CATHLYN
Napapalingon ako sa gawi ni Sir Ezekiel sa tuwing hihinto ang kotse na sinasakyan namin dahil sa traffic. Hindi na ata ako masasanay sa ganitong pakiramdam na parang ang lakas palagi ng kabog ng dibdib ko kapag kausap o kasama ko siya. Hindi mapakali ang puso ko sa mga oras na alam kong malapit lang siya sa tabi ko. Natatakot na tuloy ako sa maaaring kahantungan ng mga nararamdaman kong ito.
At doon biglang sumagi sa isip ko si Anthony. Hindi pa rin nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa gustong mangyari ni Sir Ezekiel habang pinaplano namin ang negosyong napag-usapan naming kanina. Siguro ay tatawagan ko na lang siya mamaya para sabihin kung kailan kami puwedeng magkita at masabi ko sa kanya ang balak kong pakikipaghiwalay sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan namin sa Pasay. Nang lingunin ko ang paligid ay napaawang ang mga labi ko ng makita ko kung anong klaseng condo ang balak na kunin ni Sir Ezekiel sa akin. Oo at babayaran ko naman kung magkano ang aabutin ng condo na kukuhanin niya sa akin pero wala sa isip ko na sa isang sikat na condo unit niya ako dadalhin ngayon.
Napabaling ako sa gawi niya at saka ako alangan na nagtanong sa kanya.
“Sir, dito po ba tayo kukuha ng unit?”
“Yes. May problema ba?” Cool na cool nitong tanong sa akin. Palibhasa ay marami itong pambili ng mga gustuhin nitong bagay, mapa bahay man o sasakyan kaya wala itong kakaba-kaba na pumasok sa ganitong establishment.
“A-hh, eh…hindi po ba mahal dito sir? Baka hindi ko kayang bayaran ang unit na kukuhanin natin dito. Sa iba na lang po siguro tayo tumingin.” Nahihiya kong sa kanya. Nagpakatotoo lang naman ako sa sarili ko na hindi ko talaga kayang bayaran ang isang unit na kukuhanin namin lalo na at sikat na buong Pilipinas ang contructor ng mga condo unit na nasa harapan namin ngayon.
“Don’t worry. Kung magkanu lang ang kaya mong ibayad, its okay. Babayaran ko naman ng cash ang kukuhanin nating unit so hindi ka mag-iisip ng panghulog monthly.” Nagulat na naman ako sa sinabi niya, wala na ata itong hindi kayang gawin kapag sinabi nito. Tila ba wala na rin akong ibang choice na gawin kapag kasama ko siya kung hindi ang sumunod na lang kaysa mag-away pa kami.
Unit-unti kong naiisip kung gaano kasuwerte ang babaeng papakasalan ni Sir Ezekiel pagdating ng panahon. Guwapo, mabait, responsible at nakukuha nito ang anumang naisin nito dahil sa taglay nitong yaman at apelido ng pamilya nito.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na magkasabay kaming naglalakad ni Sir Ezekiel papasok sa malaking building kung saan matatagpuan ang mga unit ng condo na titingnan namin ngayon. Nakalimutan ko ang lahat ng pag-aalinlangan ko ng bumungad sa akin ang napagandang interior ng receiving area ng building. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga chandelier na nakasabit sa ceiling nito na may iba’t-ibang design.
Modern ang lahat ng design na makikita mo sa malawak na kabuuan ng lugar at parang mahihiya kang hindi kumuha ng unit dito once na nakausap ka na ng agent o broker dahil sa ganda ng lugar, sobrang expensive ang bawat bagay na masisilayan mo.
“Good afternoon po sir, how may I help you?” Nagulat na lang ako ng may isang nakaunipormeng babae ang lumapit sa amin at agad na binati si Sir Ezekiel kasunod ang pagbaling sa gawi ko.
“Good afternoon po ma’am.”
Alangan akong ngumiti at binati rin siya.
“Good afternoon.”
“We want a single unit condo.” Lumuwang lalo ang pagkakangiti ng babae ng marinig nito ang sinabi ni Sir Ezekeil. Para itong nakarinig ng magandang balita na pagkakangiti nito.
“Okay po sir, we have different styles of the solo units here if you want, we can check it out so you can decide which one you will get.”
Sa akin naman binaling ang tingin ni Sir Ezekiel at saka ito nagsalita.
“Do you want to see it?”
Napatango na lang ako sa tanong niya at inalalayan niya ako sa siko para muli kaming magkasabay sa paglalakad. Habang nakasakay kami sa elevator papunta sa unit na sinasabi ng agent at patuloy itong nagbibigay ng ilang information para mas lalong makuha ang atensyon namin at tuluyan nga kaming kumuha ng unit. Wala pang limang minuto ay bumukas na ang lift ng elevator kung saan ay naunang lumabas ang agent at inanyayahan kaming sumunod dito.
“Here po sir, ito po ang isa sa maganda at expensive na solo unit namin dito. May mga artista at ilang anak ng mga pulitiko ang nakatira sa ganitong unit kaya masasabi kong most recommended ang ganitong style.”
Napatingin ako sa paligid at talaga namang tinatapan ang mahal ng presyo ng unit na ito sa ganda at pagka elegante nito.
Hindi naman iba sa akin ang ganung hitsura dahil palagi naman akong nakakakita ng mga interior na pang mayaman talaga. Siguro ay hindi lang sumagi sa isip ko na balang araw ay hahanap ako ng ganitong tirahan para sa sarili ko. Oh, mas tamang sabihin na ngayon lang kasi ako ngkalakas ng loob para bumukod sa pamilya ko at ipakita sa kanila na kaya ko ring mabuhay na hindi sila kasama.
It’s been twenty-seven years since I was born, at ngayon lang ako nakawala sa anino ng mga magulang ko. And I’m happy to admit that I finally see myself being an independent woman working for my future.
Nakita ko ring tinitingnan mabuti ni Sir Ezekiel ang kabuuan ng condo. Tahimik lang nitong iniisa-isa ang mga kuwarto, banyo, kitchen pati ang maliit na balcony malapit sa sala ay tiningnan din nito.
Hindi ko rin napigilan na tingnan ang mismong kuwarto ng unit. Isang kulay gray na kuwarto ang bumungad sa paningin ko at isang medium size na kama ang pinakasentro nito. Hindi siya masyadong maliit para sa isang tao, at hindi rin naman sobrang laki. Katamtaman lang ang size nito na hindi naiiba sa kamang ginagamit ko sa bahay namin.
Nang buksan ko ang bintana ay agad na dumampi ang hangin sa balat ko na nanggagaling sa Manila Bay. Kitang-kita ko ang malawak na bay mula sa bintana na kinatatayuan ko ngayon. Isang spot na talagang tambayan sa araw-araw kapag nagmumuni ka at nag-iisip ng maraming bagay sa buhay. Napapikit ako saglit at nagulat ako ng biglang magsalita si Sir Ezekiel sa likod ko.
“Do you want this?” Mayamaya ay tanong niya sa akin. Sabay sa pagtatanong niya sa akin ay ang paglingon din ng agent na kasama namin ngayon. Parang tumigil saglit ang paghinga nito habang hinihintay ang anumang sasabihin ko. Aaminin ko na nagustuhan ko ang lugar na ito. Simple, tahimik at higit sa lahat ay sakto lang para sa isang katulad ko na nag-iisang namumuhay.
“Opo, maganda ang unit na ito. Kaya lang—”
“That’s all I want to hear. Napag-usapan na natin ang tungkol dito Cathlyn.” Paalala niya sa akin at saka nito ipinamulsa ang isa nitong kamay sa pantalon nito at muling hinarap ang agent na naghihintay lang ng confirmation kung kukuhanin ba namin o hindi ang unit na ito.
“Kukuhanin na namin ang unit na ito, if possible, ay malipatan na namin ngayong gabi. I’ll pay it full cash.” Mas lalong nagningning ang mga mata ng agent ng marinig nito ang sinabi ni Sir Ezekiel at mabilis itong nagsalita.
“Okay po sir, we’ll ready all the papers so you can use this unit as soon as possible.” At mabilis nga itong nagpaalam para iayus ang mga papel at naiwan kaming dalawa ni Sir Ezekiel sa loob ng condo. Nang mapansin kong pareho kaming tahimik pagka-alis ng agent ay nagsimula na namang lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko na ito kayang pigilan at kusa na itong nakakaramdam ng pagkabalisa sa tuwing nakikita kong nasa malapit lang siya at nakatitig sa akin. Ano ba tong nangyayari sa akin?
Bigla naman akong napayuko at hindi alam kung ano ang sasabihin habang kaming dalawa lang at ito na ang bumasag ng katahimikan sa paligid namin.
“About your boyfriend, have you talked to him?” Seryoso nitong tanong sa akin na ikinaangat ng mukha ko dahilan kung bakit nagsalubong ang mga mata namin.
“Ammmmm, h-hindi ko pa po siya nakakausap sir dahil sa busy sched ko. But don’t worry, kakausapin ko po siya once na makalipat na ako dito.”
Halatang hindi nito gusto ang narinig mula sa akin at kumunot ang mga kilay nito na kulang na lang ay mag-abot ang mga ito. Napatayo tuloy ako ng tuwid dahil sa takot na baka magalit siya sa akin dahil sa hindi ko pa nagagawa ang pinag-usapan namin tungkol kay Anthony.
“Talk to him right away. Pagkakuha natin ng gamit mo ay sabihin mong mag-uusap kayong dalawa. Ako mismo ang maghahatid sayo kung saan man kayo mag-uusap na dalawa, just to make sure na susunod ka sa usapan natin.” May halong pagbabantang sabi niya sa akin kaya natahimik na lang ako at nawalan ng kibo. Wala na talaga akong kawala ngayon, lalo na at tinulungan niya akong makahanap ng desenteng matutuluyan. At susunod naman ay ang pagtatayo namin ng negosyong dalawa ang magiging tulong niya sa akin.
Mula sa handbag na dala ko ay kinuha ko ang cellphone na ginagamit ko. Saglit kong hinanap ang number ni Anthony at bago ko ito tawagan ay tiningnan ko muna si Sir Ezekiel na naghihintay ng susunod kong gagawin.
“Call him.” Muli ay utos niya sa akin.
Kinakabahan man ay sinunod ko pa rin ang gusto niya at saka ko tinawagan si Anthony. Naka tatlong ring bago nito sinagot ang tawag ko. Kahit na kausap ko siya ay nanatiling nasa gawi ni Sir Ezekiel ang paningin ko. Ang buong akala ko ay lalayo ito para makausap ko ng personal si Anthony pero hindi iyon ang nangyari.
Hindi niya ako iniwan at sa halip ay nakipagtitigan pa ito sa akin habang kausap si Anthony na mas lalong nagpakaba sa akin.
“Anthony.”
“Yes honey.” Sagot nito sa kabilang linya, hindi ko na tinangka pang iloud speaker ang tawagan namin at sobra-sobrang hiya na ang nangyayari sa akin ngayon.
“Puwede ba tayong magkita?”
“What for honey? May pictorial kami dito sa Makati.”
"M-may importante lang sana akong sasabihin sayo, kahit ako na lang ang magpunta d'yan para makausap ka.” Paglilinaw ko. Gusto ko na ring matapos ang lahat sa amin total at hindi naman ganun ka special ang mga nangyayari sa relasyon naming dalawa, idagdag pa na napilitan lang akong sagutin siya para lubayan na ako ng mga magulang ko sa mga nirereto ng mga ito kung sino-sinong anak ng mga kakilala nito.
“Okay then, I’ll wait for you. Just call or text when you get here.” Sabi ni Anthony na parang casual lang dito ang mga nangyayari.
"Okay sige, tatawag na lang ako mamaya.” At sunod kong pinindot ang end button ng tawag at muling tiningnan ang reaksyon ni Sir Ezekiel. Hindi katulad kanina ay umayos na ang pagkakakunot ng mga kilay nito at hindi na nagsalita pagkatapos. I bet, tuwang-tuwa ito na napasunod na naman niya ako sa mga kagustuhan nito na para bang may relasyon kaming dalawa at ito ang masusunod sa tuwing kailangang magdesisyon. Napabuntonghininga na lang ako sa mga bagay na’yun.