Chapter One: Celestine

3025 Words
PAGKAPASOK KO SA BAHAY ay naabutan ko sina Mama at Papa na nanonood ng t.v sa sala. Napa-angat sila nang tingin sa 'kin, "Oh? bakit ang aga mo bumalik?" takang tanong ni Mama. Umupo ako sa nag-iisang single sofa namin, "Nabadtrip ako." sagot ko. "Bakit naman?" tanong ni Papa. Bumuntong hininga ako, "May nangbastos sa 'kin na lalaki.. gwapo sana kaso manyak!" asik ko. Nanliit mata sa 'kin ni papa, "Syempre may ginawa ka do'n?" aniya habang nagtataas pa ang dalawang kilay. Ganyan tatay ko lagi kapag may masamang nangyari at alam niyang nakaganti kami ay nanliliit ang mata niya. Imbes mabadtrip pa ako sa nangyari kanina ay natawa nalang ako dahil kay Papa. Kinwento ko sa kanila ang nangyari at paano ako gumanti. "Naku! Okay 'yang ginawa mo, 'nak! Mali ata binangga niya—" anang ni Papa pero pinutol ni Mama. "Anong binangga? Minanyak kamo!" saad naman ni mama, "Okay 'yan, 'nak, nang matauhan 'yong lalaking 'yon!!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga magulang ko. Ayaw nila talagang inaagrabyado kaming magka-kapatid. Naalala ko ng highschool ako nang ipatawag silang dalawa dahil sa nasapak kong classmate na lalaki paano ba naman at namuro na sa 'kin dahil lagi akong pinagti-tripan at umabot na ngang pinatid ako at binuhusan ng softdrinks sa damit. Wala akong nagawa kung hindi ay sapakin siya kaya nakatulog siya no'n. Mabuti nalang at maraming nakasaksi sa pang ti-trip niya sa 'kin kaya hindi ako 'yong naparusahan. Pumunta na ako ng kwarto ko para magpalit. Lumabas uli ako para magpunta ng banyo upang maghilamos at toothbrush na rin. Napatitig ako sa salamin namin sa banyo matapos kong maghilamos at naalala 'yong nanghipo sa 'kin. "Gwapo nga, manyak naman." napailing-iling ako. Nagkamali talaga 'yong lalaki na 'yon sa paghipo. Hindi lahat ng babae ay papayag nalang nang gano'n-gano'n na lang! Hindi por que gwapo siya ay basta-basta nalang siya manghihipo ng pang-upo. Naalala ko kung gaano katigas ang muscles nito sa katawan nang yakapin ako no'n mula sa likod. Pero kahit gano'n ay hindi ko maiwasang kilabutan ng maalala 'yong pagpisil niya sa pang-upo ko. "Mabuti nalang natuhuran ko.." saad ko bago lumabas ng banyo at nagtungo na ng kwarto. NINE AM ay bihis na bihis na ako, from may black suit to my white rubber shoes, Ten-thirty pa naman ang call time namin pero kailangan namin maaga ngayon sa kadahilanang may importante daw sasabihin sa 'kin. Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso na sa kusina. Naabutan ko ang dalawa kong magkambal na kapatid, si Carlo at Carla na parehong nasa kolehiyo na, nasa second year na sila at parehong kumukuha ng BS.I.T. Nandoon din sina mama at si papa na naghahanda ng iihawing barbeque at mga laman loob ng manok. "Good morning, big sister!" anang ng kapatid kong si Carlo habang kumakain ng almusal. Tumabi ako sa kanya dito sa bilog naming lamesa, sa kabila si Carla. "Huwag kayong gagala pag-uwi, ah." paalala ko. Hindi naman ako nanumbat pero ako kasi ang nagpapaaral sa dalawa kong kapatid at ang kapalit lang no'n ay h'wag silang maglalakwatsa at mag-aaral lang ng mabuti. "Noted, Ate!" sumaludo pa siya kaya napailing nalang ako. "Ang aga mo naman ata?" puna ni Mama sa'kin, Nag-angat ako nang tingin mula sa kinakain kong almusal, "Opo, 'Ma, May meeting kami ngayon, may bago ata kaming client.." After namin kumain at syempre nagtoothbrush ay sabay-sabay kaming umalis. "Alis na kami, 'ma, 'pa!" sigaw ko. "Ingat kayo!" balik sigaw ng magulang namin na busy ngayon sa paghahanda ng paninda. May sari-sari store kami at ihawan. Tanghali nagbubukas sina papa dahil naghahanda pa sila ng ihaw tsaka 'yong mga pinamalengkeng ititinda sa sari-sari store namin. Binalingan ko si Botchok, 'yong dalawang taong gulang or 14 years old naming aso na kulay kape na Labrador. Babae 'to pero ang sarap kasing tawagin ng botchok dahil ang taba niya at ito lang ata ang aso na binabantayan, hindi pwedeng iwan. "Behave ka dito. Kunin mo 'yong tali mo tapos dalin mo kay Papa or Mama kapag na ji-jingle ka o najejerbs, okay?" sabi ko habang hinahapolos ang ulo nito. Nilabas lang niya ang dila at nagwiggle lang ang buntot nito. Hindi ko alam kung paano natuto ito pero alam niya na papagalitan siya kapag naihi o napupu siya dito sa loob ng bahay. "Bye, botchok baby namin!" paalam ni Carla at hinalikan pa ang ulo. "Bye, princess— AYY!" si Carlo naman na kinurot ang balat ng nguso ni Botchok kaya hinabol ang kamay niya para sakamalin pero hindi naman diniin 'yong kagat. Napahagalpak kami ng tawa dahil sa gulat ni Carlo. "Gago ka kasi alam mo namang ayaw niya ng ganyan.." napailing-iling pa di Carla. "Bad! Bakit mo ako minumura?" nakasimangot ang mukha ni Carlo, "Kuya mo ako! dapat hindi mo ako minimura—" "Gago! Dalawang minuto ka lang naman matanda sa'kin!" humagalpak ng tawa si Carla. Napailing nalang ako sa pag-aasaran ng mga kapatid ko. Kung sa pikunan, talo na si Carlo, sa asaran panalo si Carla dito. "Ingat kayo, ah?" saad ko sa dalawang kapatid kong sasakay na sa tricycle. "Ikaw rin, 'te.. Bye!" at umalis na sila. Ako naman ay sinuot ko na ang helmet ko at pinaandar ko na ang motor ko papunta sa office namin. Kahit traffic ay hindi naman ako na late dahil sumisingit lang ako sa mga kotseng nakahinto dahil sa traffic. Perks of being a motorcycle rider. Pero syempre dapat ingat din sa pagmamaneho ng motor kasi mas agaw disgrasya ang motor kesa sa kotse. Binusinahan ko ang guard na nagbabantay sa basement nitong building at sumaludo naman siya sa 'kin. "Good morning, ma'am!" Aniya ng madaanan ko siya, tinanguan ko lang siya. Pagkapark ko ng motor at pagtanggal ko ng helmet ay agad na akong dumeretso sa hagdanan patungo sa lobby ng Elite Security Company na pinagtatrabahuhan. Isa akong bodyguard dito— hindi lang kami basta-bastang body guard ng kung sino-sino lang, tanging mayayaman o kilalang tao ang mga client namin. Agad ako nag log-in at dumeretso na sa elevator at nagtungo sa 8th floor kung saan ang opisina ng pinuno ng ELC at kung saan din kami nagtitipon-tipon. Pagdating ko sa ikawalong palapag ay agad akong dumerteso sa conference room namin. Naabutan ko ang mga kasama ko sa Team. "Good morning, Miss Tin-tin!" Kanya-kanya silang bumati sa'kin na tinanguan ko lang sila. "Bakit daw tayo pinatawag ng maaga?" tanong ko nang makaupo. Umiling silang lahat, "No idea." anang ni Tommy, isa sa team ko. Ilang sandali lang ay pumasok na ang Boss namin na si Mister Wilzon. May katandaan na rin 'to si Mister Wilzon at mabait sa lahat ng empleyado saka maganda magpasahod. "Good morning." aniya at umupo na sa pinakadulong upuan ng conference table namin dito. "We have a new client." panimula ni mr. Wilzon. "Nanganganib po ba ang buhay rin niya?" Kuryosong tanong ni Ethyl Salaz, babaeng ka-team ko. Umiling si mr. Wilzon, "Nope.. iba 'to sa mga naging client natin. He just want to have bodyguards around him." Napangunot ang noo ko. Sobrang yaman ba no'n para maglagay ng body guard kahit hindi man lang mapanganib ang buhay niya? Don't get me wrong, ah? Pero talagang dapat billion ang pera ng client namin para ma-avail nila ang serbisyo namin. Hindi sa pagmamalaki rin, magagaling kaming magserbisyo, mas