kapag sa kanya ako nakitira. So, I have no choice but to stay in the place where I am currently staying right now.” I gave a deep breath in front of her just to show how I feel disgusted with all her plans. I hate the truth that she’s suffering because of her family. “I have an offer.” “Ano po yun sir?” “Ihahanap kita ng matutuluyan mong bahay or condo if you want, then kapag stable na ang business natin saka mo na lang ako bayaran.” I gave her a little trick so she can think of the offer as soon as possible. “Hindi po ba nakakahiya kung pati ang problema ko sa tirahan ay ikaw pa ang mag-iintindi sir?” Tinitigan ko siya ng mariin saka ko sinagot ang tanong niya sa akin na kung tutuusin ay hindi naman big deal lalo na at ang safety niya ang pinag-uusapan dito. “Don’t mind it. Ayoko lang na kung saan-saan nakikitira ang magiging business partner ko, so I’m doing this.” I can directly in her face that she was really shocked because of my answer. Masasabi ko rin sa kanya ang totoo kong nararamdaman, its just a matter of time, and she will be mine forever. “Kung tatanggapin ko po ang offer nyo, ibig pong sabihin ay talagang susugal na kayo sa business na itatayo nating dalawa? Kasi kung hindi ay hindi ko po kayo mababayaran sir sa magiging utang ko sa inyo.” I want to smile as she insists that we are not still business partners. Hindi ba halatang gusto kong isugal ang lahat ng mayroon ako ngayon just to be with her? “Of course, mangyayari ang pinag-usapan natin. And before that, kailangan muna nating humanap ng malilipatan mo, which is more descent and comfortable so you can do our next step for the lunching of our first business.” “Salamat po sir! Kung alam nyo lang po kung gaano ako kasaya na sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng pagkakataon na ipakilala ang sarili ko sa ibang tao, sabrang saya ko po.” “I’m glad to hear that.” At pinag-usapan nga namin ang paghahanap namin ng puwede nyang lipatan na bahay o condo para hindi na siya bumalik sa lugar na tinitirhan niya ngayon. Pagkatapos ng office hour ay saka kami nagkasundo na umalis ni Cathlyn sa office. Pinaiwanan ko na sa kanya ang kotse nito sa parking area ng building kung nasan ang agency na pagmamay-ari ko. Plano ko na pagkatapos naming tingnan ang isang condo malapit lang dito sa area ay kuhanin na namin ang mga gamit niya sa inuupahan niyang kuwarto sa Q.C. Hindi ko na sya papayagan pang matulog ng kahit isang gabi sa lugar na’yun. And that’s final.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD