PROLOGUE
MAUSOK AT MAINGAY ang paligid. Itinakip ko ang itim na panyo sa ilong ko.
Ngayon ay hindi kami naka-suit dahil night out namin ngayon. Nakasuot kami ng pang-alis. Ako ay naka gray hoodie, sa loob naman ay naka gray t-shirt din ako. Naka black reap jeans ako na pinarisan ko ng black rubber shoes.
"Ano ba 'to? Nagsisiga ba sila rito?" irita kong tanong sa mga kasama ko.
Ngumiwi si Ethyl, "Ano ba 'yan, girl! Ngayon ka lang ba nakapunta ng bar?"
"Ganito talaga dito!" anang ni Tommy.
"Relax ka nga d'yan.. Enjoyin mo nalang ang paligid.." ani ni Kenneth.
"Mas maganda pa sa bahay.." mahinang sabi ko.
Hindi nila narinig 'yon dahil malakas ang tugtog dito sa loob ng bar. Ayaw ko 'man sumama ay napilit nila ako lalo na't agad-agad pumayag ang mga magulang ko.
"Puro ka nalang work, 'nak.. chill-chill din pag may time.." Ayan lagi nilang litanya sa 'kin.
Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa
sofa na kinauupuan namin. Sampu kami ngayon dito, magkakatrabaho kaming lahat. Ngayon lang din ako nakalabas ng gabi at dito pa sa bar.
Dumilat ako at muling pinagmasdan ang paligid. Napangiwi ako sa mga nakikita ko. Making-out. Hindi ba sila nahihiya? Parang mag-a-ano na sila rito, ah.
Mas umingay ang sounds ng bar kaya naghiyawan ang mga tao maging 'tong mga kasama ko.
"Let's dance!" ani Berlyn at tumayo kasabay ng mga babae kong katrabaho.
"Ano, Tin-Tin? Upo ka lang dyan? Tara!" April said, hinawakan niya 'yong palapulsuhan ko at hinatak ako para tumayo.
"Let's go!" hiyaw nila sabay hatak sa 'kin.
Walang gana naman akong nagpahatak. Sumiksik sila sa mga taong nagsasayaw sa dance floor hanggang sa makarating kami sa bandang gitna.
Binitawan na niya ako saka sila sumayaw, nagtatatalon pa at sumisigaw. Napalukot ang mukha ko nang pagmasdan ko ang mga katrabaho kong nakikipag gilingan sa mga lalaking nasa dance floor.
Umiling ako at tatalikuran na sana sila ng maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko na nagpatigil sa pagtalikod ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Ramdam ko sa aking likod kung ga'no katigas ang mga muscles niya sa katawan. Tinignan ko 'yong mga braso sa bewang ko. Malaki at medyo mabalahibo.
Unggoy ba 'to?
Sumasayaw siya sa likod ko kaya nanlaki ang mata ko at nanigas sa kinakatayuan nang may maramdaman sa pang-upo ko.
"Come one, sexy, grind those beautiful ass of yours to me.." bulong niya gamit ang makapanindig balahibong boses.
Maging 'yong boses niya ang borito at lalaking-lalaki.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya kahit na nakapulupot pa din ang mga braso niya sa 'kin.
Tumambad sa 'kin ang gwapong nakangising lalaki. Mapupungay ang mala dagat ang kulay ng mata. Napanganga ako sa kagwapuhan niya. First time kong makakita ng sobrang gwapong lalaki!
Para siyang si superman o kaya Greek-God—
Natigilan ako sa pagkamangha nang maramdaman ko ang dalawang palad sa pwetan ko and he gently squeezing it.
"You have a nice ass, sexy.." namamaos nitong turan at muling pinisil ang pang-upo na may kadiinan.
Ang kaninang pagkamanghang mukha ko ay biglang napalitan ng sama nang tingin sa lalaking kaharap ko. Umusok bigla ang ulo ko sa pagkainis.
Tang-ina mo!
Nakakalokong ngisi ang ibinigay ko sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi. Hinawakan ko ang balikat niya at sa isang iglap lang ay mabilis kong itinaas ang kanang tuhod ko at tinarget ang kanyang hinaharap.
"f**k!" hiyaw niya.
Yumuko siya at ang isang kamay ay nasa harapan niya habang ang isang braso niya ay nasa bewang ko pa rin.
Kinuha ko 'yon at inilagay sa balikat at buong pwersa ko siyang iniangat upang ibalibag sa kabilang bahagi ng dance floor.
"AAAAHHHHH—F-f**k!" daing niya.
"KING INA MO! BASTOS!" sabi ko dito at dinuro-duro.
Ngayon ko lang napansin na wala ng sounds, walang ng ingay at ang mga taong nanonood sa'min ang nasaksihan ko.
Lahat sila ay gulat maging mga kasama ko.
"ZAC!" may lumapit do'n sa lalaki at tinulungan tumayo.
"Tin!" Lumapit sa'kin lahat ng mga katrabaho ko.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" gulat na tanong ni Berlyn.
"Tss. Bastos, eh!" sabi ko.
Nakatayo na 'yong lalaki at sinamaan ako nang tingin.
"Who do you think you are para gawin sa'kin 'yon— f**k!" dumaing siya muli sabay hawak sa harapan niya.
"Ako? Ako pa tinatanong mo niyan, huh? Dapat ako ang magtanong sayo!" sigaw ko, dinuro ko siya, "Sino ka sa tingin mo para manyakin ako, ha?"
Hindi siya makapaniwalang tinignan ako. I heard everyone gasped even my co-workers.
Nakabawi siya at muling ngumisi, "Swerte mo nga kasi ako pa ang lumapit, 'ypng mga babae sila pa mismo nag papamanyak sa'kin—"
Mabilis akong nakalapit sa kanya at mabilis na sinapak ang mukha. Medyo nahirapan pa ako dahil ang tangkad niya!
"GAGO!" sigaw ko sa mukha niya.
Hindi ko na siya hinintay mag react at tinalikuran ko na siya— sila. Agad akong dumeretso sa labas ng bar at dumeretso sa MIO sporty ko.
"Celestine!" Tawag ng mga kasama ko.
Nakakunot ang noo kong nilingon sila.
"What happen ba?" tanong ni April.
"Tss. Bukas na.. pagod na ako." sabi ko.
Napagod ako sa pagbalibag do'n sa lalaki— ang laki, eh!
Sinuot ko ang helmet ko. Bumusina muna ako bago ko sila layasan.
First time magpunta sa bar, namanyakan agad. tss.