magaling pa sa mga pulis. Kaya nga dapat billionaire ang client namin dahil hindi nila pagsisisihan na kami ang pinili nila. "Ilang buwan naman po kami magiging bodyguard niya?" tanong ni Sonny Salaz, kambal ni Ethyl. "One year.." sagot ni Mister Wilzon. Namilog ang mata namin dahil sa sinabi niya. 1 Year? Anbilibabol! "Ang tagal naman no'n, boss.." pagaapela ko, "I mean, paano 'yong iba na gusto rin serbisyon namin at mas malaki magbayad?" "We have other teams right? And besides ito lang ang client natin na magbabayad ng ten million every month basta makuha lang serbisyo niyo.." nakangiting turan ni Boss. Namilog naman ang mga mata namin. Ang laki no'n! Wala pang client namin na gano'n kalaki binayad, usually mga nasa 4 to 5 million lang. "Gano'n na ba siya ka-bored sa life niya para gumastos ng gano'n kalaking pera para lang magkaroon ng bodyguards? Wow.." hindi makapaniwalang saad ni Bong. "Hindi ko rin alam. Sabi pa niya gusto lang niya daw maka-experience na may babaeng body guards.." napailng-ilang pa si mr. Wilzon, "Bata pa 'yon malamang sawa na sa mga babaeng nakakasalamuha, he looks like a womanizer.." "Naku! Subukan niya lang manyakin 'tong mga babae natin, makakatikim siya— Aray!" Anang ni Jun na binatuham ni Raquel. "Anong akala mo sa'min hindi nakakalaban? Baka gusto mong ikaw unahin kong bugbugin d'yan!" saad ni Raquel at nag-asaran na sila ni Jun. Napailing nalang. Muli akong bumaling kay Boss, "Kailan po namin siya makikilala?" tanong ko. Tumingin si Boss sa wrist watch niya, "Ngayong araw na 'to.. actually kanina ay nagtext siyang papunta na, mamaya nandito na 'yon—" Naputol ang sasabihin ni mr. Wilzon nang makarinig kami ng katok doon sa pinto, bumukas 'yon at sumilip ang secretary ni Boss. "Sir, Mister Adams is already here.." aniya. "Papasukin mo na siya.." anang ni Boss na tumayo na kaya nagsipagtayuan na rin kami. Inabangan namin ang pumasok habang may ngiti sa labi pero nawala ang ngiti ng pumasok ang mapagsino 'yon. 'Y-Yong lalaking nagmanyak sa'kin kagabi! Parang nag-slow motion ang pagpasok niya maging ang pag-angat ng gwapong mukha para pagmasdan kaming lahat. Huminto 'yon sa'kin at unti-unti nag-angat ang gilid ng labi niyang may pasa. "Mister Adams.. It's nice to meet you." anang ni Boss. Naputol lang pagtitig sa 'kin ng lalaki at bumaling kay Mr. Wilzon at nakipagkamay sa kanya. "Tin, diba siya yung kagabi?" tanong ni Berlyn na nasa likod ko. "Oo.. Paano niya nalaman 'tong company?" mahinang tanong ko. "Tingin ko si Kenneth nagbigay kagabi ng card.." aniya at hindi na ako sumagot. Bubugbugin ko 'tong si Kenneth. Pinanood lang namin na mag-usap si Mr. Wilzon at ang tinawag nitong Mr. Adams. Maya't maya niya kami— ako binabalingan ng tingin at kinikinditan. "Naku, ingat ka d'yan, Miss Celestine.." mahinang saad ni Tommy. Tch. Ako pa ba? Nagawa ko siyang balibagin, magagawa ko rin 'yon kapag may ginawa siya uling hindi maganda. "Okay, Mister Zachary, I would like you to meet our best team here in ELC, the Team Strong.." pakilala sa'min ni Boss. Ayaw ko sana makiyukod kaso hindi pwede 'yom dahil client na'min 'to at pasamantalang magiging amo namin sa loob ng isang taon. "Good morning.." sabay-sabay naming bati. Tinignan niya kami isa-isa habang may naglalarong ngiti sa labi hanggang sa huminto ang paningin niya sa'kin at mas ikinalawak nang ngiti niya. "We meet again.." aniya. Gusto ko sanang samaan nang tingin pero kasama pa namin si Boss at baka tanggalin ako nito. Nagtatakang nagpapalit-palit ng tingin sa'min si Boss, "Magkakilala kayo?" Sinagot niya si boss pero sa'kin pa din siya nakatingin, "Not