NAKAUPO NA KAMI ngayon sa buhangin habang nakapalibot kami sa Bonfire. May drinks at snacks na rin kami na hinanda ni Mang Intong. "Sama na kayo dito sa 'min, Manong.." aya namin kay Manong. "Naku! Samalat pero kailangan ko ng magpahinga. Masyado akong naging abala kanina kaya't ito pagod.." aniya. Buhay na buhay pa ang beach. May mga kagaya namin na grupo na nagsindi rin ng Bonfire, mero'n din naman nag-set ng mga tent. Hindi kalayuan ay may malalapit na Club at Resto bar na parang doon palang magsisimula ang araw nila. Itinukod ko sa likod ko ang mga kamay at lumiyad. Relaxing.. Ngayo ay balik na ako sa usual na suot ko. Mas comportable sa katawan. Kanina ay halos hindi na ako lumabas ng hotel room namin dahil sa suot kong two-piece bikini na sobrang revealing. Masyadong makipot a