really.." aniya at mas ikinalawak ng ngisi niya. Ang gwapo nito pero mapang-asar naman! "Okay. By the way this is Celestine Ocampo, their Team Captain." pakilala sa'kin ni boss. "Nice name, Miss Celestine.." aniya at inalok ang kanyang kamay. Tinitigan ko 'yon, ayoko sana makipagkamay pero hindi pwedeng maging rude sa kanya lalo na't client pa. Nakipag kamay ako sakanya at halos mapatalon ako ng pisilin niya 'yon ng marahan, nabitawan ko ang kamay niya agad. "Sasamahan niyo na siya sa opisina niya." saad ni boss. Gulat kaming napatingin sa kanya, "Agad-agad, boss?" gulat kong tanong at binalingan si Mr. Zachary. "Yup.. actually kayong sampo lang ang kailangan, yung ibang ka-team niyo ilalagay ko muna sa ibang client.." saad ni Boss at muling bumaling kay Mr. Zachary, "You will never disappointed on my team, Zachary. Makakaasa kang sulit ang binayad mo sa'min." "Yeah.." aniya at bumaling na naman sa 'kin, "Magiging sulit talaga.." at sabay ngiti niya. Bakit parang ang sarap dagdagan ng pasa niya sa gwapong mukha? Nagbigay pa ng instructions si Mr. Wilzon tungkol sa magiging schedule namin dahil kasama sa contract na si Mr. Zachary ang gagawa ng schedule namin. Binalingan ko si Mr. Zachary na mataman na nakatingin sa.. Pang-upo ko! Bahagya ako humarap sa kanya kaya nag-angat siya nang tingin sa'kin, "I like your ass.." he mouthed then he smiled sweetly. Napanganga ako dahil sa tinuran niya. Kumindat siya bago naunang lumabas sa'min at sumunod ang mga kasama ko. "Miss Ocampo.." pukaw sa'kin ng boss ko kaya binalingan ko siya, "Follow his orders and if something happens, I'm one call away, okay?" aniya na ikinatango. Sabay kaming lumabas ni Boss mula sa conference room at naabutan namin nakatayo sa magkaparehong gilid ng visitor's chaire ang mga kasama ko habang yung gwapong manyak kampanteng nakaupo doon. Muli silang nagkamayan ni Mr. Wilzon bago naunang umalis si Boss. "So.. let's go?" aniya at tumayo at naglakad papuntang elevator. Agad naman pinindot ni Kenneth ang elevator para bumukas yun at naunang pumasok si Mr. Zachary bago kami sumunod at ako ang huling pumasok. Sa basement kami nagtungo lahat dahil dun nakaparada ang sasakyan ni Mr. Zachary at ang mga gamit naming motor at sasakyan ng iba. "Miss Ocampo." tawag sa'kin ni Mr. Zachary. Poker face kong binalingan ang nakangiting mukha ng gwapong manyak na nagngangalang Mr. Zachary. "Yes, Sir?" sagot ko. "Hmm.. Doon ka sa'kin sasabay.." aniya habang may naglalarong ngisi sa labi. Napangiwi ako at itinaas ang susi ng motor ko, "No need, sir. I have my motor with me, magconvoy nalang ho kami sa inyo.." magalang kong saad kahit na ramdam na randam ko na ang pagkainis. Binalingan niya ang mga kasama ko, "Sino sa inyo makikisakay lang?" tanong niya. Nagtaas ng kamay si Jun, "Ako po." Ngumisi siya at hinablot ang susi ng motor ko. "H-Hoy!" suway ko pero initsa niya yun kay Jun. "Use her motor, then.." aniya at binalingan ako, "I'm your boss now, you need to follow my orders. Sasakay ka sa kotse ko.." at tinalikuran na niya ako at nagpunta sa kotse nito. Napatanga naman ako dahil sa kanyang sinabi. Nilingon ko ang mga kasama ko. "Naku, ingat Miss Tin-tin.." anila at nagkanya-kanyang sakay na. Napabuntong hininga nalang ako at sinundan nalang si Mr. Zachary na sumakay sa driver's seat kaya sa passenger seat ako sumakay. Gusto kong hilamusakin ang gwapong mukha nito para lang matanggal ang ngisi niya! "Finally.." aniya at binalingan ako, "Saw your sexy ass again.." saad niya at binuhay na ang kotse. Napatanga naman akong napabaling sa kanya, "A-Ano?" gulat kong tanong. Imbes na sagutin ako ay tinititigan niya lang ako ng malagkit habang kagat labi pa. Hindi makapaniwalang tinitigan lang siya. Natatawang bumaling siya sa harap at pinausad ang sasakyan. Napabuga ako ng hangin. "You're too gorgeous for a bodyguard.." aniya pero hindi ko siya kinibo. "And you really have a nice ass.. damn.." Nagtiim bagang ako. Kanina pa ako naiinis sa ungoy na 'to, ah! Gwapo na manyak wala pang hiya! Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya? "You know, last night, I saw you on the dance floor and I noticed how really nice your ass from the distance and no'ng malapitan na at nahawakan ko, fùck! I almost c*m—" Hindi ko na napigilan dahil sa inis ko ay mabilis ko inilagay ang kaliwang paa ko sa apakan niya at hinawakan ang manibela. Walang sabi-sabing kinabig ko pa-kanan sa gilid ng kalsada at mariing tinapakan ang break ng kotse. Narinig ko pa ang mga bosina sa likod ko dahil sa biglaan kong pagliko. "What tha fùck you were doing?!" asik nitong gwapong manyak. "Huwag mo akong ma-what-what d'yan!" bulyaw ko sa kanya. Agad kong binuksan ang pinto at lumabas ng kotse niya. Sa likod ay nakita kong huminto ang mga kasama ko. "Miss Celestine, saan ka pupunta?" tanong ng mga kasama ko. Hindi ko sila pinansin at naglakad lang ako pabalik ng building dahil hindi pa naman kami gaanong nakakalayo. Pupuntahan ko si Mr. Wilzon para sabihin na ibang team nalang ang ilagay niya. Hahakbang nasa na ako nang may humablot sa'kin at walang pasabeng ipinatong ako sa balikat niya na para bang sako! "H-HOY! BABA MO AKO!!" sigaw ko at hinampas ang likod niya. "OUCH! Stop it, will you—ARAY!" anang ng manyak na nagngangalang Mr. Zachary. "IBABA MO AKO SABI, EH!" muli kong hinampas siya nang hinampas pero this time ay sa pang-upo niya na medyo matambok. Really, Tin? "Woah! Woah! May pagnanasa ka rin pala sa pwet ko?" natatawang tanong niya at pinalo ang pang upo ko. "B-BASTOS KAAA!" sigaw ko. Nakita ko ang mga kasama kong napanganga sa'min at hindi makapaniwala sa nakikita. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at inialagay niya ako sa kinauupuan ko kanina. Sinara niya ang pinto, akmang bubuksan ko 'yon ng tumunog ang lock ng kotse at hindi ko na mabuksan ang pinto. Pumasok siya sa driver's seat, "You can't escape from me." aniya habang may matagumpay na ngisi sa labi. Pinausad niya uli ang sasakyan. "Mawalang galang, ah— pero anong trip mo, ha?" asik ko. "Trip ko?" tanong niya at kunwaring nag-isip, "I liked your ass.." aniya. Napapikit ako ng mariin at pinisila ang nose bridge ko sa inis. "Alam mo bang kamanyakan 'yang ginagawa mo?!" galit kong tanong. Ngumuso siya at umiling, "Nope. Hindi kamanyakan 'tong ginagawa ko. I just admire how beautiful your ass.. that's all.." aniya. Jusko po! Mauubusan ata ako ng pasensya dito! Baka hindi pa ako makapagtrabaho ng maayos! Huminga ako ng malalim, "Gusto mo ba?" tanong ko. Lumiwanag ang mukha niya at halatang hindi makapaniwala sa tinanong ko, "Yes! I want to—" "Gusto mong balibagin kita uli at basagin ang dapat basagin sa'yo?! Tangina! Wala akong pake kung boss kita!" bulyaw ko. Natigilan siya pero kapagkuwan ay mayabang na ngumisi, "You can't do that.. I read your company rules and regulations. It's says that the bodyguard can't hurt their client unless kung sinaktan ka ng physical.. hindi naman kita sinaktan— I just smacked your sexy ass and that's all, hindi naman masakit 'yon.." Hindi na ako sumagot. Inis akong bumaling sa labas ng bintana! Narinig ko ang pagtawa niya na parang nanalo. May araw ka rin— gwapong manyak! **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD